Chapter 2

1555 Words
"Oo sige sige. Yes. Pupunta ako bukas, sweetie. I promise."   Abala si Earth habang nakikipag-usap sa girlfriend niya nang biglang may pumasok sa loob ng kaniyang silid.   "I'll call you later, bye! I love you," sabay pindot niya ng end call.   "Is it her again? Sabi ko naman sa'yo she is a gold digger. Hindi ka pa rin nakikipaghiwalay sa babaitang kire na 'yon?" asar na sabi ng kapatid niya.   "Look, bunso, I can't. Mahal ko siya and she is everything to me," paliwanag niya.   "Everything ha? Fake that b*tch! May araw rin sa akin ang makating higad na 'yon." Kasunod ay ang pagtirik pa ng mga mata nito dahil sa labis na pag-irap.   "Nagseselos ka lang yata. Tama ako no, bunso?" Sabay hawak pa niya sa magkabilang balikat nito.   "Don't touch me, Earth. Kahit na kailan hindi tayo magkakasundo kung patuloy kang didikit sa girlfriend mong mahilig maghukay ng ginto. Like duh! She is the worst ever."   "Grabe ka kay Francine. She is great at may sense of humor. Kung makikilala mo lang siya," pagbibida pa niya sa girlfriend niya.   "Nevermind. I'm already in-love with someone."   "We? Mga kalokohan mo." Kinuha niya ang coke-in-can sa kaniyang ref at saka humigop ng kaunti mula rito.   "Seryoso ako. I will make her the happiest girl in the world." Nabuga pa ni Earth ang coke na ininom niya, at ang iba ay lumabas pa sa ilong niya sa labis na pagkagulat sa tinuran ng kapatid.   "Nagda-drugs ka ba?" He can't believe it. Pakiramdam niya ay parang magugunaw na ang mundo dahil sa katagang lumabas sa labi nito. Paulit-ulit pa itong nag-echo sa utak niya.   Seryoso ako. I will make her the happiest girl in the world.   Seryoso ako. I will make her the happiest girl in the world.   Seryoso ako. I will make her the happiest girl in the world.   Hindi ma-absorb ng utak niya kung tama ba ang narinig niya. As in? Seryoso? In-love nga ito gaya ng sabi nito sa kaniya? And for the 10th times na umaalingawngaw ang sinabi nito sa isip niya ay hindi pa rin siya makapaniwala. Alam niya kasing walang kahilig-hilig ang kapatid niya sa babae.   "Earth, promise me that you will make my girl happy kapag may nangyari sa aking masama at hihiwalayan mo ang girlfriend mong chorva na 'yan."   "Are you dying?" Natatawa pa siya habang nag-e-emote ang kapatid. Kasi naman parang naghuhuling habilin ang itsura.   "Aalis na nga ako, wala ka talagang kwenta."   "Oo na, bunso. I promise. Iaalay ko maging ang katawan ko sa kanya," at malakas na halakhak pa ang isinunod niya bago tuluyang nag-walk out ang kapatid niya.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   "Ang tagal naman niya." Paikut-ikot si Sky sa waiting area ng building habang hinihintay si Kier. Kasi naman, tatlong oras na itong wala. Sabi pa nito ay may ipapakilala raw ito sa kanya subalit inabot na sila ng dilim ay wala pa rin ito.   "Girl, tara na uwi na tayo."   Napalingon naman si Sky nang marinig ang boses ni Kier. Tumingin-tingin siya sa paligid nito ngunit nag-iisa lamang ito at walang ibang kasama kaya hindi na niya naiwasan ang magtanong.   "Nasaan 'yong ipakikilala mo?"   "Nako busy, may inaasikasong higad este trabaho. Pinaglinis pa nga ako ng kwarto niya e. Bonggang-bongga ang kalat kaya tara na, mamasyal na lang tayo," paliwanag nito.   Hindi na rin naman nangulit pa si Sky. Ilang oras na rin ang nasayang sa kaniya. Why not spend the rest having some fun?   "Naiisip mo ba ang naiisip ko, Kier?"   "OMG!" Napatakip pa si Kier sa bibig.   "SKY RANCH!" And they have the same idea.   Kaagad silang nagtungo sa nasabing lugar at totoo nga ang sabi ng karamihan, maganda rito at tanaw na tanaw ang lawak ng Taal. Bukod pa roon ay madarama rin ang lamig ng simoy ng hangin.   "Bakla, oo nga pala, iyong ipapakilala mo sana sa akin, boylet ba 'yon? Gwapo? Yummy? I mean mas gwapo at yummy ba siya kay Ice?" Napaismid naman si Kier sa narinig. Kailan pa naging interesado si Sky sa lalake? E bukod sa kaniya, walang ibang iniisip ito kung hindi si Ice pero this time, she is asking about someone.   "Hindi mo pa man nakikilala interesado ka na kaagad. Aba, Girl, malala na 'yan." Isinubo naman nito ang isang piraso ng popcorn na nabili nila sa isang stand.   "Curious lang. Masama na bang magtanong." Sakto naman ang ring ng telepono ni Kier kaya naiba bigla ang ihip ng hangin. Tumahimik naman si Sky para mas makapag-usap ito at ang nasa kabilang linya nang mas maayos.   "Yes. I'll be there. Bye!"   Iyon lang ang narinig ni Sky na sinabi ng kaibigan matapos nitong sagutin ang cellphone.   "Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni Sky.   "It's my boylet. Urgent. Kaya naman…"   "What?" Sumama naman bigla ang kutob niya. Mukhang may masamang mangyayari sa susunod na sasabihin nito.   "Here is my wallet, Girl. Mag-commute ka na lang pabalik ng Manila. Ride a taxi. Malaki ka na. Kuhanan mo ng camera ang plate number ng sasakyan mo bago ka sumakay at isend mo kaagad sa akin, okay? Just in case. Kahit alam ko namang walang magkakamali." Eto na nga ba ang sinasabi niya. Napanganga na lang siya nang bigla itong umalis sa harap niya at iniwan siyang nag-iisa.   "Akala mo, Kier, gaganti ako sa pang-iiwan mo sa akin dito," sabi niya bago tumalikod at nagtungo sa unang ride na nakita niya. Pumila siya rito kahit wala siyang ideya kung anong klaseng ride ang sasakyan niya. Nakita niya lang kasi na maraming nakapila ay pinilahan na rin niya.   Dinukot niya ang cellphone niya sa bag na kanyang bitbit at masayang tumingin sa lens ng front camera nito. Matapos ang ilang shot at pagngiti-ngiti ay saka niya lang namalayan na nasa pinakaunahang bahagi na pala siya ng pila.   "Next na tayo. Mamaya na 'yang kaka-selfie mo," sabi ng isang lalakeng nasa likuran niya na hindi naman niya pinagkaabalahang lingunin.   Napatingin naman siya sa isang mataas na tore na kasalukuyang nakatayo ngayon sa harap nila. Titig na titig siya habang papaakyat ang mga upuang nakapalibot sa kabuuan ng nasabing poste nito at ganoon na lang ang pagkagulat na naramdaman niya nang makita ang biglang pagbulusok ng mga upuan pababa sa sahig. Kahit hindi pa man siya ang nakaupo roon ay damang-dama niya ang intense ng naturang ride. Lalo pa’t likas ang pagiging matatakutin niya sa mga matataas.   Matapos makababa ng grupo sa naturang ride ay doon niya lang napagtantong turn na niya. Tumalikod siya at akmang aalis na sana nang mapagsino ang nasa likuran niya.   "Tara na, Sky, turn na natin."   "Ice?" Halos magkarera naman ang t***k ng puso niya nang makilala ito, her ultimate crush. Ang pantasya sa kanilang campus. Bigla tuloy siyang nagkaroon ng pagsisisi dahil sa get up niya. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili at namula sa hiya. Hindi niya kasi inakala na makikita niya ang crush niya sa lugar na iyon.   “Kung alam ko lang, sana binonggahan ko na ang pag-aayos kanina bago umalis,” bulong niya sa sarili.   “May problem ba?’ pamumuna nito?   “Ah w-wala,” nauutal pa niyang tugon.   "Tara na," yaya nito. Wala naman sa sariling naglakad si Sky sa naturang mga upuan habang diretso ang tingin sa likod ni Ice.   "Hey! May dumi ba sa mukha?" tanong nito nang mapansin ang pagkakatitig niya sa mukha nito. Kasalukuyan na kasi silang nakaupo habang inaayos ng mga staffs ang belt na magsisilbing proteksyon nila sa ride.   "Ah, w-wala," nauutal naman na sagot niya at doon niya lang tuluyang napansin kung nasaan na siya. Dahan-dahang umaangat paakyat ang kanilang inuupuan kaya ganoon na lang ang kaba ni Sky. Itinapat naman niya ang cellphone sa kanyang mukha at muling binuksan ang camera nito.   "Pa, mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari sa akin, huwag mo akong kakalimutan. Lagi mong tatandaan na you are the best father in the world." Mangiyak-ngiyak pa siya habang sinasabi ang mga katagang iyon through video.   Ilang video pa ang ginawa niya hanggang sa tuluyan nang bumulusok paibaba ang ride.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   Dahil na rin sa pagkikita ni Sky at Ice ay naisipan nilang sulitin na lang ang mga oras nang magkasama. Sumakay sila sa carousel, kumain sa KFC at naglaro sa mga mini games sa paligid.   "Bakit mag-isa ka? Hindi mo yata kasama ngayon 'yong boyfriend mo," pang-uusisa ni Ice sa dalaga.   "Boyfriend? Wala akong boyfriend," tugon niya.   "E si Kier? Hindi ba lagi kayong magkasama no'n?" Lihim naman siyang napangiti sa sinabi ni Ice. Iniisip niya na maaaring nagseselos ito sa kaibigan niya.   "Kaibigan ko lang si Kier,” tugon niya. “Isa pa, bakla 'yon." Pabulong niya pang sinabi iyon sa binate.   "Seriously?" Hindi naman makapaniwala si Ice sa sinabi niya dahilan para mapatigil pa ito sa paglalakad at tanging tango lang ang isinagot niya.   Bukod kasi sa gwapo si Kier ay lalakeng-lalake rin ito kung kumilos, pumorma at manamit. Walang sino man ang mag-aakalang bakla pala ito.   "Last ride tayo." Tinuro nito ang pinakaromantikong ride sa balat ng lupa na siyang labis na nagpamula sa pisngi ng dalaga.   Nakaramdam na naman siya ng kaba nang makita ang unti-unting pagtaas ng naturang ride. Naramdaman niya na lang bigla ang paglapat ng kamay ni Ice sa kaniyang kamay. Napatingin pa siya sa binata at doon napanatag ang kaniyang pusong kanina lang ay nababalot ng kaba dahil sa taas ng kanilang sinasakyan. Tahimik lang ang dalawa habang lulan ng Ferris Wheel, masaya nilang pinagmamasdan ang ganda ng paligid at ang nagkikislapang mga bituin sa langit.   "Masaya ako na ikaw ang kasama ko rito, Sky," pambasag nito sa katihimikang namamayani sa pagitan nilang dalawa.   "Ako rin," tanging tugon niya na siyang lihim naman na nagpasaya sa puso ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD