bc

MARRIED TO THE DEVIL I CHOSE

book_age18+
108
FOLLOW
1.6K
READ
dark
HE
opposites attract
arrogant
badboy
mafia
drama
bxg
serious
office/work place
cheating
sassy
like
intro-logo
Blurb

This story contains SPG content, including mature themes, intense romantic elements, and emotionally charged situations. It is intended for readers 18 years old and above only.

"Ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko?"

Ang mahalin ang lalaking kinatatakutan ng buong mundo.

Akala ko noon, ang kasal ay simbolo ng pag-ibig, panghabambuhay na pangako, at isang bagong simula.

Pero nang isuot ko ang puting trahe de boda, hindi ako naging prinsesa.

Naging asawa ako ng isang lalaking ang pangalan ay binubulong sa takot.

Isang lalaking ang mga kamay ay marunong pumatay, ang puso ay matagal nang isinara, at ang buhay ay nababalot ng dugo at paghihiganti.

Marami ang nagsabing baliw ako.

Marami ang nagsabing balang araw pagsisisihan ko ang pagpili sa kanya.

Marahil tama sila.

Dahil ang pagmamahal sa isang demonyo ay hindi lang sumusubok sa puso...

Sinusubok nito kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo.

Ngunit kung bibigyan akong mamili muli—

Pipiliin ko pa rin siya.

Kahit alam kong ang pagmamahal sa kanya ay maaaring maging simula ng sarili kong kapahamakan.

Dahil minsan, ang pinaka-mapanganib na pag-ibig... ay siya ring pinakamahirap bitawan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1-The Man in the Coffee Shop
Maagang nagising si Angelic. Hindi dahil mahimbing ang tulog niya, kundi dahil muli na namang ginising siya ng malalakas na sigawan sa kanilang maliit na bahay. "Ang sabi ko, bibigyan kita ng pera!" galit na sigaw ng kanyang ama. "Hanggang kailan mo kami lolokohin? Lubog na lubog na tayo sa utang!" iyak ng kanyang ina. Tahimik na ipinikit ni Angelic ang kanyang mga mata. Sanay na siya. Halos gabi-gabi na lang ay ganito ang eksena sa kanilang tahanan. Ang kanyang ama ay nalulong sa sugal, at habang tumatagal ay mas lalo silang nilulubog nito sa problema. Tahimik siyang bumangon, nagbihis, at ng matapos walang ingay na isinara ni Angelic ang pintuan ng kanilang bahay. Hindi na siya lumingon pa. Sanay na siyang marinig ang walang katapusang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Sa bawat sigaw ng kanyang ama at hikbi ng kanyang ina, pakiramdam niya ay unti-unti ring nadudurog ang kanilang pamilya. Napabuntong-hininga siya. "Tamang-tama..." mahina niyang bulong sa sarili. "May part-time pa naman ako sa café. Doon na lang muna ako magpapalipas ng oras." Agad siyang sumakay ng jeep papunta sa paborito niyang pinagtatrabahuhan—Bean & Brew Café, isang maliit ngunit elegante at tahimik na coffee shop sa business district. Pagdating niya, agad siyang sinalubong ng manager. "Good morning, Angelic!" "Good morning din po." "Naku, buti maaga ka. Medyo marami tayong reservation ngayong umaga." Ngumiti siya at tumango. "Walang problema po." Agad niyang isinuot ang apron at inayos ang kanyang buhok bago nagsimulang maghanda ng mga mesa. Kilala si Angelic ng mga regular na customer. Bukod sa magalang, palagi rin itong may ngiti sa labi at marunong makinig sa mga kuwento ng mga suki. "Good morning, Miss Angelic!" "Good morning po, Sir. Same order po ba?" "Oo, alam mo na." Napangiti siya. "One cappuccino coming right up." Habang abala siya sa pagse-serve ng kape, walang nakapansin na may isang convoy ng mamahaling sasakyan ang huminto sa tapat ng café. Isa-isang bumaba ang ilang lalaking nakasuot ng itim na suit. Tahimik nilang sinuri ang paligid. Makalipas ang ilang segundo... Bumukas ang pinto ng café. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves, mamahaling relo, at may malamig na ekspresyon sa mukha. Agad na natahimik ang ilang customer. "Grabe... sino 'yon?" "Ang lakas ng dating." "Parang hindi ordinaryong businessman." Ngunit walang pakialam ang lalaki sa mga bulungan. Diretso itong umupo sa pinakatahimik na sulok ng café. Lumapit si Angelic dala ang menu. Ngumiti siya, gaya ng ginagawa niya sa bawat customer. "Good morning, Sir. Welcome to Bean & Brew Café." Bahagyang itinaas ng lalaki ang kanyang tingin. Sa unang pagkakataon... Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi pa alam ni Angelic na ang lalaking nasa harapan niya ang isa sa mga pinaka-mapanganib na tao sa ilalim ng mundo. At hindi rin alam ni Jeon... na ang simpleng waitress na nakangiti sa kanya ang magiging pinakamahalagang babae sa kanyang buhay. Nakatingin lang si Jeon kay Angelic. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa gwapo nitong mukha. Tahimik. Malamig. Hindi mabasa kung ano ang nasa isip nito. Samantalang si Angelic ay nanatiling propesyonal. "Sir, heto po ang menu natin." Ngunit imbes na magsalita, dahan-dahang itinaas ni Jeon ang kanyang kanang kamay. Parang senyas lang. Ilang segundo pa ang lumipas ay agad na lumapit ang isa sa kanyang mga tauhan. "Yes, Boss." Hindi na nagsalita si Jeon. Ang kanang kamay na lamang nito ang tila "nagsalita." Isang maikling kumpas ng daliri. Agad na naintindihan ng tauhan ang ibig sabihin. Lumapit ito kay Angelic. "Miss, one black coffee. No sugar. No cream." Tumango si Angelic. "Noted po." Ngunit bago siya tuluyang makaalis, muli siyang napatingin kay Jeon. Hindi pa rin ito nagsasalita. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. Napaisip tuloy siya. "Ang seryoso naman ng taong 'to. Hindi ba marunong ngumiti?" Pinigilan na lamang niya ang sariling matawa at tumalikod na upang ihanda ang order. Samantala, bahagyang lumapit ang kanang kamay ni Jeon at mahina itong nagsalita. "Boss... kayo na lang sana ang umorder." Hindi inalis ni Jeon ang tingin kay Angelic habang abala ito sa coffee machine. Malamig ang naging sagot niya. "She's observant." Napakunot-noo ang tauhan. "Huh?" "Wala." Maikli niyang tugon. Tahimik na lamang ang tauhan. Hindi niya alam kung bakit tila interesado ang kanyang boss sa simpleng waitress. At si Angelic... Wala rin siyang ideya na ang lalaking pinaghahandaan niya ng isang tasa ng kape ay ang taong kayang magpabago ng takbo ng kanyang buhay. Matapos maihanda ang order, maingat na inilagay ni Angelic ang tasa ng mainit na black coffee sa tray. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad patungo sa mesa ng lalaking kanina pa niya napapansin. Tahimik ang bawat hakbang niya. Ngunit ilang metro na lang ang layo niya, napahinto siya nang marinig na may kausap si Jeon sa telepono. Hindi iyon simpleng tawag. Malamig at mababa ang boses ng binata. "I said don't touch him yet." Sandaling natahimik si Jeon habang nakikinig sa nasa kabilang linya. "Keep him alive." Muli itong nagsalita. "May kailangan pa akong malaman sa kanya." Bahagyang napakunot-noo si Angelic. "Keep him alive?" Hindi niya maiwasang mapaisip. Ilang segundo pa ang lumipas bago muling nagsalita si Jeon. "Kapag umamin na siya..." Bahagya itong huminto. "Dispose of the body. Leave no evidence." Nanlaki ang mga mata ni Angelic. Akala niya'y mali lang ang kanyang narinig. Ngunit nanatiling seryoso ang mukha ng lalaki. Walang emosyon. Walang pag-aalinlangan. Para bang normal lamang ang mga salitang binitiwan nito. "Understood, Boss." Mahinang boses ang narinig mula sa kabilang linya bago pinatay ni Jeon ang tawag. Napalunok si Angelic. "Hindi... baka tungkol lang ito sa negosyo." Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili. "Baka may iba lang siyang ibig sabihin." Ayaw niyang husgahan ang isang taong hindi niya kilala. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga, saka muling inayos ang sarili. Lumapit siya sa mesa ni Jeon at maingat na inilapag ang tasa ng kape. "Sir... your black coffee." Bahagyang tumango si Jeon bilang tugon. Ngunit bago pa makaalis si Angelic, muli siyang tinawag ng malamig na boses ng binata. "Miss." Napalingon siya. "Yes, Sir?" Diretsong tumingin si Jeon sa kanyang mga mata. Ngunit muli siyang pinigilan ng malamig na boses ni Jeon. "Why are you nervous?" Diretsong tanong nito. Bahagyang natigilan si Angelic. Napakuyom siya ng kamay na hawak ang tray bago pilit na ngumiti. "Ahm... hindi po. Pasmado lang po talaga ako." Mahinahon niyang sagot. Hindi umimik si Jeon. Pinagmasdan lamang siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bahagya nitong itinaas ang isang kilay. "Really... huh?" Mababa nitong tugon. Ramdam ni Angelic ang bigat ng titig ng lalaki. Pakiramdam niya'y binabasa nito ang bawat galaw at ekspresyon niya. Huwag kang magpapahalata... paulit-ulit niyang sabi sa sarili. Huminga siya nang malalim. At upang patunayang wala siyang itinatago, buong tapang niyang itinaas ang kanyang mukha. Diretso siyang tumingin sa mga mata ni Jeon. Hindi siya umiwas. Hindi siya kumurap. Tahimik na nagkatitigan ang dalawa sa loob ng ilang segundo. Nagtataka ang mga bodyguard sa tagpong kanilang nasaksihan. Karaniwan, kapag tinitigan ni Jeon ang isang tao, kusang napapababa ng tingin ang mga ito dahil sa takot. Ngunit ang babaeng nasa harapan nila... Nanatiling kalmado. Bahagya lamang ngumiti si Jeon. "Okay... you may leave." Malamig nitong saad. "Thank you, Sir." Magalang na yumuko si Angelic bago dahan-dahang tumalikod at bumalik sa counter. Tahimik siyang naglalakad ngunit hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya pagkalayo sa mesa. "Grabe... ang intimidating naman ng lalaking 'yon." Samantala, sinundan ni Jeon ng tingin ang papalayong dalaga. Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi. Halos hindi iyon mapansin. "Interesting..." Mahina niyang bulong sa sarili. "Wala pang babaeng nagkaroon ng lakas ng loob na tumitig nang diretso sa mga mata ko." Napatingin sa kanya ang kanyang kanang kamay. "Bakit, Boss?" Umiling lamang si Jeon at kinuha ang tasa ng kape. "Nothing." Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang panahon... May isang taong nakakuha ng kanyang atensyon. At ang taong iyon ay isang simpleng part-time waitress na walang kamalay-malay na nagsimula na palang guluhin ang tahimik at madilim niyang mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.8K
bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
485.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.7K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.7K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.9K
bc

In Bed With Kuya Red

read
59.9K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook