PASADO alas sais na ng umaga nang dumating si Jewel sa bahay nila. Nagpalit lang siya ng damit at nagtungo sa kusina para magluto ng almusal. Maagang pumapasok sa trabaho ang kanyang ina. Pag-aari ng kanilang pamilya ang kumpanya kung saan nagtatrabaho si Mama Sonia. Gusto niya itong tulungan ngunit ayaw nitong pumayag. Isa raw siyang kahihiyan oras na malaman ng mga empleyado at mga kasosyo sa negosyo kung makikita siya ng mga ito. Makuntento na lang daw siya sa pagiging alila. “Pagtimpla mo nga ako ng kape.” Napaigtad siya sa gulat. Hindi niya namalayan ang pagpasok sa kusina ng ina. Mabilis siyang kumilos. “Ma, baka matupad ko ang pangarap mong gawin ni Ate Vivian para sa ‘yo,” pabatid niya habang dinudulog ang kape. “What the hell do you mean?” Natigil ito sa paghahalo ng kape. “

