David chuckled lowly. He tilted his head and licked his lower lip using the tip of his tongue. Pagkuwa’y nanliit ang mga mata nitong muling tiningnan si Kristina. Pero mukhang hindi naman ito galit sa pag-iba niya sa usapan.
He seems more amused. Or siguro hindi lang nito inaasahan na gano’n ang sasabihin niya, sa halip na sagutin niya ang tanong nito. Na para bang mas concern pa siya sa kung ano talaga ang relasyon nito sa nurse na iyon, kaysa sa sitwasyon niya ngayon.
“Uhm…” napalunok siya at iniwas ang tingin dito. “I mean, malaya siyang nakakapasok dito kahit walang pahintulot mo. Madalas ba siya rito?” tanong niya, bago pa man niya mapigilan ulit ang sarili.
Damn! Bakit ba pinapangunahan siya nang nararamdaman niya?
He shifted a bit in his seat. His amused look became intense, na nagpakaba naman sa kaniya. Hindi naman niya alam kung bakit siya kinakabahan.
Or maybe she's too conscious with his towering presence. Nasa iisang kuwarto pa sila, particularly, sa kuwarto nito at nakaupo siya sa mismong kama nito at gamit niya pa ang kumot nito.
Binalewala niya ang naramdamang kaba. She shouldn't act too conscious. Hindi siya dapat ganito!
Inusod niya ang katawan at isinandal ang likod sa sandalan ng kama. Ang kumot ay nakatakip pa rin sa kandungan niya hanggang sa mga binti niya.
“Nakaligtaan kong i-lock ang pinto sa labas kanina kaya nakapasok siya. At kagabi lang siya nakapasok dito dahil nga tinawagan ko siya," sagot nito, ang mga mata ay mariing nakatitig pa rin sa kaniya.
Tinawagan. So, may number ito sa nurse na iyon. s**t. Ano ba ang pakialam niya kung may cell phone number ito sa babaeng iyon?
“May number ka niya. That means, close nga kayo.”
Pinasigla pa niya ang boses, para hindi naman halatang naba-bothered nga siya—natigilan siya.
Naba-bothered? s**t.
Napamura na lang siya sa isip niya nang may mapagtanto sa kaniyang sarili. Nagtatanong siya, hindi dahil gusto niyang ilihis ang usapan nila. Gusto talaga niyang malaman kung ano ang relasyon nito at ng nurse na iyon.
Then Mona, her friend’s words, echoed in her ears.
'Gusto mo siya, hindi mo lang maamin kasi natu-turn off ka sa status ng buhay niya.'
Nalukot ang noo niya. Gusto nga ba talaga niya si David?
Siguro nga gusto niya si David, gusto niya ito dahil sa pisikal na anyo nito. Guwapo naman kasi ito. Ah, no… sobrang guwapo. Matangkad, kung matangkad na siya sa taas niyang 5'5'', mas matangkad talaga ito na kailangan pa niyang tingalain ito para lang magkapantay ang mga mata nila.
Ngayon nga, kahit nakaupo ito, ramdam pa rin niya ang taas nito. Maskulado rin ito, iyong tipong kahit simpleng sando at kupasing maong na pantslon lang ng suot nito ay nagmimistula pa rin itong modelo ng mamahaling brand na mga damit.
Nakita niyang tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. Ang amusement sa mga mata nito ay hindi pa rin nawawala. Na para bang natutuwa pa ito sa pagiging mausisa niya.
"H'wag mong ibahin ang usapan, Kristina. Sagutin mo ang tanong ko.” Matigas at maawtoridad nitong sabi sa kaniya.
May kung ano rin sa boses nito na kahit gusto niyang magalit dito dahil ano ba ang pakialam nito kung umalis siya ng apartment niya? Hindi naman sila close na pati personal niyang buhay ay pakialaman nito. Pero hindi naman niya magawang magalit o mainis man lang dito.
And she hated herself for that!
Bumuntonghininga siya at iniwas niya ang tingin dito.
"Tatlong buwan na akong hindi nakapagbayad ng renta doon kaya pinaalis na ako." Hiyang-hiya na pag-amin niya.
Nang muling tingnan niya ito ay magkasalubong na ang mga kilay nito, na nagpadagdag sa kaseryosohan ng mukha nito.
“Sumasahod ka naman sa trabaho mo, ‘di ba?" tanong nito.
Hindi siya sumagot. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi na marahang tumango.
“Then bakit hindi ka nakapagbayad ng renta?”
"Maliit lang ang sahod ko roon at nag-iipon ako,” aniya at muling iniwas ang tingin niya rito.
Nag-iipon siya ng pera para makaluwas ng Maynila. Pangkain niya roon at pang-renta ng matitirhan habang nag-a-apply siya ng trabaho.
“Ano ba ang pinag-iipunan mo?”
Kumunot ang noo niya. “Bakit ba ang dami mong tanong?” inis na niyang sikmat dito.
Ayaw na niyang sagutin ang tanong na iyon nito. Dahil kapag sinagot niya, pakiramdam niya tuluyan na niya itong pinapasok sa buhay niya.
“Dahil gusto kong malaman. At baka may may maitulong ako.”
Her pride flared.
“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” malamig niyang sabi rito.
Hinawi niya ang kumot at gumapang sa kabilang side ng kama at bumaba.
Nagpasalamat siya at nawala na ang pagkahilo niya at nawala na rin ang sakit ng kaniyang ulo at panlalamig ng katawan. Tumalab na siguro ang gamot na pinainom nito sa kaniya matapos siyang kumain kanina.
“Saan ka pupunta?”
“Aalis na ako. Salamat sa pagsagip sa akin at pagmamalasakit.”
"At saan ka titira? Sa kalsada?"
Napakurap-kurap siya at saglit na natigilan. Wala nga siyang mapupuntahan.
“If you want, you can leave here with me,”
Gulantang na nilingon niya ito.
“Excuse me?”
“Kung gusto mong makapag-ipon, tumira ka muna rito. Libre. Hindi kita—”
“No way!” mabilis niyang putol. “Hindi kita kaano-ano para tumira rito kasama ka.”
May kung anong emosyon na nakita niyang dumaan sa mga mata nito. Sakit? Pero agad din iyong nawala at napalitan ng lamig kaya hindi siya sigurado kung iyon nga ba.
Totoo rin naman ang sinabi niya. Oo, ilang buwan na itong pilit na nanliligaw sa kaniya kahit lagi niya itong tinataboy. Pero wala talaga siyang mahanap na rason para pagkakatiwalaan niya ito. Lalo pa at babae siya. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya?
“Hindi kita gustong maging kaano-ano,” sagot nito, mababa ang boses. “I don’t want you to be my relative.”
May kung anong kumudlit sa loob niya. Nasasaktan siya!
Naningkit ang mata niya. “Ano’ng ibig mong—”
“Because I want you to be my wife.”
Parang natuyo ang lalamunan niya. Bahagya pang namilog ang mga mata niya at umawang ang bibig niya.
She blinked twice at iniwas niya ang mga mata rito.
"Hindi mo pa nga ako girlfriend," she muttered, almost to herself.
"Then let's start there," sabi nito.
Muli siyang napasinghap at napatingin dito. Narinig nito ang sinabi niya. s**t. And damn it! Why did she say that? When in the first place, ayaw niya nga itong maging boyfriend!
Lumapit ito sa kaniya. Mabagal ang bawat hakbang nito pero ramdam niya ang bigat ng presensya nito.
"Let me court you. H'wag mo na akong itaboy. Hayaan mo akong ipakilala ko sa ‘yo ang sarili ko."
She instinctively stepped back, pero wala na siyang maaatrasan. Naramdaman niya ang malamig na pader sa likod niya.
Hindi siya natatakot. Hindi rin siya galit. Pero may kung anong bumubulong sa likod ng isip niya. Na baka nga gusto talaga niya ito. Na kaya niya ito laging tinataboy dahil sa katayuan ng buhay nito. At aminado rin naman siya. Inayawan niya ito dahil sa katayuan ng buhay nito.
"David..." umiling siya. "Sinabi ko na sa 'yo na hindi kita—” she gasped when he stepped forward, at wala na siyang maaatrasan pa.
“I know. At gusto kong baguhin ‘yan.”
Titig na titig ito sa mga mata niya.
“Kung gusto mong makaipon para makapunta ng Maynila, then accept my offer. Hindi kita sisingilin ng renta, sagot ko na rin ang pagkain mo rito—”
“At hayaan ang mga taong isipin na may relasyon tayo? No way!” She snapped. “At saan mo malaman na pupunta ako ng Maynila? Sino ang nagsabi sa ‘yo?”
Walang ibang nakakaalam na may balak siyang pumunta ng Maynila.
David’s jaw tightened. His eyes were unreadable.
“I have my ways.”
A cold chill ran down her spine.
Not fear, but that unnerving awareness na hindi ordinaryo ang lalaking kaharap niya. Na tila may misteryong nakabalot dito.
Bumigat ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, parang may hanging nakasabit sa ere na hindi makababa.
Hindi siya huminga, hindi rin ito gumalaw.
She swallowed hard. “I-I have my ways? Seriously? Ano ka, stalker?”
Hindi ito ngumiti. Pero may bahagyang pag-igting sa panga nito.
“Hindi kita sinusundan. Pero pinapanood kita.”
“Excuse me?” kumunot ang noo niya, gulat at bahagyang… kinilabutan. “Creepy ’yon, David.”
“I had to,” he replied solemnly, eyes locked on hers. “Ayokong may mangyaring masama sa ’yo. Madalas kang naglalakad pauwi nang mag-isa pagkatapos nang trabaho mo.”
Her lips parted. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa. Hindi siya sanay na may nag-aalala sa kaniya.
Hindi siya sanay na may… tumitingin at nagbabantay sa kaniya. Kahit na hindi niya iyon alam o kahit ang maramdaman man lang.
She tried to speak, pero pareho silang napaigtad nang may kumatok sa pinto.
“Dito ka lang.” Madiin nitong bilin sa kaniya.
Na para bang tatakas kaagad siya kapag umalis ito sa harap niya.
Umismid siya at inirapan ito. Bumalik siya sa pag-upo sa gilid ng kama.
Lumabas ito ng kuwarto. Pero ilang saglit pa ay napatayo siya nang marinig niya ang pamilyar at galit na boses ng kaniyang landlady.