"Thanks for accompanying me. Bye!" Nakangiting paalam ni Tamara kay Casen. Unang beses iyon na inihatid siya ng lalaki. Sign ba iyon na lumalambot na ang puso nito para sa kaniya? She can't keep her smile in her head.
"Wait." Agad siyang bumaling kay Casen nang tawagin nito.
"May bilin ka pa father?"
"Pwede bang itigil mo yan."
"Okay sorry. Anong sasabihin mo? "
"Mag-ingat ka sa pag-uwi. Bilang isang responsableng mamamayan ng bansa, pinaaalalahanan lang kita."
This cute tsundere.
"Ba't 'di mo na lang kaya ako sunduin kung nag-aalala ka?"
He has this uncanny ability to make her heart skip a beat. While he was merely being nice to her, she was growing deeply in love with him. How sad her life is. She's practically living with this little moments.
Paano ba ako makakatawid sa puso mo? Tanong ng kaniyang isip habang tinitigan ang may kasalanan ng kaniyang pag-eemote.
"Why would I? I'm not your driver. Nag-aalala lang ako sa mga makakasalubong mo sa kalye. Mag-ingat sana sila. 'Yon lang, alis na 'ko."
"Can I ask you a question?" Patalikod na sana ito ng tanungin niya.
"What?"
"Will you be my boyfriend?" lakas loob niyang sabi. She should step up her game, right?
He made a smug expression, as if her words were a joke to him.
"Do you like me?"
She smirked.
"Maybe..."
After she summoned the bravery to say that, she immediately drew the door open and went inside the cafe with a quivering heart
I'm crazy...
Napahawak na lang siya sa kumakabog na dibdib. Matapang siya pero tinatablan rin pala siya ng hiya. Pakiramdam niya ay nanghina bigla ang mga tuhod.
Palihim na sinilip niya kung nasa labas pa rin si Casen.
Why is he still here?
Nagtago siya sa likod ng chalkboard standee para hindi makita nito.
"Anong ginagawa mo?" Halos tumalon palabas ang puso niya nang magsalita sa kanyang tabi ang kasamahan sa trabaho. Dumungaw rin ito sa labas.
"Boyfriend mo?"
"No..." Nang umalis na si Casen ay umayos na siya ng tayo at iniipod pabalik ang standee.
"Nagpi-film ba kayo ng drama? Para kang si girl na bidang babae na may ginawang kahihiyan kay boy na bidang lalaki kaya mo siya pinagtataguan."
Napailing na lang siya sa matinding imahinasyon ni Sofy sabay kuha ng basahan sa kamay nito.
"Puwede ka ng scriptwriter," komento niya at nagsimula ng magtrabaho. Umupo naman sa kabilang table ang kaibigan.
"Ngayon lang kita nakitang sumilip sa labas, madalas ikaw ang sinisilip dito sa loob. So anong status niyo?" Tumigil siya sa ginagawa at tiningan ito.
"Marites, ikaw ba 'yan?"
"Karen, kailangan ko ng news feed. Kaya sige na, spill the beans. Sino ba siya sa buhay mo?"
"We know each other for a long time. That's it."
"Childhood friends to lovers?"
"Friends?" Natawa siya.
Masaya sana kung gano'n nga ang sitwasyon nila ang kaso wala sila sa k-drama. It's a true to life story without a definite ending. And romance is not the genre. It's thriller.
"I'm sure, he regards me as his enemy."
"Sa ganda at bait ng kaibigan ko, hindi siya crush ng crush niya? Bulag ba ang isang 'yon?"
"Tama ka diyan. Feeling ko nga bulag siya. Kaibigan talaga kita."
"Joke lang 'yong mabait, ganda lang ang mayro'n ka." Hinampas niya ito ng pamunas.
"So anong plano mo? Magpaka-damsel in distress sa nilulumot mong pagsinta? Not so you, Tamara."
"Mukha ba akong haggard? Wala 'yan sa bokabularyo ko. It might be one-sided for now but I'm slowly infiltrating his heart," may pagkindat na sabi niya at pinagpatuloy ang pagpupunas ng lamesa
"Ang lakas ng confidence, sanaol maganda."
"I know." Kunwaring bubuhatin nito ang standee at ipupukpok sa kaniya.
"Nanakit ako ng maganda."
Tinawanan niya lang ang kaibigan.
"Pero alam mo... wala ata akong pag-asa. He likes someone else. And the girl is very nice. Am I not nice?"
"Yeah. You're not."
"Wow. Real talk?"
"Real friends talk sh*t."
"Salamat na lang sa lahat."
"Joke lang. Kahit minsan may tama ka, ikaw pa rin ang best co-worker ko."
"Co-worker? Ouch. Mas masakit pa 'yon sa one-sided crush."
"Sige na nga BFF. Best friend forever. Okay ka na?"
"Love you," aniya at niyakap ang kaibigan.
"I love you too. Ayos lang kahit hindi ka niya mahal. Sa dami mong manliligaw, mag-eenie minie miney mo ka lang may boyfriend ka na. Mamahagi ka naman sa mga kaibigan mong kinulang."
"It's okay. He doesn't need to like me. I just want to like him. Gusto mo bang ireto kita sa kaibigan ko? Kahawig ng Lee Do Hyun oppa mo."
"Martir. Marupok."
"Well, it's trending nowadays."
"Pero teka nga may kaibigan ka, seryoso?"
"That is extremely offensive. Malawak ang network ko, wala ka bang tiwala sa mukhang 'to? Blind date, kakasa ka ba?"
"How can that jerk not love my best friend who is so sweet and pretty?"
"Binobola mo na ko. Huwag lang mag-alala.Ibibigay ko 'yong number mo at i-save mo na rin 'yong number niya."
"Thank you, best friend!"
"Pero bago 'yan, magtrabaho na muna tayo. Andiyan na si Manager."
"Hindi 'yan magagalit, crush ka niyan."
"You're spouting nonsense again."
"Kawawa naman 'yong tao, basted agad."
"Shut up."
Ilang oras rin ang nakalipas bago natapos ang shift ni Tamara. Parang gusto na lang niyang lumipad papunta sa kanyang higaan. Na-drain lahat ng energy niya dahil sa dami ng customers ngayong araw.
"Bakit sa lahat ng araw ngayon pa umulan?" reklamo niya.
"Wala kang payong?" Isang oras pa bago matapos ang shift ng kaibigan kaya wala siyang kasabay.
"Nalimutan kong magdala sa pagmamadali kanina."
Nakatunganga siya sa ulan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Napangiti siya nang mabasa kung kanino galing ang text.
"Sino yan? Your special someone?"
May lahi bang kabute ang kasama niya at sumusulpot na lang bigla sa kaniyang likuran? Kanina lang ay nasa may counter ito. Ang bilis mag-teleport.
Walang paalam na binasa nito ang text.
"Are you home? Text me back when you're not busy. Ano ba siya red o green flag?"
"Walking stick."
"Huwag mo kong lokohin. May dalawang mata ako, Tamara. Hubog modelo ang pogi mong fafa. Sigurado kang wala siyang gusto sa 'yo? He sounds like your boyfriend."
"I like to hear that pero huwag mo kong paasahin. Masakit sa bangs."
"Wala kang bangs. Gusto mong malaman kung may pagtingin siya sa 'yo? Pahiram ng phone," anito at kinuha ang kaniyang cellphone. Nag-type ito saglit tapos binigay rin sa kaniya pagkatapos. Nanlaki na lang ang kaniyang mga mata nang makita niya ang text nito.
"What the heck, Sofy. Paano kung hindi siya pumunta? Pagtatawanan ako nito bukas."
"You'll never know. Maghintay ka na lang diyan. Kapag dumating ang prinsipe mo, hindi na magiging fossil 'yang pag-irog mong matagal na sa baul."
"What about my pride, if he didn't?"
"Okay lang 'yan. Idaan mo na lang sa laba kung hindi." Pinalo niya ang loka-lokang kaibigan.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagre-reply ang mokong.
Nasapo na lang niya ang noo dahil sa frustration. Paano niya ipapaliwanag iyon bukas?
"Girl, tumingin ka sa labas. Mukhang babalatuhan mo ko ng isang milyon."
Agad umangat ang kaniyang tingin sa lalaking naglalakad patungo sa cafe.
Is she hallucinating right now or what—
"Go and get your man." Itinulak siya ng magaling niyang kaibigan palabas ng pintuan.
Parang tumigil ang kaniyang paghinga nang nasa harapan na niya ang lalaki.
WHAT SHOULD I TELL HIM?