What did I do?
Kaloka! Bakit ko nga ba hinayaan yon? Ngayon nga'y napapasulyap ako kay Sir Quir na nakayuko habang kumakain. Hindi ko nga alam kung seryoso ito sa paghalik sa akin... Parang lahat kasi naging biro nang lumabas kaming pareho sa elevator. Para bang walang nangyari.
"Eat, Dan. You're starving yourself." Silip niya sa akin.
Natataranta naman akong sumubo at sinunod ang utos niya. Binaliwala ko na lang ang pagkakailang na nararamdaman ko. Kiss lang yon! Hindi naman niya ako hinawakan kahit saan.
"Dan..." Tawag ng kung sino mula sa likod ko. Natigil ang pagkain ko dahil do'n.
At si Ma'am Neil, medyo nakangiti at kasama si Jean na ngayo'y palipat-lipat ang titig sa amin ni Sir Quir.
"Good noon, Sir Quir." Bati ng dalawa sa kaharap ko.
"Mamaya na lang Dan..." Iwas nito.
Nagtataka naman akong nakatitig kay Jean na ngumisi't kumaway na lang.
"Those are your friends?" Tanong niya pagkatapos kong bumalik sa pagkain.
"O-opo..." Lunok ko bago uminom ng tubig.
"Sila ba ang mga kasama mo do'n sa Bar?" Tanong niya ulit.
Tumango na lang ako.
"I want to see you dance again, Dan." Medyo mahinang sabi nito.
Kumunot naman ang noo ko't tinitigan siya.
Umiling lang ito at ngumisi, sabay iwas titig sa akin. Mas lalo tuloy akong nagtaka.
"My afternoon sched?" Tanong niya nang naglalakad na kami at paakyat na sa floor niya.
Binasa ko naman ang planner na nasa cellphone ko. May Lima sa hapon, at hindi ko alam kung paano niya ipagkakasya iyon.
"So I guess, mag-oovertime ka na naman..." Sabi niya.
Napatango lang ako at inisip ang posibleng oras na magagamit sa limang meeting na yon. Sumakit lang ang ulo ko habang iniisip kung ilang oras pa bago matapos lahat ng mga nasa listahan.
Mabuti na lang talaga at tatlo lang ang para sa bukas. Hindi naman siguro ako gagabihin pa niyan.
Pagkalapag pa lang sa Floor ng office ni Sir Quir, agad na kaming nag-ayos at bumaba para pumunta sa venue ng meeting na katatagpuin ni Sir Quir ngayon.
Bumati sa amin ang isang American Businessman na agad na nagsimula sa pagsasalita sa harapan, isang oras lang at umalis na naman kami ni Sir, patungo sa isang kompanya na mas malayo sa pinanggalingan namin. Wala pang trenta minutos ay natapos na namin iyon.
Pangalawa pa lang pero nahihilo na ako.
"Water, Dan." Abot niya ng bottled water. Napatango ako't uminom na rin. Ramdam ko ang init at traffic sa labas. Mukhang sa traffic mauubos ang oras namin.
Alas sinco at may dalawa pa kaming kailangan katagpuin. Pagod na ako, ngunit kita pa rin sa mukha ni Sir Quir ang pagiging matibay... At halatang di man lang napagod.
Hindi ito nagsasalita habang nakatutok ang mga mata sa harapan.
Ako nama'y tinitingnan ang mga huling meeting. Tinatantya ko ang oras na pwedeng gamitin. Mukhang gagabihin nga talaga ako.
Bumaba kami sa tapat ng isang firm na hindi naman kalakihan ngunit sikat ang pangalan nito sa madla. Wala nang paligoy-ligoy pa at nagsimula na sa pagsasalita si Sir Quir na pinalitan naman ng may-ari no'n.
Sa kanya kami tumagal. At alas nuebe na... Para normal na makaramdam na nang antok.
Napapikit na lamang ang mga mata ko pagkatapos ayusin ang seatbelt. Napahinga ako nang malalim at muling dumilat kahit na nahuhulog na ang mga mata.
Malapit nang mag alas diez... At nasa byahe pa rin kami.
"Dan, you can take your day off tomorrow if you want."
Napalingon ako kay Sir na nakatitig na pala sa akin, seryoso. At mas lalo pang naging seryoso dahil sa naghalong dilim at ilaw na nagmumula sa labas.
Ewan... Kung paano naging detalyado ang hugis ng mukha't ilong niya kahit na nag-aagaw ang dilim at liwanag. Mas gumwapo siya... Halatang may lahi si Sir Quir... Pinaghalong Asian saka Latin.
"H-hindi na siguro, Sir. Malapit na naman po ang Sunday."
Tumango lang ito at kumuha ng kung ano mula sa dashboard niya.
"Eat..." Abot niya ng nakapack pa na cookies.
Tumango ako at sinimulan nang kumain. Gutom na ako... Siguro kasi gabi na at hindi pa kami kumakain ni Sir Quir mula pa kanina.
"This will be the last one for today, Dan. Please, just endure your hunger. We'll eat later."
Sabi niya nang nakababa na kami ng sasakyan. Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya papasok sa isang matayog na gusali.
Napabuntong-hininga na lamang ako no'ng pinindot niya ang sa tingin ko ay huling palapag ng gusali na 'to. Binibilang ko pa lang sa isipan ang mga minutong paakyat at pababa, parang inantok na kaagad ako.
"You look so sleepy, Dani..."
Napalingon ako sa sinabi niya, nagtataka. I'm Dannah... Not Dani... Nickname niya para sa akin? Para ano?
Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko na para bang bata lang ang kausap niya.
"Dani... It sounds good. And beside, Dannah was a little bit mouthful."
Tumango ako sa eksplenasyon niya, di na umayaw kasi talagang dinadala na ako ng antok.
Sampung minuto! Ganoon lang kabilis lahat ng pinag-usapan nila. Si Sir Quir na mismo ang pumutol pa sa mga business proposal na binibigay nitong may-ari ng kompanya.
Kumunot na lang ang noo ng huli, halatang kinakabahan na baka nga hindi ituloy ni Sir Quir ang pagpirma sa proposal. Ngunit... Pareho pa yata kaming nabigla nang walang alinlangan itong yumuko sa pahabang mesa at pinirmahan ang mga papeles na mabilis lang nitong binasa.
"Mr. Antonio! What a pleasure!" Ngisi nito bago pa kami nakaalis.
"Let's eat first." Kalabit ni Sir Quir nang napapikit ako sandali. Tinitigan ko na lang ang orasan sa cellphone at nakitang malapit na palang magmadaling araw.
Gustong-gusto ko nang matulog. Parang mas gusto ko pang matulog kesa sa kumain.
Napakalambot ng higaan...
"Dan... Dani?" Kalabit ng kung sino, naging dahilan yon para magising ang diwa ko... At mapabalikwas na nang tuluyan.
Inaantok pa ako, ngunit ang trabaho ang nasa isipan ko.
Nagmamadali akong bumaba ng kama at hinanap ang tsinelas ngunit nang hindi makita ay dumiretso ako sa kanan para maligo... Kaso natigilan ako.
Kailan pa nga ba ako nagkaroon nang malaking bookshelves?
Tuluyan na nga akong nagising nang marinig ang isang pamilyar na tawa.
"Dani... My bathroom's outside."
Nakapamaywang na sabi niya sabay turo sa pintuan.
Nanlaki naman ang mga mata ko, na siyang lalong nagpatawa sa kanya. Halatang nagpipigil siya ng tawa ngunit talagang umaalpas.
"D-d-dito... Nakatulugan ko po kayo, Sir?!" Gulat na wika ko.
Tumawa lang ito at inayos ang kama na sigurado na hinagaan ko kanina.
Napalunok na lang ako sa hiya.
"Yes, Dani. We were supposed to eat. But you're already in deep slumber." Ngisi niya bago naglakad, papunta do'n sa pintuan na tinuro niya.
"You can use my bathroom. We're late Dani... No more talks for now. Kundi wala na tayong matatapos na trabaho mamaya."
Napangiwi na lang ako at nagmamadaling sumunod sa utos niya. Tinuro niya ang isang pintuan pagkatapos naming makalabas sa paniguradong silid niya.
Nalilito pa rin ako pagkatapos na maligo. Wala pala akong damit! Naloka ako bigla kasi hindi ko alam kung paano kakausapin si Sir Quir... Paano ako papasok ng trabaho kung wala naman akong maisosout?
Napakagat labi na lamang ako habang inaayos ang malaking bathrobe na 'to. Masyadong malaki para sa isang katulad ko.
"Dani... We're an hour late..." Katok ni Sir.
Napailing na lang ako at inayos ang tali ng bathrobe bago lumabas. Pakiramdam ko wala pa rin akong sout dahil sa hubad na katawan sa loob. Walang underwears!
"P-paano po ako papasok?" Nanginginig na tanong ko.
Nagtaas naman siya ng kilay at tinuro ang kabilang bahagi, sa sofa. May nakalagay na paper bags.
Napangiwi na lamang ako sa hiya. Bago dahan-dahan na kinuha iyon para magbihis na. Nakaayos na rin si Sir. Pormal ang damit. Sakto para sa taong nag-oopisina.
Dress ang nasa loob, at may pares din ng undergarments. Hindi na ako nagtanong pa kung paano niya nabili ang mga 'to, na hindi naman kaluwangan sa katawan ko... Ang importante ay makaalis na kami. Nakakahiya naman kay Sir na nahuli pa dahil sa mahaba kong tulog.
"How are you feeling?" Tanong niya nang nasa byahe na kami.
"I'm good po, Sir." Ngiwi ko na naman sabay titig sa labas.
Narinig ko ang paghampas ng hangin sa ngisi niya. Na parang umismid.
Napatitig naman ako sa kanya na naglalaro ang hintuturo't hinlalaki sa ilalim ng baba niya. Kung minsan ay napupunta sa labi niya. Kung tititigan nang mabuti si Sir Quir, para siyang Asian Actor. Matipuno, medyo tan at makinis, halatang inaalagaan ang sarili.
Parang ang mga kuya ko... Madalas nasa gym kasi nagpapalaki ng katawan.
"So much for a stare, Dani..." Lingon niya nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic.
Napasinghap na lamang ako at natataranta ang mga matang napatitig na lang sa kung saan-saan. Basta wag lang sa kanya.
"Dani... Do you wanna see me upclose?" Tawag pansin niya sabay lapit sa akin. Mas lalo ko lang nasamyo ang pabango niya. Lalaking-lalaki ngunit di masakit sa ilong.
"P-po?!" Gulat na lingon ko sabay atras sa hamba ng pintuan.
"Like this close." Pilyong ngisi nito. Halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Napasinghap na lamang ako sa pagkakagitla.
"You're so pretty Dannah, so sweet, how could you make a man's boner?"
"Po?!!" Napasigaw na talaga ako sa gulat... Kasabay ng mga busina sa labas. Inip na inip ang mga tao sa hindi pag-usad ng mga sasakyan.
Ngunit ako... Heto at mukhang umaga pa lang ay pinagtitripan na ng Boss.
"You're too lucky, I can't touch you..." Ngisi niya sabay titig sa unahan.
Ngayon, naiintindihan ko na kung ano ang meron sa karisma ng taong 'to. Pilyo... Masyadong pilyo. Na magiging dahilan pa yata ng paglakas ng t***k ng puso ko sa kaba.
"Sir..."
"I can't touch you because you're too innocent for my type.... Danni, if only you're not a virgin." Hayagang sabi nito.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng gulat at kilabot ko papunta sa utak at kumalat sa mukha ko na ngayo'y namumula na talaga.
"Pasensya ka na, Dani." Sabay haplos niya sa pisngi ko, bago tuluyang lumayo at bumalik sa pagkakaayos ng upo niya sa driver's seat.
Napaawang na lamang ang mga labi ko.