Chapter 7

1376 Words
“Sky, okay ka lang ba?” Napalingon naman si Sky sa kanyang kanan. Kasalukuyang break time nila at nakasubsob lang siya sa kaniyang desk dahil sa sama ng kaniyang pakiramdam magmula pa ng umagang iyon. “Ayos lang,” matamlay na sagot niya. “Sigurado ka ba? I think you’re not okay,” sabi nito. “Ayos lang talaga ako.” Naramdaman niya na lang ang paglapat ng kamay nito sa kaniyang noo at nang lingunin niya ito ay si Ice ang natagpuan ng kanyang mga mata. Kasalukuyan din itong nakahawak sa sariling noo. Tila sinisiyasat kung magkatugma ba ang kanilang temperatura. “I think kailangan na kitang dalhin sa clinic.” “I-Ice…” Kaagad siyang pinamulahan ng mukha at umayos nang pagkakaupo. “Tara sasamahan na kita sa clinic,” sabi nito at saka siya inalalayan na tumayo. Hindi na rin naman siya tumanggi pa dahil ang bigat talaga ng pakiramdam niya. “38.4 ang temperature mo, Ms. Suarez. I think, puwede ka na umuwi. Meron bang pupwedeng sumundo sa’yo?” Tumalikod ang nurse na nag-check sa kanya at humarap sa kaniyang desk. “Nurse, ako na lang ang maghahatid sa kaniya,” prisinta ni Ice. “Pero, Ice…” “Besides, tapos na rin naman ang klase ko. Sakto lang pagsilip ko sa classroom n’yo nadatnan kitang nakasubsob sa desk mo,” sabi nito Muli na naman siyang pinamulahan ng mukha dahil sa hiya. Knowing na natagpuan siya nitong nakasubsob sa desk niya at wala sa wisyo. “Sure, Mr. Villofen,” sabi ng Nurse bago binalingan si Sky. “Here, Ms. Suarez. Bilhin mo ang gamot na iyan for your fast recovery,” dagdag naman nito sa dalaga pagkaabot ng isang kapirasong papel. “Salamat, Nurse,” sabi ni Ice bago inalalayan si Sky na tumayo. ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ “Girl, are you all right?” Lumapit si Kier sa kaniya at sinalat ang kaniyang noo. “Hinahanap kita kanina sa mga friendship mo ang sabi umuwi ka na raw.” “Okay okay na ako. Salamat kay, Ice.” “Ice, thank you for assisting this poor little girl.” Tumingin ito kay Sky at inismiran naman ito ng dalaga. “Kung hindi dahil sa’yo malamang nag-collapse na ‘yan.” Lumingkis naman ito kay Ice at muling tiningnan ang dalaga na ngayon ay busangot ang pagmumukha. “Ayos lang, Kier.” Ngumiti ito at tinanggal naman ang braso sa pagkakakapit ni Kier sa kaniya. “Anyway, I have to go. Kanina pa kasi tumatawag si Rouin. May kailangan yata.” Pinakita pa nito ang cellphone na may 3 missed calls. “Pasensya na sa abala, Iho. Salamat. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo,” wika ni Mang Lucio na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng dalaga. “Opo, Tito,” sagot nito bago muling binalingan si Sky. “Sky, mauna na ako. Get well,” at saka muling lumapit sa kaniya at kinintalan siya ng halik sa noo. “Ehem!” pambasag ni Kier sa sweet moments ng dalawa. Napalingon naman kaagad ito sa ama ni Sky at saka tuluyang lumayo. Naglakad ito patungo sa pintuan ng silid at saka naman inihatid ni Mang Lucio hanggang sa labasan. “How sweet naman ni fafa Ice. Sana akin na lang siya,” pang-aasar ni Kier sa kaibigan. Napasimangot muli si Sky dahil sa tinuran ng kaibigan. “I’m really worried about you, Girl. Akala ko ano na ang nangyari sa’yo. I keep calling your number echoserang babae lagi ang sumasagot,” sabi nito at saka yumakap nang mahigpit sa kaibigan. “Babae? Anong sabi?” nagtatakang tanong naman niya. “The subscriber cannot be reach. Please try your call later.” Ginaya pa nito ang pananalita ng babaeng operator na siyang nagsasalita sa tuwing tatawag ito kay Sky. Iyon kasi ang sign na maaaring walang signal o nakapatay ang cellphone ng dalaga. “I hate you, Bakla.” “Oh, I love you, Girl.” Hinalikan naman nito ang noo niya bago muling nagsalita. “Magpahinga ka na muna, Girl. You need a lot of rest para makabawi ka ng lakas mo. Remember may utang ka pa kay fafa Ice.” Pinaalala pa nito kay Sky ang naudlot na date sana nila ni Ice. Ngunit hindi naman din siya nagsisisi dahil na-enjoy naman niya ang concert ng paborito niyang girl group kasama ang kaibigan. “Oo na po, tay,” pang-aasar niya kung kaya inirapan naman siya nito pabalik. “Tse!” sabi nito bago tuluyang lumabas ng kaniyang silid. ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ “Girl, don’t be sad. I’ll be back after a year. Need lang talaga ako ni granny. I promise you,” sabi ni Kier sa kaniya. “Babalik ka ha? Promise mo ‘yan.” Nag-aalala man ay alam ni Sky na importante naman ang sadya nito patungong Amerika. “Yeah!” tanging tugon nito. Nagulat na lang si Sky nang biglang matagpuan ang sarili na lulan ng isang pampasaherong eroplano kung saan kasalukuyang nagloloko ang makina nito. “Ladies and gentlemen, Captain Galvez has informed me that we need to prepare the cabin for a possible emergency landing. Your crew is fully trained to handle this situation. We have approximately 45 minutes to prepare the cabin for landing, so your undivided attention is very important!” wika ng flight attendant. Suot ang kani-kanilang oxygen mask ay napuno ng kaba ang lahat dahil sa malakas na pagyugyog ng eroplano. Turbulence. Everyone is praying. Biglang nagsigawan ang mga pasahero habang mabilis na bumubulusok pababa ang sinasakyang nilang eroplano at sa isang iglap lang ay ang tuluyang pagbagsak nito sa lupa na naging dahilan nang malakas nitong pagsabog. Napabalikwas nang bangon si Sky dahil sa masamang panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon. Napalingon naman siya sa kanan niya nang makita ang kaibigang si Kier na nahihimbing habang nakahilig ang ulo sa gilid ng kaniyang kama. Ngumiti siya matapos makahinga ng maluwag. Pilit niyang iwinaksi sa isip niya ang masamang panaginip lalo na at naroon ngayon ang kaibigan niya, natutulog lang nang tahimik sa kaniyang tabi. Hinawakan niya ang buhok nito dahilan para magising ito. “Hhmm… Girl, gising ka na pala. Temperature check,” sabi nito at wala sa sariling kinuha ang kutsarang nakapatong sa tray sa bed side table nito. Naroon kasi nakalagay ang inihanda nitong pagkain para sa kaniya na siyang labis ikinatuwa ng kaniyang puso. “Bakla, inaantok ka pa yata.” Napabungisngis siya dahil doon. Inabot naman niya ang kutsarang kinuha nito at inilapag pabalik sa tray. Kinuha niya ang thermometer sa bed side table katabi ng tray at saka inilagay sa kaniyang kili-kili at matapos ang isang minuto ay narinig na nila itong tumunog. “36.2,” sabi niya. “Congrats, Girl. Pwede ka na ulit humarot kay fafa Ice.” Kung kanina ay tila lutang ito, ngayon naman ay bigla na lang itong naging jolly. Naroon at inaasar na naman siya ng kaniyang kaibigan. Napangiwi naman siya sa sinabi nito. “O bakit? Mas gusto mo ba ‘yong boylet ko?” tanong nito kaya napahampas siya sa braso ng kaibigan ngunit bago pa man ito lumapat sa braso nito ay nahawakan kaagad siya nito. “Oops! Mukhang magaling ka na nga,” sabi nito at saka siya binitawan at kinuha ang tray na nasa bed side table. “Here. Niluto ko ‘yan, Girl.” Napatingin siya sa crab and corn soup na nakalagay sa mangkok. Natawa siya bigla dahil doon. “O anong nakakatawa?” tanong nito. “Sus! Kahit yata elementary kayang lutuin ‘yan. If I know bumili ka lang ng Knorr Crab and Corn soup na naka-pack.” Kinuha niya ang kutsara at saka inilubog sa sabaw. “Salamat, Bakla.” “Kumain ka na riyan. Malamig na nga ang soup, pinapalamig mo pa nang bongga.” Tumayo ito at akmang aalis na sana nang hawakan ni Sky ang kamay nito. “Please stay, Kier.” Napalingon naman si Kier sa kaniya and in that moment, doon natiyak ni Kier na si Sky lang ang tanging babaeng gusto niyang nakatadhana para sa kaniya. “I’ll stay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD