2

1583 Words
"Okay ka na ba? Kaya na?" Tanong ni Ma'am Hailey sa ikapitong araw ko sa kompanya. Marahil ay nagtataka ito sa pagiging tahimik ko nitong mga nakaraang araw... Naging abala rin naman kasi ako, sa dami ng mga kailangang pag-aralan, distraksyon ang huling gusto kong mangyari. "Last revisions na lang po, Ma'am!" Ngiti ko sabay sandal sa upuan. Masaya na ako na nakikitang malinis ang papag ng mesa ko dahil wala nang masyadong papeles do'n. Nailigpit ko na, na-shredded at nagawan na rin ang summary. Ang kailangan ko na lang na paghandaan ay ang mga susunod na reports. "Ano? Gusto mong sumama mamaya? Birthday ni Neil, and she's asking for more guest." Tumango ako, wala naman na akong pasok bukas at dapat naman talagang i-enjoy ko ang huling araw na 'to na namomroblema ako sa financial statement ng isang departamento. Kailangan ko yatang huminga, parang maloloka na kasi ako. Pagkatapos naming magligpit, sinama ako ni Ma'am Hailey sa bahay niya at pinahiram ng damit niyang mukhang luluwa na ang kaluluwa. Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa nakita no'ng sinout ko na at ipinakita sa akin ni Ma'am Hailey sa mismong harapan ng salamin. Klaro ko ang lalim ng gitla sa gitna ng dibdib ko. Umikot pa ako, at nakitang konting yuko ko lang yata ay makikitaan na ako. "Ma'am!" Gulat na tawag ko sa kanya. Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. "Hindi ko nasabing club party pala ang birthday party na pupuntahan natin." Umiling na lang ako at naupo sa sofa habang hinihintay siyang matapos sa pag-aayos. Umalis din naman kami pagkatapos, dala ko lang ay ang cellphone at maliit kong bag nang makarating kami sa isang club sa BGC. Natuwa naman ako sa ingay, sa labas pa lamang ng mga club. Ngumiti na lang ako kay Ma'am Hailey na mukhang natutuwa sa nakikita niya sa akin. "Alam mo, parang bata ka talaga." Sigaw niya. Umiling na lang ako at sumunod sa kanya papasok, sa mga sofa nando'n nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Nasa Financial Department din kasi iyon. Lumapit kami at ipinakilala ako ni Ma'am Hailey sa mga kasama niya sa trabaho, ngumiti naman ako at nagpakilala ulit. Tinawanan tuloy ako ng ilan. "You're so cute." Sabi ni Jean, isa sa mga bisita. Ngumiti ako, kasi yon lang naman ang kaya kong gawin pag sinasabihan akong cute. Kaya nasasabihan akong mukhang highschool dahil siguro sa kadahilanang ito. "You do dance? Ha? Dan?" Sigaw ni Ma'am Hailey. Inabutan niya ako ng inumin na dahan-dahan kong iniinom. Napatitig siya sa klasi ng pag-inom ko. "I thought you're innocent!" Tawa niya nang kakaonti na lang ang laman noon at makita niyang nasa maayos na estado pa ako. "Minsan po, umiinom din naman po ako. Lalo pa pag may birthday sa amin." Ngiti ko. Tumango siya at hinila ako patayo. Nagtaka naman ako no'ng hinila niya ako mula sa sofa patungo sa gitna. "Let's dance!" Sigaw niya. Kumikembot-kembot na ito habang iwinasiwas ang ulo sa gitna nang nag-iibang kulay na ilaw sa itaas. Hawak ko pa ang inumin, at namataan na may papalapit na waiter kaya agad ko nang nilagok sabay lapag no'ng nasa malapit na ito. Ginaya ko si Ma'am Hailey, natawa siya no'ng nakita niyang sumasayaw na ako. "You're really a good dancer Dannah... You'll get laid tonight, for sure." Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya, pero mukhang nag-eenjoy na ako sa pagsayaw. Ang sarap pala sa pakiramdam na pinagpapawisan ako habang nasa gitna, parang lahat ng pagod ko nawawala. Mas lalo naman akong hinigit ni Ma'am Hailey, natatamaan ko tuloy yong iba na wala namang pakialam at nakikisayaw din tulad namin. Tumigil lang kami nong nakaramdam na nang pagod. Bumalik kami sa sofa, inabutan naman ako ni Ma'am Hailey ng tissue pamunas sa pawis ko. "Nagwawala kayo do'n," sabay turo ni Alexis sa gitna ng sayaw. Natawa ako, gano'n din si Ma'am Hailey. Kinakausap na nila ako, tinatanong ng kung ano-ano. Especially tungkol sa mga hilig ko. Nabigla pa nga sila nang sinabi kong unang club o bar experience ko ito. "Ang galing mo kanina." Sabi ni Jean sabay lagok ng inumin. Natuwa naman ako sa klasi nang inumin niyang may tatlong kulay. Sabi ko gusto ko rin no'n. Natawa si Ma'am Hailey at nagtawag ng Bartender para gawan din ako ng gano'n. "You're so cute.... Alam mo yong maganda ka na pero ang cute-cute ng mga acts mo." Nanggigigil na sabi ni Alexis sabay kurot sa pisngi ko. Umiling na lang ako at natawa. At mas natuwa pa noong natapos na ang ipinagawang drinks ni Ma'am Hailey sa inutusang Bartender. "Here's yours, Ma'am." Pilyong ngiti no'ng Bartender. Nagtawanan naman ang mga kasama ko sa sofa, tinutukso ako. Umiling lang ako at mas naexcite pa sa inumin kesa sa mga tukso nila. Halos maibuga ko ang inumin ng malasahan ang sobrang pait nitong lasa. Akala ko kasi matamis, ang mga kulay nito mukhang kulay ng candy kaya hindi ko inasahan na ganito pala kasama ang lasa nito. "Ano..." Hagalpak na tawa ni Cess, "... Kaya pa?" Tawang-tawa sila sa reaksyon ko. Kumunot lang ang noo ko at tiningnan ang alak. Mabuti na lang talaga at kaonti lang yon, kundi talagang hindi ko na iinumin. "Opo!" Sabay isahang lagok ko noon. Nalaglag naman ang mga panga nila pagkatapos kong inisang lagok iyon. Parang nahilo naman ako sa nangyari. Nasusuka ako... Kaloka! Hindi dahil lasing na ako, kundi talagang parang umaakyat ang init no'n sa lalamunan ko. Naduduwal na ako, kaya nag-excuse ako sa kanila at tumakbo sa pinakamalapit na restroom at doon na nagsuka. Nagtaka naman ang isang babaeng kasama ko sa loob no'n. "You okay?" Taas kilay na tanong niya, sabay abot ng tissue pagkatapos kong maglinis. "Opo..." Umiling naman ito at naglakad palabas. Pagkatapos kong mahimasmasan, lumabas na ako. Nakayuko at inaayos ang damit kong nakusot. Nabigla na lang ako no'ng may humarang na matigas na braso. Napalingon ako sa tabi at nanlaki ang mga mata nang makitang nakatayo do'n si Sir Quir, nakaitim na polo at nakaitim din na pants. Nahuli ko pa nga na kuminang ang isang hikaw niyang noon ko lang napansin na nagsosout din pala siya nito. "Was your drink that bad?" Tawa niya. Napaawang tuloy ang labi ko at napasilip sa labas. Nakita niya ako! "And you dance so graceful and sexy... Di ko akalain na hindi ko iisipin na mukha kang highschool sa pinaggagawa mo kanina." Ngisi niya. Mas lalo lang akong na-distract sa kinang ng hikaw niya at sa pilyong ngiti niya. Para bang naglalaro lang siya. "Sir! Po, ano..." Napakamot na lang ako ng ulo. "Ano pong ginagawa niyo dito?" Kaloka! Ba't naman gano'n ang tanong ko? Syempre, sa mga tulad niyang mukhang wala namang asawa, ito ang pinakamadaling getaway sa nakakastress na trabaho. "I want to get laid. I was eyeing you, but I changed my mind." "Po?!" Get laid. Get laid. Bakit ko ba naririnig ang mga yan ngayong gabi? Get laid? Kaloka?! Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin no'n. Madalas na sabihin yan ng mga kaklasi kong lalaki noon at ilang kaklasing babae rin, lalo na pag galing sila sa Bar. "Sir! Hindi po ako pwede!" Iling ko, sabay sangga ng mga braso. Lumakas ang tawa niya at inayos ang kamay niyang ipinasok sa bulsa ng kanyang sout na pants. "That's why I changed my mind. You're too innocent for my liking. I like wild girls with experience." Napanganga na lang ako, at sumilip muli sa labas. "You can go." Ngisi niya at mas nauna pa sa akin na umalis. Napanganga lang ako. "Pft!" Halos maibuga ni Ma'am Hailey ang inumin nang sinabi kong nagkita kami ni Sir Quir sa hallway ng restroom. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit inaya niya akong... Mag-ano." Pare-pareho nilang naibuga ang mga inumin, hindi na ako nagtaka. Nakakabigla naman kasi talaga... Kahit ako nga hanggang ngayon nabibigla pa rin. "Holy s**t?! Nako... Patay ka Dannah, mukhang pinupuntirya ka ni Sir." Sabay gulo na naman ni Ma'am Hailey sa buhok ko. Umiling naman ako, at inamin na sinabihan din ako ni Sir Quir na ayaw niya sa inosente at mukhang walang experience. Nagtawanan naman sila, "Parang disappointed Dannah?" Taas kilay na tanong ni Ma'am Neil, iyong may birthday na ngayon lang ako kinausap. "Hindi! Hindi yon!" Iling ko, na may kasamang kamay. Mas lalo lang silang natawa sa akin. "Lagot ka... Mukhang kahit na wala kang experience parang isasama ka talaga ni Sir Quir sa kama." "Ano po?!" Gulat na wika ko. Nagtawanan naman sila, parang walang tigil ang tuwa nila sa nangyayari sa akin. Samantalang ako, namomroblema at naiilang. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sa lunes. Malapit na naman ang reporting para sa half month Financial report. Kaya hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Sir. "Okay lang iyan, Dan. Normal. Alam mo kasi lahat ng empleyado ni Sir Quir ay nirerespeto siya, at wala pa akong nababalitaan na may naikama na siya sa alin mang department. Don't worry, you'll be safe." Napahinga naman ako ng maluwag. "Yon e kung hindi ka niya matitipuhan." Biglang dugtong ni Ma'am Hailey. Nabigla na naman ako. Patay nga yata talaga ako. Parang si Sir Quir ang taong hindi talaga titigil hangga't di nakukuha ang gusto. Sa tindig niya, sa itsura niya, at sa mga pilyong ginagawa niya... Mukhang maloloka nga talaga ako. "Makakakita ka na rin yata ng etet." Bulong sa akin ni Ma'am Hailey. Nagtaka naman ako. Anong etet? Parang bastos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD