SIMULA

1691 Words
Deal Nilalamig at basang-basa na naglalakad sa gilid ng kalsada si Kristina habang hila-hila niya ang lumang maleta na puno ng lahat ng gamit niya. Sigurado ring basang-basa na rin ang mga damit niya sa loob dahil kanina pa umuulan. Kulog at kidlat ay hindi niya inaalintana makahanap lang ng masisilungan. Natatakot na rin siya dahil nag-uumpisa ng dumilim ang paligid habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng napakalakas na ulan. Siguro may low pressure area. Hindi lang niya alam dahil hindi naman siya nanonood o nakikinig ng balita. Bukod sa wala siyang TV o radio sa tinitirhan, busy rin siya sa kaniyang trabaho. Huminto siya saglit at niyuko ang sarili. Para na siyang basang sisiw sa ayos niya. Kung alam lang niya na uulan ngayong araw. 'Di sana naninikluhod na muna siya sa land lady niyang walang puso, na 'wag muna siyang palayasin sa apartment nito. Pero ano pa nga ba'ng magagawa niya eh, nandito na siya sa sitwasyon niya ngayon. Kasalanan din naman niya dahil tatlong buwan na rin na hindi siya nagbabayad ng renta sa apartment nito. Ilang ulit din naman siya nitong pinagbibigyan kapag naniningil ito at wala siyang maibibigay. Patawid na sana siya nang may rumaragasang sasakyan at dahil sa pagkabigla ay hindi siya agad nakakilos at na-stock siya sa may gitna ng kalsada. Isang nakabibinging busina ang narinig niya bago siya tumilapon sa isang malambot na bagay. Natigilan siya. Malambot na bagay? Kailan pa naging malambot ang sementadong daan? O baka naman patay na siya at nasa heaven na? "Kristina? Okay ka lang ba?" Napakurap siya. Pero kung patay na siya, bakit may narinig siyang boses ng lalaki? At kaboses pa ng lalaking iniiwasan niya. "Kristina? May masakit ba, sa'yo? Tell me? Do you want me to bring you—" "Buhay ako..." bulong niya na ikinatigil naman ng lalaki. "Of course," sagot nito kahit hindi naman niya ito tinanong. Kinurap-kurap pa niya ang kanyang mga mata, para siguraduhing buhay nga siya. Saka lang siya natauhan nang mapagtantong nakapatong siya sa katawan ng lalaki. Nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Kita niya sa abuhing mga mata nito ang takot at pag-aalala. Gulat at namilog ang mga mata niya nang kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. Wala naman siyang lakas na magpoprotesta pa dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang panginginig ng kanyang katawan sa sobrang ginaw at sabayan na rin ng sobrang pagkatakot niya sa muntik na siyang masagasaan kung hindi lang siya nasagip nitong lalaking nakayakap pa rin ng mahigpit sa kanya. Shunga! Late reaction yata ang katawan niya. "Hey, may masakit ba sa'yo? Bakit ba tumawid ka nang hindi man lang tumitingin sa dinaraanan mo? At saka gabi na ah, bakit nandito ka pa rin sa labas?" Mahabang litanya nito sa kanya. Unti-unting pumikit ang mga mata niya. Hindi niya alam kung sa pagod dahil kanina pa siya naglalakad o dahil sa kaginhawaan na nararamdaman niya. "S-Salamat D—avid." Iyon ang huling nasambit niya bago siya nawalan ng malay. Nagising siya na balot na balot ang kanyang buong katawan ng kumot. Napapikit pa siya ng maramdamang nahihilo siya at medyo giniginaw rin siya. "Oh, my God!" Bulalas niya ng maalala ang nangyari sa kanya bago siya nahimatay kanina. "Hey, okay ka lang?" Kaagad niyang ibinaling ang paningin sa kanang bahagi ng kanyang kinaroroonan. And there, she saw David. Nakaupo ito sa may maliit na sofa at kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Kaagad naman niyang nahagod ng tingin ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng pajama at itim na sando. Grabe nahiya naman siya sa mga muscles nito. Nakatingin lang siya rito at nahihiyang tumango. Hiyang-hiya talaga siya rito dahil sa lahat ng taong pwedeng magligtas sa kanya ay ito pa. Kilala niya si David. Mabait ito at matulungin pero hindi kasi niya ito gusto dahil lang sa iisang dahilan. Hindi ito mayaman. Nagtatrabaho lang ang lalaki bilang isang construction worker doon sa ipinapatayong building sa may Quezon malapit sa karenderyang pinagtatrabahuan niya. Doon kasi ito at ang mga kasamahan nito madalas kumain ng tanghalian kaya sila nagkakakilala. Iyon dahilan niya. Mababaw? Oo. Pero sa gaya niyang lumaki sa hirap, nakatira sa bahay-ampunan noon dahil maagang naulila sa mga magulang at walang mga kamag-anak na gustong kupkupin silang magkapatid, hindi iyon mababaw. Ayaw niyang pagdating ng panahon, magaya sa kanila ng kapatid niya ang mga anak niya, kung sakaling maaga rin siyang kunin ng Diyos. Walang-wala, naghihirap at kailangang maghiwalay dahil hindi sabay aampunin. "Tin, gusto raw makipagkilala sa'yo iyong bagong kasamahan namin." Naalala niyang sabi ni Badong sa kanya noong unang nakita niya si David sa karenderyang pinagtatrabahuan niya. Feeling close na si Badong sa kaniya dahil matagal na rin silang magkakakilala ng lalaki. At sa sinabi nito ay kaagad siyang napatingin sa taong itinuro nito. And the moment na nagtama ang mga paningin nilang dalawa ng lalaking gusto kunong magkipagkilala sa kanya ay kumabog na lang bigla ng sobrang lakas ang kanyang dibdib, na halos lumuwa iyon mula sa rib cage nito lalong-lalo na ng ngitian siya ng lalaki. "Hindi ko siya type." Iyon kaagad ang nasabi niya kay Badong at nagbawi ng tingin mula sa lalaking gustong magkipagkilala sa kanya. Hindi siya pwedeng magkagusto ng isang mahirap lang dahil masisira ang plano niya sa buhay. "Dahil ba sa hindi siya mayaman?" Bumuntong-hininga siya nang maalala naman niya ang tanong ni Badong sa kanya noon. Malungkot na tumango lang siya kay Badong kaya simula sa araw na iyon ay sinusungitan niya ang lalaking gustong makipagkilala sa kanya at pinaparamdam niya talaga rito na hindi niya ito gusto kahit na taliwas iyon sa nararamdaman niya dahil ang totoo gustung-gusto niya ito. Sino ba ang hindi magkakagusto rito kung araw-araw ba naman siyang bibigyan ng bulaklak at hinatid-sundo pa siya sa trabaho niya at sobrang guwapo pa. Kung ide-describe nga ito ng mga kasamahan niya ay 'Tall, dark, and handsome' raw at agree na agree naman talaga siya roon dahil sobrang guwapo nga nito at papasa talaga itong model. Hindi naman talaga ito totaly dark, siguro kung hindi lang ito nagbibilad sa init araw-araw ay magmukha talaga itong mayaman. Noong una, tumatanggi siya at tinatarayan niya ito pero traydor talaga ang puso niya dahil lumilihis talaga sa gusto ng isip niya. Minsan gusto na niyang tadyakan ang sarili at pagsasabihan ng 'Mind over matter' Minsan prinangka na niya itong hindi niya ito gusto dahil ayaw niya sa mahirap. At ang gusto niya na ang mapapangasawa niya ay mayaman. Pero tuloy pa rin ito. "Okay ka na? Sinisinat ka pa rin ba?" May himig pag-aalalang tanong nito nang tuluyan na itong makalapit sa kanya. Bahagya pa siyang napapitlag nang inilapat nito sa kanyang noo ang likod ng palad nito dahil tila may libu-libong boltaheng lumatay sa buong katawan niya. "Ano ba?" sikmat niya, at agad tinabig ang kamay nito nang dumapo iyon sa kaniyang noo. "Sorry." hingi kaagad nito ng paumanhin sa kanya at kinuha ang kamay nitong nakalahad sa noo niya. Bakit ba ang bait nito kahit na tinatarayan na niya ito? Sana magsungit din ito para mabawasan naman kahit kunti ang attraction niya rito. "O-Oo—ang i-ibig kong sabihin. Okay na ako. Salamat ha, sa pagligtas mo sa'kin kanina." Tumango lang ito at ngumiti sa kanya. " Bakit ka ba naglalakad sa gitna ng ulan?" "Pinalayas na ako sa apartment ko, kasi tatlong buwan na akong hindi nakapagbayad ng renta doon." Kumunot ang noo nito. "Diba sumasahod ka naman doon sa karenderya?" "Maliit lang ang sahod ko at ginagasta ko iyon sa pag-aaply ko sa isang company." Medyo nahihiya niyang sabi. "Ganun ka ba talaga kadesperadang may makasalamuhang mga mayayaman?" Lukot na ang mukhang sambit nito. Nahihiya man pero tumango siya. Bakit ba? Eh, iyon naman talaga ang totoo. "Oo, dahil gusto kong makapag-asawa ng mayaman. For the 9th time sasabihin ko sa'yong—" "Enough, Kristina!" Singhal nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. Nakita niya kung paano nagtagis ang mga bagang nito at kumuyom ang mga kamao sa tagiliran nito. "Kung mayaman ba ako, gugustuhin mo ba ako?" Siguro. Oo. Baka? Puwede? Dahil kahit naman hindi ito mayaman ay gustung-gusto na ito ng puso niya—ay hindi, in love na talaga siya rito, dangan nga lang ay hindi ito mayaman. Hindi ang buhay na meron ito ang pinangarap niya. Narinig niya itong bumuntung-hininga nang hindi siya sumagot. "Too bad, hindi ako mayaman." Palatak nito. Napayuko na lang siya dahil gusto niyang maiyak sa sitwasyon niya. Too bad nga talaga. Siguro, kung kalimutan niya ang pangako niya sa sarili baka puwede. Kung susundin lang niya ang puso niya, baka puwede. "Kung gusto mo, tutulungan kitang makapasok sa isang kompanya." Napaangat ang tingin niya rito at nakipagtitigan dito. Naiilang man siya sa mga titig nito pero hindi siya nagbawi ng tingin dahil gusto niyang malaman kung nagbibiro lang ba ito o hindi. "Tutulungan mo ako? Weh? Nagbibiro ka ba? Alam mo bang hindi basta-bastang company ang gusto kong pagtatrabahuan?" Hamon niya sa lalaki. "Ano bang company ang gusto mong pagtatrabahuan?" Kibit-balikat nitong tanong. "Sa De Sandiego Aviation Services." Sabi niya na ikinatas ng kilay nito at pagkuwa'y parang gusto nitong ngumisi pero sinusupil lang nito iyon. Pinagtatawanan ba siya nito? Well, sobrang taas naman kasi ng pangarap niya and she doubt it if he could help her to get a job in that one of the top list companies in all Asian country. Sa estado ng buhay nito ay hindi talaga siya maniniwala. "Okay, pero sa isang condition." Aba! Talagang seryoso talaga ito ah! "At ano namang condition iyan?" Sakay na lang niya dahil confident naman talaga siyang hindi nito iyon magagawa. "Live with me." What?! Awang ang bibig na tiningnan ito. Hindi makapaniwala sa hininging condition nito. The hell! "L-Live with you. Mag-live-in tayo?" Nauutal niyang paninigurado sa sinabi nito. "Yes. Kapalit noon ay tutulungan kitang makapagtrabaho roon. Makipag-live-in ka sa'kin hanggang sa may makita ka ng mayaman na aasawahin mo." Anito. Nakita pa niyang medyo tumigas ang mukha nito at nagtatagis ang mga bagang. "Deal." Maano ba't sakyan na lang muna niya ito. Confident naman siyang hindi nito iyon magagawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD