Prologue
Last will
“DAVID,”
Natigil siya sa paghalo ng semento at buhangin at nag-angat ng tingin sa kanilang foreman nang tawagin siya nito.
“Boss,”
“May lalaking naghahanap sa ’yo sa labas. Puntahan mo muna sandali. Bilisan mo lang at baka maabutan ka ni Engineer.”
Hindi kaagad siya nakasagot. May ideya na rin naman siya kung sino ang naghahanap sa kaniya sa labas nitong construction site.
Tumango siya at iniwan na muna ang ginagawa. Itinabi niya ang hawak na pala bago siya naglakad palabas ng construction site.
Amoy alikabok, pawis, at araw ang kaniyang damit.
Damn! Why do I need to be in that meeting?
Wala sa plano niya ang dumalo sa pagbabasa ng last will na iniwan ng namatay niyang abuelo. At ngayong nandito si Cyrus, nakasisiguro siyang pinagbabantaan na naman ito ng kaniyang ama.
Sinadya rin kasi niyang patayin ang phone, simula pa noong isang araw, nang sa gano’n ay hindi na sila nito makontak pa. At ang executive assistant niyang si Cyrus lang din ang nakakaalam kung saan siya ngayon.
Nakita niya itong nakatayo sa lilim ng punong nasa tabi ng site. Naka-formal ito, halatang hindi taga-construction. Hindi bagay dito. Too clean for this world.
"Cyrus," tawag niya sa kaniyang executive assistant, nang madatnan niya itong nakatayo hindi kalayuan sa site.
Gusto na tuloy niyang pagsisisihan kung bakit nabanggit niya rito kung saan siya ngayon nagtatrabaho.
"Sir—I mean, D-David." Nauutal na agad na bawi nito nang panlisikan niya ito ng mga mata.
Walang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao rito sa construction site. Sa paningin ng mga tao rito, isa lang siyang ordinaryong manggagawa na nagtatrabaho bilang laborer.
Hindi rin puwedeng may makakaalam na siya ang may-ari nitong ipinapatayong pagawaan ng eroplano.
"What are you doing here?" Mahina at mariin niyang tanong sa assistant, nang tuluyan na siyang makalapit dito.
Nakita naman niyang ngumiwi ito at umilap ang mga mata. Halatang natakot ito sa paraan ng pagtatanong niya.
"Sir Greg, threatened me," anito. Sinasabi na nga ba niya. "Kung hindi raw kayo dadalo sa meeting, siya mismo ang pupunta—" natigil ito sa pagsasalita nang biglang dumating si Engr. Salvaje.
"Lopez, hindi ka sinasahuran dito para makipag-tsismisan lang."
Tumiim ang bagang niya at tinanguan ang kanyang assistant. Tanda na nangangako siyang darating siya sa meeting na iyon. Kilala niya ang ama, gagawin talaga nito kung ano ang sinasabi nito.
"Sorry boss, may tinatanong lang siya,"
alibi niya at sumulyap pa siya saglit sa kaniyang assistant na ngayon ay masama ng nakatingin sa Engineer.
Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kanilang engineer at kung paano siya tratuhin nito.
Nanliit ang mga mata ni Engr. Salvaje. Halatang nagdududa.
“Ako ba’y pinagloloko mo, Lopez? Nasa loob ang trabaho mo at hindi pa oras ng labasan. Kaya bakit nandito ka sa labas? Tumatakas ka ba sa trabaho?”
“Naiihi kasi ako, ner,” pagsisinungaling niya. “May gumamit ng CR kanina, kaya lumabas ako. Sakto rin na dumaan siya. Tinawag ako dahil may itatanong lang daw. Baka nagustuhan ang istraktura nitong tinatayo nating building at gusto rin na magpagawa.”
Muli niyang tiningnan ang assistant. Tumango ito. Agad nakuha ang gusto niyang iparating.
"Oh, siya! Balik sa trabaho. Bilis!" Galit na taboy ng engineer niya sa kaniya, bago hinarap ang assistant niya.
Kumunot lang ang noo niya at tumango. Saglit pa niyang tiningnan ang assistant na ngayon ay masama na namang nakatingin kay Engr. Salvaje.
Pero may tiwala siya kay Cyrus na hindi siya nito ipapahamak kaya kampante siyang bumalik sa trabaho.
“Ano ba ang kailangan niyo, Sir?”
Narinig niyang parang maamong tupa na tanong ni Engr. Salvaje sa executive assistant niya. Naiiling na lang siya at tumuloy na sa loob ng construction site.
Nang mag-break para sa tanghalian ay nagpaalam siya sa kanilang foreman na magha-half day lang muna siya dahil may importante siyang lalakarin.
Mabait ito kaya hindi na siya nahirapang magpaalam dahil agad din siya nitong pinayagan.
“Sige, David. Basta bukas pumasok ka,”
“Bakit boss?”
“Wala iyong welder natin bukas. Kaya ikaw na muna ang magtuloy sa trabaho niya.”
Tumango naman siya. “Sige, Boss.”
Noong una, nag-apply lang siya bilang helper rito sa construction site pero sa loob ng tatlong buwan na pagtatrabaho niya rito ay unti-unti rin na nalalaman ng kanilang foreman na marunong siyang mag-welding, mag-pile ng hollow blocks, at mag-plaster ng walls.
Sinasahuran din naman siya ng maayos. Iyon ang ikinagaganda rito, kahit sobrang strict ni Engr. Salvaje pero hindi naman ito nagtitipid sa suweldo. Hindi rin nito tinitipid ang mga materyales na ginagamit. Walang substandard. Kaya hindi niya ito pinatanggal.
At bago pa man siya makita nito ay agad na siyang umalis sa construction site.
“Oyy, makipag-date ka lang eh.” Pang-aasar sa kaniya ni Badong, isa sa mga kasamahan niyang helper, nang malaman nitong mag-half day siya. “Ano? Pumayag na ba si Tin-Tin na makipag-date sa ‘yo?”
Sumabay ito sa kaniya sa paglabas ng construction site para mananghalian doon sa karenderya kung saan nagtatrabaho ang kaibigan nitong si Kristina, ang babaeng matagal na niyang nililigawan pero lagi na lang siyang basted at sinusungitan nito.
Ayaw kasi nito sa kaniya dahil mahirap lang siya at nagtatrabaho lang siya bilang isang construction worker.
Ano raw ang ibubuhay niya rito kung sakaling sila ang magkakatuluyan? Paano kung walang building o bahay na iko-construct? Baka mamatay raw ito sa gutom.
May point din naman ito. Sa tagal niya sa ganitong trabaho, hindi talaga mabubuhay ang pamilya mo kapag hindi ka madiskarte. Lalo na kapag simpleng laborer ka lang at walang skill.
Umiling siya kay Badong.
“Hindi pa? Ang hina naman, pre.”
“Alam mo naman kung bakit,”
“Kung hindi mo makuha sa santong dasalan, daanin mo na santong paspasan, pre.” Nakangising suhestiyon naman ni Silvanus.
Welder-mason ito kaya medyo may ipagmamalaki.
“Tsk. H’wag mo ngang turuan ng pagiging pakboy mo iyang si David, Silva.” Ani Peter ang medyo matino sa grupo ng laborer dito sa construction site.
Narinig naman niyang nagtawanan ang lahat ng mga nakarinig.
Nang makarating sa kalsada ay agad siyang sumakay ng traysikel at nagpahatid sa kaniyang apartment.
Sinundo siya ng personal driver niya at ng assistant niya sa NAIA.Nagpahatid muna siya sa kaniyang penthouse para magbihis.
Pagdating niya sa De Sandiego Twin Tower ay agad din siyang bumaba at pumasok ng building nang walang nakakaalam. Pinagawan kasi siya ng kanyang Lolo Clifford ng secret basement dito sa building, kung saan siya dadaan kapag pupunta siya rito.
Siya ang huling dumating bago magsimula ang meeting.
Napatingin lang sa kaniya ang mga kamag-anak niya pagkapasok niya sa loob ng conference room at hindi na nag-abala pang batiin siya.
Tinanguan lang din siya ng kanyang mga pinsan. He hates too much attention and they all know about that, kaya ganito ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya.
Nakita naman niya ang kaniyang ama na nasa isang sulok ng conference room, kausap nito si Tita Sofia, ang asawa ng Tito Brandon niya.
Natigil naman ang mga ito sa pag-uusap nang makita siya.
Tita Sofia smiled at him. Tinanguan naman siya ng kaniyang ama. Kita rin niya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng mga labi nito. Alam niyang nasisiyahan itong nandito siya.
Pero nang dumako ang mga mata niya sa babaeng katabi nito, agad nawalan ng emosyon ang mukha niya lalo na ng nagsimula na itong maglakad para lapitan siya.
“Glad you came, hijo,” Alodia said, smiling.
Lihim siyang nagpasalamat na kinuha na ni Atty. Besmonte ang atensyon nilang lahat kaya hindi na niya kailangang kausapin pa si Alodia.
Nang mag-umpisa ng magsalita si Attorney Besmonte ay nakikinig lang siya rito pero hindi lahat ng atensyon niya ay nasa pagbabasa nito ng mga kayamanang iniwan sa kanila ng yumaong abuelo dahil ang isip niya ay nasa babaeng gusto niya, si Kristina.
Kaya ng may inilapag ang sekretarya ng abogado na isang maliit at kulay puting sobre sa harap nila isa-isa, ay saglit pa siyang nalito.
But his curiosity triggered when one of his cousins, Bradden, burst into a mad man. Which is so unlikely of him.
Agad niyang dinampot ang sobreng para sa kanya at tiningnan kung ano ang laman n’yon.
Nang mabasa niya ang sulat ay hindi kaagad siya nakaimik. Kumuyom ang palad niya at tumayo. Akmang lalabas na sana siya ng conference room nang magsalita ang kanyang ama.
"David, stay. We need to talk."
Natigil naman siya. Huminga siya ng malalim bago ito hinarap. Nakatayo na rin ito at si Alodia, na seryoso rin na nakatingin sa kaniya, hindi gaya kanina na halos bumaliktad na ang mga labi nito sa sobrang pagngiti.
Walang bakas na kasiyahan naman sa mukha ng kaniyang ama. Ang mga mata nito ay malamig lang na nakatitig sa kaniya.
Umiling siya. "For what, Sir?" he asked, coldly.
He heard Alodia gasped and clenched her fist beside her.
"Wala ka na ba talagang galang sa ama mo, David?" mariing tanong nito sa kaniya.
He tilted his head and clenched his jaw. Pagkuwan ay malamig niya itong tiningnan. Agad naman niya itong nakitaan ng pagkasindak at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya.
He smirked. Bumalik siya sa harap ng conference table at naupo ulit. Ganoon din ang kaniyang ama. Si Alodia ay tuluyan ng lumabas.
He sighed. Ayaw naman niyang tratuhin ang ama ng gano'n kaya lang hindi talaga niya mapigilan lalo na kapag kasama nito ang babaeng ipinalit nito kay Mommy.
Wala pang isang buwan na namatay ang kaniyang ina pero nagpakasal agad ito kay Alodia. That gold digger woman! Kaya naglayas siya sa kanila.
For almost a month, tumira siya sa lansangan kasama ang mga batang wala na ring pamilya at nabubuhay lang sa pamamalimos.
Nang mahanap siya ng kaniyang lolo Clifford ay pilit siya nitong pinababalik sa mansion, pero matindi ang pag-ayaw niya kaya tumakbo siya palayo at nasagasaan ng traysikel.
Dinala siya ng driver ng traysikel sa hospital. Nang magising ay nagmakaawa siyang ‘wag ibalik sa kaniyang pamilya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero isang araw bigla na lang sinabi ng lalaki na aampunin na lang siya nito.
Agad din naman na bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig niya ang tanong ng kaniyang ama.
"What was it?"
Ang tinutukoy nito ay ang iniwang last will and testament ng kaniyang abuelo.
"Can I marry the woman I love, Dad?" he asked, instead.