Chapter 3

1543 Words
“Thank you, Ice.”   “Wala ‘yon. Sa uulitin. Nag-enjoy talaga ako, Sky,”   “Ako rin. Sige mag-iingat ka,” tugon niya.   Sinundan na lang ni Sky ng tingin ang likurang bahagi ng sasakyan kung saan nakasakay si Ice. Abot-tenga ang ngiti niya at kilig, walang kaalam-alam na nakatayo na pala sa kaniyang likuran ang magaling niyang kaibigan na nang-iwan sa kaniya sa Sky Ranch, salubong ang kilay habang nakapamewang.   “How sweet...”   “Oo nga e, kinikilig ako. Totoo ba ‘to? Para kaming nag-date.”   “Date your face. Uuwi na ako. Where’s my wallet?” masungit na tanong ni Kier.   Wala naman sa sariling inabot ni Sky ang cellphone niya na siya namang pinakialaman ni Kier.   “BAAKKLLAA! How dare you do this to me? Pero I love you so much. Kapag namatay ako ngayon dadalawin kita palagi para hindi mo ako ma-miss.”   Nanlaki naman ang mga mata ni Sky sa narinig at kaagad na nilingon si Kier na ngayon ay halos mamaluktot sa katatawa.   “Paano napunta sa’yo ang cellphone ko?” tanong niya.   “Binigay mo kaya. Masyado ka kasing kinikilig kay Ice kaya wala ka sa sarili,” pang-aasar pa nito.   “Ibalik mo sa akin ‘yan.”   “Okay, wait.” Inilabas ni Kier ang kanyang cellphone at gamit ang application na Share It ay kaagad nitong ipinasa ang video sa cellphone nito. “O eto na salamat.”   “Anong ginawa mo?” tanong niya.   “Wala. May tinext lang ako,” pagdadahilan naman nito.   “Hindi nga?”   “Oo nga, loka ka. Anong akala mo sa akin? Hindi ko pag-iinteresan ang last will ng feeling mamamatay na sa pagsakay lang sa Drop Tower. My Gosh!” Tumitirik pa ang mata nito habang naglalakad papunta sa harap ng sasakyan nito.   “Uuwi ka na?”   “Obvious ba te? Anong petsa na o. Worried lang ako sa’yo kaya hinintay kitang makauwi rito kahit inuugat na ako rito kanina pa.” Mahihimigan naman ng tampo ang tinig nito.   “Wallet mo o. Huwag kang maarte riyan. Ako nga dapat ang magtampo kasi iniwan mo ako sa ere.”   “Tse!” tanging tugon nito bago tumalikod ngunit ‘di pa man nagtatagal ay muli itong humarap sa dalaga. “Bukas pala may importanteng lakad tayo.”   “Saan naman?”   “Bukas na,” tugon nito bago tuluyang sumakay sa driver’s seat ng kotse nito.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   Pagkarating ni Kier sa condo niya ay pabagsak siyang nahiga sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa. Napapangiti pa siya habang pinapanood ang video na kinuha niya sa cellphone ni Sky.   “BAAKKLLAA! How dare you do this to me? Pero I love you so much. Kapag namatay ako ngayon dadalawin kita palagi para hindi mo ako mamiss.”   At patuloy ang pagngiti niya sa mga katagang gustung-gusto niyang marinig mula rito na paulit-ulit naman niyang pine-play.   Pero I love you so much...   Pero I love you so much...   Pero I love you so much...   Sa mga oras na iyon, tila naging musika naman ang mga katagang iyon sa kaniyang pandinig na nagbibigay sa kaniya ng masayang pakiramdam hanggang sa tuluyan siyang nilamon ng antok.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   Kinabukasan, isang malakas na kalampag mula sa takip ng kaldero naman ang gumulat sa natutulog na si Sky.   “Sunog? Nasaan ang sunog?” Napabalikwas nang bangon si Sky dahil sa labis na pagkagulat.   “Bruha, walang sunog. Nakakatawa ang itsura mo. Sayang hindi ko na-video-han. Para trending ka sana sa f******k,” tumatawa pang sabi ni Kier.   Sa bwisit naman ni Sky ay dinampot niya ang unan na nasa tabi at kaagad na inihagis ito sa mukha ni Kier. Kagaya ng inaasahan niya ay walang mintis itong tumama sa bunganga nitong kasalukuyang nakanganga dahil sa labis na pagtawa.   “Ang aga-aga nanggugulantang ka riyan,” nakasambakol na sambit ni Sky.   “Hindi ba ang sabi ko sa’yo may lakad tayo? Kaloka ka, Girl. Masyado ka na atang nagiging makakalimutin,” paliwanag naman nito.   “Hindi ko nakakalimutan sira. Inaantok pa kasi ako. Pwede bang mamaya na lang?” Muli itong nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.   “Pinapapunta ka ni Mommy sa bahay.” Kaagad namang tinanggal ni Sky ang kumot na natataklob sa mukha niya at muling hinarap ito matapos marinig ang tinuran nito.   “Si Tita Millet?” hindi makapaniwalang tanong niya.   “Naka-drugs ka ba? Malamang siya nga. May iba pa ba akong mudrakels?” Napatirik naman ang mata nito na tila hindi makapaniwala sa mga pinagtatanong niya. “Magbihis ka na riyan dahil minsan lang mag-request si Mommy na makita ka.”   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   “Iha, gumaganda ka yata. In-love ka ba?” magiliw na tanong ni Mrs. Millet Pendelton, ang ina ni Kier, kay Sky.   “In-love naman ‘yan araw-araw,” sabat naman ni Kier.   “Sino ang mapalad na lalake, Iha?” muli ay tanong na naman ng ginang sa dalaga.   “Ah—”   “Mapalad? Nako, kawawa kamo kapag siya ang nagustuhan.”   “Manahimik ka nga riyan, Kier. Hindi naman ikaw ang kausap ko,” pambabara naman ni Millet sa anak.   Sinunod naman ito ni Kier kasabay ng pag-abot nito ng basong may juice na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.   “Okay lang po ako, Tita. Katunayan po niyan ay karibal ko po ang anak niyong ‘yan sa lalakeng nagugustuhan ko,” nakangiting sagot ni Sky.   Halos maibuga naman ni Kier ang iniinom niyang juice nang marinig ang tinuran ng kaibigan.   “Totoo ba ‘yon, Anak?”   “Duh! I already have someone else. She is much more worthy.”   Nagkatinginan naman ang ina ni Kier at si Sky nang mapagtanto ang sinabi ng binata.   “She?” sabay pa ang dalawa sa pagtatanong dito.   “Ay nako! Mabuti pa ang pag-usapan n’yo ay tungkol na lang sa bruhang babaitang ‘yan. Huwag na ako. Kaloka kayo,” sabay tayo nito at walk-out.   “Anong nangyari doon?” pabulong na tanong naman ni Sky.   “Hayaan mo na ‘yon. Mabuti pa pag-usapan na lang natin ang nalalapit na debut mo. Next week na pala iyon,” panimula ng ginang.   “Oo nga po. Bale nag-usap po kami ni Papa na magkaroon na lang ng maliit na salu-salo tapos sayawan para mairaos lang daw po ang debut ko,” sabi niya.   “Ay nako, Iha. Nagpa-reserve na ako ng venue para sa debut mo. Inayos ko na rin ang lahat ng kakailanganin mo. Bukas ang simula ng practice mo kaya dapat maghanda ka. After ng class n’yo ni Kier diretso na kayo roon. Alam naman ni Kier kung saan ‘yon. Siya pa nga ang pumili ng lugar na iyon.” Napanganga na lang si Sky sa bilis nang pananalita ni Millet. Totoo ba ang naririnig niya? Naghanda ito ng bonggang celebration para sa debut niya?   “Seryoso, Tita?” hindi makapaniwalang tanong niya.   “Oo, Iha. Katunayan ay excited na nga ako para sa araw na iyon,” tugon nito.   “Salamat po, Tita.” Isang mahigpit na yakap naman ang ibinigay niya rito bilang pasasalamat.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   “Bakla?”   “Nasaan na kaya ang mokong na ‘yon?”   Napansin naman ni Sky ang pagkatulala ni Kier habang nakaupo sa gilid ng pool at nakasawsaw ang mga paa sa tubig nito. Tahimik siyang lumapit sa binata at niyakap ito mula sa likuran.   “Sky?”   “Salamat, Kier, sa inyo ng mommy mo,”   “Salamat saan?”   “Sa lahat-lahat. For making me feel that I am the luckiest girl in the world. For treating me so special.” Hindi makapaniwala si Sky na may kagaya pa pala ni Kier at ng pamilya nito na nag-e-exist sa mundo. Napakabait ng mga ito sa kaniya simula pa pagkabata niya.   “Huwag ka na magdrama. Special ka lang talaga. Special Child ka ‘di ba?” pagbibiro naman nito nang mapansin ang pag-e-emote niya.   “Bwisit ka talaga. Panira ka ng moment.” Hinampas naman niya ito sa balikat dahilan para malaglag ito sa pool.   Walang paglagyan ang tuwa sa puso ni Sky. Eto ang buhay na pinapangarap niya. Ang magkaroon ng kaibigang mapagkakatiwalaan niya at pamilyang susuporta sa lahat ng desisyon niya sa buhay.   “Loka ka! Halika rito. Lulunurin kitang bruha ka,”   “Kung mahahabol mo ko, bleh!”   Halos naubos naman ang oras sa paghahabulan ng dalawa, sa kulitan at kwentuhan. Namalayan na lang ni Sky ang oras nang mapansin nito ang dilim ng kalangitan.   “Dito ka na lang matulog, Girl. Tatawagan ko na lang ang Papa mo,” mungkahi nito.   “Ako na ang tatawag, baka kung ano pa ang kalokohang sabihin mo sa kaniya,” nakangusong tugon naman ni Sky.   “Ay! Girl, tingnan mo,” napaturo naman si Kier sa langit nang makita ang naggagandahang mga bituin na ngayon ay gumuguhit sa kalangitan.   “Ang aga namang meteor shower niyan,” sabi ni Sky na ngayon ay kasalukuyang nakatingala at masayang dinadama ang ganda ng mga bituin.   “Mag-wish tayo," sabi nito.   “Hindi ako naniniwala sa ganyan.”   “Walang mawawala kung susubukan. Malay mo magkatotoo.”   Alam niyang tama si Kier. Walang mawawala kung susubukan niya.   “Anong winish mo?” tanong nito.   “Secret. Baka hindi magkatotoo,” sagot niya. Iyon kasi ang sabi ng matatanda. Kaya kahit anong pilit ni Kier sa kaniya ay hindi niya talaga iyon sinabi.   “Tulog na tayo,” sabi nito matapos mapagod sa pangungulit sa kaniya.   “Saan ako matutulog?” tanong niya. Iyon kasi ang unang beses na makikitulog siya sa bahay nito.   “Diyan sa Bermuda grass. Maglatag ka riyan," pabirong tugon nito.   “Grabe siya o."   “Sa guest room. Ayokong katabi ka. Malikot ka matulog,” palusot nito.   Lingid sa kaalaman ni Sky ang natatagong pagtingin ni Kier sa kaniya. Sinadya talaga nitong sa guest room na siya patulugin para naman walang mangyaring kahit ano. Isa pa, alam nitong lalake pa rin siya kahit na may pagkamaharot kung kumilos. Kahit ito man ay naguguluhan na rin. Akala kasi nito ay si Ice lang at walang iba, na malabong magkagusto ito sa babae lalo na at bakla nga ito. Things really changed. Hindi rin nito alam kung kailan nagsimula. Basta ang alam lang nito ay ayaw na niyang mahiwalay kay Sky. Ayaw naman nitong sabihin sa kaibigan ang nararamdaman dahil alam niyang posibleng maraming magbago kapag ginawa nito iyon at ayaw nitong mangyari ‘yon. Kaya nga napagdesisyunan nitong pasayahin na lang si Sky sa abot ng kaniyang makakaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD