Boung araw na ginugol ko ang sarili sa pagbawi ng tulog. Pakiramdam ko pagod na pagod ako dahil sa ginawa namin sa Davao. Maliban sa mga ginawa namin na wala sa plano.
Talagang totoong pagod ako.
Nagstock na rin ako ng mga supply sa Linggo na yon. Kinagabihan bumaba ako at pumunta sa isa sa mga pinakamalapit na restaurant at tinext si Ate Bing... Ex ni Kuya Joel.
Yumakap siya sa akin nang magkita kami. Ang higpit ng higpit ng yakap niya. Napalunok na lang ako, kinakabahan.
"Dandan... Bakit ka napatawag?" Sabi niya habang pumipili ng makakain.
"Ate... Wag niyo po akong isusumbong kina Kuya ha..." Sabi ko habang lumulunok.
Tumigil siya sandali at tumawag ng waiter, sinabi niya ang mga orders namin bago lumingon sa akin.
"Say it... I won't tell."
Lumunok ako at lumingon sa paligid bago sumandal sa upuan. Kinakabahan ako, ngunit desidido na talaga ako na may mapagsabihan. Mahirap para sa akin na may tinatagong sekreto.
"Ate Bing... Wag po sana kayong magagalit ha."
Tumango siya at ngumiti. Dumukwang pa sa table para marinig ako nang malinaw.
"Kasi po..." Lunok ko sabay dukwang din, "... May Boss po kasi ako na..."
"Na alin Dandan?"
"Ka-kaano ko po..."
"Kaano...?" Nagtatakang tanong niya.
Biglang nanlaki ang mga mata niya habang nakatutop sa bibig.
"Hoy! Dandan! Are you f*****g serious?!" Gulat na gulat siya. Nanlalaki ang mga mata.
Tumango ako at muling lumingon sa paligid.
"E-eeh, Ate. Kasi biglaan..." Nahihiyang sabi ko.
"Naku! Patay tayo diyan! Pag nalaman ng mga Kuya mo iyan, makakapatay ang mga yon!"
Natatarantang tinakpan ko ang bibig niya. Sa takot ko na baka biglang dumating ang mga Kuya ko at marinig itong sinasabi kong sekreto.
"E, kaya nga sa inyo ko po sinasabi Ate. I have no one to confess po na hindi nagagalit."
Tumawa siya. Sabay ayos ng upo.
"Hindi ako magagalit Dandan, but I was totally shocked. Bakit? Anong nangyari?"
Bumuntong hininga ako, "Biglaan po Ate, basta nangyari na lang po."
Tumango siya at muling dumukwang sa table.
"Dan, what do you feel about your first time? Ano? Masakit? Masarap?"
Ngumiwi ako sa tanong niya na ikinatawa niya.
"You know, this is a girl's talk. You can confide, Dandan. Saka para naman mabigyan kita ng advise."
Umiling ako at napapakamot ng pisngi, pakiramdam ko namumula na ang mga yon.
"But Dandan, make sure that he'll not leave you hanging. Mahirap kasi pag hinalo ang nararamdaman sa pisikal na ginagawa niyo. Ikaw ba ay may nararamdaman na sa kanya..."
"Ha? Wala po!" Gulat na wika ko.
"What?! Naku Dandan! Akala ko pa naman reserve ka pagdating sa bagay na yan! Ano 'yon? f**k buddies?"
"Ho?"
Natatawa siyang umiling. Sabay sandal sa upuan.
"I can see now. You two, lust lang ata yang nararamdaman niyong dalawa. No hard feelings? Ganoon ba?"
Napakamot na lang ako nang batok sabay sandal na rin sa upuan.
"Actually Ate, no hard feelings talaga... Kasi pareho naman naming ginusto iyon. Hindi ko po idedeny."
Humalakhak siya. Lumingon pa sa paligid namin.
"Dandan, hindi ko akalain na magagawa mo 'to... Never ko naimagine. You're our innocent Dandan. And then now, you've grown beautiful... Pagkatapos, you confessed naman."
Tumango lang ako sabay kagat sa pang-ibabang labi.
"Pero Ate Bing, wag niyo na lang po sabihin kina Kuya at Mama. Baka kasi makapatay nga talaga ang mga yon."
Tumango siya at tumitig sa tiyan ko. Nagtataka naman ako.
"Dandan... If you're enjoying what you two doing now. Please, wag kang magpapabuntis. You're too young for this. And you're not ready yet to ger pregnant."
Napahawak naman ako sa tiyan ko. Tumango lang ako at nanlalamig ang mga kamay na idinantay ko ang palad sa ibabaw ng tiyan ko.
"But... Pag may lumalangoy ng Sperm diyan, wala na tayong magagawa pa."
"Ate!" Gulat na tawag ko sa kanya.
Humalakhak naman siya at lumingon sa kaliwa niya nang dumating ang waiter na nagseserve na ng mga pagkain namin.
Nanginig na lang ako sa kaba dahil sa huling sinabi ni Ate Bing.
Wala naman siguro, alam naman ni Sir Quir ang ginagawa niya. Isa pa... Siya ang mas may alam sa amin. Ako, first time ko. Siya? Nakailang babae na ba siya?
Alas otso nang natapos kami sa pag-uusap, hinatid ko lang siya sa labas at muli na naman akong umakyat sa unit.
Limang Buwan, maikling panahon lamang para maranasan ko ang mga bagay na 'to.
"Ohayo." Unang bati ni Sir Quir nang nagkaabutan kami sa Elevator.
Tumabi ako sa kanya... Sabay lingon sa paligid. Nahuli ko pang nakatitig ang ilang empleyado. Masyado na yata kaming nahahalata?
"G-good morning po." Bati ko.
Bumukas ang kabilang elevator. Mas nauna pa sa lift ni Sir Quir. Gusto kong lumipat do'n kaso hinawakan naman ni Sir Quir ang palapulsuhan ko. Sakto namang bumukas ang kanyang sariling elevator.
Hinila niya ako papasok. At pagkakasara ay binitawan niya ako.
"Ohayo, Dani-chan." Ngisi niya sabay hawak sa magkabilaan kong pisngi.
Dinukwang niya kaagad ako ng mainit na halik. Madiin ang pagkakalapat ng labi niya sa labi ko. Walang dila.
"Peanut." Tawag niya, sabay hila sa mga braso ko at iniyakap bewang niya. Wala na yatang madadaanan pang hangin sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin.
"All stress today, I hope you have a good morning." Tumango lang ako.
Humiwalay lang siya no'ng tumunog ang elevator. Parang walang nangyari nang lumabas kami. Parang walang Secretary and Boss relationship na nangyari.
Pag trabaho... Trabaho nga talaga para kay Sir Quir. Minsan napapasilip ako sa kanya... Habang inaabala rin ang sarili sa pag-aayos ng sched niya. Ang mga napostpone na meetings ay binigayan ko ulit ng panibagong schedule.
Alas onse nang tumawag si Sir Quir para sa Food Delivery. Magiging katulad din yata nito yong nangyari last time. Dito kami kakain kasi busy ang Boss ko sa mga nabinbin na papeles.
"Let's eat. Let's talk later Dani when I'm done."
Tumango lang ako at binuksan ang lalagyan na gawa sa karton. Inihiwalay ko naman ang chopsticks at nag-umpisa nang sumubo. Tinitigan ko naman ang aking Boss na abala pa rin sa mga papeles. Kumakain siya habang nagtatrabaho.
Naramdaman ko na nagvibrate ang hawak kong phone. May nagtext, unknown. Ngunit nakilala ko noong nagpakilala kaagad ito.
Tumunog kaagad ang sariling cellphone. Tumatawag si Castier! Paano ko naman sasagutin 'to?!
Ibinaba ko ang cellphone at agad siyang tinext. Hindi ko pwedeng sagutin ang tawag niya kasi may maiistorbo. At nasa trabaho ako.
Later tonight then? I did not see you here in hotel.
Nireplyan ko na lang siya na nakauwi na ako ng Maynila. Limang minuto lang yata ang itinagal ng text namin... Abala rin siguro ito marahil.
"Do I have meetings today, Dani?" Tawag pansin ni Sir Quir.
Umiling ako at sinabing bukas ay marami-rami. Tumango siya at inayos ang mga papeles bago inihanay. Isa-isa niyang binitbit ang mga bundles at nilagay sa itaas ng cabinet.
"What time is it?"
"Alas cuatro y media na po."
Tumango siya sa sagot ko. Sumandal siya sa upuan at pumikit ng mariin. Napatitig na lang ako sa kumikinang niyang hikaw.
Pagkadilat ng mga mata niya, inabala ko naman ang sarili sa pagbabasa ng mga kakailangang gawin ni Sir Quir para sa mga meetings niya.
Naramdaman ko na tumabi siya sa akin. Dumukwang pa sa ginagawa ko. At kinuha ang cellphone ko na siyang ikinataranta ko. Huli na para maabot ko yon kung ganito naman siya katangkad...
"Castier? Who's Castier?" Basa niya sa dumating na text.
"Meet up?" Takang tanong niya habang binibigay sa akin ang cellphone.
Nanlaki ang mga mata ko no'ng nakita ang text galing kay Castier.
"Did you meet that guy personally?" Simpleng tanong nito. Walang halong iba...
"O-opo... Do'n po sa Davao."
Kumunot ang noo niya, sa hula ko iniisip niya kung may nameet ba kaming Castier noon.
Ako Oo, pero siya... Imposible yata.
"You wanna meet him?" Tanong niya kalaunan.
Napaisip naman ako at napakagat labi. Sinilip ko naman ang cellphone na may text galing sa kanya. May detalye ng meet up namin kahit hindi pa ako pumapayag.
"O-oo, Sir. Okay lang po ba?"
Tiningala ko siya. Ngumiti siya na ikanaluwag nang nararamdaman ko.
"Go on, you can date anyone you like."
"Ha? Hindi naman po 'yon... Hindi ko pa po nagugustuhan!"
Ngumisi siya at tumango, "Remember what I told you, Dani? I will let you go when you find your happiness."
Tumango ako at lumunok. Niyukuan ko si Castier at pumayag sa gusto niya.
Pisikal... Walang halong nararamdaman.
Susubukan ko lang naman si Castier. Baka kasi sa kanya na ako magkakagusto.
Alas sinco nang natapos ako sa trabaho. Bumaba na ako kasabay ni Sir Quir. Na nagwarning ang elevator ng nasa kalagitnaan na kami. Napilitan kaming lumabas at ginamit ang hagdan.
Ka-text ko pa rin si Castier. Medyo makulit ngunit ramdam ko talaga na mabait siyang tao. Kahit hindi kasing gwapo at kasing yaman ni Sir Quir, kung mabait naman... Pwede na sigurong pagbigyan. Kahit ilang dates pa.
"Dan, do you have activities tomorrow night?"
Umiling ako at tiningala si Sir Quir.
Ngumiti siya at inayos ang hibla ng buhok ko na nagkalat sa mukha ko.
"Pwede ka sa Condo ko matulog." Aya niya.
Napalunok ako at tumitig sa nadaanan naming pintuan.
Patay! Nag-aaya ang Boss ko... Ramdam ko.
Tumango na lang ako, lalo siyang ngumisi sa pagsang-ayon ko.
"Let's explore..." Sabi niya. Inaayos pa rin ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
"Po?" Nagtatakang tanong ko.
"Explore... I'll teach you some. Alam mo na. Pagdating sa sex."
Namilog ang bibig ko sa bulgar na sinabi niya.
Umiling ako... Hindi sa ayaw ko, medyo nahihiya lang ako sa pinagsasabi niya.
"Nakakapagod po kaya..." Namumulang sabi ko.
Tumawa siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Pakiramdam ko, minsan, hindi sa pag-aassume... Parang may kakaiba sa kinikilos ni Sir Quir. Pero siguro hindi lang naman ako ang pinakikisasamahan niya ng ganito. Sa dami ng babae niya, siguro normal na lang sa kanya ang paglalambing ng ganito.
"Dani... *****" bulong niya na hindi ko na naintindihan.
Tumatawag kasi si Castier. Na sinagot ko kaagad. Nakatitig pa rin ako kay Sir Quir na umiling at ngumiti lamang.
"Magandang gabi, Dannah... Naabala ba kita?"
Umiling ako kahit di niya nakikita. Tinitigan ko ulit si Sir Quir na ngumiti lang at hinaplos ang ulo.