" I'm Devon Miles Ligenfelter ... Owner of Ligenfelter Global. " Iritasyon at galit ang dumadaloy sa dugo ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na tinulungan ko ang taong ito pero pag gigipit lang ang ibabalik sakin. Nag pakawala naman ako ng malalim na buntong hininga kaya napatingin silang lahat sakin. Napatingin pa ako kay Geon na sumesenyas na ikalma ko ang sarili ko at hindi lang kami ang tao sa buong conference room. " Nice meeting all of you. I'm Louissa Ellianna, the new president of Henderson corporation." Ayoko man mag tunog sarkastiko pero dahil sa matinding inis ko ay iyon na ang nasabi ko. Hindi mapagkaila ang gulat sa mata ni Devon hindi niya ineexpect na yon ang maririnig niya sa araw na ito. " Let's talk privately Louissa. " Hindi ko alam kung ilang kabayo ang naka pasok sa

