GUSTONG takasan ni Jewel ang eksenang iyon kung saan nakatayo siya sa harap ng lalaking alam niyang nakatitig sa kanya. “What the heck?” Halatang nagulat ang lalaki sa nakita. Nakapikit pa rin siya sa matinding kahihiyan na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kaba. Kahihiyan. At takot para sa lalaking alam niyang matalim ang matang nakatingin sa kanya. Siya'y may matinding pagnanais na nagsisilbing apoy upang maisakatuparan ang kanyang misyon. Pati boses ng kaibigan niyang paulit-ulit na nagpapaunawa sa kanya, naalala niya. ‘Hindi ito isang istorya sa mga nobelang nababasa at napapanood sa telebisyon na may happy ending, Jewel. Kailangan mong maging matatag at matapang. Baka umasa ka na pagkatapos ng ‘laro sa apoy’ na gusto mong mangyari, lumuhod sa iyo ang lalaki para pakasalan ka.

