Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Pikit ang matang bumangon ako at tinatamad na kinapkap ang cellphone ko na nasa bed side table. 'Sino naman tatawag ang ganitong oras?' Sinilip ko ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Nagulat ako nang makita na si Paige ang tumatawag sa akin. 'Ano kaya ang meron at tumatawag siya sa akin nang ganitong oras?'
"Hello?" paos ang boses na sagot ko sa kabilang linya.
"Krystina! I'm really sorry to disturb your sleep but can you please come here to the hospital as soon as possible?" nahihimigan ko ang pagkataranta sa boses ni Paige.
Humikab ako at kinusot ang mga mata ko. I am still adjusting my body clock. "Bakit? anong me-" bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko ay narinig ko ang malakas na ingay mula sa paligid ni Paige.
"Doc! ano pa ang gagawin natin?" narinig kong tanong ng nurse na sinundan ng mga gamit na nabasag. Bigla tuloy akong naalimpungatan sa narinig.
"Give him a sedative!" sigaw ni Paige.
"Paige?! what is happening?" naguguluhang tanong ko.
"Please, Krystina! Come here as soon as you can! I really need your help!" nakikiusap na sabi ni Paige at agad nang pinutol ang tawag namin. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang nakakatakot na sigaw ng pamilyar na boses. Base sa pamilyar na takot na nararamdaman ko ngayon ay alam ko na kaagad na si Mr. Javier iyon.
"Oh jusko," tulalang sabi ko at nilibot ang tingin ko sa madilim na paligid. Wala sa sariling nasapo ko ang dibdib ko when I felt my heart skip a beat. Pakiramdam ko ay para akong masusuka na nahihilo bigla.
Binalewala ko na lamang ang nararamdaman ko at agad nang bumangon sa kama ko at naghanda umalis. I shivered as soon as I went out of the house when the strong cold breeze of air welcomed me. I hoped in my car and drove. The night seems even darker now that I could barely see what's ahead. Ang nakikita ko lang ay ang daan kung saan naiilawan ng head lights ng sasakyan ko. I was relying on my senses and drove safely.
I feel so uneasy sitting on my seat. I don't feel good. I feel like I am not alone.
Saglit kong nilibot ang tingin ko sa paligid at nakahinga ng maluwag nang wala naman akong nakita. 'O siguro wala lang akong may nakita dahil madilim?' The thought of being watched by the being of the night lurking in the dark made me shivered but I decided to shrug it off.
"Malaki ka na para sa ganiyang isiping, Krystina," paalala ko sa sarili ko and played a music on the sterio. I felt a little ease nang magsimulang tumugtog ang isang hiphop music. The ride was hell but thankfully ay nakarating rin ako sa hospital pagkatapos ng 15 minutes. Sinilip ko ang kabuuan ng building and saw that all of the lights are one. It should be lights off dahil gabi na.
Natigilan ako nang mapunta ang tingin ko sa rosaryo na nakalagay sa rearview mirror ko. My Mom was the one who gave that to me noong binigay niya sa akin ang sasakyan na ito. Looking at it, I feel like something is telling me na kunin ko iyon at dalhin. And I did.
Bitbit ang rosaryo sa bulsa ko at lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng hospital. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay napansin ko ang ilang mga pasyente namin na walang emosyong nakatayo lang sa pinto ng kwarto nila at nakatitig sa kawalan. Hindi lang isa, kundi lahat ng mga pasyente namin ay ganoon. Na tila ba ay nahiptosimo sila.
Naabutan ko naman ang mga night shift na mga nurse na nagkukumpulan sa labas ng restraint room. "Jusko, anong nangyayari sa kaniya?" narinig kong sabi ng isang nurse.
"Hindi ko nga rin alam. Ngayon lang ako nakakita ng ganito," nahihintakutang sagot naman ng isang nurse na agad napakapit sa kaibigan niya nang bigla na lamang sumigaw si Mr. Javier sa loob.
"Hindi kaya ay na-possess nga siya?" natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ng isang nurse. Base sa mukha niya ay mukhang seryoso siya sa sinabi niya.
"Ano ka ba! bakit iyan ang iniisip mo?" agad naman na sagot ng kaibigan nito na sinamana pa ng mahinang palo sa braso. Malalim akong napabuntong hininga at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Excuse me," agad na napunta sa akin ang atensyon ng lahat nang marinig akong magsalita. May ilan pang pinukol ako ng nagtatakang tingin.
's**t, hindi ko pala suot ang coat ko!' I thought.
"I am Dr. Vera. Resident psychiatrist. If you'll excuse me," agad nahawi ang mga nurses and revealed the entrance of the door. I can feel their curious stare on me pero hindi ko na lang sila pinansin. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto at naabutan si Paige na pawis na pawis. I hugged myself nang bigla akong makaramdam ng lamig. I scanned the place and noticed na umaandar naman ang aircon pero namamawis pa rin si Paige.
"Thank god you are here!" bulalas ni Paige nang makita ako. She looks so tired. Mukhang wala pa siyang pahinga simula noong umalis ako.
"Anong nangyari dito?" takang tanong ko at sinuri ng tingin si Mr. Javier. Nahabag ako nang makita ko ang katawan niya na parang tinubuan ng iba't-ibang bukol na halatang merong laman habang ang mukha naman ay niya mas lalong tumanda. Hindi ako sigurado kung tulog ba siya but he have his eyes closed habang ang magkabilang kamay at paa niya ay parehong nakatali at namumula na.
"Jusko. Bakit ganiyan kahigpit ang pagkakatali niyo sa kaniya?!" bulalas ko at agad na lumapit sa tabi ng pasyente at akmang babaklasin sana ang pagkakatali sa kaniya nang mabilis akong pinigilan ni Paige.
"Huwag! parang awa mo na! Please! Huwag!" nahihintakutang sabi niya. Naguguluhang tinignan ko siya pero pinukol lamang niya ako ng nagmamakaawang tingin. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa tali hanggang sa tuluyan ko na iyong binitawan. I know Paige. She has always been reasonable.
"Anong nangyari?" mahinahon na ngayong tanong ko sa kaniya.
Paige let out a heavy sigh at tinignan si Mr. Javier na mahimbing na natutulog. "Pagkatapos mong umalis ay naging maayos naman siya. He was calm but then he suddenly went wild and violent to the point na may nasaktang isang nurse kanina pagkatapos niya itong kalmusan sa mukha."
Umawang ang labi ko habang nakikinig sa kwento sa akin ni Paige. "N-Nasaan na ang nurse?"
"Nasa hospital," seryosong sagot niya habang tulala. Paige let out a heavy sigh at umiling.
"What is it?" takang tanong ko. I know there is something going on insider her mind.
"I don't know if I should tell you this because you might think I am insane. Pero marami kami dito ang nakakita," pabiting sabi niya.
"Na?" Paige bit her lip while thinking of how she will say it in a way na hindi siya magmukhang masamang pakinggan sa akin. "Just say it in any way that you want, Paige. I'll try to understand." Malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"I-I'm afraid Mr. Javier is out of our league. I have never seen something like this before, Krystina. Ngayon lang ako nakakita ng isang may edad na hindi naman ganoon kalakihan ang katawan pero hindi kayang pigilan ng apat na tao? I know I sound absurd but I don't think we can handle this alone, Krystina!" bakas ang takot sa mukha ni Paige nang lingunin niya ako pero hindi ko siya masisi. Una pa lang ay alam ko na. Na merong kakaiba sa sitwasyong ito. Isang bagay na hindi kayang maipaliwanag ng siyensya.
Natigilan ako nang may imahe na pumasok sa isip ko. Sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng suyensya ay papasok ang ganoong saklaw. "I know that solution to this, Paige. I am not sure if it will really help pero pwede nating subu-"
Sabay kaming napahiyaw ni Paige nang may marinig kaming malakas na tunog na bumagsak na sinabayan nang biglang pagkamatay ng ilaw sa buong hospital.
"Krystina!" I heard Paige screamed. Agad ko siyang inabot.
"Nandito ako," kalmadong sabi ko kahit bigla akong kinabahan. Nilabas ko ang cellphone ko at pinaandar ang flashlight niyon. Unti-unti namang kumalma si Paige nang makita ako.
"Ano iyon?" patukoy niya sa nahulog na bagay. Sinundin namin ng tingin ang direksyon kung saan nahulog ang bagay at nakita ang krus na dati ay nakasabit sa pader. Nagkatinginan kami ni Paige na halatang naguguluhan kung paano iyon nahulog. Malabong mahulog iyon nang basta na lamang dahil nakasabit iyon ng maayos.
"Hawakan mo muna ito," sabi ko at binigay kay Paige ang cellphone ko.
Bumitaw ako kay Paige at maingat na naglakad papunta sa pwesto ng krus. Akmang pupulutin ko iyon nang may mahagip na anino ang mga mata ko mula sa madilim na sulok ng kwarto. Malakas akong napasinghap at napatayo ng tuwid habang ang mga mata ko ay nanlalaki na nakatitig sa sulok. Sa unang tingin ay hindi mo iyon mapapansin but a shadow figure outlines a person.
"Krystina bakit?" kabadong tanong ni Paige sa akin.
"N-Nakita mo ba ang nakikita ko?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kaniya.
"Krystina, hindi magandang biro iyan. Bumalik ka na nga dito!" tawag sa akin ni Paige. I want to go back pero pakiramdam ko ay naging yelo ang buong katawan ko at hindi iyon maigalaw.
The figure started to move. Nakasunod lang ang tingin ko doon when it started to float on the corners of the room. It moved walked as if a normal person pero wala iyong mukha o katawan at tanging anino lang sa loob ng pader.
"K-Krystina!" mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Paige na.
"Huwag kang gagalaw Paige," utos ko sa kaniya habang nakasunod pa rin ang tingin ko sa anino. Mula sa kakarampot na ilaw na nanggagaling sa buwan ay nakita ko ang anino na lumapit sa direksyon ng kama kung saan nakahiga si Mr. Javier. Nanlamig ang katawan ko nang makita ng dalawang mata ko kung paano pumasok ang anino sa katawan ni Mr. Javier.
"P-Paige! Ang ilaw. I-Itutok mo sa pasyente!" utos ko sa kaniya. Mahinang humikbi si Paige na agad ring sinunod ang sinabi ko.
Malakas na napahiyaw si Paige pagkatapos niyang itutok sa mismong mukha ni Mr. Javier ang ilaw at nakita namin itong bukas ang mata habang nakatingin sa amin. Nahabag ako nang makita ko ang kulay ng mga mata niya. Hindi iyon ang kulay ng isang normal na tao kung hindi ay katulad ng mga nasa panaginip ko.
"Gusto niyo bang sumama sa akin sa impyerno?" nanayo ang balahibo ko nang biglang magsalita si Mr. Javier at bumangon. Agad na tumakbo si Paige sa tabi ko at yumakap sa braso ko.
"K-Krystina. B-Bakit ganiyan ang mukha niya? b-bakit-"
"Nakakatakot?" dugtong Mr. Javier sa sinasabi ni Paige na sinundan niya ng malademonyong tawa. "Ito ang mukhang makikita mo palagi pagkatapos kitang kaladkarin papuntang impyerno!" marahas na sigaw nito gamit ang iba't-ibang boses na pinagsabay-sabay.
"Ahhh!" malakas na hiyaw namin ni Paige at napaupo nang bigla na lamang mabasag ang bintana at pumasok ang malakas na hangin.
'Impossible! Hindi madaling mabasag ang crystal na bintana dito!'
"NURSE!" malakas na sigaw ko. Agad namang pumasok ang mga nurse sa labas na halatang natatakot pero wala silang magawa.
"Ano naman ang pinaplano mo? Krystina?" natigilan ako nang biglang sambitin ng pasyente ang pangalan ko. He is staring at me while smiling as if he is entertained by what is happening. "Kahit anong gawin mo ay wala kang kawala," dugtong niya at muling tumawa.
"Krystina, anong pinagsasabi niya?"
Pinasa ko si Paige sa isang nurse na agad itong inalalayan. "Get hold of him as long as you can. I'll get help!" utos ko at akmang aalis na nang mabilis akong pinigilan ni Paige.
"Saan ka pupunta, Krystina? saan ka kukuha ng tulong?!" Nilingon ko si Paige at akmang sasagutin nang bigla akong magdalawang isip. Malaki ang posibilidad na pigilan niya ako sa pinaplano ko kung sasabihin ko sa kaniya kung ano ang pakay ko.
Marahan kong hinawakan ang balikat ni Paige at tinignan siya mata sa mata. "Ikaw na una ang bahala dito, maaasahan ko ba iyan?"
Ilang segundo ring napatitig sa akin si Paige bago tumango. I smiled a little bit at her bago agad nang tumakbo palabas. I drove as fast as I can and went to the nearest church. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero ito lang ang solusyon na naisip ko.
Pinarada ko ang sasakyan ko nang makarating ako sa simbahan kung saan ako pumunta kanina and raced towards the door. "Father! Tulong! Tulong!" I screamed while knocking hard and loud. Ramdam ko ang sakit ng buko ko pero hindi ko iyon pinansin. "Tulong!" I screamed even louder.
The door opened and I came face to face with two men. "Anong nangya-"
Agad akong lumapit lalaking pamilyar sa akin. Siya ang pari sa misa na dinaluhan ko kanina. "Father! Please help us!" desperadong pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Bakit, hija? anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.
"I don't know how to say this. But I think one of my patient is possessed!" Father's face immediately changed when he heard what I said. Nilingon niya ang isang lalaki na kasama namin.
"Lino, ihanda mo ang gamit."