Chapter 5

1566 Words
“Good morning, Sky!”   Nagulat naman si Sky nang tumambad sa harap ng pintuan nila ay walang iba kung hindi ang ultimate crush niyang si Ice. Akala niya ay hindi na masusundan ang pagkikita nilang iyon sa Sky Ranch ngunit nandito ngayon ang binata sa harap niya.   “Good morning, Ice. Pasok ka.” Iginiya niya ang binata papasok sa loob ng kanilang bahay habang walang mapaglagyan ang kaniyang kilig na pilit naman niyang ikinukubli.   “Ba’t pala napadalaw ka? Wala naman akong sakit. Hindi ka pumasok? Kumain ka na ba?” sunud-sunod na tanong niya.   “Sky, kalma. One question at a time lang,” sabi nito sabay ngiti.   Napangiti rin tuloy siya dahil sa sinabi nito. Kasi naman bakit ba kailangan niyang mataranta?   “Sorry. So, napadalaw ka?” tanong niyang muli.   “Uh… I just want to invite you sana. Kain, nood sine, gano’n. Anything that you like.”   “Ah… okay…” Sandali siyang tumalikod upang ibigay ang lahat ng kilig niya sa pamamagitan ng pagngiti na abot hanggang tenga. “Kailan?” tanong niya matapos muling harapin ang binata.   Ngumiti itong muli sa kaniya bago sumagot. “Ngayon sana, if you’re not busy.”   “Ngayon na? As in?” paniniguro niya.   “Yeah! If it’s okay?”   “S-sure. Mag-aasikaso lang ako.” Paakyat na sana siya patungo sa kaniyang silid nang may makalimutan siyang sabihin sa binata. “Upo ka muna pala. Feel at home.”   Napangiti na lang ulit ang binata at tila nahihiya pa na napahawak sa batok nito bago naupo at iwan ni Sky.   Pagpasok sa silid ay doon niya lang naibuhos ang kilig na nararamdaman niya. Naroon at naglulundag siya at nagpagulung-gulong sa kaniyang kama habang yakap-yakap ang kaniyang malambot na unan.   “Is this it? Eto na yata ang start ng forever at happily ever after naming dalawa ni Ice.” Hinawakan niya ang kaniyang namumulang pisngi, isinubsob ang sarili sa unan at doon tumili nang todo bigay upang hindi marinig ng binata.   Bumangon siya kaagad at mabilis na nagtungo sa banyo nang maalalang naghihintay ang crush niya sa kaniya sa kanilang sala. Ilang minuto lang ay nakalabas siya kaagad ng banyo kumpara sa karaniwang pagtambay niya sa C.R. na inaabot ng isang oras. Mabuti na lang at may C.R. siya sa loob ng kaniyang silid kung kayat hindi na niya kailangang lumabas pa ng silid na nakatapis ng tuwalya. Nagtungo siya kaagad sa kaniyang walking closet at saka humarap sa salamin habang namimili ng damit na susuotin niya sa kaniyang cabinet. Pabalik-balik pa siya sa harap ng salamin dahil hindi niya malaman ang damit na aakma sa itsura niya sa date nila ni Ice.   Matapos ang isang oras ay bumaba na siya at nahihiyang humarap sa crush niya.   “Ice…”   “Sky…” Pinasadahan siya nito ng tingin dahilan para makaramdam siya ng pagkailang ng kaunti.   “Panget ba?” naiilang na tanong niya.   “No. You really look great.” Kitang-kita naman sa mga mata ng binata ang pagkamangha nito sa dalaga.   “Sorry kung natagalan ako.” Paghingi niya ng paumanhin.   “Ayos lang,” sabi nito. “So, shall we go?”   “O-okay.” Tanging naging tugon niya at sumunod na kay Ice maglakad palabas ng bahay.   Napagpasyahan ni Ice na sa mall na lang sila magpunta nang maalala niyang may magagandang movies na showing nang araw na iyon. Una silang huminto sa isang restaurant upang kumain. Tanghali na rin kasi kaya nakakaramdam na ng gutom ang dalawa.   “Anong gusto mo?” tanong nito habang tinitingnan ang hawak na menu.   “Kung ano sa’yo ‘yon na lang din sa akin,” sagot niya at saka ngumiti.   “Okay.” Isinara nito ang hawak na menu bago binalingan ang babaeng nasa harap nila. “Miss, 2 beef steak, 2 orange juice, and 2 banana split,” sabay abot ng menu sa babae.   “Hindi ka pumasok?” tanong niya nang maalala ang mga tanong niya kanina na hindi pa nito nasasagot.   “Wala kaming pasok. Absent daw ang prof namin sabi ng classmate ko,” sagot nito.   “Ah, I see. Kami kasi wala talagang pasok ngayon,” sabi niya.   “Yeah, I know.” Tumingin ito sa babaeng papalapit at inalalayan ang inaabot nitong juice habang nananatiling nakaupo. “Salamat,” sabi niya sa babae.   Napatingin siya kay Ice dahil sa pagtataka. “Paano mo nalaman?”   “May nakapagsabi lang,” sagot nito.   “Sino naman?” usisa niya at saka sinipsip ang orange juice gamit ang straw.   “Classmate mo. Nagkataon kasi na same course kayo at kapitbahay ko siya.” Itinukod naman nito ang siko sa lamesa at ang kamay sa baba.   “Kaya pala. Akala ko ini-stalk mo na ‘ko.” Tumawa pa siya nang mahina bilang pagbibiro.   “Paano kung sabihin kong ini-stalk nga kita? Anong gagawin mo?” Muntik na mabulunan ng iniinom na juice si Sky dahil sa sinagot ng binata sa kaniya. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya dahil tila nagpapahiwatig na ito ng nararamdaman para sa kaniya o mahihiya sa pagiging diretsahan nito sa kaniya.   “Sir, here’s your order.” Napalingon silang dalawa nang magsalita ang babae na dala ang order nilang pagkain.   “Oh, thank you!” Inabot naman ni Ice ang para sa kaniya at inalalayan ang paglalagay ng plato sa gawi ni Sky.   “Tara kain na tayo, for sure gutom ka na rin.”   Doon lang nakahinga nang maluwag si Sky nang hindi na ito muling nag-usisa tungkol sa tanong nito sa kaniya.   Sunod silang nagpunta sa sinehan upang makapamili ng panonoorin.   “Anong gusto mong panoorin?” tanong ni Ice.   “Ikaw na ang mamili,” mabilis na tugon niya.   Hindi na siya nag-abala pang tingnan kung anu-ano ang mga palabas. Para sa kaniya kasi ay masaya na siya basta kasama niya si Ice. Kahit na saan pa siya nito ata dalhin ay pakiramdam niya ay sasama siya. Kinikilig pa siya habang ini-imagine na nakakapit ang braso niya sa braso nito habang nanunuod ng sine. Naroon at napapangiti pa siya dahil sa isiping iyon na tila napansin naman ni Ice.   “Ayos ka lang ba, Sky?”   “A-ah… O-oo.” Napayuko naman siya bigla dahil sa biglang pagkahiya. Nag-aalala siyang baka ma-turn off sa kaniya ang binata dahil sa mga pinaggagawa niya.   “Sure ka bang ako na ang bahala sa panunuorin natin?” paniniguro nito.   “Oo naman,” buong loob na tugon niya.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   Napasubsob siya bigla sa balikat ni Ice nang makita niya ang dahan-dahang paggapang ng multong si Samara palabas ng T.V. screen. Si Ice naman ay napapangiti na lang sa reaksyong nakikita niya kay Sky.   “Matatakutin ka pala,” sabi nito.   “Hindi mo naman sinabi sa akin na horror pala ang panunuorin natin.” Nanatili lang itong nakasubsob kay Ice.   “Sorry na. Hindi ko naman alam na hindi ka pala fan ng mga horror movies.” Napabungisngis naman ito dahil sa inaarte niya. Tila musika naman sa pandinig niya ang pagbungisngis nito kaya napatingin siya rito. Bigla pa nitong hinawakan ang kaniyang kamay dahilan para magkarera ang pagtibok ng kaniyang puso. “I’m just here, Sky. Don’t worry, hindi kita iiwan.”   Natapos ang palabas na hindi man lang naintindihan ni Sky ang pinanuod nila. Bukod kasi sa naubos lang ang oras niya sa pagsubsob kay Ice, naroon at hindi niya pa alam kung anong iisipin sa kakaibang pakikitungo ni Ice sa kaniya. Gusto niyang ipakita rito na natutuwa siya at masaya siyang kasama ito ngunit nag-aalangan siyang baka hindi naman siya nito gusto gaya ng iniisip niya. Ayaw niyang masabihang ambisyosa at asyumera lalo na at kilalang-kilala si Ice sa school nila bilang school vice president.   “Ice…” pagputol niya sa katahimikang namamagitan sa pagitan nilang dalawa habang nakatingin silang dalawa sa papalubog na araw sa seaside.   “Yes?” Nakangiti naman ito nang harapin siya.   “Sorry. Kasi parang feeling ko ang boring kong kasama.” Ngumiti naman siya bago yumuko.   “Hey! Ano bang pinagsasabi mo?” tanong nito.   “Kanina kasi noong nanonood tayo ng sine, ‘di ba?” Gusto niya mang ipaliwanag ang nais niyang sabihin ay hindi niya alam kung paano. Hiyang-hiya kasi siya sa mga pianggagawa niya.   “Sky, kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya. First time kong makita ang side mong ‘yan, that scared cat side of yours and pakiramdam ko ang swerte ko. Naiinggit nga ako kay Kier, kasi halos lahat siguro sa’yo alam niya na. Samantalang ako, kakaunti lang ang alam ko sa’yo. As in, ‘yong mga bagay lang din na nakikita ng ibang tao sa’yo. But Sky, if you would allow me, I want to know you better than them. I want to see the Sky in and out of the house, the real you.” Hinawakan nito ang kamay niya kaya napatingin siya rito ng diretso.   “Ice…”   “Hatid na kita sa inyo, we still have more time getting to know each other. Thank you for this wonderful day.” Ngumiti ito sa kaniya kaya sinuklian niya din ito ng malapad na ngiti.   Nang makauwi ay kaagad itong nagpaalam sa kaniya. Alam ni Sky na gabi na rin kasi at ayaw niya namang gabihin pa ito ng sobra.   “Good night, Sky. See you at school.”   “Good night. Thank you. Ingat ka,” sabi niya habang kinakawayan ang papaalis na binata.   Kaagad na pumasok si Sky at nagmano sa amang si mang Lucio.   “Ginabi ka ata, saan ka nanggaling?” tanong ng kaniyang ama.   “Lumabas po kami ni Ice. Nagyaya po na mamasyal,” sagot niya.   “WHAT?” Nagulat pa siya nang marinig ang matining na boses ni Kier.   “Gabi na ha? Ba’t nandito ka?” Pag-iiba niya sa usapan.   “Hoy, Girl! Sagutin mo kaya ako. Anong ginawa n’yo ni fafa Ice?” tanong nito habang iniikutan siya.   “Grabe imbestigador. Nag-date kami.” Dinilaan niya pa ito bilang pang-aasar.   “E ‘di kayo na may date.” Naglakad naman ito palapit sa pintuan.   “O, aalis ka na?” tanong niya.   “Hinintay lang kitang makauwi. Nagdala kasi ako ng cake at ticket para sa concert ng Blackpink,” sabi nito bago tuluyang lumabas ng pinto.   “Anong nangyari doon?” nakakunot ang noo na tanong niya.   Nagkibit balikat lang si Mang Lucio bilang pagtugon.   “Nasaan ang ticket, Pa?” tanong niya nang maalala ang sinabi ng bestfriend niya. Nae-exite pa siya nang biglang maalala iyon.   “Nagpunta siya sa loob ng kwarto mo kanina. Tingnan mo na lang doon.”   Kaagad naman siyang tumayo at patakbong nagtungo sa kaniyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD