BURNING IN HELL

2237 Words
Hindi ko maiwasang matawa nang mahuli ko na naman si Paige na nakatingin sa akin. "Baka gusto mong kunan na lang ako ng picture?" natatawang kumento ko at sumubo ng pagkain. We are currently having our lunch kasama si Nina at iba pang mga nurses na kasama namin sa lunch break. "I just can't believe that you are back. Y-You look so well," naiiling na sabi ni Paige. "Asus! Ang sabihin mo na-miss mo lang si Doc," kantyaw naman ni Nina na agad ikinapula ng pisngi ni Paige. "Oo nga, Paige. Ang totoo? na-miss mo lang talaga ako no?" dagdag ko. "Heh! tigilan niyo ako!" nanlalaki ang ilong na sabi niya at agad nang tinuon ang pansin sa pagkain. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Nina na pareho na lang rin na natawa kay Paige. Halata naman na nagiging defensive lang siya. Mukhang na-miss nga niya talaga ako. "I miss you too!" malambing na sabi ko at inakbayan si Paige at muling sumubo ng pagkain ko. Nagpatuloy ang masaya naming pagsasalo-salo nang mapansin ko ang ilang mga nurses na tumatakbo sa labas ng cafeteria. Agad na nagtama ang tingin namin ni Paige who have the same urgency in her eyes like mine. Walang salita na agad na kaming tumayo at sumunod sa mga nurses sa labas kahit hindi pa kami tapos sa pagkain. Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang malakas na sigaw ng isang lalaki. "Pakawalan niyo ako! Hindi ako baliw!" "Anong nangyayari dito?" kunot-noong tanong ko. "Doc!" tarantang sabi ng nurse. Akala ko ay sa akin siya lalapit ngunit nabigla ako nang nilampasan lamang niya ako at lumapit kay Paige na nakatayo sa likod ko. Paige gave me a worried look dahil sa ginawa ng nurse pero nginitian ko lang siya. I understand na hindi ako kilala ng nurse kaya hindi ako ang una niyang lalapitan sa ganitong sitwasyon. "Doktor ka po ba dito?" natigilan ako nang biglang may lumapit sa akin na isang matandang babae. Mukhang ilang araw na siyang walang tulog base na rin ase sa naninilim na ilalim ng mga mata niya. "Opo, ako po si Doktora Krystina Vera," pakilala ko sa sarili ko. My heart softened nang bigla na lamang nag-iba ang emosyon sa mukha ng pasyente. She looks like she is about to cry any moment from now. "Ano pong problema, Ma'am?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya at marahang hinimas ang balikat niya para pakalmahin siya. "A-Ako po ang asawa ng pasyente na dinala dito bago lang. Mabuting tao po ang asawa ko. Mabait at mapagmahal sa pamilya niya. Simula noon hanggang ngayon ay naging isa siyang mabuti ama ng pamilya namin pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagkaganito. B-Bigla na lamang siyang naging-" "MYRNA! KASALANAN MO ITO! PAPATAYIN KITA!" napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na siagw na iyon. Hindi makapaniwalang pinukol ko ng tingin ang direksyon ng hallway kung saan naka-detain ang bagong pasyente namin. It is a closed room pero rinig na rinig pa rin ang lakas ng boses niya. The woman in front of me cried even more. "H-Hindi ko maintindihan kung bakit ay bigla na lamang niya akong gustong patayin pati na ang mga anak namin," kwento niya at nanginginig na pinahid ang luha sa mga mata niya. "Maupo ka po dito muna, Ma'am," I assisted her to sit on one of the available seat dahil baka bigla na lamang siyang himatayin nang wala sa oras. "Teka lang, Ma'am," paalam ko sa kaniya at agad na kumuha ng inuming tubig at binigay iyon sa kaniya. "Salamat po, Doc," sabi niya and took a small sip from the water bottle. Her chest is still heavily rising. "Pwede ko po bang malaman kung ano ang nangyari at paano niyo po napansin ang biglang pag-iba ni Sir?" mababa ang boses na tanong ko nang makaupo ako sa harap niya. Hinayaan ko muna siyang mag-isip-isip at ipunin ang lakas ng loob niya. "Okay lang po kung ayaw niyang pag-usapan ngayon. Pwede naman po sa susun-" "Bata pa lang kami nang magkakilala kami ni Ben. Unang tingin pa lang ay alam ko na kaagad na siya ang lalaki para sa akin," panimula ni Myrna. The moment of the first time I saw Tyler immediately flashed at the back of my mind when she mentioned the day she met her husband. I was in a coffee shop studying because exams were fast approaching when a random guy approached me and whispered if he can share a seat with me. Takang-taka pa ano nung kung bakit siya bumubulong kahit pwede naman siyang magsalita ng normal. I remember looking around and noticed that there were a lot of vacant chairs and tables around us pero pinili niya talaga na maki-share sa akin. But something was telling me to agree and so I did. Little did I know that Tyler purposely did that because he noticed that they were men who was eyeing me. "So, do you still sleep or nah?" iyon kaagad ang tanong niya sa akin mismong pagkaupo niya. Weird right? "Ha?" lutang na sagot ko naman. Tyler checked my stuff and smiled a little bit. "Being a medical student must be hard. But you should also take care of yourself if you really want to care for others," Tyler blurted out of nowhere. For the first time in my life ay narinig ko ang katagang iyon. At nanggaling pa sa isang estranghero. I can still remember how my eyes watered while looking at Tyler na bigla na lamang nag-panic nang makita akong naiiyak. "Uy! Sorry!" natatarantang sabi niya at agad akong inabutan ng tissue. Tahimik na inabot ko naman iyon at pinahiran ang luha ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyang pumalahaw ng iyak. "Hala! Miss, sorry na. Huwag ka nang umiyak please! Eto oh? panda gusto mo?" napatingin ako sa maliit na keychain na merong maliit na stuff toy na panda. Hindi ko tuloy maiwasang matawa habang naiiyak dahil feeling ko ay kamukha ko na ang panda na iyon. "Doc, okay ka lang po ba?" "H-Ha?" napabalik ako sa kasalukuyan at nakita si Ma'am Myrna na nakatingin sa akin habang may pag-aalala sa mukha niya. "Umiiyak ka, Doc." As if on cue ay naramdaman kong may tumulong luha sa isa kong mata. Agad akong tumalikod at pinahiran ang luha ko. "Hindi pa nga ako nagsisimulang magkwento Doc, umiiyak ka na kaagad?" pabirong sabi ni Ma'am Myrna. "S-Sorry! May naalala lang po kasi ako," namumulang sabi ko. 'Shucks, nakakahiya naman. Umiyak pa talaga ako sa harap ng asawa ng pasyente.' Its just that her words struck me so much. Like I said, I was distant to men but that day when I met Tyler, I immediately knew that my life would change right at that point. And it did. He painted colors into my life but then took it with him when he left. Now what's left are faded pigment. "Mukhang pareho tayong nagmahal sa unang kita pa lang ah?" I can't help but feel amazed to Ma'am Myrna. On how she managed to make a joke despite of the heaviness that she feels because of the situation. Kung ako siguro ay hindi ko na kayang ngumiti. "Mukha nga po," natatawang sabi ko at muli nang humarap sa kaniya. "Balik na po tayo sa usapan." Nawala ang kakulitan sa ekspresyon ni Ma'am Myrna na pinalitan ng seryosong ekspresyon. "Maayos naman ang pamumuhay namin kahit mahirap lang kami. Pero nitong huli ay nalaman ko na ang lahat ng pera na naipon namin ay pinuhunan ng asawa ko sa isang manloloko. Ang pera na ilang taon naming pinag-ipunan ay nawala na parang bula. Doon nagsimula ang lahat ng problema namin. Araw-araw nang wala sa bahay ang mister ko at hindi mahanap kung saan nagpupunta. Iilang beses lang siya kung umuwi ng bahay pero sa tuwi ay lagi siyang lasing at nanakit. Pinilit kong intindihin noong una pero patagal ng patagal ay palala siya nang palala hanggang sa isang gabi ay natagpuan ko na lang n-na p-p-" mabigat sa loob na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Ma'am Myrna na tila ba sobrang hirap ng sunod na kataga na sasabihin niya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya at nginitian siya ng kaunti to provide her a support. "Isang gabi nagising na lang ako sa malakas na ingay kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto. N-Nagulat na lamang ako nang m-maabutan ko siyang hawak sa leeg ang bunsong anak namin at sinasakal ito." Pakiramdam ko ay parang kinuyumos ang puso ko nang tuluyan na siyang pumalahaw ng iyak. I can't imagine how she must have feel looking at the mans he loves do that to their child. "S-Sinubukan namin siyang kalasin mula sa anak namin dahil nangingitim na ang labi nito pero sobrang lakas niya. Nag-iba rin ang boses niya. Mabuti na lang at agad kaming nakatawag ng tanod sa bahay. Tatlong tanod pa ang nagtulungan para lang pakawalan niya ang anak namin!" Pinigilan ko ang sarili kong mapakunot ng noo sa narinig. Kung susuriin ang asawa ni Ma'am Myrna ay hindi siya malaking tao kaya nakakapagtaka para sa akin na tatlong tao ang nagtulungan para sa kaniya? "Nakakakilabot. Tandang-tanda ko pa kung paano siya magwala noong gabing iyon at sabihan ako na babalikan niya kami ng pamilya niya at papatayin. I-Ibang-iba siya sa asawa ko. Pakiramdam ko ay hindi siya iyon. Kahit asawa ko ang kaharap ko ay ramdam na ramdam ko na sa likod ng pamilyar niyang mukha ay may iba nang nasa loob niya," nahihintakutang sabi ni Ma'am Myrna. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang balahibo niyang nananayo habang nagkukwento. Pati tuloy ako ay nanayo rin ng balahibo. This is the first time for a while that I felt that familiar tingling sensation. Na tila bang may ibang presensya kaming kasama maliban sa aming dalawa na nag-uusap. "Ma'am?" pareho kaming napatingin kay Paige na hindi ko manlang napansin na lumapit sa amin. "P-Po?" maang na sagot ni Ma'am Myrna. Paige gave me a glance bago niya tinuon ang pansin kay Ma'am Myrna. "Gusto lang po namin sana kayong interbyuhin tungkol sa asawa ninyo kung maaari?" mababa ang tono ng boses na sabi niya. Marahan kong pinisil ang kamay ni Ma'am Myrna na ngayon ko lang napansin na hawak ko pa rin. "S-Sige po," tipid na sabi ni Ma'am Myrna at tuluyan nang tumayo at sumunod sa isang nurse na kasama ni Paige. "What do you think?" I asked Paige nang maiwan kaming dalawa. "Hindi pa ako sigurado but most cases like these are schizophrenia, right?" Wala sa sariling tinignan ko ang direksyon kung saan naka-detain ngayon ang pasyente. "Maybe. Maybe not," tipid na sagot ko. Most violent patients who just suddenly hurt their loved ones tend to have schizophrenia but my gut feeling is telling me that there is something more in this case. "If you want you can check on Mr. Javier while I talk to his wife," hindi makapaniwalang tinignan ko si Paige nang marinig ang sinabi niya. Kanina lang ay para siyang gulat na gulat na nandito ako and now she is entrusting me one of our patients? "Weh? seryoso ka diyan? pagkakatiwalaan mo ako?" pabirong tanong ko. "Of course! Ikaw pa! Ikaw lang naman si Krystina Vera na top notcher ng batch natin!" feeling ko ay lumaki ng kaunti ang ulo ko sa papuri ni Paige sa akin. "Oo na! Oo na!" kinikilig na sabi ko at mahina siyang tinulak papunta sa direksyon kung saan sina Ma'am Myrna. "Good luck on your first assignment for today!" Paige cheered me and finally went to her way. Agad nawala ang ngiti ko nang maiwan akong mag-isa sa hallway. I let out a heavy sigh at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto kung saan naka-detain si Mr. Javier. Malayo pa lang ay ramdam ko na ang hindi maipaliwanag na pananayo ng balahibo ko. 'Maybe because it's my first time working after years," Pangungubinsi ko sa sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nilakasan ang loob ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto. Naabutan ko naman si Mr. Javier na nakayuko habang ang parehong kamay at paa niya ay nakatali. This is only legal when the Physician ordered detainment of the patient with a reasonable cause. Bawal na i-detain at taliin ang pasyente nang walang rason and it only have a number of hours. "Mr. Javier?" mahinang tawag ko sa kaniya. Unti-unti niyang tinaas ang ulo niya at pinukol ako ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng nerbyos pero isinantabi ko iyon. Marahan kong hinila ang upuan sa harap niya at naupo doon. Tahimik lang naman ang pasyente na sinusundan ang bawat galaw ko. "Mr. Javier, ako po si Krystina Vera isa sa mga doktor dito. May kaunting katanungan lamang p-" Natigilan ako nang mapansin ko na bigla na lamang ngumisi sa akin si Mr. Javier. "Mukhang hindi lang naman pala ako nag-iisa na nasusunog ang kaluluwa sa impyernos," kinilabutan ako sa lalim ng boses niya na sinamahan pa niya ng nakakatakot na ngiti. "P-Po?" mabilis ang t***k ng dibdib na tanong ko. Mas lalong lumapad ang nakakatakot na ngiti sa labi ni Mr. Javier habang nakatingin sa akin. "Alam mo ba na nasusunog sa impyerno ngayon ang lalaking mahal mo?" I felt like my heart dropped the moment he said those words. The room was then filled with his ungodly laugh which made me shake in fear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD