At dahil nasa kalagitnaan ng gabi ay walang ibang tao sa daan kundi kami lang kaya ilang minuto lang at agad kaming nakabalik ulit sa hospital. Agad kong napansin si Father na agad napa-sign of the cross nang makita ang kabuoan ng hospital.
"Dito pa lang ay ramdam ko na kaagad ang bagsik ng masamang nilalang," walang emosyong sabi nito habang sinusuri ng tingin ang building ng hospital namin sabay nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Dumadami po yata ang mga taong sinasaniban ngayon, Father," kumento naman ng kasama namin na sa tingin ko katulong ni Father sa mga gawain niya. O hindi kaya ay nagsasanay itong maging pari rin sa huli.
"Dahil dumadami rin ang mga taong tuluyang nang tinalikuran ang relasyon nila sa nakatataas," tipid na sabi niya at nilingon kami. "Pero hindi ko sila masisisi. Ang pagiging tapat na tagasunod ng panginoon ay hindi isang madaling gawain dahil marami kang temptasyon na makakaharap."
"Ano po ang mangyayari kung tuluyang tinalikuran ng isang tao ang paniniwala niya sa diyos?" hindi ko maiwasang matanong.
To my surprise, Father smiled to me. "Talikuran man ng tao ang diyos ay patuloy pa rin itong tatanawin ng diyos na anak. Remember, our god is a loving god. He never renounce his own child," makahulugang sabi ni Father at nagsimula nang mag-ayos ng gamit niya. Naghanda na rin ako at sumunod kay Father na nakalabas na ng sasakyan.
"Dito po ang daan, Father," turo ko at nauna nang maglakad habang sila ay nakasunod lamang sa likod ko. Nanayo ang balahibo ko nang muli ko na namang narinig ang nakakatakot na sigaw ni Mr. Javier. The room is supposed to suppress the noise from the inside pero dahil nabasag ang mga bintana kaya nakakalabas ang ingay.
"Krystina," I heard Father called me dahilan para mapatigil ako at lingunin siya. I can't help but notice the look on his face which says that there is something bothering him.
"Po, Father?" Marahang pinatong ni Father and kamay niya sa magkabilang balikat ko at tinitigan ako mata sa mata.
"Pagkarating mo kanina ay akala ko isang simpleng possession lang ang tinutukoy mo pero hindi ko inaaasahan na ganito ang mararatnan ko. I only have a limited knowledge on this one dahil isa lamang akong simpleng Pari. Pero tumawag na ako ng tulong sakaling hindi maganda ang kahahantungan ng lahat dito." mahinang sabi ni Father. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko dahil sa kabang nakikita ko sa mukha ni Father pero tumango na lang rin ako.
Humugot siya ng malalim na hininga at nauna nang pumasok sa loob kasama ang assistant niya. "What is the meaning of this, Krystina?!" agad na bungad sa akin ni Paige mismong pagkapasok ko.
"Ugh!" I immediately covered my nose nang tila sinuntok ang ilong ko sa sobrang baho ng paligid. The room smells like a rotting body.
Lahat ng attensyon ng lahat ng tao sa loob ng kwarto ay napunta kila Father na deretso lang ang tingin kay Mr. Javier na natigilan nang makita ito. I immediately saw fear on Mr. Javier's eyes when he saw Father.
"Bitawan niyo siya at lumabas kayo," utos ni Father sa mga nurses na hawak ang buong katawan ni Mr. Javier. Agad naman nilang sinunod ang sinabi nito. Naiwan kaming apat sa loob ng kwarto. Ako, si Paige, si Father at ang assisstant niya.
"Krystina!" mahinang tawag sa akin ni Paige at marahas akong pinaharap sa kaniya. "Is this the only hope that you said?! This is-"
"Paige please! I know you think I am insane and still not cured kung sasabihin ko ito. But Mr. Javier is possessed!"
Paige gave me a look as if tinubuan ako ng tatlong ulo. "How can you say that? It is against our belief as a healthcare provider to believe in this kind of things, Krystina! You are a top notcher yourself but how come you arrived on this point?!"
Agad na nag-isang linya ang labi ko nang marinig ang sinabi ni Paige. "Can you hear yourself?" malamig na sagot ko. Ilang beses na napakurap si Paige na tila natauhan pagkatapos mapagtanto ang sinabi niya.
"I-Im so-"
"Knowledge is different from spiritual beliefs. Being a healthcare provider doesn't stop me from keeping an open mind to the possibilities of this world. I am totally aware of the consequences of my action and I am willing to face it. But I will not back down from shooting my shot on this one. If you don't want to participate and if you really believe this is wrong then the door is open for you to leave," pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na akong tumalikod kay Paige at lumapit kila Father na naghahanda na sa gagawin nila.
"Ano pong maitutulong ko, Father?"
May nilabas ang assistant niya na isang maliit na booklet at inabot sa akin. "Sundin mo lang ang sagot sa maliit na libro na iyan." His assistant was about to put back some of the books inside his bag nang biglang kinuha ni Paige ang isa doon. Nagulat ako nang bigla siyang tumabi sa akin.
"I just can't leave you, he is also my patient," mahinang sabi niya habang hindi makatingin sa akin. Pinigilan ko lang ang sarili ko na mapangiti dahil bigla akong nakaramdam ng kilig knowing that Paige is also willing to risk her license to be with me in this one.
"Thank you, Paige," sincere na sabi ko. Tipid na tumango lamang si Paige at tinuon na ang pansin sa pasyente namin na kanina pa nagpupumilit na kumawala sa tali niya.
"Father, tulungan po ninyo ako! Nasasaktan po ako!" umawang ang labi ko nang bigla na lamang bumalik sa normal ang boses ni Mr. Javier habang ang mukha niya ay nagmamakaawa. "Doc! anong ibig sabihin nito? bakit ako nakatali? pakawalan niyo po ako! nasasaktan ako!" mangiyak-ngiyak na sabi niya na mukhang naguguluhan.
"He's in pain!" Paige said and was about to rush to the patient's side nang mabilis siyang pinigilan ng assistant ni Father.
"What are you doing? let go of me! Hindi mo ba nakikita na nasasaktan siya?!" pagwawala ni Paige habang pilit na kumakawala mula sa pagkahawak sa kaniya.
I was torn on what to do. But then I saw Father who still looks calm. Tumayo siya sa harap ng higaan ni Mr. Javier at binuksan ang bote na may laman na holy water at winisik iyon kay Mr. Javier. "AHHH! PUTANGINA!" malutong na mura ni Mr. Javier. Umawang ang labi ko when I saw how the water burned his skin but it didn't leave any mark. Na tila ba ibang balat ang nasunog. The burning smell of meat intensified all over the room.
Hindi pa nakunteto si Father at muling winisikan si Mr. Javier na tila mababaliw sa sakit. Nanginig ang kalamnan ko nang magsimula itong kalmutin ang sarili niya. Mabuti na lang at nakatali ito ng mahigpit kaya hindi nito abot ang ilang bahagi ng katawan niya.
Father did the sign of the cross kaya agad rin namin na ginawa iyon, pati na si Paige na halatang gulat pa rin sa nangyayari pero pilit na pinapakalma ang sarili. Pasimple kong hinawakan ang kamay niya at naramdaman na sobrang lamig niyon.
"Nandito lang ako," bulong ko sa kaniya. Mariin naman niyang pinisil ang palad ko.
"In the Name of Jesus Christ,
our God and Lord,
strengthened by the intercession of the Immaculate Virgin
Mary,
Mother of God,
of Blessed Michael the Archangel,
of the Blessed Apostles Peter and Paul and all the Saints.
and powerful in the holy authority of our ministry,
we confidently undertake to repulse the attacks and
deceits of the devil.
God arises;
His enemies are scattered
and those who hate Him flee before Him.
As smoke is driven away,
so are they driven;
as wax melts before the fire,
so the wicked perish at the presence of God."
Mr. Javier continued to groan in pain sa bawat salitang binibitawan ni Father, lalo na nang muli itong winisikan ng holy water.
"The sacred Sign of the Cross commands you, as does also the power of the mysteries of the Christian Faith. The faith of the holy Apostles Peter and Paul, and of the other Apostles commands you. Begone, Satan, inventor and master of all deceit, enemy of man's salvation. Give pla-"
"I am not Satan," habol ang hininga na sabi ni Mr. Javier. Unti-unti itong humarap sa amin habang masama ang tingin, lalo na kay Father. "At hindi mo ako mapapaalis sa katawan na ito dahil sa akin na ito! Wala na dito ang taong gusto ninyo dahil nasusunod na siya sa impyerno!" sabi niya na sinundan ng malademonyo niyang tawa.
Pareho kaming napasinghap ni Paige nang magsimulang lumutong ang katawan ni Mr. Javier kasabay ng pagpasok ng malakas na hangin sa loob ng kwarto. Pati ang tali na nakalagay sa kaniya ay bigla na lamang nasunog.
"Pythius sum. Princeps inferni originalis!"
Agad kong hinila si Paige payuko nang bigla na lamang lumipad ang upuan papunta sa direksyon namin. "Oh my gosh!" hiyaw ni Paige na nanginginig sa ilalim ng yakap ko.
"Get down!" Father screamed nang magsimulang lumipad ang mga bagay sa paligid. Halos hindi ko na mabuksan ang mga mata ko sa lakas ng hangin pati na ng mga bagay na nanggagaling sa iba't-ibang direksyon.
"Father! Ano pong gagawin natin?" sigaw ko habang nakadapa.
"Kailangan natin siyang patigilan. Patagal ng patagal ay mas lalong lumalakas ang demonyo na nasa loob ng katawan niya. Kailangan natin mapalabas ang demonyo bago niya tuluyang masakop ang katawan nito. Hindi natin pwedeng hayaang mangyari iyon dahil mamamatay siya at mabubulok ang espiritu niya sa impyerno!"
I fell like my heart stopped for a moment with what I heard. I looked at Paige who have the same look as me. Hindi namin pwedeng pabayaan na mamatay si Mr. Javier dahil pasyente namin siya. Maliban sa pananagutan na kahaharapin namin ay wala akong plano na mawalan ng pasyente.
"Ugh!" I groaned while trying to get myself up pero pakiramdam ko ay may hindi nakikitang enerhiya na pumipigil sa akin na bumangon.
"Tama iyan. Yumukod kayo sa harap ko!" narinig kong sabi ni Mr. Javier sa kakaibang boses na sinundan niya ng malakas na tawa.
All of us were trying to get up pero hirap na hirap kami. Kinilabutan ako when I took a small glimpse of Mr. Javier. Kung nakakatakot ang itsura niya kanina ay mas malala ngayon. His skin looks like they were impaled habang ang mga mata niya ay pula at mabagsik na nakatingin sa amin.
"Ben," hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba iyon pero nakumpirma ko na tama nga ang narinig ko nang muling may tumawag ng pangalan ni Mr. Javier.
"Ben! Mahal ko. Parang awa mo na, bumalik ka na sa amin ng mga anak mo!" Nagulat ako nang makita ang asawa ni Mr. Javier na nasa bandang pinto at umiiyak na nakatingin sa asawa niya.
Bigla na lamang humina ang hangin sa paligid kasabay ng pagbagsak ng mga gamit na lumulutang. Agad kong tinulungan si Paige at Father na na tumayo. "Ben, bumalik ka na mahal. Miss ka na namin ng mga anak mo. Alam mo naman na kahit mahirap lang tayo ay mahalaga mahal natin ang isa't-isa diba?" malambing na sabi ni Mrs. Javier habang dahan-dahan na naglakat palapit kay Mr. Javier na nakatulala lang habang nakatingin sa kaniya.
Puno ng pagmamahal na tinginan ni Mrs. Javier ang asawa at sinapo ang mukha nito. Bigla na lamang sumigaw si Mr. Javier habang sapo ang ulo niya.
"Aghh! Lintik kayo!" malutong na mura niya habang tila mababaliw sa sakit ng ulo niya.
Father immediately stood up at nilagay ang krus sa noo ni Mr. Javier. "Pythius, inventor and master of all deceit, enemy of man's salvation. I condemn you back to hell!" malakas na sigaw ni Father habang mariin na pinisil ang mismong krus sa noo ni Mr. Javier.
I immediately covered my ears when Mr. Javier let out a final scream before he lifelessly landed on the bed. "B-Ben?" gulat na sambit ni Mrs. Javier na agad dinaluhan ang asawa niya.
Naramdaman ko ang mariin na paghawak sa akin ni Paige na kagaya ko ay halos hindi rin humihinga habang pinapanood si Mr. Javier. "Ben!" Mrs. Javier screamed while patting her husband's face. Akmang lalapit sana ako sa kanila nang makita ko ang biglang pagmulat ng mata ni Mr. Javier.
"Ben?" mahinang tawag ni Mrs. Javier sa asawa.
Mr. Javier looked around before he finally look at his wife. I felt my heart stop for a moment while waiting for his respond.
"Myra!" Mr. Javier cried and immediately hugged his wife. Nanghihina kaming napaupo ni Paige sa sahig habang pinapanood ang mag-asawa na nag-iiyakan habang magkayakap. Napataas ako ng tingin nang may maramdaman akong tumapik sa balikat ko.
"We're done," nakangiting sabi ni Father na halata ang pagod sa mukha.
"We're done," wala sa sariling pag-uulit ko sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko when the realization finally hit me. "We're done!" I screamed and looked at Paige na tulala lang sa kawalan.
"We're done, Paige! We did it!" masayang sabi ko at niyugyog ang balikat niya. Paige smiled at me but I can't help but notice the blankness in her eyes.
"Yes we did," tipid na sabi niya at tumayo na. Naiwan akong naguguluhan kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya pero inintindi ko na lang. Unang-una sa lahat ay pinilit ko lamang siya na gawin ang ritwal na ito.