10

1681 Words
Kanina pa yata ako nakatulala sa kisame ng sariling silid. Nag-iisip. Hindi makapaniwala. Bakit hinayaan ko pa? Siguradong dahil sa nararamdaman, no feelings involve. Nadala lang. Sa init. Napabuntong hininga na lamang ako bago lumunok at tumayo na nang kama. Ramdam ko ang sakit, ngunit mas ramdam ko ang kabang nararamdaman. Ayaw kong isipin kaso kahit anong iwas ko, doon pa rin ang punta nito. Naghanda na lang ako at naligo, pagkatapos kumain ay bumaba na ako ng unit at napiling maggrocery na lang. Ayaw kong isipin, dahil mas lalo lang akong manghihinayang. Kahit manghinayang din naman ako walang rin namang mangyayari. Nagawa ko na. Ginawa niya na. Kahit magsisi ako, hindi naman maibabalik nito ang nawala. "May piso lang po kayo Ma'am?" Tanong nang cashier, kumuha ako sa purse at ibinigay sa kanya na pinalitan niya naman ng buo. Pagkatapos maggrocery, naghanap ako ng ice cream parlor. Saka doon nagtagal. Kumakain ako na nag-iisip. Iniisip ko kung ano nang mangyayari bukas. Paano ko haharapin si Sir Quir? Nahihiya ako sa nangyari.... Kasi hinayaan ko siya. Sa pagkakatulala, doon ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa humahaba ko nang buhok. Apat na buwan, kay bilis nga naman ng panahon. Ganito na ako katagal dito. At ganito rin kaikli na bigla na lang akong bumigay. Kagat ang labing tumayo na ako at kinuha ang mga binili. Saka ako naghanap ng masasakyan, pauwi sa unit. Na siyang itinambol ng puso ko nang napagbuksan sina Kuya Allan at Kuya Joel. Na parehong nakangisi, sabay yakap sa akin ng mahigpit. Kinabahan naman ako, hindi dahil sa pagdating nila kundi sa nararamdamang hapdi sa ibaba. Pakiramdam ko mararamdaman din nila iyon... Kung magpapahalata ako. "Our precious Dandan..." Sabi ni Kuya Allan, natawa tuloy ako sa nakitang pamumula ng mga mata niya. Halatang miss na miss na ako. "How was Manila?" Tanong ni Kuya Joel habang kinukuha ang mga binili ko. "So far so... G-good, Kuya." Bigla akong nautal habang iniisip si Sir Quir. "Good! Good!" Sabi ni Kuya Allan, at inilabas ang mga pinamili ko. Naghanap naman ako sa sofa kung sakaling may mga gamit silang dala. Pag ganoon, alam ko nang magtatagal sila dito sa Maynila. Napabuntong hininga ako sa ginhawa... "O Dan? Anong meron sa buntong-hininga mo?" Tanong ni Kuya Joel habang naglalagay ng karne sa sink. Si Kuya Allan nama'y inilagay sa ref ang ilan sa mga binili ko. "You're not staying here?" Nagtatakang tanong ko. "Maybe next month Dandan, kaso ngayon kailangan naming umuwi para sa gaganaping biddings. Bumisita na ba ulit si Mama sa'yo?" Umiling ako, hindi kasi natupad nito ang pangako niyang baka pagkatapos ng isang buwan ay mag-s-stay siya dito sa Maynila. "She's probably busy right now... Dumadami kasi ang demand sa Philippine Sculpture." Tinanguan ko na lang... "... And Dandan, where's your phone? We've been contacting you since last night. You were not answering. Have you lost it?" Umiling ako at napaisip para kagabi. Kung napatawag ba sila, kung nasa akin ang cellphone ko... Mapipigilan ba no'n ng hindi dapat? "Nasa opisina, I forgot to bring it with me." Sabi ko na lang sabay upo sa tapat ng mesa. Pinagmamasdan ko ang mga ginagawa nila. Nagluluto, nag-aayos at naglilinis. Iba nga talaga 'pag nandiyan ang mga Kuya ko at si Mama. Pakiramdam ko naaalagaan ako nang mabuti. Ngayon... Paano ko naman sasabihin na ang kanilang Dandan ay hindi na tulad ng inaakala nila? Sasabihin ko ba? Mukhang hindi pwede... Mapapagalitan ako, maeeskandalo naman si Sir Quir. Ganoon nga talaga... Lahat may consequences, lalo na kung alam ko namang mali. "We're not staying for long..." Sabi ni Kuya Joel pagkatapos naming kumain ng hapunan. Tumango lang ako at binuksan ang tv. "When will you be back?" Tanong ko. "Baka matatagalan pa, Dandan. You'll be okay right? No more issues like what happened before? You're strong Dandan..." Sabay halik ni Kuya Allan sa tuktok ng ulo ko. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanilang dalawa. Bago sila tuluyang umalis. Gusto ko pa sanang ihatid sila kaso pareho na silang umayaw. "Dannah!" Muntik na akong napatalon sa bigla ng dinamba ako nang yakap ni Jean, hindi ko alam kung bakit... "Sorry! Hindi ka namin naihatid!" Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko at kalaunan ay napangiti. "Okay lang po, nakauwi naman ako ng safe." Akala ko kung ano. Ngumisi lang siya at sinama ako sa elevator paakyat sa itaas. Kumakapit siya sa braso ko na siyang ikinatataka ko. Marahil nag-aalala lang talaga... Wala naman siguro ibang balita pa? Hindi naman siguro dahil do'n sa parking lot? "Sabi nila, naiwan daw kayo ni Sir Quir. Totoo ba, Dannah?" Bahagyang kinilabutan ako sa tanong niya... Kahit hindi pa nasasagot, alam ko kung saan papunta iyon. O sadyang napapraning lang ako? Napapraning na baka malaman ng lahat kung paano kaming nahuli na may ginagawang milagro sa loob ng sasakyan? Uugong na naman ang balita... Pagchichismisan na naman kami. Secretary at Boss... "O-oo," sinagot ko na lang, kesa sa magsinungaling. Hindi ako sinungaling na tao... Takot ako sa karma. "Then! Hinatid ka ba niya?!" Halatang naeexcite siya sa malalaman. Tumango ako... Hindi nagpapakita ng kahit anong reaksyon. Natetempt akong kagatin ang pang-ibabang labi, syempre para pigilan ang sarili sa namumuong kaba. Kaso mahahalata niya, na may higit pa sa tanong niya ang nangyari. "Wow!" Ngisi niya, sakto namang bumukas ang elevator. Sa floor niya. Napahinga ako nang malalim at pagkakasara ng elevator, agad akong napasandal. Nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. At mas lalo pang nangangatog dahil sa nalalapit na pagkikita namin ni Sir Quir. Hindi ko pa naiisip kung anong sasabihin ko mamaya... Paano ako magrereact? Kung hindi lang naman simpleng halik lang iyong nangyari? "G-g-good morning po." Napapikit ako sa hiya, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nautal ng ganito kahaba. Nasa opisina na si Sir Quir, nakaupo. Nakapangalumbaba lang, at wala nang iba pang ginagawa. Kita ko kung paano mas naging maitim ang mga mata niya. Namumula din ang tenga niya...bahagyang namumula din ang pisngi. Tumayo siya, na agad na ikinatataranta ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang gusto kong tumalon sa mesa ko para maiwasan siya. Ganito pala ang pakiramdam... Awkward. "Dan, okay ka na ba?" Tanong niya, habang nakatayo sa tapat ko. Hindi ko alam kung titingala ako, o yuyuko na lang. Kasi nahihiya ako. "I broke my promise... Are you not feeling sore anymore?" Tanong niya ulit. Nakatayo lang siya doon. Napakagat labi na lamang ako habang tinititigan nang mabuti ang nail art... Ayaw ko ngang tumingala! "Dani..." Tawag pansin niya. "O-okay na po ako, Sir." Natatarantang dumaan ako sa gilid niya kaso hinigit niya ako. Nakahawak na tuloy ang isang braso niya sa bewang ko. Nanlalaki ang mga mata ko... Sa kuryenteng dumaloy mula sa pagkakahawak niya. Parang sasabog ang ulo ko sa kilabot. "You sure?" Tanong niya. Tumingala ako para makita siyang seryoso na nakababa ang mga mata at tinititigan ako. Sa halip na sumagot, napahinga ako nang malalim. Lalo na dahil hinahagod na naman niya ang bewang ko na para bang wala lang iyon. Kaso para sa akin, mas kinikilabutan ako sa nangyayari. "I asked a friend to check you up later this day... This is my first time... To encounter a first timer... You have to be check first. Dapat kahapon pa." Napakagat labi na lang ako... Ngunit sa huli napatawa nang kaonti. Ganoon din ang pangungunot ng noo niya. "Okay lang po ako Sir!" Iling ko. Ngumisi din siya at binitawan ang bewang ko. "You're also not mad?" Napatigil ako sa tanong niya... Itong pag-uusap, masyado nang awkward sa akin. Nagustuhan ko iyong ginawa namin... Ngunit natatakot ako. Para sa sarili. Kahit saang anggulo tingnan. Babae ang mas higit na lugi sa larong 'to. "Hindi naman po..." Sabi ko na lang para matapos na itong pag-uusap namin. Tumango siya at medyo lumayo sa akin. Kagat ko naman ang pang-ibabang labi, hindi ko alam kung maglalakad na ako patungo sa table ko o tatayo pa rin do'n at maghihintay sa itatanong pa niya. Ganito rin siguro ang nangyayari sa mga taong may nangyari na hindi inaasahan? Nagiging awkward pagkatapos. "I don't have a meeting today,right?" Nagkukumahog naman ako sa pag-abot ng schedule planner na nasa ilalim pa ng mesa ko. Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Sir Quir at siya na ang nag-abot ng planner na 'yon. Halatang di man lang ito nahirapan, palibhasa kasi mahahaba ang kamay kumpara naman sa akin na sakto lang. "I see..." Sabi niya habang iniisa-isa ang mga nakasulat sa planner na yon. Inilapag niya sa mesa ang binasang notebook bago nagdial sa telepono na ginagamit ko. Saka niya ikenansela lahat! Walang natira... Base sa nakita kong nando'n. "Let's go." Hila niya sa akin pagkatapod na kunin ang susi at cellphone niya na nando'n sa table niya. Nagtataka naman akong sumunod sa kanya. Na hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. "S-sir..." Kinakabahang tawag ko sa kanya lalo na noong nakita ko kung paanong sinusundan ng mga mata't ulo ang mga ginagawa namin ni Sir Quir. "You need to get check." Sabi niya habang nilalaro ang maraming susi na nasa kamay niya. "Ho?!" Gulat na wika ko. Kumunot naman ang noo niya at sinilip ako. "Dani, I'm also worried. That was your first time... I don't know how to handle first timer. Mabuti na yong maagap." Hindi ko napigilan na matawa sa sinasabi niya. Nagpipigil naman ito nang ngiti... Halatang naaaliw. "Hindi naman po ako nalumpo, Sir. Sa tingin ko, okay naman po ako. Hindi naman po ako nilalagnat, wala naman pong masakit sa akin... Kaya----" "I have to make sure... We have to..." Umiling na lang ako at tinitigan ang kamay niyang nakakapit sa kamay ko. Ewan ko kung bakit... Na sa halip matuwa kasi kahit wala naman kaming relasyon ay concern pa rin naman siya sa akin... Parang nakakaramdam ako ng lungkot. Dahil siguro ay siya ang unang lalaki sa buhay ko... Na hindi ko naiisip na magtatagal nga talaga. For experience? Nakakapanghina... Kasi hindi ito ang pinangarap ko simula nang magdalaga at nagkaisip ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD