Finest

1626 Words
Von Terrence Valderama "Come on, dude. Male-late na tayo sa eh!" Halos mairita na ako sa boses ni Lloyd na kanina pa pinamamadali si Kevin. The latter was busy doing whatever he needed to do sa harapan ng locker. In short, nagpapa-pogi. Hindi naman siya pogi. "Sandali lang naman kasi Lloyd. Ikaw tila sa laging may lakad. May date ka ba?" sagot naman ni Kevin. "Hurry up! Magkakaroon pa ng ceremony. We wouldn't want to be late or else hindi ko ibibigay sa'yo yung assignment na kailangan mong gawin." Lloyd finally threatened. Alam kong hindi na niya kaya pang magsayang ng oras habang pinapanood ang kumag na si Kevin na mag-ayos ng sarili. Maski naman ako ay hindi na natutuwas sa pagmumukha nitong kaibigan ko. I'm starting to question my decision when I agreed to be his friend. "Grabe namang pangja-judge 'yan, President." Napalingon ako kay Christopher nang bigla siyiang sumisigaw sa gilid ko. "Inaano ka diyan?" Hinawakan niya yung dibdib niya as if he was hurt by something. "Kasi naman kung husgahan mo yung pagumukha ni Kevin, kahit hindi ka na magsallita obvious na sa expression mo eh. Well, kahusga-husga naman talaga ang mukha ng isang 'to." Christopher laugh after that na ikinainis naman ni Kevin. Kevin turned to him to glare at him pero bago pa man niya magawa ay agad na humarang si Lloyd sa pagitan nila. He pinched their ears simultaneously and dragged them away. Christopher and Kevin were tapping their hands on Lloyd's shoulder na hindi naman pinapansin ng huli. Napailign na lang ako sa childish act ng dalawa. "That must've hurt." bulong ni Hein sa gilid ko habang nakatakip ang palad niya sa magkabilang tainga. Isa pa 'tong medyo may pagka-isip bata. Sumunod na alng kami sa tatlo. Lloyd's right, male-late nga kami kung hinyaan naming magbangayan ang dalawa sa locker room. Marami pa naman kaming agenda today na kailangang matapos agad. Lumabas kami sa school ground at agad kong nakalimutan na opening nga pala namin. We have this kind of thing na every Monday, aakyat ang band ng school, which is kami, for the opening. Opening 'yon for the week and sa Friday naman ay closing, at Student Council ang magle-lead. Hindi naman sapilitan ang opening session na 'yon for student, iyon ang sabi ng faculty. But because hindi siya sapilitan ay hindi rin halos nagpupunta ang mga estudyante. And the faculty thought na kami ang gawing bait para magpunta ang mga students, mainly mga fans namin. Hindi na lang nila ginawang sapilitan. Pinahirapan pa nila ang mga sarili nila. "Von, sinong mag-dadasal?" Lumingon sa akin si Lloyd na ngayon ay maayos ng nakatayo malapit sa stage. Kevin and Christopher were rubbing their ears na nammumula na. Halatang halata na napingot sila. I look at them as I think about what to answer sa tanong ni Lloyd. My eyes landed on Hein na sinisipat pa rin ang tainga habang pinapanood ang mga kaibigan. "Si Hein ang pagdasalin mo. Sandali lang sa kanya 'yan. Mag-iikot pa tayo sa bawat classrooms," ang sabi ko na ikinatigil ni Hein. "Ako? Bakit ako?" turo niya sa sarili niya. Lumapit si Lloyd sa kanya at inayos nito ang collar ng uniform niya. Lloyd even straightened the glasses he was wearing. Pati ang buhok ay hindi na rin pinalampas. Nang matapos na si Lloyd, Hein looked like a sakristan. Naka-button ang collar, nakahawi ang buhok sa gilid na nilagyan ng gel, saan naman galing 'yon?, at halos dumikit ang glasses niya sa mata niya. "Nice, dude. Ibang tao ka na. Hindi ka makikilala ng madlang people niyan," pang-aasar ni Kevin na agad sinagot ni Christian ng halakhak. "There's no time. Hein akyat ka na at magdasal. Huwag mo ng pahabain." Tinutulak-tulak na ni Lloyd si Hein paakyat ng stage. Nagpupumiglas naman ang huli habang nakalingon sakin. Nagrereklamo ang mukha nito na akala mo'y uubra sa akin. I'm not going to change my mind. Kilala ko sila and Hein is the best choice sa maikling dasal. Unlike the other two na tumatawa sa gilid ko. "Von naman..." apila ni Hein pero hindi na siya nakapalag pa ng maitulak na siya sa labas ng stage. Isang malakas na tilian ang bumati sa kanya. And I'm glad na wala sa akin ang attention ng mga estudyante. They can be too much at times. At naiirita rin ako sa mga patili-tili nila. "Go!" Sumenyas pa si Lloyd kay Hein dahil ang kumag ay hindi pa rin nagsisimula. Hinayaan ko lang na si Lloyd ang mag-udyok sa kanya dahil alam kong susunod ito dito. Ayaw na ayaw ni Lloyd na sinasayang ang oras niya kaya kapag nangyari 'yon ay nanakit talaga ito. Bumuntong hininga na lang si Hein at nagsimula nang magpakilala. Kahit na kilala naman siya ng lahat. Humingi na rin siya ng moment of silence para makapagsimula na siya sa dasal. Kami ring nasa backstage ay sumunod sa kanya. "Lord, thank you for this wonderful day. Thank you for all the blessings na natatanggap namin. Salamat po at binigyan niyo po ako ng mababait na kaibigan. Kayo na po ang bahala samin this week. Kahit this week lang po. At sa mga kaibigan ko po, kahit this day na lang po. Thank you po!" Hein ended the prayer with that. Napa-face palm na lang si Lloyd sa narinig na prayer. Maski ako ay gusto kong itaboy si Hein. I don't know if I can still consider him as my friend after that. He was something else. At hindi pa rin tumitigil sa katatawa ang dalawang kumag sa likod ko. Kahit nagdadasal ay panay ang hagikhikan. "Are you gays?" hindi ko na napigilang itanong. Napahinto silang dalawa at tumitig sa akin ng pagka-seryoso. Kevin clutched his chest na animoy tinusok ko ang dibdib niya. Habang si Christopher naman ay nakahawak na nakanganga niyang bibig. Maging siya ay nagpapaka-overacting. "Pres, grabe ka naman sa akin. Sa gwapo kong 'to? Bakla?" Kevin turned to Christopher before looking abck at me. "Ako hindi ako bakla," tinuro niya si Christopher gamit ang hinlalaki. "Pero ito, hindi tayo sure dito." Isang umaalingawg=ngaw na hampas ang binigay ni Christopher kay Kevin. Yes, hindi kayo nagkakamali. Hinampas ni Christopher ang kaibigan, sa braso. At hindi iyon pinalampas ni Kevin. "Oh tignan mo. Hinampas ako. Imbis na suntukin ako nitong bobong 'to. Mas pinili niya akong hampasin,"reklamong tugon ni Kevin. I heard a cracking of bones. "Hindi kayo titigil?" And just like that, the two of them straightened their posture and shut up. Nakabalik na sa pwesto namin si Hein at agad na nakatanggap ng text. Binasa niya ito at tumingin sa akin. "Go, huwag mo na silang paghintayin pa," ang sabi ko sa kanya. Ngumit si Hein at agad na nanakbo palayo. Naiwan kaming apat. Hindi na ako nagulat ng maglabas ng papel itong si Lloyd at binuklat sa harapan namin. Maging si Kevin ay minata ang listhanan. "We should go to the office. Nagtext sila Ashley na doon na lang maghihintay since maraming tao dito sa ground." Nagsimula nang maglakad si Lloyd na agad sinundan ng dalawa. Wala na naman sigurong magawa itong si Christopher at sasama na naman sa amin. Why couldn't he just go to his class. Hindi 'yong nakikigulo siya sa amin. I was about to take a step when someone caught my attention. She was a meters away from me but her presence was so strong that I couldn't help but stare. Sinundan ko siya habang naglalakad siya papasok ng building. She had this serious expression on her face. Pero sandali lang 'yon dahil she had already rounded the corner. May nakasunod sa kanyang tatlong babae. Did we have someone like her at school? I haven't seen her face. "Von! What are you standing there for?" Napalingon ako kay Lloyd nang tawagin niya ako. Kumunot agad nag noo ko ng makita ko siyang may iritableng ekspresyon sa mukha. Mukha atang umaabuso 'tong isang 'to ah. Lumakad na ako dahil hindi ko rin naman gusto ng gulo. Pero makakatikim 'to si Lloyd sa akin one of this days. Hindi ko palalampasin'tong trato niya sakin ngayon. "Pres, feeling ko may regla si Vice. Ang init lalo ng ulo niya today," bulong sa akin ni Kevin nang maabutan ko sila sa paglalakad. Sinamaan ko na lang ng tingin ang kumag dahil mukhang isasali pa ako sa pagiging chismoso niya. Agad siyangbinatukan ni Christopher sabay sabing, "Hindi ka ba marunong bumasa ng atmosphere? Bobo mo naman." "Hindi kaya 'yon kasama sa curriculum natin. Ano bang pinagsasabi mo diyan?" sagot naman ni Kevin sa kanya habang nagkakamot ng ulo. "Kawawa naman sila Tita pinapaaral ka pero bobo ka pa rin." Iniwan ko na silang dalawa dahil nagsisimula na naman sila. Sumabay na lang ako kay Lloyd. At least sa kanya, tahimik ang paligid. Sabay kaming naglakad papuntang Student Council office. Inside, Ashley and Shane were busy piling up the and printing the posters. We had a Sport's Fest coming soon, and as Student Council, kami ang naka-assign for the preparations. "Is everything ready? Wala na ba tayong nakalimutan?" ang sabi ko as soon as I enter the room. "Wala naman na, Pres. Kailangan na lang natin ng maglalagay ng posters sa bulletin board. 'Yong iba naman ay ipapamigay natin sa may gate. Tatapusin na lang namin ni Shane 'tong speech and last batch ng poster," sagot ni Ashley Valeria, the secretary. "We still have a little time before tayo mag-ikot sa mga rooms. Christopher and Kevin will handle the posters first. Magpapatulong tayo sa mga varsities." Lumingon ako kay Kevin na naka-salute na. Tuwang tuwa ang gago dahil hindi na siya magtatagal pa sa room. He hates being enclosed dito sa room, he felt eerie daw. Pero malakas ang kutob ko na bakla lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD