CHAPTER 20: As a friend

1052 Words
"Alam mo na ba 'yong tungkol sa class reunion? It's been a decade. Magkita-kita naman tayo." "Yeah. Jillian had been bugging me lately about it. I'm sure she'll just show off her hot boyfriend to everyone. I don't think I'll be able to handle that. And also you know my situation, I don't think I'll be able to go." Tamara was at a mall that time. Semestral break nila at day-off niya rin sa trabaho kaya naisipan niyang mag-grocery. Ngayon na lang ulit siya nakagala. Hindi naman niya inaasahan na magkikita sila ng dating presidente ng klase nila noong elementary school. She's a friend she hasn't seen in a long time, so they decided to catch up on each other's life. Pinagpatuloy nila ang kuwentuhan sa coffee shop. "You better attend our get together or else magtatampo na talaga kami sayo." "Okay, I'll think about it," tugon na lang niya kahit wala talaga siyang balak pumunta. Bukod sa wala siyang oras, ayaw na niyang bumalik pa sa lugar na iyon. She can't withstand the painful memories buried in that place. "Ayaw mo bang pumunta dahil sa nangyari? It's been a few years already. Aren't you going to visit your mom? " Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. "Let's not talk about a dead person," aniya at saka tumingin sa suot niyang relo. "It's quarter to six. Mukhang napahaba ang kwentuhan natin." Tumingin rin ito sa suot na wrist watch. "Hay.. ang bilis ng oras. I think we should get going now." Nagmamadaling tinawag nito ang boyfriend na may kausap ring kaibigan. It's really been a long time. Halos lahat ng childhood friends niya ay may kanya-kanya ng love life. Siya na lang ata ang wala. Well, she's not bothered at all. She loves herself more than anyone else. "Tamara we're going. Be sure to come, okay?" paalam ng kaibigan at nagbeso beso sila. "Bye! " "Bye!" Pagkaalis ng mga ito ay bigla na lang siyang nakaramdan ng panghihina. Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan tungkol sa ina. Ilan taon na rin kasi niya itong hindi nabibisita. Kung pumunta kaya siya this time? "This is making me crazy." She missed her mom a lot but reminding their memories together would only break her heart. Napabuntong hininga na lamang siya sa frustration. "Excuse me, puwede ka bang maistorbo?" Nakaagaw pansin sa kanyang pagmumuni-muni ang baritonong boses na iyon. Iniangat niya ang mukha sa lalaki. "You're here," pilit siyang ngumiti para batiin si Casen. Bahagya naman itong nagulat sa level ng energy niya. "Ayos ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Umupo ito sa kaharap niya. Is he worried for me as a friend? May halong pagngusong tiningnan niya ang lalaki. Simula nang imungkahi nito na maging magkaibigan sila kuno ay bumait nang slight ang mokong. Wishes do come true nga naman. She became his girl space friend. She's grumpy, but seeing this guy makes her feel better. Ayos na rin na magkaibigan sila at least nagkaroon siya ng dahilan para mapalapit dito. Chat mate and call mate as a friend. Effective rin ang 'friend card' sa mga ganitong pagkakataon na kailangan niya ng tagabitbit ng mga bibilhin niya. "Okay na 'ko kasi nakita kita." She's not the type to say pick-up lines pero sa tuwing nasa harapan niya si Casen ay parang gusto niya laging magpa-cute. Mataas ang tingin niya sa sarili pero pagdating dito gumuguho ang kaniyang ego. Maybe she's very marupok inside. "May topak ka nga." "May topak sa 'yo?" She gave him a sweet smile but as usual he doesn't care. "By the way, nagkita kami ni Arenne. Are you going to attend the reunion?" "What about you?" Seryosong tumingin ito sa kaniya. "I don't know. Maybe, not?" "Mukhang mababasag ang puso ng mga fanboys mo kapag nalaman nilang walang balak pumunta ang kanilang muse." "I wish you're one of those fanboys. O baka naman lihim kitang tagahanga?" "I'm more than willing to be your basher." "I'm fine with it. I believed in the saying, The more you hate, the more you love." "You're no hope." "Do you also want me to come?" "You should go if you're comfortable to go. No one is forcing you." "Apat na taon na ang nakalipas. I miss my mom but I'm afraid to go back." She really hate talking about this matter but somehow she felt comfortable sharing it with him. "Nakakabanibago ang Tamara Montañez na kaharap ko ngayon." "Anong ibig mong sabihin?" Humalumbaba siya habang hinihintay ang sagot ni Casen. "You're really fearless back then. Ikaw ang humahabol sa problema, pero ngayon mukhang pati problema nabighani na sa 'yo." She laughed a little at his silly words. "This is why sometimes I hate to be this pretty." "That's it. You should use that overconfidence. Walang mangyayari, kung lagi kang tatakas." Huminto ito saglit at nahihiyang tumingin sa kaniya. "And I'm here, I'll go with you." Para siyang kiniliti sa kilig. Paano ba naman siya hindi ma-iinlove sa boy s***h friend niya? Masyado itong paasa. Kung agawin na kaya niya ang pana ni kupido at siya na ang pumana rito? "Akala ko ba ayaw mo ng cheese. Bakit ang cheesy mo?" natatawang biro niya. "It's all because of your bad influence." "Then, I must thank myself. For celebration, anong gusto mong kainin? I'll order." "Whoa... first time." "Yeah. Kailangan mong kumain dahil alalay ang role mo ngayon." "What an abuser." She just shrug her shoulders to piss him off. Umorder ito gamit ang atm niya. At— Abuser pala ha? 'Yong pinakamahal talaga ang in-order ng mabait niyang kababata. Mali ata ang desisyon niyang ilibre ito. "Eat well," sarkastikong aniya. Nakakaasar na ngumisi ang mokong. "Don't worry. I used my credit card." "Aish...rich bastard." Inabot nito ang isang plato ng chocolate cake sa kaniya. "Eat this so you won't feel bad." "Why? You want me to cheer—" Bigla nitong sinubo ang tinidor na may cake sa bunganga niya. Kung may makakakita sa kanila aakalain na isang scene iyon sa k-drama pero ang totoo parang siyang atm machine na sinaksakan ng atm card sa bunganga. "Kumain ka na lang." "Ang sweet mo naman. Do you like me?" patuloy na pang-aasar niya. At gaya ng inaasahan, mukha na naman itong manununtok. Hindi niya mapigilang matawa sa itsura ng lalaki. "Gosh. You're so sensitive"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD