Von Terrence Valderama
"Dude, nakita mo na ba 'to? Gagi, ang hot nung babae dito. I check out her feeds, at dude, sinasabi ko sa'yo."
Naririnig kong usapan nila Kevin at Christopher sa gilid. Busy kaming lahat ngayon sa meeting for the coming event tapos 'yong dalawa ay walang pakialam na nag-uusap tungkol sa isang babae. I look up and look at them. Napansin ako ni Ashley na nasa tabi nila kaya agad niyang siniko si Kevin.
"Aray, Ash! Malakas 'yon ha. Magkakaroon ako ng injury sa'yo," sambit ni Kevin na hawak ang tiyan na siniko ni Ashley.
"Kung nakikinig ka sana sa meeting, Kevin. Baka hindi ka nasasaktan."
Napalingon si Kevin sa akin na nanlalaki ang mata.
"Pres," ang sabi ni Kevin na halos malaglag pa ang panga.
"Hindi ako kasali diyan. si Kevin lang 'yong kanina pa dumadaldal sa akin, Von. Alam mo 'yan." Paghuhugas ng kamay ni Christopher.
Napakamot ako ng noo at bumuntong hininga. "Natapos na ba ninyo 'yong posters? Nalagay niyo lahat?"
Sabay silang sumagot ng pag-iling sa akin na mas lalo kong ikinais.
Hindi mo talaga maasahan ang dalawang ito.
I waved my hand, motioning them to get out. "Tapusin niyo na lang muna 'yon. Ashley will take down minutes. Siya na lang ang magsasabi sa inyo ng laman ng meeting."
Umiling si Kevin, "Hindi, okay na kami dito, Pres. Okay na kami dito. Promise."
Umiling-iling ako sa ginagawa ni Kevin. Hindi ko malaman kung bakit ayaw niya na namang lumabas ngayon. Ang dami na naman niyang dahilan.
"Out," I said with finality.
Christopher suddenly stood up at hinila si Kevin patayo. Nagpumiglas pa si Kevin ng hilain siya ni Christopher paalis ng room. Humawak pa si Kevin sa doorway para lang pigilan si Christopher na hilain siya. But the latter was much stronger than him at nadala siya nito sa labas.
"Ako na ang bahala dito, Von!"
Narinig naming sigaw ni Christopher nang mawala na sila sa paningin namin. Mas napailing na lang ako sa kaingayan nitong si Christopher. Tumingin ako kay Ashley.
"Write down his name. Nag-iingay sa hallway. Hindi pwedeng hindi sila mapaparusahan," utos ko sa kanya.
"Yes, Pres."
"Let's get back to the meeting."
~~~
After half an hour of meeting for the preparation that we will be doing, I finalized everything and ended the meeting. Sakto rin namang pasok nila Kevin sa room na hinihingal pa. Sumalampak si Kevin sa couch followed by Christopher na umibabaw sa kaibigan.
"Naapano kayo? Bakit naman parang pagod na pagod kayo?" tanong sa kanila ni Shane.
Bumuntong hininga si Christopher, "Paano ba naman, ikaw ba naman makipaghabulan at makipagtaguan sa mga fans ni Kevin. Ewan ko na lang kung hindi ka mag-give up."
"Ewan ko ba kung anong nakita nila sa ma-anghit na lalaking 'to!" dagdag pa niya.
Tinulak ni Kevin si Christopher paalis sa ibabaw niya. "Excuse me! May anghit yung sinasandalan mo. Baka mahawa ka."
As soon as the two of them get back to the room, nagsimula na namang umingay ang paligid. Luckily, tapos na ang meeting or mai-istorbo na naman nila ang meeting at baka hindi na kami matapos pa.
"Bakit niyo pa kasi sinisisi 'yang si Kevin? Attracted ang langaw sa mga mababahong nilalang," sambit ni Lloyd na kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong seryoso siya sa sinasabi niya dahil sa seryoso nitong mukha.
"Vice, kadiri ha! Iko-compare mo si Kevin sa mabahong nilalang? Nilalang ba 'yan?" gatong na pang-aasar ni Ashley.
Nagtawanan sila ng makitang sumama ang ekspresyon ng mukha ni Kevin. Kevin was the easiest prey to tease. He would always take everything seriously kaya hindi nila maiwasang hindi siya pudpurin ng asar. At hindi rin naman kasi siya nadadala.
"Hein! Ganiyan ka na lang diyan? Hindi mo ako ililigtas?" tawag niya kay Hein na busy na sa laro niya.
Hein looks at him for a brief moment before returning his gaze to his game. Malamang kanina niya pa hinihintay na matapos ang meeting para makapaglaro na siya. Hindi niya pinansin pa si Kevin.
"Pres!" lumingon naman sa akin si Kevin at umiling, "Never mind."
"Anong sinasabi mo diyan?" tanong ko sa kanya na may tono ng pagbabanta.
"Wala 'yon, Pres. May natira pa pala sa poster na dala namin since kulang na sa space yung sa mga bulletin. Tsaka hinabol na rin kami ng mga junior kaya medyo hindi na kami nakatuloy."
Inilapag ni Kevin ang mga papel sa ibabaw ng table at ngumiti. Hindi naman ako nag-doubt sa reason niya. I have witnessed how his fans acted when he's around. Sa aming lima, siya ang pinaka-sikat at pinaka-pinagkakaguluhan.
"We're done here na, right? Kailangan ko ng magpunta ng clinic. I promised my Ate na ako muna ang papalit sa shift niya until lunch," sambit sa amin ni Lloyd habang nakatingin sa wristwatch niya.
Hinawakan siya ni Shane sa wrist nung tumayo ito, "Nakalimutan mo ba yung convention na pupunta mo, Vice? Magsisimula na 'yon after five minutes."
Nanlaki ang mata ni Lloyd sa sinabi ni Shane. His jaw almost drops at nagpapanic na ang mukha niya. Kumunot ang noo ko while watching him.
It's not like him na makakalimot ng sched, what's wrong with him?
"s**t! I totally forgot! Paano na?"
Hindi na mapakali ang composed and organized na si Lloyd. Naririndi akong nakikita siyang ganoon kaya tumayo na ako.
"I'll replace you. Pumunta ka na sa convention and make sure everything will be alright. Ako nang magpapaliwanag kay Ate Hannah," prisinta ko.
Lumabas na ako ng room at nagtungo sa clinic. Ate Hannah was Lloyd's older sister at siya ang nurse ng school. Graduate siya ng school at napili niyang dito na mag-practice. Not because of his sense of loyalty but because sila ay investor ng school.
Naglakad ako sa hallway na tahimik, lahat ay nasa loob ng room dahil oras na ng klase. Exempted and Student Council ngayong week dahil sa paparating na event but we still need to catch up with our lesson pa rin. Pero kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko na lang na mag-stay sa classroom. I just have no choice since ako ang president.
Nakarating na ako sa clinic. Binati ako ni Ate Hannah na busy sa pagtitingin ng inventory ng mga gamot.
"Nasaan si Lloyd?" tanong niya habang iniisa-isa ang mga gamot sa cabinet.
"He had some convention to attend. Ako muna ang papalit sa kanya," sabi ko habang nakaupo sa chair niya.
"Talaga? Pwede na akong umalis?" lumapit si Ate Hannah sa akin, sobrang lapit na kitang kita ko ang kabuuan ng mukha niya.
"Pwede na, Ate. So, can you please get away from my face?"
Lumayo naman siya finally, "Ang arte naman nito."
Tumayo ng maayos si Ate Hannah. Nilapag na niya ang hawak na list at tumingin sa akin ng may malawak na ngiti. Minsan napapaisip na lang ako kung magkapatid ba talaga sila ni Lloyd. They both are totally different from each other. They just resemble each other too much kaya hindi talagang maikakailang magkapatid silang dalawa.
"Thank you, Von! Isa kang tunay na mabait na bata!"
Tumatawang lumabas ng clinic si Ate Hannah. Hindi pa nagtatagal ay bumalik siya.
"Oo nga pala. May dalawang patient doon sa mga dulo. Pabalikin mo na sila kapag lunch time na." Ngumiti ng malaki si Ate Hannah sa akin. "Good luck, Von!"
Umalis na siya ng tuluyan at iniwang akong mag-isa na dito sa clinic. Hindi pala, may kasama pala akong dalawang patient doon sa dulong bed. Naisip kong silipin sila dahil ang tahimik at baka wala na silang malay pero hinayaan ko na lang. Lunch will be coming soon at baka kailangan nila ng mahimbing na tulog.
Thud!
Nakarinig ako ng kalabog kaya napabalikwas ako ng tayo mula sa upuan. It came sa dulo, doon sa pwesto ng may patient. I slowly walk towards the back. I should admit that I was starting to feel a bit creepy dahil sarado lahat ng kurtina ng mga beds.
Ate Hannah and her ways of maintaining the clinic.
"Aray!"
No, hindi ako 'yon. Hindi ako 'yong halos umabot sa ceiling ang talon.
"Grabe ka naman, Miss. Ang lakas mo naman. Pasyente rin naman ako dito."
Nasa harap na ako ng second to the last na bed at narinig ko ang boses ng isang lalaki. Binuksan ko ang kutina and I saw him on the floor. Hawak hawak niya ang braso niya habang nakatingala sa akin. Sa kabilang bed ay naroon ang babaeng nakita ko kanina sa hallway.
She was just staring at me with questions in her eyes. Nakaupo siya sa bed, nakakumot ang half body niya at mukha siyang inaantok or may masakit sa kanya. Dahil sa tagal kong kasama si Ate Hannah, at isa ako sa mga taong pinagpa-praktisan niya, I already picked up a thing or two kung paano tumingin ng taong may sakit.
"What's happening here?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Sino ka?" maangas na tanong naman noong lalaking nasa sahig pa rin hanggang ngayon.
Tumikhim ako dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya, "Ako ang reliever ng nurse. Ang sabi sa akin ay may dalawang patient. I didn't know na couple pala 'yong patients," sabi ko habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Kumunot ang noo ng babae at masamang tumingin sa akin. I couldn't stop myself from staring at her. Naglakbay ang mata ko sa kabuuan ng mukha niya. She had a nice wide forehead, big eyes, long lashes, pinkish cheeks, and thick lips. She has all the traits that I want for a girl.
"Couple? I'm not related to that retard. With that being said, I hope you can transfer him to another bed. I don't want him near me."
Mas lalong sumama ang tingin niya doon sa lalaki. She might have all the physical traits that I want in a girl, but I don't think she had the characteristics I wanted. Tumayo na ang lalaki at nagpapagpag na ng sarili. Tumingin siya sa babae habang hawak nito ang dibdib na akala mo ay tinusok ito.