MALAMBING na nangunyapit sa leeg ni Red ang nobya. “Oh, sweetheart! I’m sorry to hear that. Hayaan mo’t lagi akong nasa tabi mo.” “Salamat. Pero hindi ako papayag na madamay ka sa problemang kinakaharap ko. Kakayanin ko ang problemang ito.” “Oh, no, sweetheart. Alalahanin mo, magiging mag-asawa tayo at kung ano mang problema mo at magiging problema pa, magiging problema ko rin. Kaya ngayon pa lang, gusto ko nang sanayin ang sarili ko sa iyong mga kalakaran sa buhay.” Hindi na nagsalita pa si Red, pumayag na lang siya sa gusto ng babae. Sa kabila ng katotohanang pinahihirapan siya ng kanyang konsensya. Bakit nga ba hindi? Lahat ng ibinunyag niya kay Vivian ay pawang kasinungalingan. Dahil ang totoo'y wala siya lagi sa opisina. At lalong wala siyang kinakaharap na problemang may kinala

