"Where is she?!"
"Doc! Teka lang po. Nagpapahinga po si-"
"I said where is she?!" hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o ano. Malayo pa lang kasi ay rinig na rinig ko na ang galit na boses ni Paige. Nakasarado na nga ang pinto at lahat pero rinig na rinig ko pa rin ang pagwawala niya habang ang mga nurse naman ay pinapakalma siya.
Pakiramdam ko ay parang tumalon ang puso ko nang malakas niyang binuksan ang pinto. "KRYSTINA!" bulalas niya at agad na lumapit sa akin. Paige inspected me from to toe.
"Aray! Aray! Teka lang!" nasasaktang daing ko nang marahas niyang binaling ang ulo ko, sunod ay ang braso ko at paa.
"May masakit ba sa iyo? sugat o galos?!" nag-aalalang tanong niya.
"Walang masakit sa akin maliban sa madiin na pagkakahawak mo," nakangiwing sabi ko. Natigilan naman si Paige at napatitig sa kamay niya na mariin na nakahawak sa akin. Agad niya iyong binitawan nang mapagtanto na totoo nga ang sinasabi ko.
"Ay sorry!" tila napapasong sabi niya at lumayo sa akin ng kaunti.
Malalim akong napabuntong hininga at hinimas braso ko na ngayon ay namumula na. "Ikaw naman kasi eh!"
Hindi makapaniwalang pinukol ko ng tingin si Paige na ngayon ay sinisisi ako. "Aba! ako pa talaga ang sinisi mo! Ikaw nga itong nagpapanic!"
"Paano ako hindi magpa-panic? nalaman ko lang naman na malapit ka lang sa mass casualty! were you expecting me to congratulate you for being alive?" mataray na sagot niya.
Natigilan ako nang naalala ko na naman ang nangyari kanina. Sobrang traumatic na makita na mangyari ang ganoong tagpo sa harap ng mismo mga mata ko.
FLASHBACK
I was frozen on my seat habang pinapanood ang mga sasakyan sa harap ko na inararo ng malaking truck. The sound of horn, cry an glasses shattering filled the air. Lahat ng mga sasakyan na nasa likod ko kanina ay ngayon sira na. I was the only one who was not affected by the accident.
"Oh my god!" I heard someone screamed. Bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng panlalamig ng mga daliri ko sa kamay at paa nang bumalik sa isipan ko ang nangyari on that one faithful day when I lost my fiance.
People started to panic and went out of their car. Others called for help habang ang iba naman ay inusisa ang mga pasahero sa loob ng sasakyan. Umawang ang labi ko nang makita ko ang mga dugo na tumulo sa sahig. Ang ibang sasakyan ay bumaligtad pa sa lakas ng impact.
"Meow" napalingon ako sa tabi nang marinig ang ingay na iyon at nakita ang itim na pusa na kanina ay tumigil sa mismong harap ng sasakyan ko. Kagaya kanina ay nakatitig lang ito sa akin na tila may ipinahihiwatig bago tumalikod at naglakad palayo.
'Is this the good luck?' I looked to the number of people affected by the accident in front of me. 'My bad luck is the opposite for someone else?'
"Miss! Okay ka lang ba?!" I heard someone called me. Wala sa sariling nilingon ko ang lalaki na kumakausap sa akin. He opened the door of my car and helped me to get out.
"I-I-I am okay," utal na sagot ko. The man scanned me from head to toe and noticed that I am shaking.
"You are not okay. Let me take you to the hospital," sabi niya at marahang inalalayan ako papunta sa sasakyan niya na katabi lang ng sasakyan ko.
"No!" agad na sabi ko at binawi ang kamay ko. "I am okay," hindi ako sigurado kung siya ba o sarili ko ang kinukumbinsi ko.
"Miss, you are shaking. You are obviously traumatized by what happe-"
Hindi ko na pinatapos pa ang sunod na sasabihin ng lalaki at agad na sumakay sa sasakyan ko at piansibad iyon. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa hospital kung saan ako nagtatrabaho dahil wala ako sa sarili ko buong byahe. Nagulat na lang ako na pinalilibutan na ako ng mga nurses at dinala sa infirmary.
END OF FLASHBACK
"Krystina!" napabalik ako sa kasalukuyan when Paige snapped her fingers in front of me. I shook my head lightly at tinignan siya.
"Bakit?" kunot-noong tanong ko.
"Oh god! You are really not okay!" natatarantang sabi niya at kinuha ang kamay ko at nilagay sa balikat niya. "Tara! dadalhin kita sa hospital!"
"T-Teka lang-" hindi pa man ako tuluyang nakakaangal ay bigla na naman bumukas ang pinto at pumasok sina Vanessa at Perisha na kapwa hinihingal.
"You b***h! What are you doing here? muntik ka na nga maaksidente pumunta ka pa rin sa trabaho mo?!" marahas na sabi ni Perisha at inilang hakbang lang ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Napapikit ako nang inambahan niya ako ng sapok ngunit hindi niya rin tinuloy. Naalala siguro ng bruha ang katotohanan namuntik na akong maaksidente.
"Aish!" stressed na sabi niya at ginulo na lamang ang buhok ko.
"What are you guys doing here?" takang tanong ko at tinignan si Vanessa at pinagkrus ang kamay sa dibdib niya.
"Obviously, para sunduin ka at dalhin sa hospital dahil kung ikaw lang ay alam namin na wala kang plano," mataray na sabi niya and rolled her eyes at me. Napangiwi ako habang nakatingin sa tatlo kong kaibigan na ngayon ay nag-join forces para lang pilitin ako na pumunta ng hospital.
"Alright. Alright," napipilitang sabi ko at tumayo na. Napangiwi na lamang ako nang mabilis na umalalay si Paige sa kaliwa kong kamay, Vanessa on the other hand and Perisha on my back.
"Baka gusto niyong buhatin na lang ako no?" hindi ko napigilang kumento.
They all lead me to Perisha's car. Agad na umupo si Perisha sa driver's seat habang si Vanessa naman ay inalalayan akong umupo sa likod before she went to sit on the passenger seat. Tinignan ko si Paige na pinapanood lang kami. "Hindi ka sasama?"
"I was about to, but then I realized na ang dami mo naman nang kasama. Kaya niyo na iyan, mas kailangan ako ng mga pasyente ko dito." Natatawang sabi niya at kumaway.
"Buti naman at naisip mo." Naiiling na sabi ko at kumaway pabalik sa kaniya.
Perisha started the car and they brought me to the nearest hospital which is the main branch of the hospital where I work. Sinaadya kasi na i-separate ang psychiatric hospital para hindi makagambala sa mga normal patients namin. Plus para ma-ensure na rin ang kanilang safety since most of psychiatric patients tend to be hostile.
"Sa may entra-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pinasibad ni Perisha ang sasakyan papunta sa tapat ng emergency room. "Bakit dito? pwede naman sa normal na-"
Ni isa sa kanilang dalawa ay walang nakinig sa akin. Vanessa immediately went out of the car pagkatapos niyong tumigil at tinawag ang mga nurses. "NURSE! DITO! EMERGENCY!"
Napatampal na lamang ako ng noo nang agad naman nanagsipulasan ang mga nurses nang makita si Vanessa. Syempre, resident doctor na mismo ang nagsabi na emergency hindi pa sila magmamadali? Kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako emergency case. Mukhang pinagtitripan yata ako ng mga kaibigan ko.
"What happened, Doc?" tanong ng isang nurse at sinilip ako. Napayuko na lamang ako para itago ang pamumula ng mukha ko nang sinuri ako ng nurse ng tingin mula ulo hanggang paa. I swear, I even saw her knot her forehead nang wala naman siyang makita na mali sa akin.
"This patient is having an problem internally. Let's have a full physical exam performed to her." seryoso na utos ni Vanessa and wore her coat na hindi ko manlang napansin na dala-dala pala niya.
"O-Opo Doc," nagtataka man ay sinunod na lamang ng nurse si Vanessa.
Lihim ko silang pinukol ng masamang tingin pero nginisihan lamang ako ng dalawa. Mas lalo tuloy nag-init ang ulo ko nang mapagtanto ko na sinadya nga nilang gawin iyon sa akin.
"Those bitches!" malutong na mura ko sa sarili.
"Po? Ma'am?" takang tanong ng nurse na tumutulak sa akin ngayon sa wheelchair.
"Ah! Wala Nurse." Pakiramdam ko ay parang hinog na kamatis ang muka ko sa sobrang pula. Ramdam ko pa ang pag-iinit niyon lalo na at pinagtitinginan ako ngayon ng mga tao sa paligid na malamang ay nagtataka rin kung ano ang problema sa akin.
Dinala ako ng nurse sa loob ng emergency room and transferred me to a bed. "Dito lang po tayo Ma'am habang wala pa po si Doc. Meron pa po kasi siyang isang pasyente na inaasikaso," paliwanag ng nurse.
"Thank you," tipid ang ngiting sabi ko.
Napunta ang tingin ko kay Vanessa na kakapasok lang ng emergency room. Agad ko siyang pinukol ng masamang tingin pero malapad na ngumisi lamang sa akin ang bruha. "Lintik ka talaga!" mura ko sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit.
"Woah! Easy Ma'am! Huwag ka pong magalit! Kalma lang po tayo, makakasama po iyan sa nararamdaman ninyo!" madramang sabi niya at marahang hinimas kunyari ang balikat ko.
"Oh god," frustrated na sabi ko at napayuko na lamang. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Vanessa.
"Alright1 I'm Sorry! But it was Paige's idea! Tsaka, you also need to have your physical exam! Wala namang masama na gawin mo iyon diba?" pangungubinsi niya sa akin. "Malay mo, meron ka palang malubhang sakit tapos hindi mo lang alam!"
"Aba't! Iyon pa talaga ang ginamit mo na rason ah?!" gigil na sabi ko at akmang babatukan si Vanessa nang bigla na lamang may magsalita mula sa tabi.
"Excuse me?" natigil sa ere ang kamay ko at dahan-dahan na nilingon ang nagsalita. My eyes widened when I saw the familiar face of the man who almost dragged me to his car para dalhin ako sa hospital. Bumaba ang tingin ko sa kabuuan niya at napagtanto na nakasuot siya ng physician's uniform.
Agad akong tumalikod nang magtaas siya ng tingin. "May I ask your name, Ma'am?" I heard him asked me.
"Oi! Pangalan mo daw!" lahat ng natitira kong lakas ay ginamit ko para labanan si Vanessa na kasalukuyan akong pinipilit na humarap sa lalaki.
"Oo narinig ko! Ano ba!" pabulong na anas ko sa kaniya at inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
I cleared my throat before I answered him. "K-Krystina Vera," mahinang sabi ko.
"Ma'am Vera. Do you mind facing me? I just have to do my assessment," kumabog ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi sa type ko siya o ano. Nahihiya lang ako na baka isipin niya na isa akong baliw na bigla na lamang lumayas kanina pagkatapos niyang magmagandang loob na tulungan ako tapos pupunta rin naman pala ako ng hospital.
"Hoy!" tawag ni Vanessa at pinilit na naman akong humarap. "Sorry Doc, medyo shy type po kasi itong kaibigan ko. Sabog lang po iang mukha pero matalino naman."
Napalingon tuloy ako kay Vanessa nang wala sa oras. "Anong sabog ka diyan?!" asar na tanong ko sa kaniya.
"Oh, it's you!" natigilan ako nang marinig ang sabi ng lalaki. Nanigas ang buong katawan ko.
"N-No! It's not me!" defensive na sabi ko at muling tumalikod when he tried to look at my face.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Vanessa na halatang nabigla.
"No!" defensive na sagot ko.
"Yes!" sagot naman niya.
"So magkakilala nga kayo?" nakangiwing na ngayong tanong ni Vanessa.
"Yes, I know her. I am Doctor Elijah Bustamente. Pleasure to meet you, Krystina." Unti-unti akong napaharap sa kaniya nang makita ko ang kamay niya na nakalahad. Bigla tuloy akong na-guilty sa inasal ko. Mukha pa naman siyang mabait.
"Krystina," tipid na sabi ko at kinamayan siya. Elijah shook my hand and pressed it a little bit which made me sharply inhale habang si Vanessa naman ay bubulong na ngalang sa sarili ay rinig na ring ko pa.
"Ay wow. First name basis agad?" I heard her said to herself.