BEST ACTRESS

2013 Words
"Paige," mahinang tawag ko sa kaniya nang makarating kami sa loob ng opisina niya. Deretso lang naman siya sa upuan niya at hindi manlang ako pinansin. "Paige please, kung galit ka sa akin ay mas okay na lang na sabihin mo sa akin ng deretso hindi na ganitong bigla mo na lamang akong hindi papansinin," kunot-noong sabi ko. I can feel my patience getting smaller. Pagod ako dala ng tulog ko na naudlot dahil sa biglang pagtawag niya sa akin, idagdag pa ang lahat ng nangyari ngayong umaga. Pakiramdam ko nga ay bagsak kaagad ako pagkarating ko ng kwarto ko. "I am not mad at you, Krystina! It's just t-that-" my face softened when Paige seems like she ran out of words at sinapo na lang ang noo niya. Marahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa harap niya. I was looking at her habang nag-iisip kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya at may naisip akong isa. Pero sa tingin ko ay hindi iyon appropriate. "I don't know if I should tell you this," cautious na sabi ko habang nakatingin sa palad ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos kong sabihin ang plano kong sabihin pero pagkatapos ng nangyari ngayong gabi ay umaasa ako na kahit papaano ay naiintindihan ni Paige ang pinagdadaanan ko. "Hindi ako gumaling, Paige. Hindi ako gumaling dahil in the first place ay wala naman akong sakit. I was assessing myself if what I am experiencing is just a creation of my mind but it's not. I also thought I had schizophrenia because I've been hearing voices, I could feel things and I could see things!" Mariin kong kinuyumos ang palad ko nang muli na naman iyong manginig habang sinasariwa ko sa isip ko ang mga naranasan ko. "Pero hindi, Paige," paos ang boses na sabi ko at tinignan siya. I looked at her in the eyes to make her know that I mean what I am saying. "I can clearly decept that I am experiencing were not true physically but I can't explain why they were happening. Then I realized, that maybe they are really things that's beyond what we can comprehend." I waited for Paige to say something pero nanatili lang siyang tahimik. I smiled and nodded my head. "I told you this not because you were my Doctor. But because you are my friend, Paige. I hope you get what I mean after all that we went through this night," mahinang sabi ko at tinapik ang balikat niya. Nanghihinang lumabas na ako ng opisina niya at naabutan ang mga nurses na nagtitipon sa isang sulok. Mukhang kinikwento ng mga kasama naming night-shift nurses ang nangyari sa morning shift nurses. Agad napunta sa akin ang tingin nila nang mapansin nila ako. Some of there were giving me a look of understand while some have a judgmental look on their faces. Pinili ko na lamang na hindi sila pansinin at dumeretso na sa elevator. Hindi na ako magugulat ko nalaman ko na lang na kumalat na sa balita ang tungkol sa insidente ngayong araw. Hindi na rin nakakagulat sa akin kung may ilang mga nurses na aalis sa trabaho. Walang imik na pumasok na ako ng elevator and pressed the closed button and the ground floor. I stepped back and took my phone from my pocket to see if I have any important messages. I was scrolling through my phone when I heard the elevator opened. Out of reflex ay nagtaas ako ng tingin para tignan kung nasa ground floor na ba ako but to my surprise ay nasa parehong floor pa rin ako. I almost dropped my phone nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harap ko who is also staring directly at me. Isang beses ko lang nakita ang mukha niya pero sigurado ako. Kamukha niya ang mukha na nakita ko kay Mr. Javier. Pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko kasabay ng pananayo ng balahibo ko. There's something about his presence that confirms my suspicion. "Can you see me?" I was shock when he spoke and he have the same voice as the demon inside Mr. Javier. 'I-Is t-this man right in front o-of me a d-demon?' Pero imposible! Demons have a scary appearance, right? They have their enormous thorns and red eyes. This man in front of me looks like a normal human being! 'He asked me if I can see him for f**k's sake! Hindi siya normal!' nanginig ang labi ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na huwag siyang sagutin. From the corner of my eyes, I can see the nurses looking at me with curiosity in their eyes. Malamang ay nagtataka sila kung ano ang ginagawa ko. 'Think! Krystina!' I swallowed what seems like a hard lump in my throat at pinilit ang sarili ko na magsalita. "Wala naman pala," kunyari ay sabi ko sa sarili ko at muling pinindot ang close button. 's**t! s**t! s**t! It's not closing!' sunod-sunod na mura ko nang ilang beses ko nang pinindot ang close button ng elevator ay ayaw pa rin niyon na sumarado. "How could a mere human see you?" I heard a baritone voice. Another man suddenly appeared from the side. Muntik ko nang silipin kung sino iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. 'Huwag tanga, Krystina! Hindi mo nga sila dapat nakikita diba?' pagalit na sita ko sa sarili ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkukunyari ko na iritado habang paulit-ulit na pinipindot ang close button ng elevator. I can feel their eyes on me. It's far from what I would feel if it's a normal human. Their look gave me a sense of terror that makes breathing difficult but there's also something different. I don't know how to explain it but I feel weird. "I swear our eyes met!" defensive na sabi ng unang lalaki or should I call him devil #1? I felt the second man A.K.A devil #2 glanced at me from head to toe. "Look at this human. She seems much dumber than anyone else," kumento naman ng pangalawang lalaki. Kung nasa normal na sitwasyon lang siguro ako at hindi demonyo ang kaharap ko ay kanina ko pa siguro minura ang lalaki sa harap ko. 'Lintik na! Hindi ko alam na manlalait rin pala ang mga demonyo?!' "Sabagay," sagot naman ng pangalawang lalaki. 'At nagtatagalog rin!' Infairness, nawala ang kaba ko ng very slight sa kanilang dalawa. Para silang hindi lang demonyo mag-usap. Ang conyo pa? Para silang mga elite na businessman. "But this dumb woman was also the one who brought the priest! Should I just inflict her soul?" asar na sabi ng naunang lalaki at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ko. I immediately stepped back at sinamaan ng tingin ang elevator. "Bwisit naman nito! Kung kelan nagmamadali!" kunyari ay galit na sabi ko at padabog na nilampasan ang naunang lalaki without touching him. Mahirap na at baka bigla akong ma-possess kung masagi ko sa siya. Akala ko ay na-survive ko na ang plano ko na makatakas mula sa kanila but then I came face to face with the second man's chest. He is so tall na hanggang ilalim lang yata ako ng baba niya. Bigla ay parang nag-slow motion ang paligid habang nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko. 'Anong gagawin ko? should I dodge him? pero masyado naman yatang halata kung basta na lang akong dadaan sa gilid! Pero hindi ko rin naman pwede siyang masagi dahil baka bigla na lang siyang pumasok sa loob ng katawan ko at sapian ako. Diba ganoon ang mga nangyayari?!' Ito na yata ang pinaka-stressful na isang segundo ng buhay ko. Isang hakbang lang naman ang kailangan kong gawin pero sobrang hirap. Suddenly, a bright idea came inside my mind. Pagkahakbang ko at sinadya ko talaga na ma-shoot ang heels ko sa pagitan ng elevator para matipalok ako. Of course, pati ang pagsemplang ko ay sinadya ko na sa gilid ako tumama. Ang problema ngalang ay mukhang napalakas yata ang pagsemplang ko. "Ouch!" malakas na hiyaw ko at sinapo ang paa ko. "Doc!" I immediately heard the footsteps of the nurses coming to me. I was planning to sign for them na ayos lang ako but my foot says otherwise. "See? I told you," the man beside me said at tuluyan akong nilampasan. I wasn't able to see his face but I felt a small tug in me as soon as he pass by me. "I can't believe I lost to this dumb woman," sagot naman ng isa. 'Lintik na mga demonyong 'to! Kung hindi ko lang talaga mahal ang buhay ko ay ready talaga akong makipag bardagulan sa kanila basta hindi lang buhay ang kapalit!' "What's wrong?" narinig kong tanong ni demonyo #1. "Stop talking to me you lowly demon," malamig naman na sagot naman ni demonyo #2 followed by his footsteps. Hindi ko na alam kung ano ang karugtong ng pinag-uusapan nila dahil tuluyan nang sumarado ang elevator. "Doc! Okay ka lang po ba?" nag-aalalang tanong sa aking ng isang nurse nang tuluyan itong makalapit. "O-Okay lang ako," pilit ang ngiting sabi ko at sinubukang tumayo mag-isa pero biglang nanginig ang tuhod ko na sinamahan pa ng sakit kaya bigla akong napaupo pabalik. "Wheelchair!" I heard the nurse screamed. "H-Hindi. Okay lang talaga a-" natahimik na lamang ako nang hindi manlang ako pinansin ng mga nurses at basta na lang ako binuhat at sinakay sa wheelchair na dala nila. Dinala nila ako sa sarili naming infirmary na mga nurses in case na magkasugat kami o gusto lang namin magpahinga. One nurses stayed and gave me foot a first aid. "Salamat, Daisy," sincere na sabi ko sa kaniya. I don't know her but she is wearing a nameplate kaya alam ko kung ano ang pangalan niya. "Welcome po, Doc. Mag-ingat po kayo sa susunod," sabi nito sa akin. Tinulungan na rin niya akong mag-ayos para umuwi. "Ihahatid ko na po kayo dala ang wheelchair," offer niya sa akin. Tatanggi pa sana ako but looking at her, I can say na mukhang hindi siya tatanggap ng sagot na hindi. "Salamat, Daisy tsaka pasensya na sa abala," nahihiyang sabi ko at tuluyan nang sumampa sa wheelchair. "Nako, wala pong ano iyon. Masaya ako na nakilala po kita. Dati ay palagi ko lang naririnig ang pangalan ninyo mula sa ilang mga doktor na bumibisita dito. Pati mula sa ibang pasyente rin namin." Nangunot ang noo ko sa narinig. 'Teka? pinag-uusapan ba nila ako?' "B-Bakit naman nila ako pinag-uusapan?" takang tanong ko. "Ay sorry po Doc! I don't mean it that way. Narinig ko po ang pangalan niyo dahil palagi ka pong hinahanap ng mga doktor na bumibisita dito. I heard you are one of the best doctor in the field. Pati na rin po ang ilang pasyente namin ay ikaw ang hinahanap tuwing magpapa-admit sila ng mga kamag-anak nila dito," paliwanag niya sa akin. I felt warmth filled my heart with what I heard. That blissful feeling I felt whenever I help a person and the desire to do more suddenly ignited the passion that I lost. Now I feel motivated again. Akala ko ay tuluyan na akong nakalimutan ng mga tao. Nakakataba lang ng puso na kahit bigla na lamang akong nawala ay meron pa rin na naghahanap sa akin. "Ganoon ba?" nangingiting sabi ko. I can feel my cheeks burning. Nawala ang pagsasaya ko nang bigla kaming tumigil sa tapat ng elevator. I almost jumped out of my seat nang agad iyong bumukas. "B-Bakit Doc?!" gulat na tanong ni Daisy when she saw me flinched. Nanlalaki ang matang nilibot ko ng tingin ang kabuoan ng elevator at nakita na wala iyong laman. "W-Wala naman," mahinang sagot ko at nilingon si Daisy na takang nakatingin rin sa loob ng elevator. "Pwede ba na gamitin natin ang hagdan? medyo nagka-phobia ako sa hagdan," sabi ko at pilit na tumawa. 'Ayokong gamitin ito! Baka nandito lang sila at nagtatago!' Bakas naman sa mukha ni Diasy ang gulat. "P-Po?" bulalas niya at nakanganga na nilingon ang floor namin. We're currenlty on 7th floor by the way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD