DILEMMA

2332 Words
"Alam mo ba na nasusunog sa impyerno ngayon ang lalaking mahal mo?" Pakiramdam ko ay para akong masusuka habang nakatingin sa nakakatakot na ngiti ng pasyenteng nasa harap ko. Mr. Javier looks like he is in his late 50’s pero mas mukha siyang tumanda sa paningin ko. Walang emosyon lang ang mga mata niya na deretso na nakatingin sa akin pero ang labi niya ay malapad na nakangiti. He tilted his head to the side while observing me. ‘Calm down, Krystina. He’s might only guessing,” paalala ko sa sarili ko. I maintain my composure and and look at him straight in the eyes. Hindi ko pwedeng ipakita na apektado ako sa sinabi niya dahil maaari niya iyong gamitin laban sa akin. Kahit na ang totoo ay masyado akong naapektuhan sa sinabi niya. “Hindi ko po alam kung ano ang ibig ninyong sabihin,” I almost pat myself on the back nang hindi manlang nanginig ang boses ko nang sa wakas ay nasagot ko rin siya. Agad na nawala ang ngiti sa labi niya nang tila hindi siya nasiyahan sa sagot ko. He slowly leaned back to his seat without breaking his eyes off of me. "Mr. Javier, again I am Dr. Krystina Vera at andito ako dahil may kaunti lang akong katanungan sa iyo. Okay lang po ba iyon sa inyo?" I asked. Pakiramdam ko ay para akong mabibingi sa katahimikan ng paligid nang hindi manlang niya ako sinagot pero okay lang iyon. Sanay na ako. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung kumusta ang pakiramdam mo nitong huli, Mr. Javier?" concerned na tanong ko sa kaniya. Mahala na kahit ganitong uri ng pasyente nila ay maramdaman nila na kahit papaano ay nandito kami para pakinggan sila sa kung ano man ang nararamdaman nila. Most of the psychiatric patients developed the problem based on their trauma's and life experienced. That's why we really have to be careful in dealing with them dahil may iba sa kanila na suicidal. "Ano ang gusto mong malaman? ang katotohanan o ang gusto mong marinig?" nanghahamon ang boses na sagot naman ni Mr. Javier. "Gusto kong marinig ang katotohanan Mr. Javier, para mabigyan ka namin ng pag-aruga na kailangan mo," paliwanag ko. Mr. Javier suddenly looked playful habang ang mga mata niya ay umiikot sa paligid na tila ba ito ay nag-iisip. "Hmm. Paano ko ba sasabihin na sa tuwing nakikita ko si Myra ay parang gusto ko siyang patayin pati na ang mga anak namin?" Mariin akong napakagat ng ngipin ko nang bigla ulit akong makaramdam ng takot. Malayong-malayo si Mr. Javier sa asawa na kinwento sa akin ni Ma'am Myrna. Tama nga siya, dahil kahit ako ay pakiramdam ko ay ibang tao ang nasa harap ko ngayon at hindi si Mr. Javier. "Hindi niyo po ba Misis ninyo si Ma'am Myrna? hindi niyo po ba siya mahal pati na rin ang mga anak ninyo?" Kung hindi lang siguro nakatali si Mr. Javier ay aalis na talaga ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot at malayong-malayo ito sa takot na naramdaman ko sa dati kong mga pasyente. Pakiramdam ko ay para akong ma-suffocate sa bigat ng kapaligiran. "Kaya nga gusto ko siyang patayin!" Muntik na akong mapaigtad nang bigla na lamang sumigaw si Mr. Javier. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa ilang metro na lang ang layo ng mga mukha sa akin. Nahintakutan ako nang bigla na naman siyang ngumiti dahilan para makita ko ang mga ngipin niya na nagsisimula nang bumulok. 'Teka? parang hindi naman ganito ang ngipin niya kanina ah?' hindi ko maiwasang mapaisip. Kanina ay maputi pa naman ang ngipin niya at mukhang maayos pero ngayon ay nag-iba ang itsura nito. "Dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya na gusto kong hiwain ang makinis niyang balat at kainin. Mahal na mahal ko siya na gusto kong hilahin ang mabango niyang buhok hanggang sa dumugo ang anit niya. Nasabi ko rin ba na matalino ang asawa ko? sa sobrang talino niya ay gusto kong makita mismo ang utak niya para makita kung paano siya mag-isip. Sa tingin mo ba-" "Stop!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapataas ng boses. "HAHAHAHHAHAHA!" malademonyong tawa ni Mr. Javier habang tila nasasayang makita akong natatakot sa kaniya. "Tigilan mo na ang pagtanong ng bagay tungkol sa akin dahil wala na ang taong nagmamay-ari ng katawan na ito. Nasusunog na siya sa impyerno habang sumisigaw at nagmamakaawa! HAHAHAH!" Wala sa sarili akong napatayo. Muntik pa akong matumba dala ng pagkataranta ko. Pakiramdam ko parang nabahag ang buntot ko bigla when the pictures of my dreams started to play inside my mind one more time. The river of blood and the dead bodies everywhere. Pakiramdam ko pati nga ang amoy ng paligid ay nararamdaman ko ngayon. Narinig ko naman na ngumisi si Mr. Javier. "Akala mo ba nakatakas ka na dahil lang tumigil ang nararamdaman mo? Pwes ipapaalala ko sa iyo na ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang boyfriend mo! BWAHAHA! wala kang kwenta dahil kahit ikaw ay walang kawala sa mainit na apoy na naghihintay sa iyo sa impyerno dahil sa pagpatay mo sa boyfriend mo kaya kung ano sa iyo ay magsimula ka nang magdasal at humingi ng tulong sa diyos na sinasamba mo!" 'I-I killed Tyler?' Unti-unting nanlabo ang pandinig ko kasabay ng pagkawala ng lakas ko sa buong katawan. I felt myself falling pero bago pa man tuluyang bumagsak ang katawan ko sa sahig ay may sumalo sa akin. "Krystina!" I heard the familiar voice of Paige called me. Ilang beses akong napakurap at nilingon siya na nag-aalalang sinuri ako ng tingin. Sunod ay tinignan ko si Mr. Javier na nakangisi habang nakatingin sa akin. "Wala kang kawala, Krystina," nanlaki ang matang tinakpan ko ang tenga ko nang biglang lumalim ang boses niya. Sobrang nakakatakot na pakiramdam ko ay nanginig pati ang kalamnan ko sa boses niya. "TIE HIM UP! HOW DID HE EVEN GOT LOOSE?!" tarantang sigaw ni Paige habang inaalalayan akong tumayo. Muli kong tinignan si Mr. Javier na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Tatlong nurse ang nagtutulungan para i-restrain siya pero mukhang wala lang sa kaniya iyon at hindi manlang siya natinag sa kinatatayuan niya. My eyes went down to his hands at doon ko lang napansin na wala na ang restraint na kanina ay nakakabit sa kaniya. 'How did he got loose?!' hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko at takang tinignan siya. For a split moment, I saw someone else's face on Mr. Javier pero nang kumurap ako ay agad rin iyong nawala. I felt my strength slowly went back nang tuluyan kaming makalabas ng kwarto ni Mr. Javier. "Krystina, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Paige. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng opisina niya. "O-Okay lang ako," mahinang sabi ko at niluwagan ang suot ko. Ramdam ko pa rin ang suffocation na naramdaman ko kanina. Patagal ng patagal ay mas lalong lumalala ang nararamdaman ko. Paano na lang kaya kung hindi dumating si Paige? A cup of water suddenly appeared in front of me. "Uminom ka muna ng tubig. Namumutla ka," marahang sabi ni Paige. "Thank you." I took the cup of water and immediately drank it. Doon ko lang naramdaman ang uhaw na hindi ko napansin. Sunod-sunod ang paglagok ko sa tubig hanggang sa agad ko iyong naubos. "Gusto mo pa ba?" gulat na tanong ni Paige nang makita na agad kong naubos ang tubig na binigay niya. "H-Hindi na," habol ang hininga na sabi ko at tumikhim. Paige simply nodded at binalik na ang baso. Tsaka ko lang naramdaman na kanina pa pala ako pinapapawisan ng malamig. "What happened back there? why do you look so afraid nang dumating ako?" natigilan ako sa tanong ni Paige. I looked at her and I know that my eyes reflected the same fear that I felt earlier. I opened my lips to tell her what happened pero agad rin akong natigilan nang bigla akong mapaisip. 'Ano na lang ang sasabihin ni Paige kung malaman niya na iyon ang nangyari? kakabalik ko pa lang dito. Kung sasabihin ko ang totoong mangyari ay hindi malabo na iisipin niyang hindi pa ako magaling.' "What is it, Krystina?" basag ni Paige sa katahimikan. Imbis na sabihin sa kaniya ang totoo ay pilit na lamang akong ngumiti. "Nothing. I just felt a little bit scared nang nalaman ko na gusto nga talaga niyang patayin ang asawa niya. N-Nothing more nothing less." 'I'm sorry, Paige. But I have to play safe this time,' I thought and looked at her na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Do you mind if I come home a little bit early today? I am expecting some parcel of mine of mine to arrive kasi eh. I also have to fix and clean the house," pagsisinungaling ko. "S-Sure! Of course you can. You rest well okay? you don't look fine kasi," pabitin na sabi ni Paige. Mukhang tinatantya rin niya ang sinasabi niya sa akin. Tuluyan na akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumapit kay Paige. "Thank you for today. I didn't knew I missed doing this job until now. Thank you for having my back. I will do better tomorrow, I promise!" Paige smiled and pat my back. "You always do good, Krystina. Now give yourself a rest for doing a great job on your first day." Agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang tuluyan akong makalabas ng opisina niya. Nagmamadali akong naglakad palabas ng hospital dahil sa bigat na nararamdaman ko sa paligid. The place overflows with negative energy that I cannot explain. Malalim akong napabuntong hininga nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ko. 'Akala mo ba nakatakas ka na dahil lang tumigil ang nararamdaman mo? Pwes ipapaalala ko sa iyo na ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang boyfriend mo!' "Aghh!" mariin kong tinakpan ang tenga ko nang biglang nag-echo na naman sa isip ko ang sinabi ng pasyente ko kanina. 'Wala kang kwenta dahil kahit ikaw ay walang kawala sa mainit na apoy na naghihintay sa iyo sa impyerno dahil sa pagpatay mo sa boyfriend mo kaya kung ano sa iyo ay magsimula ka nang magdasal at humingi ng tulong sa diyos na sinasamba mo! "STOP! STOP STOP!" I screamed at frustrated na hinampas ang manibela ng sasakyan. Napaigtad ako nang natamaan ko ang pito ng sasakyan dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. "Ano ba?!" sigaw ng isang babae na nasa harap ng sasakyan ko na nagulat sa biglang pagpito ko. Masama ang tingin nito sa akin. "I'm sorry!" I mouthed to her. Asar itong umiling at nagpatuloy na sa paglalakad. Malalim akong napabuntong hininga at hinawakan ang kamay ko na nanginginig. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong takot pagkatapos ng ilang taon. Akala ko ay tapos na. 'Should I just go back to the US?' bigla akong natigilan nang maisip iyon. Unang araw ko pa lang sa trabaho pero gusto ko na agad umalis dahil lang sa isang pasyente. "Kung babalik ako sa US ay parang tinakasan ko lang rin ang sarili ko. Umalis ka para maging maayos pero bumalik ka paring maging mas matatag. Tandaan mo iyan," mariing sabi ko sa sarili ko at pinagsusuntok ang dibdib ko. Nakaramdam naman ako ng kaunting ginhawa kaya nagsimula na akong magmaneho. Plano ko sana ay dederetso ako ng uwi para magpahinga pero nadaanan ko ang Jollibee at biglang natakam nang makita ang fried chicken nila. Kaunti lang kasi ang branch ng Jollibee sa US kaya sobrang nakaka-miss. "Look at the time!" bulalas ko nang makita na pasado alas cuatro na pala ng hapon. Parang kanina ay kumakain pa lang kami ng lunch. Ang bilis nga naman ng oras kung okupado ang isip. "Hi! Welcome to jollibee! What's your order?" "Isa ngang one piece chicken supermeal," turo ko sa picture. The woman smiled politely and nodded. "Alright. Please proceed to the next station, thank you!" I stepped on the gas and advanced to the next station kung saan ko babayaran ang order ko. Pagkatapos kong magbayad ay pumunta na ako sa station kung saan ko kukunin ang order ko. While waiting for my order ay bigla kong narinig ang tunog ng kampana ng simbahan. Tsaka ko lang napansin ang simbahan hindi kalayuan. "Ma'am, I'm sorry but medyo matatagalan pa po ang chicken. Around 15 minutes po, will that be okay?" kinakabahang sabi ng crew. I smiled at her. "It's okay. I'll just park my car there," turo ko sa parking lot nila. "Thank you po!" masayang sabi ng crew. Like I said ay pinarada ko ang sasakyan ko sa parking lot nila at hinintay ang order ko. Pero ilang minuto pa lang ay nakaramdam na ako ng boredom kaya lumabas ako ng sasakyan. Plano ko sana na magpahangin lang pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad papunta sa direksyon ng simbahan. "What am I doing?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko. "Oh gosh, nababaliw na yata ako! Kinakausap ko na ang sarili ko!" naiiling na sabi ko. I stopped midway and stared at the church in front of me. I checked my watch and saw that only 3 minutes have passed. "Wala namang mawawala," kibit balikat na sabi ko at tumuloy na sa loob ng simbahan. Nagsisimula na ang misa pagkadating ko. I took a seat on the back and decided to listen to the priest. I looked around and saw that there were only a few people inside. Ang iba ay nga ay nakapikit na habang ang iba naman ay halatang hindi nakikinig. I was busy looking around when I was struck with what the priest said next. "When evening came, many who were demon-possessed were brought to him, and he drove out the spirits with a word and healed all the sick." Nagulat ako nang muli kong tignan ang pari at nakita itong nakatingin ng deretso sa akin na tila ba ako ang kinakausap niya nang sinabi niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD