MULING naging panauhin ni Rochelle si Red nang umagang ‘yon. Kauuwi lang ng babae galing sa club na pinagtatrabahuan. “Kagabi lang ay nagkita tayo. Iniisip mo bang itinatago ko sa ‘yo si Jewel kaya ka pumunta rito?” tanong ni Rochelle sa lalaki. “Of course not,” agad na tugon ni Red. “I was just taking a chance na baka nandito siya ngayon. Galing ako sa bahay ng mga Buenavista kagabi. Hindi ko nakita ang kaibigan mo sa bahay nila.” Inilapag ng babae ang shoulder bag sa monoblock chair. Pagkatapos ay tinungo ang maliit na kusina at nagtimpla ng kape. “Magkape ka muna.” “Salamat.” Tinanggap ni Red ang tasa na may mainit na kape. Hindi rin siya tumanggi nang mag-alok ito ng tinapay. “Hindi pa rin tumatawag sa ‘kin ang kaibigan ko,” ani Rochelle at umupo sa sofa. “Nag-aalala na nga ako s

