4

1688 Words
Gamit na gamit si google... Yon ang madalas na sabihin sa'kin ni Fiona, naging kaibigan ko sa kolehiyo, sa tuwing may hindi siya nalalaman, doon siya naghahanap. Mas mabilis, mas madaming source. Pop the cherry then click search. At nalaman ko, sa gitna nang gabi kung ano ang ibig sabihin ni Sir Quir. Naloka ako! Hindi ako makatulog, hanggang sa wala na nga talaga akong naitulog. Kaya masakit ang ulo ko nang pumasok... At wala na naman akong nagawa, nga lang sa paglapit sa akin ng secretary ni Sir Quir, pinaalala niya sa akin ang paglipat ko sa tapat ng office ni Sir Quir... Hindi ko nga maisip nang mabuti kung paano kami mag-uusap nang maayos. Gayong alam ko, at alam niya rin kung ano ang huli naming pag-uusap. "Ha?!" Gulat na gulat ako nang sinabihan ng secretary ni Sir Quir na mag-oopisana ako sa mismong office ni Sir. I could pop your cherry... Nangatngat ko tuloy ang isang kuko habang nakatitig nang matagal sa repleksyon. Tinitigan ko ang sarili, at hinanap ang mga bagay na dapat alisin. Titigil na muna siguro ako sa pagsosout nang dress. Pants at blouse na muna hanggang sa humupa ang kapilyuhan ni Sir Quir. Kailangan kong mag-survive, hanggang sa matuto si Sir. Hindi naman yata tamang magjoke na lang siya nang gano'n... Kahit sabihin pang biro lang ang mga yon. Kinahapunan bago ang uwian, nailipat ko na ang lahat ng gamit sa mismong mesa na kaharap ng kay Sir Quir. Napahinga lang ako nang malalim nang nakitang wala do'n si Sir. Mukhang may pinuntahan, at mukha ring makakapagpahinga ako. Makakatulog na rin ako mamaya na walang iniisip... Maliban na lang sa kabang nabubuo para bukas. "Dan!" Ikinalingon ko ang tawag ni Ma'am Hailey nang nagkaabutan kami. Kita ko ang kapilyuhan ng ngisi niya. Doon pa lang, alam ko nang alam niya na. "Dannah... Hindi mo nasabi na, " hingal nito nang magpantay kami sa harap ng elevator, "... Na secretary ka na ni Sir Quir..." Ngisi nito. Umiling ako at parang naiiyak na tinitigan siya, paano ko ba sasabihin na mukhang object ako sa kamanyakan ng Boss namin? Ayaw ko naman na maging kasiraan ng isang tao... "Magreresign na ho ako... Sa susunod na Linggo." Desisyon ko. Nanlaki naman ang mga mata niya, ako nama'y nanlaki rin nang makitang nakatitig sa amin si Sir Quir, mula sa kabilang elevator. "Why?" Magkanabay na tanong ng dalawa. Napalingon sa kabila si Ma'am Hailey, nabigla sa nakita. Hindi ako nakaimik, matagal pa bago ako nakakilos kung hindi lang tumunog ang kaharap na elevator. Nalilito ako kung dapat ko bang hilahin si Ma'am Hailey. Nag-aalangan ako kung dapat ko bang isabay siya dahil alam ko na mag-uusap pa rin kami sa loob ng elevator. Sa huli, naiwan siya... Na ikinalaki ng mga mata ko kasi parang ang bastos ng ginawa ko. Napahinga lang ako ng malalim nang makarating sa ikalawa bago ang huling palapag... At nagkaabutan kami ni Sir Quir na seryosong nakatitig sa akin. Napayuko na lang ako habang nangangatog sa hiya. Lumapit na rin ako at bumati ng magandang umaga. "Are you sure about quitting?" Tanong niya habang naglalakad kami sa hallway patungo sa office niya. Tumango ako na siyang ikinabuntong-hininga niya. "If it's about what happened from another day, I guess I made a mistake. And I'm sorry for that." Napatingala ako at napatitig sa kanya. Kita ko ang seryoso sa mukha niya, halatang nagsisisi. Hindi ako nakaimik. Hanggang sa pumasok kami sa office niya. Tinitigan niya muna nang matagal ang mesa na nasa isang tabi at kaharap ng kanya bago tuluyang naupo sa harap ng mesa niya. "Below the belt na yata ang pagbibiro ko sa'yo... Sasabihan ko na lang si Mando na ibalik sa dating pwesto iyang table mo." Napasinghap ako at napatitig sa kanya na sumubsob na sa pagtatrabaho. Nalilito ako. Ewan... Nalilito talaga ako. Siguro nga joke lang iyon, hindi naman siya seryoso sa mga binitawang salita. Hindi naman siya siguro tulad ng nauna kong Boss. Normal lang siguro dito ang mga gano'ng biro. Nasa sa'kin kung seseryusuhin ko o hindi. "S-sir..." Tawag ko nang nakalapit na sa table niya. Tumingala siya, at nalipat na naman sa hikaw niya ang mga paningin ko. Ewan... Malakas talaga ang dating no'n. Mukha siyang badboy... "Yes, Dannah?" "Hindi na po ako magququit." Kagat labing sabi ko. Lumawak ang ngiti niya... Ewan, pero mukhang natuwa siya sa ibinalita ko. "Good. Sasabihin ko na agad si Mando na ilipat na sa labas ang table mo." Tumango ako at nilingon ang mesa. Kagat labi pa rin. Naging abala na rin kami sa mga sumunod na oras. Walang imikan, hindi dahil magkagalit kami kaya gano'n. Nakita ko kung paano sinusubsob ni Sir Quir ang sarili. Maya't maya rin ang sagot niya sa tawag, habang abala pa rin sa pagbabasa ng mga papel. Hardworking... Hindi ko akalain na ganito pala ang tanawin sa loob mismo ng office niya. Sa unang tingin kasi, mukhang si Sir Quir ang taong hindi sineseryoso ang mga bagay. Ngunit sa nakikita, kabaliktaran pa yata ng simpatha ko ang nangyayari. "Do you know how to make coffee, Dannah?" Napatalon ako mula sa pagkakayuko. "O-opo..." "Will you please make me one?" Tumango ako at tumayo para gawan siya ng coffee sa kusina. Nahuli ko na nasa labas si Ma'am Hailey at nakatingin sa hallway na pinaglabasan ko. "Pinagalitan ka?" Bulong niya habang nakikipagtitigan sa mga kasama namin sa trabaho na halatang binabantayan ako. "H-hindi naman po..." "Still quitting?" Tanong niya ulit. Umiling na ako, natuwa naman siya at niyakap ako ng mahigpit. Parang si Ma'am Hailey yong kapitbahay mong chismosa ngunit ang pinagkaibahan lang alam mong pinahahalagahan ka pa rin. "Swerte mo nga, araw-araw mong nakikita si Sir. Kami, swerte na kung sa isang araw nakakaisa." Ngumiti lang ako at tinapos na ang pagtitimpla bago nagpaalam sa kanya. Nadatnan ko na nakikipag-usap pa rin si Sir Quir sa kabilang linya. Nakagat ko naman ang labi habang naghahanap ng pwedeng paglagyan ng kape niya. Sa dami ng mga papel do'n, mukhang wala na nga talagang mapaglagyan pa. "Dan..." Tawag niya nang tumingala sa akin, bumaba din kalaunan para titigan niya ang mesa. Natawa ito at inayos ang kabilang pile ng mga papel bago inilagay sa isang tabi. "Here..." Turo niya sa bakanteng pwesto. Yumuko ako at nilapag ang kape. Nang umahon ako nakita kong lumunok siya sabay laglag ng mga mata sa kape na nilapag ko. Tumango ito kaya bumalik ako sa mesa at itinuloy ang trabaho. "Dan..." Tawag niya ulit. "Po? Sir?" "Bukas ang butones mo." Seryosong sabi niya sabay balik sa pagkakayuko. Napababa ang mga mata ko at nanlaki noong bukas nga talaga. Sa sobrang sikip noon, mukhang nasilipan nga talaga ako! Napapikit na lang ako nang mariin habang pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko sa nangyari. Hindi naman kasalanan ni Sir na bukas iyon, at hindi naman sadya. Dapat hindi ako magalit o mahiya. Napahinga na lang ako nang malalim pagkatapos kong etype lahat ng schedule ni Sir ngayong araw at sa mga susunod pa na araw. Magpapahinga lang siguro ako sandali... Bago bumalik, kaso nag-uumpisa pa lang ako sa pagpapahinga ay may tumatawag na sa telepono dito sa mesa ko. "Thank you for calling Steele and Steele, this is Danna. How may I help y----" "Is Quir around? Will you please transfer my call for him." Tarantang boses sa kabila. Nataranta din ako at pinindot ang transfer. Kunot noong nakatitig sa akin si Sir Quir. Tumunog din ang telepono niya kahit nakababa. "Honey!" Sigaw ng babae sa kabilang linya. "What the f**k!" Gulat na sigaw ni Sir Quir bago inend ang call. Nanlaki rin tuloy ang mga mata ko. "Dannah, next time tanungin mo muna ako kung pwede..." Kakamot-kamot ulong sabi niya. Nakagat ko na lang ang pang-ibaba labi, "S-sorry po." Tumango naman siya at yumuko ulit ngunit napaupo din ng maayos nang may napagtanto. "It's lunch time... Let's go Dannah." Tumayo ito at lumapit sa akin. Nag-aalangan naman ako ngunit nakita ko ang nagtataka niyang mukha. Naging lunok na lang ang pag-ayaw ko. Boss pa rin naman si Sir Quir, kahit tumanggi ako alam ko namang siya pa rin ang masusunod. "What do you usually eat?" Tanong niya habang papalabas kami ng hallway. "Veggies and sometimes meat... K-kayo po Sir?" Narinig ko ang tawa niya kaya naagaw no'n ang pansin ko. "I like meat, fresh meat..." "Ha?" "Silly..." Ngisi nito bago ginulo ang buhok ko. Napaawang na lamang ang labi ko, hindi dahil sa ginawa niya. Kundi... Dahil sa mga naghahabaang leeg. Object... May mapag-uusapan na naman yata... Kahit anong gawing iwas pala, do'n pa rin ang punta ko. "S-sir..." Tawag ko habang nasa loob na ng elevator. Bumaba ang mga mata niya, nakataas kilay. Marahil nagtataka sa utal na pagtawag ko sa kanya. "Pwede po bang magtanong?" Kagat labing tanong ko. "Go ahead..." "Ah..." Napahinga ako nang malalim habang nag-iisip. Dapat nga pala kanina pa ako nag-isip bago nagtanong... Tuloy, mapapasubo pa ako. "Don't get me wrong po sana Sir. Pero... Aware po ba kayo na pinagchichismisan na tayo? Ng mga empleyado mo?" Tumawa siya, at natapos sa ngisi. Iyong ngisi niyang laging pinapartner sa kumikinang niyang hikaw. Ewan... Talagang doon lagi ang bagsak ng mga mata ko. Marahil... Natutuwa lang ako... O kaya'y sadyang nalalakasan lang ako sa dating noon. "Hindi na bago sa akin iyan, Dannah. And... I don't really care. I have more baggage to mind than that silly thing." "S-sir... Last!" Umismid ito habang nakatanaw sa akin, sa tangkad ni Sir. Kailangan pa niyang yumuko nang konti para matitigan ako. Malaking tao kasi si Sir Quir... Kumpara naman sa akin na hindi man lang umabot ng 5'6. "M-may..." Humugot ako nang hangin ngunit nabitin lahat sa ere. Gusto kong batukan ang sarili nang marealize kung anong klasing tanong ang dapat na itatanong ko sana. "N-nevermind na lang po." "Dannah..." Nanlaki na lang ang mga mata ko nang ipinatong niya ang baba ko sa dulo ng daliri niya, habang inaangat ang mukha ko para matitigan siya. "I have no girlfriend... Yet." Ha?! Nahulaan ba niya? Dumagundong tuloy ang tawa niya bago binitawan ang baba ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD