1
"Sigurado ka na ba diyan?" Taas kilay na tanong ni Mama nang sinabi kong babalik ako ng Maynila at doon ulit magtatrabaho.
Ngumiti ako, dahil oo sigurado na ako ulit.
"Siguraduhin mo lang na hindi na mauulit iyong nangyari noon. Ayaw na ayaw ko na makakarinig nang kung anong balita. Lumaban ka kung alam mo nang binabastos ka na ng Boss mo. Dandan, hindi ka na bata."
Tumango ako at niyakap si Mama.
"Hindi na po mauulit, Mama. Kung mangyari po ulit, magsusumbong na po ako."
Narinig ko ang buntong hininga niya sabay yakap din nang mahigpit sa akin.
"Hindi ka na bata Dandan. Lahat ng lalaki ay magnanasa't magnanasa sa'yo." Rinig ko ang lungkot sa boses niya.
Ngumiti na lang ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap kay Mama.
Natuto na ako, ayaw ko na ulit mangyari ang nangyari noon. Alam ko na may kasalanan din ako do'n. Dapat no'ng una pa lang nagsumbong na ako, kaso hinayaan ko. Hindi dahil takot ako, kundi dahil akala ko no'ng una binibiro lang ako ng Boss ko. Kalaunan napagtanto ko na parang iba na ang hawak niya sa akin. Nasanay kasi ako na narirespeto ng mga kalalakihan, lalo na sa pamilya namin. Kaya nabaliwala ko, huli na nang ma-realize ko na iba pala ang ibig sabihin ng mga paghawak niya sa akin noon.
"Dan..." Tawag ni Kuya Pao pagkatapos niya akong ihatid sa dating condo ni Kuya Alex.
"Wag mong kalimutan na tumawag."
Ngumiti na lang ako at tumango bago hinila ang maleta.
Linggo pa lang nilinis ko na ang condo ni Kuya Alex, inayos ko ang mga gamit. Pati ang mga maalikabok na gamit do'n ay nilinisan ko na rin. Saka ako humiga at natulog, kinabukasan maaga rin akong nagising at nag-ayos. Nagsout ng Formal Dress na binili ni Mama noon sa Singapore.
Bumaba ako pagkatapos at kumain sa restaurant na malapit doon. Maaga pa lang tumawag na si Mama kaya sinagot ko na nang walang pag-aalinlangan.
"Ma..." Sabi ko sabay subo.
"Dandan, nasa trabaho ka na ba?"
"Hindi pa po, nag-aalmusal pa lang po."
"Tumawag ka 'pag may nangyari, tawagan mo rin ako mamaya pagkauwi mo. Dandan, kinakabahan ako para sa'yo diyan."
Natawa ako kay Mama at sinubo ang huling almusal bago uminom ng tubig.
"Mama, sasabihin ko naman po agad. Saka Ma, unang araw pa lang... Alam ko na walang mangyayari. Kilala 'tong kompanya na napasukan ko, kaya siguradong mag-iingat din sila para sa pangalan nila."
Huminga siya nang malalim kaya nagpaalam na ako at sinabing mag-aabang pa ako ng masasakyan sa labas.
Ito na ang pangalawang beses na makakatuntong ako sa magandang kompanya na 'to. Una, no'ng interview at ngayon na tuluyan na akong natanggap.
Pumasok ako dala ang folder na pinaglagyan ng information ko, at bag na ilan lang ang laman na gamit.
Nagtaka ako kung bakit may
lalaking nakakatitig sa akin mula sa tabi ng elevator. Kaya napatitig din ako sa sarili, at nakitang wala namang bago. Ganoon pa rin, kung ano ang sout ko kanina... Walang nadagdag.
"Miss, bago ka?" Tanong niya nang tumabi ako sa kanya, tumango ako at bumati. Ganoon din siya, yong ngiti niya mukhang mabait. Kaya napanatag ako.
"Obvious kasi, hindi pa kita nakita rito. Ilang taon ka na ba? Mukhang bata ka pa." Tanong niya habang naghihintay kami sa pagbaba ng elevator.
"Opo, bago pa lang po. Unang araw ko palang po kasi rito. I'm 22 years old po."
"Ah."
Ngumiti siya, ang cute niya. Mukha rin siyang bata. Mukhang mabait talaga. Siguro nga nagtaka lang siya kanina kaya napatitig sa akin. Walang ibig sabihin.
"You must be the newly hired Financial Head." Ngiti no'ng babaeng nilapitan ko para magtanong kung nasaan ang Financial Department.
Ngumiti rin ako, kaso nagtaka ako kung bakit head. Akala ko pa naman isa lang ako do'n sa employee ng Financial Department.
"Your grades are all good, you even graduated suma cumlaude. Kaya siguro pinili ka ng HR Department to be the head."
Naloka ako! Oo totoong naloka ako kasi unang araw pa lang tinambakan na ako ng mga papers na hindi ko alam! Parang gusto kong umiyak habang binabasa isa-isa ang mga financial reports sa buwang 'yon. Pagkatapos, nang mag-alas onse tinawag ako at sinabing dapat bago mag ala una naipasa ko na ang kabuuhan ng report sa buwan na yon!
Hindi ko na alam... Parang mababaliw ako habang iniisa-isa ang mga expenses at budget sa buwang 'yon, na hindi ko alam kung paano ginastos at paano na-liquidate.
Saktong ala una nang matapos ako. Lumapit na ako sa secretary na nagbalita sa'kin kanina na dapat maipasa ko iyon bago o nang ala-una. Inabot ko sa kanya ang mga reports bago nagpaalam at bumalik sa Financial Department.
Nakapagpahinga lang ako sandali nang lumapit si Ma'am Hailey, na siyang tinanungan ko kanina.
"Are you tired?" Ngiti niya, yong ngiti na mukhang nag-aalala.
"Opo, pero kinakaya ko naman po." Ngiti ko na lang, mas lalo pa akong napangiti ng inabutan niya ako ng Bing.
"Kumain ka... Walang gamot sa pasma."
Tumango na lang ako at kumain. Bago muling nagpahinga at nireview ang mga financial reports na binigay sa akin. Nawalan na rin naman ako ng gana, kaya tinuloy ko na lang ang trabaho.
Mga alas kwatro nang pinatawag ulit ako no'ng secretary. Nagtaka ako no'ng nakita ang kaba sa mukha niya, kinabahan din tuloy ako at inalala ang reports na binigay ko kanina.
"Tawag ka ni Sir." Pabulong na sabi niya. Sabay turo sa pintuan na malapit sa mesa niya.
"Mapapagalitan po ba ako?" Kinakabahang wika ko.
Lumunok siya, alam ko na... Mapapagalitan nga talaga ako, napapikit na lang ako nang mariin. Unang araw, pero ang dami na nang nangyari.
"Please come in..." Boung boses na narinig ko sa loob.
Tinulak ko ang pintuan at sisilip pa sana pero narealize ko na mabuting umayos na lang nang tayo kesa mahuli niya akong parang natatakot.
"Are you the Financial Head?" Tanong niyang nakayuko at binabasa ang mga papeles na nando'n.
Mas naloka yata ako sa dami ng mga papers na nasa mesa niya. Mas madami pa sa binabasa ko kanina.
"Y-yes po..." Nanginginig na wika ko.
Umangat ang mukha niya at napasinghap ako no'ng tumama ang itim na itim na mga mata niya sa akin. Nagtaka ako, kung bakit mukha siyang foreigner pero yong mga mata niya, masyadong maitim para sa isang banyaga.
Ngumiti siya. Ngek! Ngumiti siya! Hindi ba ako mapapagalitan?
"I commend you for doing a great job. You made it more clearer today than your usual." Ngumiti nga siya!
Lumawak ang ngiti ko sa tuwa. Bonus na lang 'tong kagwapuhan ni Sir sa tuwa ko ngayon. Gusto ko nga siyang yakapin pero kalabisan na yon.
"Are you new?" Kumunot ang noo niya sa tanong niyang yon.
"Opo, ako po yong bagong Financial Head."
"Financial Head?! Mukhang kakagraduate mo pa lang nang highschool a."
Parang sumabog ang ulo ko sa sinabi niya. Naglaho lahat ng saya ko.
Mukha ba akong highschool?! Matangkad naman ako, babaeng-babae ang katawan. Sa mukha ko yata ang may problema. Kasi sabi nila cute raw ako na maganda, at mukhang highschool kung titingnan wag lang titigan ang katawan kasi mukhang dalagang-dalaga na raw ako do'n.
"Anyway, you did a great job."
Hindi na ako umimik at nagpaalam na lang nang maayos. Nanlulumo ako, hindi dahil sa reports kundi sa sinabi niya.
"N-napagalitan ka ba?" Kabadong bulong ng Secretary.
Umiling ako at parang maiiyak. Lumunok na naman siya sa kaba. Mas nakakainsulto pa 'to kesa sa naiisip ko kanina. Mabuti na palang mapagalitan kesa mapagkamalang highschool.
"Sinabi niya yon?!" Natatawang tanong ni Ma'am Hailey. Tumabi siya sa akin, siguro tapos na ang trabaho niya. Tapos na rin ang sa akin at nagliligpit na lang ako.
"Opo, mukha po ba akong highschool?"
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Nope." Iling niya sabay pangalumbaba sa mesa. Natatawa pa rin siya.
"You're actually looked like a young lady. Nagandahan nga kaagad ako sa'yo no'ng una kitang nakita. Ewan ko diyan kay Sir, kung bakit nasabi niya yon sa'yo. Because you're cute? I don't know. Pero mukhang cute ka naman talaga magsalita, parang bata."
Ngumuso ako at umupo ulit.
"Naasar ako bigla... Iba kasi siya."
Ngumisi siya, iyong ngisi na may halong malisya.
"Baka mahulog ka diyan. Gwapo pa naman ni Sir. Mukhang Bench Model. Parang siya yong pwedeng ipaskil sa boulevard na nakahubo lahat."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, parang uminit din ang pisngi ko.
"Ini-imagine niya... Lagot ka." Tawa niya bago nagpaalam. Napanganga na lang tuloy ako sa kapilyuhan ni Ma'am Hailey.
Hindi ko naman iniisip yon! Si Sir? Magiging model nang gano'n? Walang damit?! Hindi pwede!
Umuwi na lang ako pagkatapos kong ligpitin lahat ng gamit ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa nangyari no'ng araw na yon. Siguro ay dahil sa dami ng mga binasa ko.
"Uuwi ka na?" Tanong no'ng lalaking nakasabay ko kanina sa elevator. Tumango ako at ngumiti.
"I'm Jason nga pala, and you are?" Sabay lahad niya ng palad.
Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niyang nakalahad, "Dannah Batumbakal po."
"Nice to finally meet you, Dannah. I'm Quir."
Pareho kaming napasinghap ni Jason nang biglang may sumingit at inagaw ang kamay ko kay Jason.
"Sir!" Gulat na wika ko. Ngumisi naman siya at lumipat sa kabilang elevator. Naghihintay din tulad namin.
Napapanganga ako, ganito pala 'to katangkad pag di nakaupo sa swivel chair niya. Mukhang nanagasa.
Sa tagal nang titig ko, doon na bumukas ang elevator. Bago ako pumasok lumingon pa si Sir Quir.
"Bye po..." Kaway ko, natawa tuloy siya bago umiling-iling at tulad ko ay pumasok na rin sa elevator.