20

1706 Words
"Dandan..." Tawag ni Mama. Alangan pa ako no'ng una, ngunit alam ko naman na hindi siya magagalit kung ipapakilala ko man si Castier. Nagkasundo kaming dalawa na magkita sa pinakamalapit na mall. Ngayon 'yon, at bukas naman ang uwi ni Mama. Gusto ko pa sanang makasama si Mama, kaso iniisip ko rin paano kung baliwain ko ang pag-aaya ni Castier? Sa huli nagdesisyon ako na isama si Mama. Ipapakilala ko si Castier... Pakiramdam ko mabait naman siya. Hindi tulad ni Sir Quir... Na purong pisikal lang ang habol. At hindi naman tulad ng nararamdaman ko na init lang din ng katawan ang habol sa aking Boss. Nahihiyang ginantihan ko ng ngiti si Castier. Ang lapad ng ngiti nito... Lumalabas ang dimples niya sa ginagawa. "Ikaw ba ay may balak na ligawan ang anak ko?" Nanlalaki ang mga mata ko sa diretsong tanong ni Mama nang naupo kami. "Ma..." Nahihiyang bulong ko. Ngumiti si Mama... At tumango si Castier. Hindi ako nakaimik, lalo na at nag-iinit ang pisngi ko sa pagtango niya... Alam ko naman kung saan papunta ang pagkikitang 'to. Ngunit sadyang nahihiya pa rin ako sa sinabi niya. "Ma..." Tawag ko sa kanya. Nasa loob kami ng bakanteng restroom. Nagreretouch si Mama, at ako nama'y nag-aayos ng buhok. "Dandan, hindi ka naman na bata para umayaw. Give it a try..." Ngiti niya. Umiling ako at sumandal sa sink ng restroom. Napapikit pa ako nang mariin at napadilat din kalaunan. Kinabahan ako bigla sa naiisip na mukha. "Okay lang po sa inyo, Ma?" Tanong ko, nanlalamig sa kaba. Tumango siya at inabutan ako ng lipsticks. Parang lutang ako no'ng naglalagay ng kaonti. "Date him, Dannah... Kilalanin mo. Sa nakikita ko mukhang mabait naman yong Castier." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya palabas. Minsan, mas madalas pa silang mag-usap na dalawa. Para talagang nagkakaintindihan... Napagtanto ko, siguro nga tama si Mama. Wala namang masama kung susubukan ko. Mabait si Castier, nararamdaman ko at nakikita naman ni Mama. Susubukan ko lang. I'm 22, at sabi ni Mama nasa wastong gulang na ako para makipagdate. Wala namang masama do'n. "See you some other time, Dannah?" Tanong niya habang nakangiti at inihahatid kami ni Mama sa unit ni Kuya Alex. Nagkatitigan pa kami ni Mama sa rearview mirror, ngumingiti siya... Parang hinihikayat akong umoo. "Some other time?" Ngiti niya, parang ayaw maniwala. Nagpaalam na kami pagkatapos niya kaming ibaba sa harap ng entrance. Hinintay pa siya namin ni Mama na makaalis bago kami umakyat sa unit. "I'm so happy for you Dandan." Ngiti niya. Hilaw naman ang aking ngiti habang nag-aayos ng mga nagkalat na bagay sa gilid ng pintuan. Hindi ko alam... Masaya naman ako, pero ewan... Parang may kulang. "Ma... Kailan po ang balik niyo?" Tanong ko kay Mama, nakaupo na siya ngayon sa sofa. Nanonood ng tv. Ako nama'y papasok na sa opisina. "Hindi ko pa alam Dandan, siguro matatagalan kasi aalis ako ng bansa." Tumango ako at tinitigan ang pinapanood niya. Napalunok na lamang ako at lumapit sa kanya bago naupo sa tabi niya. Ewan... Naguiguilty ako sa mga pinaggagawa ko nitong mga nakaraang buwan. Alam ko na mali, ngunit sadyang bago sa akin ang init na hatid noon... Kaya kahit siguro magsisi pa ako, hindi naman maaalis sa sistema ko ang katotohanan na pinasok ko 'tong bawal na gawain. "Sus, Dandan. Naglalambing." Tukso ni Mama nang niyakap ko siya ng mahigpit. Pinat niya naman ang ulo ko, na para bang bata lang ang inaalo niya. "I'm sorry po, Mama." Kinakain na ako ng guilt na nararamdaman ko ngayon. "Hay naku, Dandan. Ano bang dinadrama mo diyan?" Tawa niya. "Basta po, sorry Ma." Nagpaalam din naman ako kalaunan at bumaba na ng unit. Kailangan kong magmadali, kundi male-late ako ngayon. Kinakabahan pa ako habang kaharap si Sir Quir na nasa work mode niya ngayon. Abala na naman ito sa pagbabasa at pagsagot ng mga tawag. Ni hindi niya pa ako nililingon... Na sa tingin ko mabuti na rin para makapag-isip ako ng maayos. Tinitimbang ko ang sitwasyon... At kahit saan anggulong tingnan, luging-lugi ako kay Sir Quir. Si Castier, kahit kakakilala ko pa lang... Parang siya yong taong handang magpakumbaba para lang mapatunayan ang sinseridad niya sa isang bagay. Okay... Susubukan ko si Castier. Edi-date ko siya, katumbas ng seryoso niyang pag-amin at pagpaalam kay Mama. "Let's go?" Tanong ni Sir Quir. Tumayo na ako at niligpit ang mga papeles na kakailanganin bago kami bumaba at bumyahe patungo sa Quezon, na higit na mas malayo sa pinanggalingan namin. Nakikinig na lamang ako habang nasa harapan si Sir Quir at ineexplain nang maayos ang pointer ng pag-uusap niya sa mga investors. Pumalakpak ako tulad ng pagpalakpak ng marami. Alas siete nang natapos kami at bumaba sa building. Pagkasakay bumyahe na rin ulit si Sir Quir. Ako nama'y binabasa ang mga text galing kay Castier. Nag-aaya ito ng dinner. Tatlumpong minuto bago ang tinanong niyang oras na maaaring pwede sa aking schedule. "Let's have our dinner, Danni." Napalunok ako at muling ibinaba ang mga mata sa cellphone at inalala kung saan ko nga ba nakita 'tong lugar na tinutukoy ni Castier. "S-sir, pwede po bang mauna na lang po ako?" Nanlalamig na tanong ko. Malapit na kami sa Unit ko. Isang liko na lang, pwede na akong sumakay dito. "Why?" Kunot noong tanong niya. Napalunok ako at muling tinitigan ang bagong dating na text ni Castier. Nasa lobby siya ng condo unit nina Kuya Alex. Naghihintay daw siya do'n para sa akin. Ilang oras na kaya siyang naghihintay? "May... May dinner date po ako." Nahihiyang yuko ko. Naramdaman ko na pa umuga ng kaonti ang sasakyan niya. Parang di sinasadyang napa-brake siya ng wala sa oras. "Are you dating someone, Dani?" Seryosong tanong niya, hindi naman galit. Kaso natatakot pa rin ako. Ayaw ko namang magsinungaling pa sa kanya. Hindi niya deserve 'to, at hindi ko naman deserve ang manatili sa ganitong set up. Sa tingin ko, kay Castier ko mahahanap ang isang seryosong relasyon. Kahit hindi pa ako sigurado. "O-opo..." Narinig ko ang buntong hininga niya, kinagat ko naman ang pang-ibabang labi. "Okay..." Simpleng sabi nito at lumiko... Doon sa daan na patungo sa building nina Kuya Alex. Napahinga na lang din ako ng maluwag. Hindi naman ako pinigilan ni Sir Quir... Kaya siguradong okay lang sa kanya na kumalas na ako dito. "Take care, Dani. I'm partly happy for you." Ngiti nito bago isinara ang pintuan ng sasakyan. Napalunok na lamang ako habang sinusundan ang pag-alis ng sasakyan niya. Mabigat ang loob ko habang papasok ng lobby. Parang nawalan na ako ng gana. "Dannah..." Ngiti ni Castier. May dalang bulaklak, na punong-puno. Ngumiti na lamang ako tinanggap ang bigay niya. Inaya naman niya ako palabas ng lobby at muling bumyahe paalis sa lugar. Dinala lang ako ni Castier sa pinakamalapit na Diner. Doon kami kumain, minsan nagkekwento siya ng kung ano-ano. Ako nama'y natatawa lang at ngumingiti pag hindi naman nakakatawa ang pinag-uusapan. Alas nuebe ng inihatid ako ni Castier, sa baba lang ng building. Ngumiti at muling nag-aya para sa susunod na araw. Ngumiti ako at tumango bago niyakap ang bulaklak at nagpaalam. Laging ganoon ang sitwasyon... Ni minsan hindi ko na nakasama sa Dinner si Sir Quir, si Castier na ang madalas kong kasama. Palabiro din ito. Napakakumbaba kahit na nalaman ko na galing pala sa isang mayamang pamilya si Castier. Gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya... Parang mas lalo akong napapalapit sa kanya... Dalawang buwan, at nakapagdesisyon na akong sagutin siya... I think Castier is just fine. Kaso nagkaproblema... Masakit pa rin ang ulo ko nang pumasok kinaumagahan, nilalagnat na naman ako. Kung kailan magfa-file na ako ng compliance sa regularities ko, siya namang sama ng pakiramdam ko. Marahil sa pabago-bagong kondisyon ng panahon... At sa dalas kong gabihin dahil kay Castier. "Sinabi ko na di'ba?! I WILL never sign your proposals!" Galit na sigaw ni Sir Quir. Halos maiyak naman ang nautusang tao. Nanlulumo itong lumabas ng opisina. Mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko dahil sa galit ni Sir Quir. Ngayon ko na lang ulit nakita itong galit. Hinihilot-hilot niya ang gilid ng noo, na para bang masakit iyon. Lumipat ang mga titig niya sa akin na agad kong iniwasan. Hindi naman siya umimik, ngunit ramdam ko pa rin ang tensyon sa paligid. Patay... Galit nga talaga ang Boss ko. Sumakit naman ang puson ko kaya nagpaalam ako sandali at gumamit ng restroom. Kumuha na rin ako ng panibagong napkin... May mga spots na kanina kaya alam ko na dadatnan na ako. Sa bilang ko, mga dalawang spots lang ang nando'n. Napailing na lamang ako at hinubad ang napkin bago nagpalit ng bago. Masakit na masakit pa rin ang ulo ko, parang nanghihina na rin ako. Kung kailan naman gusto kong makasama si Castier mamaya... Mauudlot pa dahil sa sama ng pakiramdam ko. "Oh s**t! Nilalagnat ka?" Gulat na tanong ni Ma'am Hailey nang aksidenteng nasalat niya ang leeg ko. Lumayo ako sa kanya at uminom ng Biogesic at tubig. "Medyo nilalagnat lang po, pero kaya ko naman po Ma'am Hailey." "Ikaw talagang bata ka... Pag masamang-masama na magpahinga ka ha..." Tumango lang ako at bumalik sa opisina. Parang gusto ko namang matulog dahil lalong bumibigat ang nararamdaman ko. Hindi alam ni Sir Quir... Hindi niya napapansin kasi abala rin naman siya. Napahinga ako nang maluwang ng nakitang alas cuatro na at isang oras na lang ang kailangan kong pagtiisan. Tinext ko na rin si Castier na bukas na lang siguro kami magkita. Hindi ko na sinabi sa kanya ang talagang dahilan, sabi ko na lang pagod lang ako at kailangan ng pahinga. Itinulog ko ang sakit ng ulo. Sa taxi pa lang kanina, parang gusto ko ng matulog na talaga... Tiniis ko na lang para makauwi na ako. Madaling araw pa lang ng gumanda ang aking pakiramdam. Siguro nga dahil sa pagod lang iyon. Iniisip ko naman si Castier. Magkikita nga siguro kami mamayang gabi. At siguro, pwede ko na siyang sagutin? Ewan... Malalaman ko rin naman mamaya. Alam ko kapag nakaharap ko na siya, do'n na ako makakapagdesisyon. Alas sais nang napaupo ako at nanginginig na tumakbo sa sink ng kusina. Nanginginig ang mga kamay ko habang nanghihina at sinesentro ang mukha sa sink... Nangangasim... At nagsusuka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD