ESCAPE

2212 Words
"How are you feeling right now?" naputol ang pagmumuni-muni ko habang nakatulala sa labas ng bintana ng kwarto ko. I can't believe that the place I used to come for work became my prison for months. Hindi ko na nga mabilang kung ilang buwan na akong nandito. I lost track since the 2nd month I've been here. I am sure to myself that I am not insane, there are just some things going on in my mind and I know that this place is not where I can find the help that I need. "I am okay," tipid na sagot ko and smiled a little bit to my friend Paige who became my doctor. Paige looked at me for a few seconds, probably assessing if what I said was real bago malalim na napabuntong hininga at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Lihim akong napangisi sa sarili ko nang gaya sa inaasahan ko ay inalis nga niya ang salamin na suot niya at minasahe ang gilid ng mata niya bago muling sinuot ang salamin niya at tinutok na ang tingin sa akin. Sa ilang buwan na siya lang ang palagi kong kaharap ay halos saulado ko na ang tila ritwal na ginagawa niya tuwing ako ang kaharap. Ang nakakapagtataka para sa akin ay ang ilalim ng mga mata niya na tila mas lalong umiitim sa pagdaan ng panahon. 'Is she even sleeping?' I can't help but wonder. "I'm sorry, Paige," mahinang sabi ko na ikinagulat niya. "Why so?" takang tanong niya. Humugot ako ng malalim na hininga at nagtaas ng tingin sa kaniya. Iba't-ibang istilo na ang ginawa ko na akala ko ay makakatulong sa akin para makalabas dito pero palaging sa tingin ni Paige ay wala pa rin ako sa aking tamang pag-iisip. Kahit sabihin ko sa kaniya ang totoo ay ako lang rin ang nahihirapan. Minsan hindi ko tuloy maiwang mapaisip kung lahat ba ng naging pasyente ko ay meron ngaba talagang problema sa pag-iisip ko? o kagaya ko rin sila na nakakaranas ng ganitong hindi maipaliwanag na pangyayari. "I am not actually sure how to say this because I feel like I sound absurd but can you tell me what I am doing here? Why am I here as a patient in the same hospital where I work?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. Wala na akong maisip na ibang pwede kong gawin para makaalis sa lugar na ito. Sa ganitong lugar ay baliw ang tingin sa mga taong kagaya ko. Shock is registered on Paige's face na may halong pagdududa. Of course, she should know better. Most patient's tend to lie about their condition in order to escape. "What's the last thing that you remember?" "I-I," nagkunyari akong naguguluhan at nag-iisip. "The last thing that I remember is that-" pabiting sabi ko at humikbi. Plano ko sana na magkunyari rin sa pag-iyak pero bigla kong naalala na naman si Tyler. The pain that I have been avoiding all this time suddenly hit me. "Oh, Kristina," nakikisimpatya na sabi ni Paige at hinimas ang braso ko habang tinitignan ako. "I'm sorry. It's just that masakit pa rin para sa akin ang pagkamatay ni...ni-" "Don't force yourself if you find it difficult, Kristina. But know that I will be here to help you get through with the process of pain." Paige comforted me hanggang sa tuluyan na talaga niya akong niyakap. Maybe having Paige as my doctor is an advantage because she have a soft spot for me dahil kilala niyaa ko. I cried my heart out kahit ang sabi ko sa sarili ko ay pagod na akong umiyak. Masakit na nga ang nangyari sa buhay ko dumagdag pa ang hindi ko maipaliwanag na nangyayari sa akin. Ano kaya ang trip ng buhay ko sa akin? "Paige." "Hmm?" she hummed and pulled away from our hug. Mariin kong kinagata ang labi ko nang muntik ko nang sabihin na gusto kong makita si Mama. Nakalimutan ko na nagkukunyari nga pala akong nagka-amnesia kaya dapat ay hindi ko alam na umuwi dito si Mama. "Can you help me? I want to leave here as soon as possible. I miss my Mom and my Sister. I want to leave and visit them as soon as possible. Pakiramdam ko ay para akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ko," madramang sabi ko. Nakita ko naman ang lalong paglambot ng mukha ni Paige habang nakikinig sa drama ko. "Of course! I forgot to tell you. Your Mom is here in the Philippines, you might have forgotten about it but she was there for you ever since you got in here." "T-Talaga? My mom is here?!" kunyari ay gulat na tanong ko at natatarantang lumapit sa pinto at sumisilip sa labas. "I thought she's here but she's not," bagsak ang balikat na sabi ko. Paige stood to my side at hinawakan ang balikat ko. "I will call her to come here and maybe we can discuss further about what's going on, will that be okay with you?" I nodded eagerly. "Please pakisabi kay Mommy na bilisan niya." "I will," Paige said and smiled. She stayed for a few more minutes before she finally left. Naiwan akong malapad ang ngisi sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana ko. Hindi kalayuan sa hospital kung nasaan ako ngayon ay isang paaralan. It never bothered me at first pero ngayon ko lang naisip na hindi pala maganda iyon dahil paano na lang kung may makawalang pasyente namin and worst they are violent? Plus, the view of students happily passing by the street in front of the hospital makes me sick. Nakakabaliw isipin na habang masaya sila ay nandito ako sa loob at nakakulong. Kung ako ay ganoon ang naramdaman, paano na lang kaya sa iba pa naming mga pasyente? Nawala ang ngiti sa labi ko nang mula sa gilid ng mata ko ay may nakita na naman akong anino na dumaan sa likod ko. I let out a heavy sigh at hindi na lang pinansin iyon. Unti-unti nang nawawala ang takot ko sa panaginip ko at sa nakikita ko paminsan-minsan. Mukhang epektibo naman dahil sa tuwing pakiramdam ko magkakaroon na naman ako ng masamang panaginip ay bumbalik pa rin ako sa tulog hanggang sa nabawasan na ang takot ko. Surprisingly, nabawasan niyon ang nakakatakot kong panaginip. Sa tingin ko kung patuloy kong hahayaan na lang iyon ay makakarating rin ako sa punto na kusa na lang iyong titigil. Hindi pa ako sigurado but I really hope so. "Kristina!" I shoot up from the seat when I suddenly heard my Mother called my name. Parang ilang minuto pa lang naman na umalis si Paige sa kwarto ko pero nandito na ngayon si Mommy sa kwarto ko. "Mommy!" mangiyak-ngiyak na tawag ko sa kaniya at agad na tumakbo palapit sa kaniya. She opened her arms and gave me a tight hug. "Oh my, Kristina. Mommy have been so worried about you!" nanghihinang sabi ni Mommy. Inalalayan ko siyang umupo sa taas ng kama ko dahil mukha siyang hihimatayin. Looking at my Mother now, I can't help but feel guilty while looking at the aging lines on her face along with her tired expression. "Mom? why are you still worried? I am okay!" natatawang sabi ko and showed off myself to her. Nangunot ang noo ni Mommy habang nakatingin sa akin pero saglit lang iyon at agad rin siyang ngumiti. "Mommy will not leave your side from now on, do you want to leave with me for US?" she offered. I almost threw my fist on the air nang marinig ang sinabi niya. Of course I want to, iyon nga ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito eh. Kung dati ay ayaw na ayaw ko talagang umalis because I am pressured to watch them smile and live their normal life habang ako naman ay nagdadalamhati pa rin sa pagkamatay ni Tyler. But I don't have a choice now. Leaving for US is the only chance that I can think of to leave this place. "Yes, Mommy. Please take me with you. I don't want to be alone. I don't think I can bare this pain without you, Mom," maluha-luhang sabi ko. "Alright, Alright my love." malambing na sabi ni Mommy at pinahid ang luha ko na tumulo sa isa kong mata. Pinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang paghimas ni Mommy sa pisngi at likod ko. I can tell from the gentleness of her touch that she loves me so much. 'What is sumama nga talaga ako sa kaniya sa US. Will things be different? mangyayari ba sa akin sa US ang nangyayari sa akin ngayon?' I don't know the answer to my own question pero isa lang ang pwede kong gawin. That is to see if patuloy ko pa rin bang mararanasan ang nangyayari sa akin ngayon sa US. Maybe if I will try to treat myself better this time ay mawawala rin ito. "I'll go talk to Paige," paalam sa akin ni Mommy at tuluyan nang tumayo. She caressed my cheek one more time while staring at me with full of love bago niya ako tuluyang iniwan sa loob ng kwarto ko. Hope filled my heart pero pinigilan ko ang sarili ko na umasa masyado dahil mahirap na kung hindi iyon nangyari at masaktan lang ako. 'Pero sana lang talaga. Sana ay hayaan na nila akong makaalis dito." THIRD PERSON'S POV: "Paige," natigil sa pagsusulat si Paige sa chart ng isa niyang pasyente nang marinig niya ang boses ng Mommy ni Kristina sa labas ng opisina niya. She immediately stood up at binuksan ang pinto. "Tita," bati niya dito at inaya itong umupo sa harap ng mesa niya na agad naman nitong ginawa. Paige can't help but notice the worry on the face of her friend's mother. "What's wrong, Tita?" hindi niya maiwasang itanong. She called her and explain the situation of the is currently going on with her friend bago niya ito hinayaang pumasok sa loob ng kwarto ng kaibigan niya. Kristina have been harmless since then kaya walang problema kung may bibisita man sa kaniya. "I want to take my daughter with me now." "P-PO?!" gulat na bulalas ni Paige nang marinig ang biglang desisyon nito. "I know this is suddenly but please make the arrangement, Paige," malumanay na sabi nito habang nakikiusap ang tingin na binibigay sa kaibigan ng anak niya. Paige took several deep breathes para pakalmahin ang sarili niya. Ayaw niya munang mag-react dahil baka masaktan niya ang ina ng kaibigan niya. "I'm sorry to tell you this, Tita. But the truth is, I don't think that Kristina really lost her memory. I-I-" hindi niya matuloy ang sasabihin niya dahil hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa ina ng kaibigan niya na nagsisinungaling lang ang kaibigan niya para makaalis. Natigilan si Paige nang maramdaman niyang hinawakan ng Ina ng kaibigan niya ang kamay niya. She looked down to her and saw her staring at her with a pleading eyes. "I know that. I also have the same feeling with you but I don't think this is the place where my Kristina will be okay. She is experiencing pain, Paige. Pain is not something that can be healed alone. It needs the help of the people you love to cover the wound or at least lessen its severity." Paige never felt so torn in her entire life until today. She is torn between being a good doctor and hold on to her patient or be a good friend and let go of her friend. "Please, Paige. I will take full responsibility of what might happen. If Krystina will start to show symptoms of aggression and sanity, I will be the one to take her back here. But let us go for now, I believe this will also be a good opportunity to try a different approach to Krystina's condition," patuloy na pakikiusap nito. Paige sighed and smiled. Ano pa ngaba ang magagawa niya? Ina na mismo ng kaibigan niya ang nagmamakaawa sa harap niya. "I'll prepare the papers," she finally gave in. Relief is immediately evident on Krsytina's mother. "Thank you, Paige. I owe you this one!" puno ng pasasalamat na sabi nito at tuluyan nang umalis ng opisina ni Paige. Naiwan naman si Paige na mag-isa sa opisina niya who started to feel uneasy now that she is finally alone again in her office. These past few months have been difficult for her. There are some things that's going on that she cannot name because she is afraid that she will realize to herself that she is insane. 'All of these things happened the day Krystina arrived. Will it solve itself when she's gone?' She can't help but wonder. "Maybe letting her go is the right thing to do this time," she said to herself at umupo na sa harap ng mesa niya and prepared the discharge papers of Krystina with a hope that it will also be the solution to her situation. "Paige," the faint voice she always hear started to call unto her again. Muntik nang mayukot ni Paige ang papel na sinusulatan niya kung hindi niya lang napigilan ang sarili niya. "I am not insane!" mariing sabi niya sa sarili but the voices the she hears often says otherwise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD