Maagang bumaba si Jeon. Tahimik pa ang buong villa. Wala pang gising. Tanging si Nana Isabel lang ang abala sa kusina. “Wala pa po bang bumababa, Nana?” Bungad niya habang papalapit. Napalingon si Nana Isabel at napangiti. “Wala pa, hijo.” Sagot nito. “Mas’yado pang maaga—5:00 AM pa lang. Ano ka ba naman, bata ka.” Bahagyang tumango si Jeon. Pero hindi siya umupo. Hindi siya nag-relax. May dala siyang bigat. “Ahm, Nana…” Simula niya. Naging seryoso ang tono. “Pakisabihan na lang po ang lahat…” Sandaling tumigil. “Mag-empake na sila.” Napakunot ang noo ni Nana Isabel. “Ha? Bakit, hijo?” Diretso ang tingin ni Jeon. “Uuwi po tayo ng Pilipinas.” Tumahimik ang kusina. “May aasikasuhin lang po akong mahalagang bagay doon…” Dagdag niya. “At gusto ko… lahat kasama. Walan

