Napangiti si Qarinah nang naalala na naman niya ang nangyari kanina habang kasama niya si Jenuz. She never felt so happy before she met Jenuz. Kahit ngiti lamang nito ay pakairamdam niya ay para siyang matutunaw. Sinilip ni Qarinah ang mga kapatid niya na taimtim nang natutulog sa loob ng kwarto nila. Siya na lang mag-isa ang gising dahil ang kanilang Ina ay umalis na para magtrabaho. "Hayy," Malalim na napabuntong hininga si Qarinah at lumuhod sa sahig. Kinuha niya ang sirang takip ng kanilang sahig at mula doon ay nilabas ang magandang tsinelas na yari sa sa abaka. Sinuri iyon ng tingin ni Qarinah at sa huli ay niyakap. Wala sa sariling sumayaw siya sa buong kabahana habang yakap-yakap ang tsinelas na binili sa kaniya ni Jenuz. Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya, lalo na sa

