YOUNG GENIUS

1948 Words
"Pwede ba akong bumalik sa trabaho, Doc?" mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko na agad sumama ang tingin sa akin ni Vanessa nang marinig ang sinabi ko pero deretso lang ang tingin ko kay Elijah na napataas ng tingin sa akin mula sa pagsusulat sa chart niya. "Is that what you want?" seryosong tanong niya sa akin. "I don't feel anything wrong and I feel totally fine. Wala naman akong gagawin sa bahay kung uuwi ako. Medyo na-shock lang ako kanina sa nakita ko, who wouldn't right? but I am totally fine," kalmadong paliwanag ko. Feeling ko tuloy ay sobrang defensive ko sa simpleng tanong niya. Sa totoo lang ay medyo na-shock pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nangyari. May ilang mga pagkakataon nga kanina na natutulala na lang ako sa tuwing naaalala ko ang itsura ng mga tao kanina na duguan at wala ng buhay. 'Isa sana ako sa kanila kung hindi lang ako tumigil nang dumaan ang pusa.' "I don't see any reason why I should object." "Doc-!" hindi natuloy ni Vanessa ang akmang sasabihin niya nang nilingon siya ni Elijah. Natahimik tuloy siya at bumalik sa tabi at nakinig na lamang. Lihim akong napangiti at muntik nang ilabas ang dila ko kay Vanessa nang sa unang pagkakataon ay feeling ko nagwagi ako. "So here's the list of medication you should take," Elijah started explaining each drug and when should I take them. Tango lang naman ako ng tango dahil pamilyar na ako sa mga gamot na sinasabi niya. "Let me know if you are having any difficulty of sleeping or if that event still bothers you, alright?" malambing ang boses na sabi ni Elijah. "Thank you," sincere na sabi ko and smiled a little bit at him. Nag-ayos na ako para bumaba ng kama kung saan ako nakaupo nang mabilis niya akong inalalayan. "Here, let me help you," hindi na ako naka-react nang mabilis niyang nilagay ang isang kamay niya sa likod ko habang ang isa naman ay sa braso ko. Nanigas pa ako ng kaunti nang maramdaman ko ang init ng kamay niya. This is the first time na hinawakan ako ng isang lalaki. "T-Thank you," tipid na sagot ko nang tuluyan akong nakatayo. "Sure." Elijah looked at the nurse na tila naintinihan ang ibig sabihin ng tingin niya at agad na kumuha ng wheelchair. "Uhh. Kaya ko naman maglakad. Hindi na kailangan!" nahihiyang tanggi ko. "You need to lessen your strain. You still have a work, right? come on," pagpupumilit sa akin ni Elijah na inalalayan pa akong makaupo. Parang gusto ko na lang tuloy lumubog sa kahihiyan habang si Vanessa naman ay nakatakip lang ng bibig para itago ang tawa niya. I look at Elijah para magpaalam nang nauna siyang magsalita. "I'll walk you t-" "Doc! Meron po tayong isang pasyente who's having a seizure!" nagpa-panic na sabi ng nurse habang habol ang hininga. Nag-isang linya ang labi ni Elijah at nilingon ako. He looked like he is torn on what to do for a split second bago tumango sa nurse. "Alright. I'll be there," tipid na sabi niya at muli akong hinarap. "I have to go now. Take care of yourself and-" nangunot ang noo ko nang bigla na lamang siyang tumigil sa pagsasalita. "And?" dugtong ko. "And rest well." Umawang ang labi ko nang bigla na lamang siyang tumalikod at umalis. Hindi pa nga ako nakapagpaalam. 'Problema non?' Hayaan mo na lang, Krystina. Baka busy! Kita mo naman na nag-seizure na ang pasyente non eh. "Tara na Miss," yaya ko sa nurse na tumango at nagsimula nang itulak ako. “Mukhang type ka yata ni Doc ah?” agad kong nahampas si Vanessa pagkatapos niya iyong sabihin nang malakas. Pilit ang ngiting nilingon ko ang nurse na walang imik na tinutulak lamang ako habang nakaupo sa wheelchair. “Aray! Ano ba? Ba’t bigla ka na lang nanghahampas? Tsk. Sadista ka talaga!” nakangiwing reklamo niya habang hinihimas ang braso niya na ngayon ay namumula na. “Dasurv!” sagot naman ni Perisha na bigla na lang lumitaw kung saan. “Puta! Ano ba! Para ka namang kabute!” gulat na bulalas ni Vanessa habang sapo ang dibdib. “Woops! Sorry. Ano ba ang pinag-uusapan niyo? Share-share!” Vannessa looked at me with her playful eyes habang ako naman ay tinaas ang kamao ko sa kaniya. “Sige! Subukan mo!” babala ko sa kaniya. “Crush ni Krystina si Dr. Bustamente!” ‘Teka. Parang may mali sa sinabi ni Vannessa ah?’ Ilang Segundo pa yatang nag-loading ang utak ko habang pinoproseso ang sinabi ni Vanessa bago ko napagtanto ang ibig sabihin niyon. “HOY! GAGA KA TALAGA!” namumulang sabi ko sa inis at kahihiyan lalo na at madaming nakarinig niyon. Ang dami tuloy na mga nurses at doctor na nakatingin ngayon sa amin. “HINDI KO SIYA CRUSH! T-THAT’S SO CHILDISH!” Tawa lang naman ng tawa ang bruha kong kaibigan. Sarap sikmurahan nang hindi na siya matawa! “Whatever you say! Anyway, I’m going back! Bye!” nagmamadaling paalam niya at agad nang tumalikod. Naiwan naman akong parang lantang gulay at frustrated dahil sa ginawa ni Vanessa. Kung ang itong pangyayari umabot lang talaga sa lalaking iyon, sisiguraduhin ko talaga na doble ang gagawin ko kay Vanessa. "Don't you dare," babala ko kay Perisha nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Natatawang tinaas na lamang niya ang kamay niya at sumunod na sa amin. Mabuti naman at hindi na muling inungkat ni Perisha ang biro ni Vanessa sa akin kaya kumalma ako kahit papaano. Perisha simply dropped me off in front of the hospital tsaka agad na umalis. Binisita na naman siguro ng pagiging kwago niya kaya nagmamadaling umuwi. Naabutan ko naman si Paige na busy sa pagsusulat sa chart ng pasyente pagkarating ko. Papunta pa lang ako sa kaniya nang mapatingin siya sa direksyon ko. "Anong ginagawa mo dito?!" bulalas niya. "Magtatrabaho?" hindi pa sigurado na sagot ko. Eh diba iyon naman ang dahilan kung bakit nga ako bumalik dito sa hospital kesa magpahinga. "Hindi! Hindi pwede! Doon ka sa infirmary!" matigas na sabi niya at mahina akong tinulak papunta sa infirmary. "Huh?! Ayoko nga! Buti pa si Dr. Bustamente sinabi na pwede na akong magtrabaho!" defensive na sabi ko at nanlaban sa kaniya. Agad naman na natigilan si Paige nang marinig ang pangalan na iyon. "Dr. Bustamente? as in Elijah Bustamente?!" nanlalaki ang matang tanong niya which made me wonder why. "Oo. Bakit?" takang tanong ko. Even some nurses na kanina ay busy sa ginagawa ay halatang biglang nakusyoso sa pinaguusapan naming dalawa ni Paige. Ano bang meron sa doctor na iyon at parang big deal sa kanila? "Hello! That's Dr. Elijah Bustamente we're talking about!" exaggerated na sabi ni Paige habang ako naman ay pinipigilan lang ako sarili ko na huwag mapangiwi habang nakatingin sa kaniya. "Um. Okay?" For the first time, Paige looked so stress and frustrated at the same time hindi dahil sa trabaho but of something else. "It's a long story but to make it short. Dr. Elijah Bustamente is considered as a genius. He recently graduated but he even surpassed some of his seniors when it comes to skills. Not to mention that he is also oh so yum-" hindi natuloy ni Paige ang sasabihin niya nang maalala na maraming nurse pala ang nakikinig sa amin. Paige stood up straight and cleared her throat awkwardly. Napatampal na lamang ako ng noo dahil para akong nahiya in behalf of Paige. "Ehem. So what I am saying is, maliban sa matalino siya ay gwapo rin daw siya at maganda ang katawan kaya siya naging kilala." Now I get it, pero marami namang gwapong mga Doctor na kagaya niya na gwapo and matalino rin naman, but why him? "Okay," walang ganang sagot ko at tumalikod na. Pupunta na lang ako sa infirmary at magpapahinga kesa sa makinig kay Paige na halatang nagpipigil lang ng kilig. "Oi! Saan ka pupunta?" tawag sa akin ni Paige at hinabol ako. "Hindi mo pa nga nakwento sa akin anong nangyari sa check-up mo! Ano daw sabi ni Doc?" Mariin akong napapikit at hinarap si Paige na halatang excited sa ikikwento ko sa kaniya. "Kung gusto mo siyang makita, magpa-general check up ka na lang rin." kalmadong sagot ko at iniwan na siya. Hindi naman nakaligtas mula sa pandinig ko ang pabulong na sabi niya sa sarili. "Oo nga no?" Mukhang crush na crush nga ng bruha si Elijah. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Paige na umasta. Palibhasa ngayon lang naman kasi siya nagka-crush. Akala ko nga dati tomboy siya eh, joke! Imbis na dumaan pa ako sa infirmary ay naisipan ko na lang na umuwi. It's past 3 pm in the afternoon na. Sa dami ba naman ng test na ginawa sa akin kanina ay natagalan talaga ako. Wala na rin naman akong gagawin dito sa hospital dahil sinolo na ni Paige ang lahat ng gawain pati ng sa akin. Kesa na matulog ako sa infirmary ay sa bahay ko na lang gagawin para settled na ako. "Ano ba naman iyan," dikit ang kilay na maktol ko nang makita na sobrang lapit lang ng pagitan ng sasakyan sa magkabilang gilid ng sasakyan ko. "Nahiya pa sila na huwag gasgasan ang sasakyan ko." Padabog na pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko and turned it on. I started backing up slowly and steadily nang bigla na lamang tumunog ang sasakyan ko which means that there is someone or something that I am about to hit on the back of my car. At dahil sa mahirap na lumabas dahil nga masikip at pinaandar ko ang camera sa likod ng sasakyan ko para makita kung ano iyon dahil wala naman akong nakitang tao nang lumingon ako. I was stunned when I saw a black cat sitting just a few inches away from my car habang titig na titig sa mismong camera ng sasakyan ko as if it knows that I am watching him/her. "Impossible," bulalas ko nang matitigan ko ang pusa ng mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali, ang pusa na nakita ko kanina at ang pusa na nasa likod ng sasakyan ko ngayon ay iisa lang. I know because they have the same pointy ears. Wala sa sariling lumabas ako ng sasakyan at pumunta sa likod ng sasakyan ko. The cat immediately turned to look at me. I squatted at reached out to the cat pero tinignan lang niyon ang kamay ko. "I can't be wrong. Ikaw ang pusa kanina, right?" kausap ko dito as if naman naiintindihan ako niyon. As if on cue, the cat walked closer to me and sat down right in front of me. Feeling ko tuloy ay hinahamon niya ako ng staring contest dahil titig na titig lang siya sa akin. I smiled at hinawakan ang likod niya. Mukhang natakot naman ang pusa dahil bigla itong naging alerto. "It's okay! I won't hurt you," marahang sabi ko and slowly attempted to touch him one more time. Dahan-dahan na muli ko siyang inabot, I smiled nang sa wakas ay hinayaan na niya akong hawakan siya. "Don't you have a home?" nag-aalalang tanong ko. I can't explain how amazed I am na nandito siya ngayon. Malayo pa naman ang lugar kung saan nangyari ang aksidente sa hospital namin. "Did you follow me here?" tanong ko sa kaniya na nakatitig pa rin sa akin. Binuhat ko siya at tinignan sa mata. There's something about its eyes that made me think he can understand me. "Because you saved me, I return the favor and take you home. Simula ngayon ay may bahay ka nang uuwian at hindi ka na makakaramdam ng gutom."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD