THE WOMAN IN THE MIRROR

2294 Words
I let out a heavy sigh and laid flat on my back. Hindi ko na mabilang kung pang ilang palit ko na ito ng posisyon. Anong oras na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Maliban sa paa ko na masakit ay palaisipan pa rin ang sa akin ang nakita ko kanina. Gusto ko man isipin na isa lang iyong guni-guni pero tandang-tanda ko pa ang pinag-usapan nila. 'Kung guni-guni ko lang iyon ay paano ko naman maririnig ang pinag-uusapan nila?' "Aish!" asar na anas ko at napipilitang bumangon sa kama. Pakiramdam ko ay para akong magkakaroon ng diarrhea sa ilang baso na gatas na naubos ko pero hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ako. Sa ganitong sitwasyon ay isa lang ang solusyon sa problema ko. I went straight into the bathroom at binuksan ang salamin na may kasamang cabinet kung saan ko nilalagay ang mga gamot na tinatago ko kay Mommy. I know she is not here so there is no need to hide it but we never know. Nagmamadali kong kinuha ang isang lalagyan ng gamot at binuksan iyon. I was about to put a tablet in my mouth nang bigla akong matigilan. I had a bad nightmare the last time I took one of these. Although I've been depending on it when I was severely depressed pero noong nasa US ako ay tiniis ko talaga na huwag uminom. Ngayon lang ulit ako iinom nito pagkatapos ng matagal na panahon. 'But I am okay now so there's no need to worry, right?' Mariin akong napahawak sa lababo at napapikit when the glimpse of the face of the demon I saw on Mr. Javier suddenly popped inside my mind. 'You are not okay, Krystina. But you are not insane,' I told myself. I opened my eyes at tinignan ang maliit na tableta sa kamay ko. 'Maybe all I need is a good sleep,' I thought. Humugot ako ng malalim na hininga at agad na sinubo ang gamot bago pa man ako magdalawang isip. Hindi ko na kinailangan pa ng tubig dahil walang hirap ko iyong nilunok. Talent? more like the after effect of overdosing myself with medications many times just in an attempt to kill myself before. Pagkatapos kong uminom ay bumalik na ako sa kama ko and waited for the effect of the medicine. Hindi naman tumagal at nakaramdam na ako ng antok and eventually fell asleep like I hoped to. "Tinay!!" agad akong napamulagat nang bigla na lamang may sumigaw. I sat up straight on the bed nang makita ko ang isang lalaki who looks like he is in his 20's looking at me. "Oh, bakit ka ganiyan makatingin sa akin?" naguguluhang tanong niya sa akin at sinapo ang mukha niya. "Wala namang dumi ang mukha ko ah?" I looked around the place and realized that I am not in my room. 'Nasaan ako? bakit ako nandito? paano ako nakarating dito?' Patago kong kinurot ang sarili ko at napangiwi nang maramdaman ang sakit niyon. 'Hindi ako nananaginip. Pero bakit ganito?' "Oi Tinay kanina pa kita ginigising. Bumangon ka na diyan! Mamaya ako na naman papagalitan ni Mama nang dahil sa iyo! Ang bagal mo pa naman maghanda!" asar na sabi ng lalaking nasa harap ko at tuluyan nang tumalikod. Naguguluhan man ay bumangon na ako sa kama. Somehow, I don't feel afraid because I don't feel like I am in danger. Natigilan ako nang mapadaan ako sa malaking salamin na naka-display. 'Tama ba ang nakita ko? did I just saw someone else's face on mine?' I felt my heart beat faster habang iniisip ko kung sisilipin ko ba ulit ang sarili ko o hindi. I took a step back and stared on my reflection. Umawang ang labi ko nang makita ko ang mukha ng ibang babae imbis ng sarili kong mukha. "Sino ka?!" I asked pero nakita ko lang ang sarili ko na nagsalita. I even tried to wipe the mirror pero ganoon pa rin ang nakita ko. Wala sa sariling sinapo ko ang mukha ko at pinakiramdaman. I can feel my own hands touching myself. Wala akong maramdaman na kakaiba maliban na lang sa katotohanan na hindi ko mukha ito. Suddenly, the face of the woman in front of me slowly changed. Ang kaninang gulat na mukha ay napalitan ng lungkot hanggang sa tuluyan itong humikbi. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa babae sa salamin na nanghihinang umupo sa sahig habang umiiyak. "O-Okay ka lang? bakit ka umiiyak?" I said but no voice came from my mouth. Ang tanging malalakas niya lang na hikbi ang naririnig ko. The woman stared at herself on the mirror. Nasindak ako nang bigla na lamang may lumabas na mga sugat at pasa sa buong katawan niya. Ang lungkot na nasa mukha niya kanina ay napalitan ng galit habang nakatingin sa sarili niya. Mariin akong napapikit at napaatras when the woman suddenly screamed and punched the mirror. Napahiyaw ako nang mabasag ang salamin sa harap ko. Mula sa basag na salamin ay nakita ko ang babae na umiiyak habang duguan. She looks so pale and thin. Na tila ba ilang araw na siyang hindi kumakain. Nahintakutan ako nang kinuha niya ang malaking bubog mula sa nabasag na salamin at nilapit iyon sa palapulsuhan niya. "Huwag!" I screamed and tried to reach for her but it seems like my voice cannot reach her. "Huwag! Miss!" sinubukan kong gumalaw mula sa pwesto ko but there seems like an invisible force that stops me from getting to her. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya dahan-dahan na hiniwa ang sarili niyang palapulsuhan. I stared at her blank face na parang hindi manlang nasaktan sa ginawa niya sa sarili niya. The woman dropped the piece of glass. Nagulat ako nang bigla niyang binaling ang tingin niya sa akin sa unang pagkakataon. "Help," pabulong na sabi niya at tuluyang bumagsak. "Miss!" I tried to reach for her one more time pero ang tanging nagawa ko lang ay abutin ang kamay ko. I screamed when I felt a tearing pain on my wrist. Mariin kong sinapo ang palapulsuhan ko nang maramdaman ko na parang hinihiwa iyon ng isang matulis na bagay. Agad akong nakaramdam ng hilo nang tuluyan kong binitawan ang palapulsuhan ko at nakita ang malalim na sugat doon. Just like the woman in the mirror, I started to bleed heavily. "Tulong!" I screamed and tried to get up but the place started to turn dark hanggang sa wala na akong makita. "Tulong!" Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm ko. Nahihintakutang tinignan ko ang palapulsuhan ko at nakita na wala iyong sugat. Malalim akong napabuntong hininga at napapikit nang makita na nasa sarili ko na akong kwarto. "Panaginip lang pala," I said to myself. Kakagising ko lang but I can feel so tired. Ramdam ko pa rin ang takot sa kaibuturan ko at panghihina sa katawan ko. Malalim akong napabuntong hininga at napahilamos ng mukha. Ito na ngaba ang sinasabi ko kagabi, na hindi na dapat ako uminom ng pampatulog. I heard my phone beeped from my bedside table kaya inabot ko iyon at tinignan. Ang takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng stress nang makita ko ang sangkatutak na messages na natanggap ko mula sa iba't-ibang mga batchmates ko. All of them are asking about what happened last night. 'Mukhang may isang tao na hindi talaga kayang itikom ang bibig,' I can't help but feel mad. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa nangyari kagabi ay heto na naman ang kahaharapin ko ngayong araw. I was about to toss my phone when it suddenly rang. 'Paige calling' Malalim akong napabuntong hininga and answered the call. "Paige." "Did you saw the news?" agad na bungad niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. "What news?" takang tanong ko. I heard my phone dinged as soon as I asked her that question. "I sent it to your messenger. Call me after you watch it," mahinang sabi ni Paige. I was about to say something nang agad nang naputol ang tawag. Basing from her voice ay mukhang hindi maganda ang laman ng video na sinend niya sa akin. Halata ring wala pa siyang tulog. I opened my messenger and tapped on the video she sent me. It directed me to youtube video entitled 'Psychiatric Hospital, pumatol sa isang exorcism scam!' Title pa lang ay wala na akong planong panoorin ang laman ng video dahil alam kong ma-stress lang ako. I scrolled down and check the comment section. Halo-halo ang mga kumento na nabasa ko doon. Merong iba na sinubukang intindihin ang ginawa namin pero mas nangingibabaw pa rin ang negatibong kumento. "Isa silang hospital tapos pumatol sila sa ganiyan? mukhang sila yata ang baliw imbis ang pasyente!" Basa ko sa isang kumento. I felt a pang of pain in my chest as soon as I read that comment. If only these people knew what is really going on. But it is useless to try and make them understand dahil kahit anong gawin ko ay meron talagang masasabi ang mga publiko. I was already expecting this to happen but I didn't expect this to happen so fast. Sana pala kinausap ko muna ang mga nurses who witnessed that case. Para manlang na warningan ko sila. 'But would that make any change?' meron kaming iba't-ibang opinyon regarding what happen and despite my best effort to try and talk things out ay mukhang hindi iyon ang magiging solusyon dahil meron talagang tao na labag sa kanilang paniniwala ang ginawa namin. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. I unlocked my phone and read the message I received from Paige. "Prepare yourself, I just received a letter from the Department of Health summoning us." Basa ko sa message niya. Nanghihinang napahilamos ako ng mukha. Bakit naman ngayon kaagad? halos hindi pa nga ako nakapagpahinga tapos heto na ang kahaharapin ko? Napipilitan akong bumangon ng kama para maghanda. It took me almost an hour just to prepare dahil ilang beses akong natulala sa kawalan habang nag-iisip kung ano ang gagawin ko at sasabihin. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling dahil maraming mata ang nakakita niyon. I stared at myself after I finished putting on a light make-up para pagtakpan ang eyebags ko na maitim when the image of the woman I dreamed last night came inside my mind. Agad kong tinakpan ang salamin nang when I suddenly felt afraid along with the unexplained tingling sensation on my wrist kung saan ang sugat nung babae sa panaginip ko. "Calm down, Krystina. It's just a bad a dream," I comforted myself and performed deep breathing exercise to calm myself down. Unti-unti ko namang naramdaman ang pagkalma ng sarili ko. I took a deep breathe and blew the air slowly from my lungs at muling tinignan ang sarili ko sa salamin. "It's just a bad dream," I said to myself and forced a smile. I should look confident. Ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ano ang tama sa ganoong pagkakataon so there is no need to feel afraid. Ang importante ay natulungan ko si Mr. Javier na bumalik sa sarili niya para sa pamilya niya. Binuksan ko ang salamin at nakita ang pampatulog na ininom ko kagabi. I can't explain the hate I am feeling while looking at the bottle. "Damn you!" I cursed at marahas iyong tinapon sa basurahan. I finally went out of the bathroom and hurriedly grabbed my keys because I am running late. I was about to get inside my car nang mapansin ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay ko. I went out and to check and realized that it is Paige's. Nakumpirma ang hinala ko nang binaba ni Paige ang salamin ng sasakyan niya and forced a smile at me. "Hey," mahinang bati niya. I can't see her eyes dahil meron siyang suot na sunglasses. "What are you doing here?" naguguluhang tanong ko. "I'm here to pick you up?" hindi sigurado na sagot niya. "I see," tipid na sagot ko. Paige nodded many times while still looking at me. I can't help but feel awkward dahil pareho kaming tila hindi alam kung ano ang sasabihin. "So papasok ka ba o hindi?" hindi ko matigilang matawa nang marinig ang sinabi ni Paige. I somehow feel a little bit lighter when I saw the small smile on her face nang natawa ako sa kaniya. "Heto na po, Boss!" pabirong sabi ko at umupo na sa passenger seat ng sasakyan niya. Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Are you mad at me?" I can't help but ask. Isa iyon sa iniisip ko kagabi kaya hindi ako makatulog. Paige is my bestfriend, I am afraid na dahil lang sa desisyon ko ay masira ang pagkakaibigan namin lalo na at nasangkot pa siya sa ganitong gulo. "No! Bakit mo naman naisip iyan?" napataas ang boses na sagot niya. I felt myself tear up nang marinig na hindi siya galit sa akin. "A-Akala ko kasi galit ka sa akin dahil bigla mo na lang akong iniwan n-nung-" "I am not, Krystina. There are just some things going on inside my mind that time but rest assured that I am not mad." Mahinang sabi niya at inabot ang kamay ko. Nabigla ako nang maramdaman ko na malamig ang kamay niya. "I must admit I am scared to face them but the thought of being there with you defending what we believe is right gives me a bit of comfort," I look at Paige and she gave me a smile of encouragement. I hold her hand tighter and smiled as well. "We can do this," determinadong sabi ko. I am glad I am not alone in this battle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD