Chapter 4

1429 Words
To the girl who talks while sleeping,   Breakfast is ready. I’ll be out for a while. Fix yourself. I’ll fetch you up later. Ipapakilala ko na sa iyo ang boylet ko.   Your greatest karibal kay Ice, -Kier the Goddess   Pagkagising ni Sky ay napangiti pa siya sa kapirasong papel na nakapa niya na nakapatong sa kama sa kanyang tabi. Napabangon siya nang mapansin ang oras. Alas-otso na kasi ng umaga. Nakaramdam siya ng hiya nang mapagtantong wala siya sa kanyang silid, at nasa bahay siya nila Kier.   “Good morning, Sky,” magiliw na bati ni Millet.   “Good morning po, Tita. Saan po nagpunta si Kier?” tanong niya.   “Nagpunta sa kapatid niya,”   Napakunot naman ang noo ni Sky. Hindi niya kasi akalain na may kapatid pala si Kier. Matagal na panahon na rin kasi silang magkakilala ni Kier at ni minsan ay hindi niya pa ito nakita sa bahay nila Kier.   “Kapatid?”   “Ay! Hindi ko ba nabanggit sa’yo? Wala rin bang naikukwento si Kier sa’yo?” tila nagulat naman na tanong ng ginang.   “Wala po e. Akala ko po nag-iisang anak lang si Kier. Bakit hindi ko po siya nakikita rito?”   “Independent kasi ang batang iyon. Noong elementary kasi siya hanggang high school ay sa Amerika siya nag-aral and after graduation umuwi siya rito para ayusin ang pagbukod niya sa amin ng bahay, pero kahit ganoon ay ipinagpatuloy niya pa rin naman ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo,” paliwanag ni Millet kay Sky.   “Ganoon po ba? Mukhang close na close po ata sila ni Kier.”   “Oo naman. Tinanggap niya kasi si Kier kahit na alam mo na,” at ngumiti pa ang ginang saka kumindat para ipahiwatig ang nais pang sabihin.   “Ay teka, kukunin ko lang ang album. May mga pictures pa nga pala siya na nakatago sa akin,” sabi nito bago umalis at nagtungo sa silid.   Habang naghihintay ay halos hindi pa rin makapaniwala si Sky. Kung ganoon ay hindi pala solong anak ang kaibigan niya. Nakaramdam siya ng tuwa para sa kaibigan. Kahit paano ay nagkaroon ito ng mabuting pamilya na suportado siya sa lahat ng kaniyang mga desisyon sa buhay. Ngunit sa kabilang banda, ay nalulungkot siya sa kadahilanang inakala niyang alam niya na ang lahat sa kaibigan pero hindi pa pala.   "Sky, ito na dali. Tingnan mo," humahangos na sabi ni Millet nang biglang tumunog ang cellphone ni Sky.   "Excuse me po, Tita. Sasagutin ko lang po," nakangiting pagpapaalam niya at tumango naman si Millet bilang tugon.   "Hello,"   "Girl, malapit na ako. Be sure you're already dressed ha? Alam mong ayokong pinaghihintay ang beauty ko." Biglang naalala ni Sky ang iniwang note ni Kier. Muntik niya na makalimutan ang usapan nilang dalawa.   "Oo nga pala. Muntik ko na makalimutan," sabi niya bago pinatay ang tawag.   "O, may problema ba, Iha?" nag-aalalang tanong naman ni Millet.   "Si Kier po 'yong tumawag. May lakad nga po pala kami ngayon. Ipapakilala niya raw po ako sa boylet niya," sabi ni Sky.   "Naku! Ganoon ba? Sayang naman. Sige mag-asikaso ka na. Sa susunod na lang tayo ulit magkwentuhan," nakangiting wika naman ni Millet sa dalaga.   Ngumiti na lang si Sky bago muling nagtungo sa silid ni Kier. Humarap siya sa salamin at inayos ang kaniyang buhok. Napagpasyahan niyang ilugay na lang ang kaniyang mahabang buhok. Naglagay siya ng kaunting pulbos at lipstick na pink para magmukha naman siyang presentable kahit paano. Hindi rin naman siya mahilig gumamit ng make-up kaya kahit pulbos lang ay ayos na sa kaniya. Nahagip naman ng paningin niya ang damit na nakapatong sa lamesa at sa ibabaw nito ay isang kapirasong papel.   Wear this one, Girl. Para magmukha ka namang sexy kahit minsan lang. Kahit ngayon lang.   -Kier   Napasimangot naman siya sa note na 'yon. Sexy naman kasi siya kinulang nga lang sa height.   Matapos ang ilang minuto ay bumaba na siya at natagpuang salubong ang kilay ni Kier. Napaisip tuloy siya. Gaano ba siya katagal nag-asikaso? Wala pa naman iyong isang oras.   "Bakla, peace," at nagpeace sign pa siya rito.   "We are late! You are always slow, turtle girl." Paismid na naglakad na lang si Kier patungong pintuan na sinundan naman kaagad ni Sky.   "I am not a turtle, duh!"   "Sige, snail na lang para mas pak na pak." Binuksan nito ang pinto sa kabilang side ng sasakyan at kaagad namang sumakay roon si Sky. Nagtungo naman si Kier sa kabilang side ng sasakyan para pumwesto sa driver's seat at gaya ng dati ay kaagad nitong pinaharurot ang sasakyan hanggang sa makarating sila sa paroroonan.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   "Nasaan na kaya 'yon?" Palinga-linga si Kier habang hinahanap ang kapatid. Excited na kasi siyang magkakilala ang kapatid niya at si Sky. Maisip niya pa lang ang magiging reaksyon ni Sky ay natatawa na siya.   "Bakla, nagri-ring ang phone mo," sabi ni Sky nang marinig ang tugtog na Careless Whisper. Iyon kasi ang ringtone ng kaibigan niya.   "Wait." Kaagad namang sinagot ni Kier ang tawag. Napansin pa nga ni Sky ang panaka-nakang pagsimangot ng kaibigan na hindi niya malaman ang dahilan.   Matapos lang ang ilang minuto ay pinutol na rin nito ang tawag at kaagad na hinarap ang kaibigan.   "O, bakit mukhang huwebes santo ang itsura mo?" nag-aalalang tanong pa ni Sky.   "Sorry. Hindi raw makakapunta 'yong kausap natin. Pabebe talaga ang lolo mong 'yon. Nakakainis," sagot naman ni Kier.   "Ha? Bakit daw? Sayang naman ang magandang damit na suot ko?" Tumingin pa si Sky sa suot niyang damit habang hinahaplos ito.   Napakunot naman ang noo ni Kier sa winika ng kaibigan. Kasi naman, kailan pa ito nagkainteres sa ganoong senaryo. Knowing Sky na si Ice lang ang pinagkakaabalahan.   "Teka nga, Girl. May napapansin ako sa iyo ha. Kailan ka pa nagkainteres na makilala ang boylet na sinasabi ko?" tanong ni Kier.   "Gusto ko lang makilala tapos nagkainteres na agad sa'yo 'yon?" sagot niya. "I was just thinking lang po kung anong klaseng lalake ‘yang ipakikilala mo sa akin."   "Nagseselos tuloy ako kasi nagkakainteres ka na sa iba. Akala ko kay Ice at sa akin lang umiikot ang mundo mo," may halong tampo naman na sabi pa ni Kier.   "Hala siya! Etong baklang 'to ang daming alam. Kaltukan kita d'yan e," at inambaan pa niya ng kamao ang kaibigan.   "Kitams, sasaktan mo na rin ako ngayon. Dati-rati ni ayaw mong makagat ako ng lamok." Yumuko pa ito pagkasabi.   "Grabe siya o. Tara libre na lang kita ng J-Co." Biglang nagningning naman ang mga mata nito nang marinig ang J-Co. Mahilig kasi talaga ito sa donuts at favorite nito ang mga donuts ng J-Co. "Natuwa ka naman. Kung tutuusin kayang-kaya mo naman bumili ng J-Co donuts e. Ewan ko ba sa'yo kung bakit ayaw mo."   Naalala naman ni Kier ang naging karanasan niya nang minsang bumili siya sa J-Co. Napaaway kasi siya sa pila dahil sa tagal ng usad nito. Dagdag pa na maldita ang babaeng nasa likuran niya.   "Excuse me, pwede bang mauna na ako?" Napalingon si Kier sa nagsalita. Hindi niya ito pinansin pero sadyang makulit ata ang babae at talagang sumingit pa sa harapan niya.   "Miss, nakikita mo naman 'di ba? Ang daming nakapila tapos sisingit ka?" sabi niya.   Narinig pa niya ang bulung-bulungan ng ilan na sumasang-ayon sa kanya.   "E nagmamadali ako. May hinahabol pa kong meet-up," tugon naman nito.   "May mga nakapila rin dito na nagmamadali. Hindi lang ikaw," komento pa niya.   Hindi na naman ito sumagot pa hanggang sa makarating na siya sa counter. Tuwang-tuwa pa ang kalooban ni Kier nang mahawakan na ang kahon ng isang dosenang J-Co donuts na inorder niya ngunit hindi nagtagal ay napalitan iyon ng inis dahil sa babaeng maarte na feeling maganda patay naman ang kuko sa paa.   "Oops! Sorry." Kasabay pa no'n ay ang pagbungisngis nito na labis na ikinaubos ng pasensiya ni Kier. Pinatid kasi siya nito dahilan para tumilapon ang binili niyang donuts. Kaya sa inis niya ay hindi na siya nakapagtimpi at sinampal ito.   Napalingon bigla ang babaeng sapo ang namumulang pisngi dahil sa pagdapo ng palad ni Kier dito.   "Kanina pa ako nagtitimpi sa kagagahan mong babae ka ha. Akala mo hindi ako pumapatol sa babae. Baka gusto mong ingudngod ko ang face mo sa sahig at ipanglampaso r’yan ang ngala-ngala mo. Atat ka sa pila hindi ba? O eto kainin mo ang donut na sinayang mo dahil sa kaechusan mo!" Sa inis ni Kier ay dinampot niya ang donut at sapilitang sinalaksak sa bibig ng babae kaya ang ending ay nauwi sila sa sabunutan na nakatawag ng pansin ng karamihan ng naroon.   Worst day ever iyon para kay Kier. Nawala kasi ang poise niya, ang pinag-aralan niya at lahat ng kagandahan niyang taglay ika nga niya.   "Bakla, okay ka lang? Tama na emote. Tara na sa J-Co," at napangiti na lang siya sa tinuran ni Sky. Nagsimula na itong lumakad habang tahimik lang siyang nakangiti at pinagmamasdan ang dalaga. May kung ano sa puso niya na hindi niya mawari pero natatakot siya sa maaaring susunod na mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD