Maaga pa lang nang umuwi si Sir Quir sa kanyang Condo. Ako nama'y maaga ding naghanda para pumasok na ng opisinina. Mas nauna akong nakarating kesa sa kanya. Sa pagkakatanda ko, malayo ang Apartment ko sa Condo niya kaya malamang mahaba rin ang ibinyahe niya pauwi. Nagkatitigan pa kami ni Ma'am Hailey nang nakasabayan ko siya sa loob ng elevator. Ngumiti siya at tumabi sa akin. Sakto namang kami lang dalawa at hindi naman ako nakaramdam ng takot no'ng sinabi niyang parang alam niya na kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko. "I just remembered what I saw in the waiting area. Niyakap ka ni Sir Quir... Di'ba?" Alangan pa siya no'ng una. Napalunok na lang ako bilang pagsang-ayon. Ano pa't e-dedeny ko kung pasasaan ba't malalaman din ng lahat. Malapit nang lumaki at maging bilog na bilog 'ton

