Nangunot ang noo ni Qarinah nang matanggap niya ang isang centimo na bigay sa kaniya ng binagbentahan niya ng kaniyang pinangalakal. Sa kabila ng pananakit ng kaniyang Ina kagabi dahil lamang sa gatas na tinago niya at binigay sa mga kapatid niya lamang ay pinilit pa rin ni Qarinah na bumangon para makapaghanap ng pera. Ang dami niyang nakuhang mga bote at siguradong-sigurado siya na malaki ang halaga ng mga iyon kaya nakakapagtataka para sa kaniya na kakarampot lamang ang binayad sa kaniya. "Bakit po gani-" natigilan si Qarinah nang magtaas siya ng tingin at nakasalubong ang malamig na titig sa kaniya ng lalaki kung saan niya ibinenta ang kaniyang pinangalakal. "Bakit?" walang emosyong na tanong nito sa kaniya. Matigas na napalunok si Qarinah nang biglang nakaramdam ng takot. Dati n

