Chapter 6

1507 Words
“Girl… Uy!” Napatingin naman bigla si Sky sa kaibigan niya. Halos buong klase kasi siyang walang naintindihan sa itinuturo ng professor nila hanggang dismissal at iyon ay dahil sa nagdaang araw. Mula paggising kasi ay lagi na lang si Ice ang tumatakbo sa utak niya at kung paano siya nito sobrang napasaya noong nag-date siya.   Napabuntong hininga naman siyang bigla dahil sa isiping iyon. Hindi niya kasi malaman kung date na ba talagang matatawag iyon o karaniwang gala lang ng magkaibigan. Iyon naman din kasi ang usual na ginagawa nilang dalawa ni Kier. Ang kinaibahan nga lang bakla ang bestie niya at lalake naman si Ice.   “O bakit? May problema ba?” tanong niya.   “Hello… Mula pagpasok mo hanggang ngayong dismissal natin nagfa-fly-fly ang utak mo. Kalerkey ka,” sabi nito at iniikot pa ang mga mata.   Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi bago muling nagsalita. “Si Ice kasi…”   “Anong ako?” Nagulat naman silang dalawa ni Kier nang biglang sumulpot si Ice mula sa likuran nila. “Pinag-uusapan n’yo ata ako.” Napatutop naman kaagad ng bibig si Kier nang mapagsino ang kaharap.   “OMG! Ice…” Lumapit naman kaagad si Kier kay Ice at ipinulupot ang braso nito sa braso ni Ice at saka inihilig ang ulo sa balikat ng binata.   “Kier! Lumayo ka nga sa kaniya!” Napakunot naman ang noo ni Sky dahil sa inasal ng kaibigan niya although alam din naman niya na type nito ang ultimate crush niya.   “Uyy… Nagseselos ata ang bestfriend ko ha?”   Bigla naman siyang pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi ni Kier. “Ako? Nagseselos? Hindi kaya.”   “How I wish nagseselos ka na lang.” Bigla silang napatinging magkaibigan kay Ice dahil sa sinabi nito. Dahil ddon ay napaisip na naman si Sky. Ibig bang sabihin no’n ay may chance talaga silang dlawa para sa isa’t isa?   “Ice, don’t tell me na may gusto ka sa bestie ko?” tanong naman ni Kier kaya naman biglang hinatak ni Sky ang kaibigan.   “Umayos ka nga, Bakla. Nakakahiya kaya kay Ice,” bulong niya.   “O bakit? Pasalamat ka nga inilalapit pa kita sa kaniya himbis na agawin ko siya sa’yo.” Inirapan naman siya ng magaling niyang kaibigan.   “Kahit na, baka mamaya isipin niya pang may gusto ako sa kaniya,” sabi niya.   “Bakit? In denial pa e totoo naman,” bungisngis naman nito.   Napahampas naman si Sky sa kaibigan dahil sa mga sinasabi nito. Hindi niya na alam kung anong depensa pa ang sasabihin sa kaibigan dahil lahat na lang ng sabihin niya ay kontra ito.   “Sky, may problema ba?” Napalingon naman silang dalawa ni Kier kay Ice nang magsalita ito.   “Ah wala. So, kailan mo yayayain ang frenny ko? You know,” diretsong tanong ni Kier.   “Kier!” Napasalubong na lang ang kilay ni Sky dahil sa kaibigan.   “Actually, ngayon sana. My treat,” sabi ni Ice kaya naman kaagad na napayakap si Kier sa binata na siya namang kinairita lalo ni Sky.   Kaagad niyang hinatak si Kier sa pagkakalingkis kay Ice at walang sabi-sabing inilayo ang kaibigan sa binata.   “Nakakarami ka ng bakla ka ha.”   “O e ‘di sa’yo na si fafa Ice.” Itinulak naman ni Kier si Sky patungo kay Ice na kaagad namang sinalo ni Ice upang hindi ito mawalan ng balanse at nang mag-angat ng paningin si Sky ay mga mata ni Ice ang sumalubong sa kaniya. Tila nag-slow motion naman ang paligid at pakiramdam niya bumukas ang langit at bumaba ang mga anghel mula rito. Unti-unting nakakarinig ng musikang kaaya-aya sa pandinig ang mga tenga niya na animo’y sumasabay sa kaniyang kaligayahan.   Ramdam ni Sky ang bilis ng pagkalabog ng kaniyang dibdib na animo’y mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo habang si Ice naman ay diretso lang na nakatitig kay Sky. Kapwa naman unti-unting lumalapit ang mga mukha nila sa isa’t isa nang magising sila sa reyalidad na may hadlang sa pagitan nilang dalawa.   “Ehem!”   Kapwa sila napatingin sa pinanggalingan ng boses at natagpuan roon si Kier na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.   Kaagad naman silang dumistansya sa isa’t isa upang maitago ang hiyang nararamdaman nilang dalawa. Si Kier naman ay biglang tumalikod at nagpaalam.   “O aalis ka?” agarang tanong ni Sky.   “Obvious ba?” masungit naman na tugon nito.   “Ang sungit ha…”   “Kailangan ko ng beauty rest para pak na pak sa concert mamaya.”   Napatingin na lang si Sky kay Kier habang papalayo ito sa kanila. Napakunot naman din ang noo niya dahil sa sinabi nito.   “Concert?” Pilit niyang inisip ang nais nitong iparating at nang maalala ay napasigaw na lang siya. “OMG!”   “Anong problema, Sky?”   “S-sorry, Ice. May lakad nga pala ako mamaya. Next time na lang tayo ulit lumabas. This time sagot ko naman. Magkita na lang tayo bukas sa school,” natatarantang sabi nito bago patakbong iniwan si Ice.   Napailing na lang si Ice habang nakangiti. Pilit niya mang itanggi ay nakakaramdam siya ng kilig sa sinabi nito sa kaniya.   “So, there’s still next time,” pabulong na sabi nito habang tinitingnan papalayong tumatakbo ang dalaga.   ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥   “Bakla, hintayin mo ‘ko.”   “You’re so slow, bahala ka riyan.   Dahil sa pagmamadali ni Sky ay hindi niya inaasahang mababangga siya sa dibdib ng isang lalake na naging dahilan para mapaupo siya sa sahig.   “Aray!” daing niya.   “Next time watch your steps para hindi ka nakakabangga,” sabi nito na kaagad ikinapanting ng kaniyang tenga.   “At ako pa ang may kasalanan? Kung ikaw nakatingin ka rin sana sa nilalakaran mo, e ‘di sana nakaiwas ka at hindi ako bumangga sa’yo. Gabi na kasi naka-shades pa.” Inirapan niya ito at saka tiningnan nang mula ulo hanggang paa.   “Kier?” Napakunot naman kaagad ang noo niya nang maghubad ito ng suot na shades.   “Look, I have to go. I don’t have time to argue with you.” Tila nag-slow motion naman ang paligid habang inaalalayan siya nitong tumayo. Nang makatayo na siya ay saka ito nagpatuloy maglakad sa kabilang direksyon.   Akma sanang hahabulin niya ito ngunit napahinto siya nang marinig ang pagtawag ni Kier sa kaniya.   “Sky!” Kaagad siyang napalingon dito baon ang kalituhan sa utak. “O bakit?”   “W-wala,” tanging naging tugon niya.   “Tara na at malapit na mag-start.”   Tumango na lang siya at nagpahila kay Kier habang ang mga mata ay patuloy na nakatingin sa kaniyang likuran.   Let's kill this love! Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum Let's kill this love! Rum, pum, pum, pum, pum, pum, pum   Sabay sa bawat tugtog ang pagtalon-talon ng mga taong naroon. Hindi alintana ang pagod at siksikan, Sabay-sabay nilang ibinibigay ang kanilang suporta sa girl group na paborito ng lahat ng naroon.   “Bakla!” Pasigaw pa niyang tinawag ang atensyon ng kaibigan dahil sa lakas ng tugtog sa lugar.   “Bakit?” pasigaw rin na tanong nito habang nananatiling nakatuon ang atensyon sa mga babaeng sumasayaw at kumakanta sa stage.   “Thank you! Sa uulitin.”   Dahil doon ay tuluyan nang napalingon ang binata sa kaniya. Hindi na ito nakapagsalita dahil sa isinalubong niyang matamis na ngiti.   Sinundan pa iyon ng ilan pang mga kanta at ang lahat ay mas nagsigawan nang sayawin na at kantahin ng grupo ang top hit songs nila na naging most-viewed music video by a K-pop group on Youtube bilang kanilang pang-finale.   Oh wait til' I do what I do Hit you with that ddu-du ddu-du du Aye aye Hit you with that ddu-du ddu-du du Aye aye Ddu-du ddu-du du   Nang matapos ang concert ay kaagad naman na inihatid ni Kier si Sky sa kanila. Halos alas-tres na rin ng umaga nang makarating sila sa bahay nila Sky.   “Bakla, dito ka na kaya matulog,” sabi niya.   Saglit naman itong nag-isip habang magkasalubong ang braso sa mga dibdib.   “Tara na! Aarte pa e,” sabi ni Sky at saka hinatak ang binata papasok sa loob ng bahay. Dahan-dahan pa silang umakyat sa silid ni Sky upang hindi makagawa ng ingay na gigising sa natutulog na si Mang Lucio.   Nang makapasok sa silid ay excited pa si Sky nang ayusin ang kaniyang kama. Inabot niya sa binata ang unan at kumot na gagamitin nito sa pagtulog. Nagtungo rin siya sa kaniyang cabinet upang doon maghalungkat ng damit na maaaring suotin ng kaibigan sa pagtulog.   “Sky, sa sahig ka ha?” pambasag nito sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.   “Ano ka sinuswerte? Ikaw sa sahig,” sagot niya.   “Aba! Ako kaya ang bisita rito tapos patutulugin mo ko sa sahig?” reklamo nito na may halong pag-irap pa.   “Hoy, bakla! Hindi ka na bisita rito. Labas pasok ka na nga rito sa kwarto ko. Feel at home ka na nga e.” Kaagad niya itong hinampas ng unan bilang pagsalungat sa sinabi nito.   “Aba! Aba! Gusto mo kalbuhin kitang loka-loka ka? Ba’t ka nanghahampas?”   Himbis na sumagot ay inirapan niya lang ito kung kaya hinampas na rin siya nito ng unan. Dahil doon ay naisipan ni Sky na ibalik ang ginawa nitong paghampas kaya nauwi sila sa pillow fight. Kapwa naman nilang na-enjoy ang ginawang iyon at nang mapagod ay pabagsak silang nahiga sa kama.   “Bwisit kang bruha ka. Napagod ako dahil sa’yo,” reklamo nito habang habol hininga sa pagod.   “Akala mo naman siya lang ang napagod.”   Nagkatinginan naman sila at sabay na tumawa sa isa’t isa. Maya-maya pa ay inilapit na ni Sky ang katawan sa binata at doon isinandal ang ulo sa balikat nito. Yumakap pa siya sa binata na ikinailang naman ni Kier ngunit hindi nito iyon ipinahalata.   “Good night, Bakla.” Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata at doon tuluyang nilamon ng antok.   “Good night… my Sky.” Sa pagkakataong iyon ay dinampian nito ng halik sa noo ang dalaga bago ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD