15

1698 Words
Ilang minuto na yata akong nakatulala sa kurtina simula no'ng magising ako. Hindi ko mawari at talagang hindi ko maiintindihan kung bakit nangyari na naman uli... Di'ba sabi ko tama na? Bumuntong hininga na lamang ako bago pinilit na matulog ulit. Hinayaan ko na lang ang pagkakayakap sa akin ni Sir Quir mula sa likod. Antok na antok din ang isang 'to. Siguro nga umaga na talaga. Ngunit sadyang maaga pa para gumising... Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko, siguradong pag tumayo ako mamaya... Mangangatog ang mga yon sa pagod. "Hm?" Nagising ako sa tanong ni Sir, mukhang gising na siya... Ramdam ko sa paa niyang kumikiskis sa gilid ng paa ko. Kagat ko ang pang-ibaba labi at mas lalong nahiga sa kamay ko. Inayos naman ni Sir Quir ang buhok ko na nagkalat. Gising na nga talaga siya... "Good morning, peanut." Sabi niya bago humigpit ang yakap sa bewang ko. Agad na nanlaki ang mga ko no'ng naramdaman ang kanya na umuusli sa pagitan ng hita ko. Lumingon ako na ikinatawa niya. "Good morning..." Aniya ulit. "Go-good morning po." Alangan na tuloy ako lalo na no'ng inihiwalay niya ang pagkakahugpong ng mga binti ko. Bahagyang inangat niya ang isang hita ko para bigyang daan ang kahandaan niya. Napakagat labi na lamang ako, pakiramdam ko nagkakaroon na nang dugo ang labi ko sa ilang kagat labi na ginawa ko. Maya't maya naramdaman ko na lang na pumapasok na, sa loob, at mababaw lamang. Agad na nakaramdam na naman ako ng hirap sa paghinga habang humahampas ang ibaba niya sa likod ko. Ikinapit ko ang isang kamay sa braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Ramdam ko talaga... Ramdam na ramdam... Parang kagabi lang. "Hmmm. Dani." Sabi niya sabay halik sa ilalim ng tenga ko. Ang init-init ng halik niya, ngunit mas mainit ang paglusong niya. Maya't maya bumilis siya at hinugot ang sarili pagkatapos kong panghinaan. Nanginginig ang mga hita ko dahil sa liyo. Nakapikit na ako ng mariin ng maramdaman ang basang bagay na tumama sa pang-upo ko. "Good morning." Ulit niya bago ako hinarap sa kanya at mariing hinalikan sa labi. Tumango ako... "Good morning po." Ngumisi siya at kumuha ng tissue, pamunas sa ibaba. Sa kalat niya. At sa kalat ko. Sinamahan niya ako sa banyo at pinaghandaan ng mainit na tubig para sa bathtub. Iniwan din naman niya ako pagkatapos na inalalayan papasok sa bathtub. Napapikit na lang ako at mariing minasahe ang mga hita sa ilalim ng tubig. Nangangalay ang mga yon. Kalahating oras pa ay pumasok si Sir Quir na may dalang bathrobe at isang malaking paper bag. "I'll wait you outside. Then if you're done. Maliligo lang ako ng mabilis bago tayo bumaba para sa pananghalian. Take your time, Dani. I know you're sore." Seryosong saad niya. Tumango ako at muling pumikit. Mga ilang minuto pa ay tumayo na ako at nagshower. Bago nagbihis. Tama nga ang sabi niya... Mahapdi pa rin talaga. Nakakapagod pala. Kahit sabihin pang iba ang ekstasya na hatid nito noong ginawa namin yon. Lumingon siya no'ng lumabas na ako ng banyo, nakasout na rin siya ng bathrobe bago tumayo. "You okay?" Tanong niya, habang pinapasadahan ako ng titig, mula ulo hanggang paa. "Opo..." Ngiwi ko sabay lakad ng maayos. Lumingon pa ako ng isang beses sa kanya na nakasunod pala ang kanyang mga mata sa paglalakad ko. "Okay... Maliligo lang ako Dani." Tumango ako at naupo sa sofa. Palipat-lipat naman ang mga mata ko sa sofa at sa higaan niya. Doon, at dito... Napahinga na lamang ako ng malalim bago humilig sa likod ng sofa. Pakiramdam ko nabinat ng sobra-sobra ang katawan ko sa pagod. Gusto ko yatang magfile muna ng leave... Napapagod na ako sa trabaho ko. Bumaba naman kami ni Sir Quir, tahimik, at walang nagsasalita. Nagtaka na lang ako no'ng hinawakan ni Sir Quir ang kamay ko. Napalunok na lang ako at nahihiyang napaiwas ng titig sa receptionist na napaiwas din ng titig. Nahiya siguro dahil sa tagal ng titig niya sa aming dalawa ni Sir Quir. "You should eat a lot." Natakot ako bigla, sa pagiging extra sweet niya. Gusto kong magsalita... Ngunit napipilan ako sa hiya. Gusto ko siyang kausapin... Na sana, kung anuman itong nangyayari sa amin, hindi na sana makarating pa sa iba. Halata namang pisikal lang ang lahat ng nangyayari sa amin. No feelings involve. At kahit siguro umiwas ako, mauulit pa rin naman. Ramdam ko... Siguro dahil siya ang una ko? May syndrome na tawag do'n, e. Kaya mahirap pa magmove on at mahirap pang iwasan. Kasi mainit pa. Tulad ng kape'ng iniinom niya, mainit pa kaya masarap. Ganoon na ganoon... Walang ibig sabihin. Kumain din naman ako ng marami. Na alam kong ikinatuwa ni Sir Quir. Pagkatapos nang pananghalian, tumayo kaming pareho at inaya niya ako papunta sa kung saan. Sumunod na lang din naman ako. Minsan nahuhulog ang mga mata ko sa kamay niyang mahigpit pa rin ang kapit sa kamay ko. Tumigil kami sa tapat ng isang museum. Tumitingin-tingin na rin naman ako ng mga bagay-bagay... Na hindi ko naman kinahiligan. Nahalata siguro ni Sir Quir at dinala na naman ako sa isang parke sa Davao. Naupo lang kami do'n, hawak kamay pa rin. Nakatulala naman ako sa mga batang naglalaro, at sa ice cream vendor na nag-abot ng cone sa isang bumili. "Dan... You okay? You want dirty ice cream?" Umiling ako at lumingon sa kanya... Gustong-gusto ko siyang kausapin, kaso nauunahan ako ng hiya. "Tell me..." Sabi niya. Umaawang ang labi ko ngunit bumabalik din sa pagkakatikom. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, at paano ko ipapaintindi ang sitwasyon namin. Hindi ko naman gustong magresign sa trabaho... Sayang naman, at pinaghirapan ko rin naman 'to. Kaso pag tumagal pa 'to, mas lalong masisira ang stand ko sa kompanya niya. "Dani..." Tawag niya. "S-sir... Can we stop this?" Hoping na magagawa ko nga talaga. Ngunit bakit pakiramdam ko mababali na naman ang iniisip ko sa nalalapit na hinaharap? "Can we really stop this?" Seryosong tanong niya sa akin. Ibinalik niya ang tanong. Napalunok na lang ako at dahan-dahang umiling-iling. "Then, let's just enjoy this." Ngisi niya sabay bitaw sa kamay ko. Nalaglag naman ang mga mata ko sa kamay ko na binitawan niya. Iginalaw-galaw ko naman iyon. Parang namanhid yata. Hindi ko alam... "We will stop when the time you find your happiness." Ngisi niya ulit. Tumango na lang ako at ikinuyom ang kamay sabay buntong hininga. Kinahapunan pagkatapos naming kumain ng lunch, umakyat din naman kami. Naghiwalay kami ng pasok. Tumawag si Mama ni nag-aalala sa matagal kong pagsagot. Kailangan ko pa tuloy magsinungaling. Ni hindi ko na sinabi na nasa Davao ako, at baka mataranta iyon. Dan, I have to attend an important meeting here in Davao. Hindi na kita sinama. Text galing kay Sir Quir, napapikit na lamang ako bago sumandal sa headboard. Ini on ko naman ang tv at nanonood na lamang. Unconsciously I started massaging my stomach. At napatigil din kalaunan. Medyo nabigla. Anong ginawa ko?! Agad akong napatayo at tumungo sa Bathroom pagkatapos bumalik naman kaagad sa silid. Inabala ko naman ang sarili sa pagpili ng damit bago nagbihis ng bago at lumabas ng silid. Tinitigan ko nang matagal ang silid ni Sir Quir. Sa baba lang ako, hindi naman ako lalabas pa ng hotel. Nasa lobby ako habang inaabala ang sarili sa pagbrowse ng mga kung ano-ano sa cellphone. Umorder na rin ako ng hot choco. At cake. Ako lang mag-isa ang nando'n. At nabigla na lang nang may tumabi---- ah, hindi naman as tumabi talaga... Nasa isang sofa. Ngumiti ako no'ng nagkatitigan kami. Ngumiti din naman siya. "Miss bag-o lang ka dinhi?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "Po? E, kasi hindi ako nakakaintindi ng bisaya...? Tama, bisaya ba ginamit mo?" Tumawa siya at nagkamot ng batok. "Manila girl, uhm. Sabi ko bago ka lang ba dito?" Ngumiti ako at inilapag ang cellphone sa kandungan. Tumango ako, mabilis na tango. "Ako nga pala si Castier... And you are?" "Dan---i... Ah, Dannah po." Inabot ko naman ang palad niyang nakalahad. Tumawa siya bago muling nagkamot ng batok. Mukhang mabait. "Ano nga palang ginagawa mo dito sa Davao?" Tanong niya kalaunan. "Yong Boss ko may conference kahapon diyan..." Turo ko sa kabilang hallway. "Bilang secretary, dinala niya ako. Tumango siya sabay ngiti ulit, nacucurious ako sa dimples niyang umuusli sa tuwing ngumingiti siya. "So, kailan ang balik niyo sa Maynila?" "Hindi ko pa alam..." Ngumiti siyang lalo... "I'll be staying here in Davao for a week, pero babalik ako ng Cebu by next Monday saka ako lilipad ng Maynila. If..." Putol niya. "... You don't mind. Can I have your number?" Ang bilis naman niya! Hindi ko alam kung ibibigay ko ba o hindi... Sa nakikita ko kasi mukhang siya yong tao na hindi gagawa ng kalokohan. An average looking guy... Pero mabait. "Sige..." Mas lalong lumawak ang ngiti niya sabay abot niya sa callphone niya. Inabot ko naman iyon at nilagay ang number ko. Naging matagal ang pag-uusap namin, unconsciously napapanatag ang loob ko sa kanya. Hindi ako kinakabahan. Hindi rin mabigat ang t***k ng puso ko. Makalipas ang dalawang oras nagpaalam na ito nang may tumawag sa kanya. Siguro importante. Malamig na ang hot choco ko kaya iyong cake na lang ang kinain ko bago muling nagbrowse. Kalahating oras na ang lumipas nang may naramdaman akong tumabi sa akin. Mabango... Tulad ng bango na lagi kong naaamoy. Naging mabigat ang pintig ng puso ko sa kaba... "Bored ka na ba, Dani?" He asked. Tumango ako, kasi yon naman ang totoo. Tumango rin naman siya at sumubo sa cake ko na siyang ikinataka ko. Sabay hila niya sa kamay ko. "I saw some place you might like while on the way here..." Ngumiti lang ako at tinitigan ang kamay niyang nakakapit sa pulso ko. "We'll be staying here for a week. I don't wanna see you bored." Iling sabay sensyas sa isang taxi. May maliit siyang dalang bag, at naka-tshirt na ngayon at maong pants. Siguro umakyat pa ito kung hindi naman ito ang sout niya. Nilapag niya paharap sa isang hita niya ang palad ko bago gumuhit ng kung ano-ano. Minsan dinidiin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD