3

1663 Words
Hilong-hilo ako no'ng nagising kinabukasan kaya nanlaki na lang ang m ahuli niya akong mukhang bangag. "Maligo ka na Dandan... Mukhang nahihilo ka pa rin sa ininom mo kagabi." Simangot nito bago nagligpit ng mga bagay na siguradong ikinalat ko kagabi. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi dito... Dito sa condo ni Kuya Alex. Pagkatapos maligo, nag-aalangan akong lumabas dahil panigurado tatanungin ako ni Mama. Alam ko naman na nag-alala siya, alam ko rin na lumipad pa siya para lang bisitahin ako. Dapat matuwa ako dahil nandito si Mama, aalagaan ako nang hindi ko alam kung ilang araw. Kaso nahihiya ako kasi nakita niya akong ganito. "Dan..." Tawag ni Mama mula sa labas. Kagat ang labing lumabas ako at medyo nakayuko na lumapit sa kanya. Naghanda ito ng mga pagkain sa hapag. Nakatayo rin siya malapit sa mesa. "Ma... I-I'm sorry po." Hinaplos niya naman ang ulo ko, para siguro patahanin ako sa kabang nararamdaman ko. Marahil hindi na rin masama ang loob niya sa nangyari kanina at syempre kagabi. "Dandan, alam ko na hindi maiiwasan iyan. Pero sana sa susunod wag naman masyadong labis... Umuwi kang halos pagapang kagabi, sabi ni Manong Guard." Ngumiwi na lamang ako... Mukhang tinamaan nga ako kagabi. "I don't wanna see you cry again... My Dandan." Medyo umawang ang labi ko sa sinabi ni Mama. Ngunit hindi na nagkomento pa. Alam ko kasi ang tinutukoy niya. Hindi naman siguro, hindi naman ako pinabayaan ni Ma'am Hailey. Wala namang mangyayari sa akin. "Ma!" Tawag ko sa kanya nang natapos na ito sa pag-aayos ng mga gamit. Iniisip ko na ilang araw pa bago siya uuwi sa amin. Ngunit mukhang sinadya lang talaga ako nito nang ilang oras at hindi ilang araw. "Dan, I'll be back in a month and I'll stay here for days. But now, I have an out of the country business trip. You'll be okay, right?" Tumango na lang ako at dahan-dahan na lumapit sa kanya para mayakap siya bago ang uwi nito. "Dan, big girl ka na..." Tumawa ako kasi parang ginagawa akong bata ni Mama. "Your Kuyas miss you so bad... They'll be back in three months due." Tumango na lang ako at hinatid siya sa baba ng Condo. Nagtawag lang ito ng taxi para maghatid sa kanya sa airport. Hapon na, at kailangan ko na ring maghanda. Bukas may pasok na naman. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi nang maalala si Ma'am Hailey, sina Alexis, Jean at si Ma'am Neil. Lalo na rin si Sir Quir. Mabuti na lang talaga at hindi reporting ngayon kaya makakaiwas ako kay Sir Quir. Makakalimutan niya rin ang nakita sa Bar na yon, panigurado. "Dan?" Tawag ni Ma'am Hailey umaga palang pagkatapos kong makarating, lumapit ako sa kanya para sana magtanong kung bakit. Ngunit nabigla na lang ako no'ng may sumulpot na bulto sa gilid niya. Si Sir Quir! Parang gusto ko na lang tuloy na bumalik sa mesa ko para makaiwas. Tinitigan lang ako nito sandali bago tumuloy sa isang hallway, napahinga naman ako nang malalim. Akala ko pa naman. "Dan... Alam mo na ba?" Bulong niya sa akin nang hinila ako sa gilid nang malaking halaman na 'to. Halatang hindi nito napansin ang pagdaan ni Sir Quir. "Alin po?" Kinabahang tanong ko. "Mukhang trip ka talaga ni Sir." "Ha?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumawa siya at tinapik ako sa balikat. Akala ko nagbibiro lang siya ngunit... "Kalat na kaya, may nakakita sa inyong nag-uusap sa Club na pinuntahan natin. E umaga pa lang chinismis na nang kung sino man. Lagot ka." Napailing ako, nangatog sa kaba. Napahawak na lang ako sa pader sa pag-aakalang babagsak ako sa sobrang kaba. "Ano na pong gagawin ko? Nakita kong tumitig sandali si Sir Quir no'ng napadaan sa gilid niyo Ma'am Hailey." "Ha?!" Siya naman itong nabigla. "Patay talaga, Dannah. Mukhang narinig na niya." Mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi niya. Kumalma lang ako sandali bago nagpaalam sa kanya na kailangan ko na talagang bumalik sa quarter ko at marami na namang kailangang pag-aralan sa mga papeles. Ngunit, hindi pa man ako nakakapasok sa cubicle ko ay tinawag ako ng secretary ni Sir Quir. Sa unang sulyap ko pa lang sa mukha niya, halos maihi na ako sa kaba... Bakit naman kaya? "Ma'am Dannah, tawag po kayo ni Sir..." Kinakabahang sabi niya. Hindi na rin lingid sa kaalaman ko ang paglingon ng mga ulo nang narinig nang lahat ang sinabi ng secretary ni Sir Quir. Kalat na nga talaga. Nakagat ko na lang ang labi ko sa kaba saka sumunod sa secretary. Panay ang pisil ko sa daliri, sa pag-aakalang maiibsan no'n ang kabang mas lalo pa yatang lumala. "Pasok ka na po..." Turo niya sa pintuan. Nag-aalangan ako... Kasi natatakot ako. "H-hindi naman po siguro ako mapapagalitan?" Hopeful na tanong ko sa secretary. Napakagat labi na lang ito. Hindi na ako umimik at kumatok na lang sa pintuan, nakatatlong katok ako no'ng bumukas iyon. Nanlaki tuloy ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya. Nakangisi ito, at napatingin na naman ako sa bagay na kuminang sa isang tenga niya. Maangas. Nakakaangas ang hikaw niyang yon. "Please come in..." Naiiyak na nilingon ko muna ang secretary na ngayo'y nakayuko na at halatang ayaw sumilip. Umikot ito sa mesa at naupo sa kanyang swivel chair habang pinatong ang baba sa ilalim nang magkasalukap na mga kamay. "So?" "Po?!" Gulat na wika ko, halos mapatalon ako sa gulat. "So, my secretary was planning to resign... I am thinking of hiring you. Magaling ka naman sa lahat ng bagay, I reviewed your hands out and pre-reports. I like how it goes. So? Are you willing to take place?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Secretary?! Lagot nga talaga ako... "Pwede po bang pag-is----" "I changed my mind, I'm not giving you an option. Please get back when it's done." Patay ako! Kung kailan naman ako umiiwas, saka naman lumalapit sa akin ang kamalasan. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa kaba, para akong lutang habang pabalik sa cubicle. Ano nang gagawin ko? No option... Kahit gustuhin ko man o hindi, si Sir Quir pa rin ang magdedesisyon. Sa halip na may matapos sa loob ng isang araw, nadagdagan pa yata ang gawain ko dahil sa pag-iisip. Parang hindi ko yata kayang maging object nang usap-usapan. Pag naging secretary ako ni Sir Quir... Imposible na talagang humupa ang chismis tungkol sa amin. "Hi..." Kaway ni Jason na siyang nagpakurap sa pagkatulala ko. Tumawa ito at tinuro ang kaharap na elevator. Napatingin din ako sa kaharap na elevator, nagtataka. At natakot na lang nang maalala kung sino ang madalas na gumamit nito. Natatarantang gusto ko pa sanang lumipat sa kabilang elevator ngunit huli na yata kasi nahagip na ako ni Sir Quir papasok sa kakabukas lang na elevator. Nanlalaki na naman ang mga mata ko habang sinisilip si Jason na nakanganga. Tulad ko, mukhang nabigla rin ang isang 'yon. "You can use my personal lift." Sabi niya sabay bitaw sa bewang ko na hinigit niya kanina. Napalunok na lang ako habang nagbibilang ng numero sa itaas. Minsan napapapikit pa at nagdadasal nang lihim. Mas lalo yata akong mamatay sa kaba. "Sa Miyerkules na ang alis ni Karen. And I am expecting you to pack all your things as early as she's gone... And move it before the day after tomorrow." Napatitig na lang ako sa kanya na nakapamulsa at aakalain na hindi ako ang kausap niya kundi ang repleksyon niyang nasa harapan namin. But I knew better. "No choices and option na po, Sir?" Hopeful na tanong ko. Kung papipiliin ako, ayaw ko talaga sa ideya niyang yan. Mas lalo lang kaming pag-uusapan... At pag nangyari yon... Alam ko, kahit hindi sakop ni Mama 'tong kompanya na pinagtatrabahuan ko, hindi matatahimik ang isang yon. "No option, Dannah." Ngumisi ito. Napakurap na lang ako at yumuko. No option... "How old are you, Dannah?" Maya ay tanong niya. Pakiramdam ko, sobrang tagal nang pagbaba nitong elevator. Na unusual, dahil noon kahit hindi ako nagmamadali parang kay bilis nang lahat. Ngunit... Siguro ay dahil kasama ko si Sir Quir kaya naging ganito. "I just turned 22 po, Sir." Ngumisi siya sabay lingon sa akin at medyo yumuko. Nagkakatitigan tuloy kami kaya napaiwas ako. Naiilang ako sa mga titig na gano'n, para bang tinutunaw niya ako. "22 Dannah? You look like 18 years old on me." Nahihimigan ko ang pang-aasar niya sa sinabi. Halatang pinaglalaruan ako. Hindi ako umimik... Marahil sa inip ay nagtanong pa ito, na siyang ikinatingala at ikinalingon ko. Parang luluwa ang mga mata ko sa tanong niya. "You had?" Tanong niya, medyo nang-aasar. "H-h-ho?!" Kahit na kailanman hindi pa ako nautal nang ganito... Alam ko na medyo mahiyain akong tao, ngunit hindi naman umabot sa ganitong halos hindi ko na masabi nang maayos ang isang salita. "You look so innocent, Dannah. But sometimes, looks can be more deceiving. So, have you ever had s*x before?" Inulit pa! Gustong gusto ko nang pumikit at magtakip ng tenga... Naninindig ang mga balahibo ko sa gusto niyang malaman... Ewan, habang tumatagal... Iba na ang pagkakakilala ko sa taong 'to. Ganito ba ito sa lahat ng babaeng nakakasama niya dito sa elevator? O sa akin lang? "I'm waiting, Dannah. It's a yes or never... I'm giving you an option now." Asar niya. Napapikit na lang ako nang mariin at tinitimbang ang nangyayari. Nangangatog na nga ang mga tuhod ko sa kaba... Naiihi ako sa kaba. May option naman... Pwede kong sabihin na Oo, pero iisipin niyang palabas lang lahat ng pagiging inosente ko. At pwede ko ring sabihin na hindi... Ngunit baka naman pagtitripan niya ako hanggang sa bumigay. Ngunit naalala ko... Sabi niya, he's not into innocent girls... Mas gusto niyang may experience. "H-hindi pa po." Kagat labing sagot ko. Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Napatitig na naman ako sa kuminang niyang hikaw. "I could pop your cherry, Dannah... Just give me a go signal." Huh?! Ano raw?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD