Tinapos ko ang meeting ng alas tres sa lahat ng board. Pinauwi ko ang pamilya at ayaw ko silang nakikita sa opisina at nadadamay ako sa kalungkutan nila. Tinawagan ko si Damien sa araw na iyon at nag patulong sa lahat, Laking pasasalamat ko ng hindi ito nag dalawang isip kahit all or nothing ang labanan. Wala akong ginawa kung hindi mag pabalik balik sa finance department at maki balita kung kamusta na ang sales namin at halos maka hinga ako ng malaman na wala pang twenty four hours ay naka seventy five percent na kami at panigurado dahil iyon sa tulong ni Damien. Hindi na muna ako umuwi sa flat dahil kailangan kong mag report kila daddy na ngayon ay nag coconduct din ng sarili nilang research. Kanya kanya kaming trabaho para lang ma paangat ang buong Henderson. " Global business sila,

