Marry
David needs to marry on or before his 30th birthday. Otherwise, mapupunta kay Alodia ang majority shares ng De Sandiego Aviation Services.
At alam ng lolo Clifford niya ‘yon. Alam nitong galit na galit siya kay Alodia kaya siguradong hindi niya hahayaan na makuha nito ang shares ng kompanyang pinaghirapan niyang itayo. And because his grandfather knew that, ginamit nito ang babae para lang mapilitan siyang sundin ang huling habilin nito.
What a clever damn old man.
Sa kaniya rin nito ipinamana ang Villa Kristina, grandpa and grandma’s love nest, at gusto nitong doon siya titira kasama ang magiging asawa niya. Doon sila magsisimula ng pamilya.
For a moment, he felt it. The dream.
He pictured Kristina, embracing motherhood. Laughing habang hinahabol ng mga anak nila sa hardin ng Villa Kristina. And at night… lovingly tending to him, touching his face with that warmth she never showed him in real life.
He didn’t notice the small smile forming on his lips.
“You're smiling as if you've already accepted na magpapakasal ka anytime soon,” Dad suddenly said, breaking his daydream like shattering glass.
Nagbalik siya sa realidad. Yes, he accepted he must marry. Pero magpapakasal lang siya kung si Kristina ang magiging bride niya.
“Do you have a girlfriend, son?” tanong ng ama niya.
Kumunot ang noo niya. Hindi sumagot.
Kung tinanong siya nito noon, back when he was still the reckless man who didn’t believe in love, madali sana ang sagot: I don’t do girlfriends, Dad.
Before Kristina, women were nothing but convenience. A distraction. No strings, no commitment. f**k and go. Iyon ang sistema niya. And he was clear about it.
Pero nang makilala niya si Kristina… everything changed. Suddenly, he wanted just one woman. Only her.
But karma hit him harder than any punch his father ever gave him. Because Kristina never wanted him back. Ayaw nito sa isang kagaya niya. Gusto nito ng lalaking may kaya. Someone stable, powerful, rich.
“If you have a girlfriend and you love her, then you can marry her, son.”
Nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ng kaniyang ama. It's not that if he rejects the woman he has chosen to marry, he will not budge and follow him.
Ayaw lang niyang madagdagan naman ang pag-aawayan nilang dalawa.
“Anyways, how are you?”
Saka lang nabaling ang tingin niya rito sa biglang pangungumusta nito sa kaniya.
“I’m fine.”
“I didn’t want to summon Cyrus in your workplace, but I need to. Tatlong araw na kasi kitang hindi makontak at nag-aalala ako.”
“That’s why you threatened him.”
“That wasn’t a threat. You know me—”
“Yeah, I know you.” Madiing putol niya rito at muli itong tiningnan. “You’ll do whatever you want, like marrying Alodia, without considering me, especially Mom.”
That was long time ago. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit bigla itong nagpakasal kay Alodia, isang buwan matapos mamatay ang kaniyang ina at kapatid.
Or maybe, may relasyon na talaga ito at si Alodia. Kaya nang mawala ang Mommy niya, agad ang mga itong nagpakasal. Like nothing happen, ni hindi nga niya ito nakitang nagluksa sa pagkawala ni Mommy at Henna noon.
Padarag na tumayo siya. Nagkatinginan pa sila ng mga Tito at Tita niya. Wala namang nagtangkang lumapit sa kaniya o harangan siya nang maglakad na siya palabas ng conference room.
Paglabas niya ng conference room, nakita niya si Alodia na kausap ang secretary ni Atty. Besmonte. Akmang lalagpasan na sana niya ang mga ito nang tawagin naman siya ni Alodia.
“David,”
His jaw clenched. His fists balled.
Huminto siya. “What?” he asked, coldly.
Hindi rin siya nag-abalang lingunin ito.
“I heard, sa ibang mga pinsan mo na kailangan nilang magpakasal bago pa man ang ika-30th birthday nila. Gano’n ka rin ba?”
Hindi siya sumagot.
“May girlfriend ka na ba? Kung wala pa, puwede kitang tulungan. I can set you a date with—”
"That's none of your concern, Alodia," he snapped, his eyes flashing with anger.
Natigil ito sa pagsasalita. Namilog ang mga mata at bahagyang napaatras sa nakikita nitong galit sa mukha niya. Her eyes glistened with tears.
Natatakot na nag-excuse rin agad ang secretary ni Atty. Besmonte at bumalik sa loob ng conference room.
“David!”
Dad's angry voice echoed through the entire building floor.
Kalalabas lang nito ng conference room at mukhang narinig nito ang sinabi niya sa asawa nito.
Agad nitong dinaluhan ang asawa. Umismid pa siya nang makita kung paano umiyak si Alodia na yumakap agad sa kaniyang ama.
His father glared at him while comforting his scheming wife.
“Hinahayaan kitang bastusin ako, pero—”
“Pero kapag ang asawa mo na ay hindi mo hahayaan,” putol niya sa sasabihin nito.
Susugurin na sana siya ng ama nang mabilis naman itong pigilan ni Alodia. Mapakla siyang natawa. Hindi na rin bago sa kaniya na makatanggap siya ng sapak mula rito dahil kay Alodia. Mas maninibago pa nga siya kung hindi siya nito masapak.
“Hayaan mo na ang anak mo, Sean.”
Gusto niyang matawa sa iniakto ni Alodia. But he remained stoic and stared at them coldly.
“Ayus-ayosin mo iyang pananalita mo, David. Ilang beses na kitang sinabihan na igalang mo si Alodia.” Madiing sabi ng ama niya.
Pero ramdam pa rin niya ang pagtitimpi nito na ‘wag siyang sapakin.
Ah! Wala nga pala siya sa mansion nito o sa penthouse niya na puwedeng-puwede siya nitong sapakin kapag nagagalit ito sa kaniya.
“May problema ba, Sean, David?” si Tito Zyphier, na kalalabas lang ng conference room. Kasunod ang asawa nito.
May pagtataka sa mga mukha na nagpalipat-lipat ang tingin ng mga ito sa kaniya at sa kaniyang ama na yakap pa rin si Alodia.
Nang maglabasan na rin ang iba pa nilang mga kamag-anak ay agad na siyang umalis.
Narinig pa niyang tinawag siya ni Zephieru pero hindi na niya ito nilingon at agad siyang pumasok sa kaniyang private lift.
“Sir, dadaan ba tayo sa opisina niyo sa Aviation?” tanong ni Cyrus sa kaniya, pagkapasok niya ng sasakyan.
“In my penthouse,” aniya, at agad ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Saglit pa itong natigilan at matagal siyang tinititigan bago nakapagsalita.
“Sige po, Sir.” Pagkatapos ay binalingan nito ang katabing driver. “Sa penthouse tayo, Rommy.”
Damn! Pagdating sa babaeng iyon, ang daling magalit ng kaniyang ama sa kaniya. Huh! Iniisip nga niya kung totoong minahal ba nito ang kaniyang ina.
His thought was interrupted when his phone rung. Agad naman niyang kinuha ang cellphone sa ilalim ng suot niyang coat. Nang makitang si Zephieru ang tumatawag, agad niya itong sinagot.
“What?”
“Sungit. What happened?” tanong nito sa kabilang linya.
At kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang nakangisi ito.
“I know you saw what happened. So, no need to pretend.”
He heard Zephieru sigh. “We’ll talk when we get there in your penthouse.”
Agad na kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
“What—”
“Nakasunod lang ako sa ‘yo.”
Pumihit siya at tumingin sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan at nakita nga niya ang sasakyan nito na nakasunod sa sasakyan niya.
“Okay,” then he ended the call.
Nang makapasok sila ni Cyrus sa kaniyang penthouse, ilang saglit lang din ay dumating din si Zephieru.
Nag-excuse si Cyrus sa kanila nang tumawag dito ang sekretarya niya. Dinala naman niya si Zephieru sa minibar rito. Kumuha siya ng alak at dalawang baso at agad na sinalinan ang mga iyon.
Sunud-sunod din ang ginawa niyang pagtungga sa alak.
“I don’t get it why Dad married that woman,” he opened the topic.
Dad chose that woman over him. Paulit-ulit.
Inilapag niya ang baso at muling sinalinan ng alak.
“That was long time ago, brute. Hindi mo pa rin ba matanggap?”
“Hangga’t hindi mabigyan ng hustisya ang Mommy at kapatid ko, hindi ako matatahimik.”
Hindi talaga siya matatahimk lalo na at hanggang ngayon, malaya pa rin ang mastermind sa pagpatay ng kaniyang ina at kapatid.
Kunot ang noong nilingon siya nito.
“Hindi ba at nakulong na ang mga taong kumidnap noon at pumatay kina Tita Dianna at Henna?”
“Oo, pero alam kong may mastermind ang mga iyon.”
“What? Umamin na ang mga iyon na sila ang may pakana ng kidnapping at pumatay sa Mommy at kapatid mo. Wala ng ibang involved at tapos na rin ang kaso, David."
"That's because someone's covering the real culprit."
Natahimik ito at matamang nakatitig na lang sa kaniya.
“Hindi ako satisfied sa mga sagot ng mga criminal na iyon sa korte noon. Kaya ngayong may sapat na akong pera, nag-imbestiga ako.”
This time, walang involved na imbestigador. Siya lang. Puwede niyang pagkatiwalaan ang mga pinsan niya pero ayaw niyang idamay ang mga ito sa gulo niya kaya sinarili na muna niya.
“And?”
The curiosity of Zephieru’s face was visible.
“Nakuha ko ang cellphone ng isa sa mga criminal kaya nalaman kung nagsinungaling nga sila. May nag-utos sa kanila na kidnapin si Mommy noon.”
Si Mommy lang sana ang dapat na kidnapin ng mga criminal na iyon, pero dahil kasama ni Mommy ang kapatid niya at ang yaya nito sa sasakyan noon dahil ihahatid na muna ito sa school bago ito pupunta sa kompanya nila kaya pati ang mga ito nadamay.
“The f**k! Who?”
“Hindi ko pa matukoy kung sino dahil naka-register ang number sa taong patay na. And all the messages were sent over an overseas connection using a laptop.”
Hindi pa man niya tukoy kung sino ang mastermind pero may pakiramdam siyang kilala nilang lahat kung sino.
“Pero bakit hindi iyon nalaman ng imbestigador ni Tito Sean noon?”
“That I will find it soon.”
Pero sigurado siyang nabayaran din iyon kung sino man ang nasa likod ng kidnapping na iyon.
“You want me to help you?” Zephieru asked.
“Hindi ka na babalik sa serbisyo?”
Nagkibit-balikat ito. “You know, sideline while I’m on my vacation leave.”
May tungkulin ito sa bansa, bilang sundalo. Nandito lang ito ngayon dahil nabigyan ito ng bakasyon matapos ang madugong operasyon nito sa Sulu.
Tumango siya. “Okay.”
Kung may pagkakatiwalaan man siya sa mga ganitong bagay ay si Zephieru iyon.
Nakaubos sila ng tatlong bote ng alak bago nagpaalam sa kaniya si Zephieru na uuwi na.
Bukas na siya ng hapon uuwi ng Cebu, dahil may kailangan pa siyang pirmahan na mga papeles para sa kompanya.
His flight got delayed. Kaya gabing-gabi na ng makarating siya sa Cebu. Saktong nakasakay na siya ng traysikel nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
“Ginabi ka yata, David?” tanong sa kaniya ni Mang Pedring, driver ng traysikel na sinakyan niya.
Kilala na siya nito dahil tuwing babalik siya rito galing Metro Manila ay ito ang sinasakyan niya. Minsan kinokontrata rin niya ito para hindi na siya matagal na maghintay.
“Umuwi po ako ng Metro Manila, Mang Pedring,” sagot niya.
Tumango naman ito at ngumiti. “Kumusta naman ang mga kapatid mo?” tanong nito.
Ang alam nito ay mga kapatid niya ang bibisitahin niya sa tuwing uuwi siya ng Metro Manila.
“Okay naman—” natigil siya sa pagsasalita nang mahagip ng mga mata niya si Kristina.
Naglalakad ito sa gilid ng kalsada habang may hila-hilang malaking maleta.
Damn! Ang lakas ng ulan at gabing-gabi na.