"On behalf of Singapore Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay!”
Naalimpungatan ako nang marinig ang announcement ng pilot na nandito na kami sa destination namin. Sinilip ko ang labas at nakita na gabi na pala. I looked around and everyone is starting to wake up, maliban na lang sa katabi ko na mahimbing pa rin na natutulog.
'Gigisingin ko ba 'to?' marunong naman siguro siyang gumising ng kusa?
Hanggang sa tuluyan nang nakalapag ang eroplano at nagsimula nang lumabas ang mga pasahero ay tulog pa rin si Elijah. Plano ko sana na tumayo na at mauna nang lumabas pero bigla naman akong nakaramdam ng konsensya na iwan siya. Nakangiwing nilingon ko si Elijah na mahimbing pa rin na natutulog. He looks tired base na rin sa pangingitim ng ilalim ng mga mata niya.
I noticed that the flight attendants were looking at us kaya wala akong choice kundi gisingin na lang siya. "Elijah," I called to him and gently pat his shoulder. Nabigla ako nang agad siyang nagmulat ng mata at tinignan ako. "Nandito na tayo."
Elijah sat up straight and looked around. "I'm sorry, did I make you wait?" nag-aalalang tanong niya nang mapagtanto na kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng eroplano maliban sa mga flight attendants.
I smiled a shook my head. "No. It's okay." As a medical profession, naiintindihan ko ang sitwasyon niya. He must have been up all night trying to finish all his work before he leave. Dagdag pa na hindi biro ang expectation ng mga tao sa kaniya.
Elijah smiled widely at me. "Thank you for waking me up," sincere na sabi niya. He really have the brightest smile I've ever seen. Sabagay, kung ganiyan lang rin kapantay ang ngipin ko ay palagi na lang akong ngingiti. Elijah have a perfect set of white teeth. Napaisip tuloy ako kung totoo ba iyon o veener lang.
'Takte Krystina, sa dami ng problema sa mundo inuna mo pang isipin kung totoo ba ang ngipin ni Elijah o hindi.'
I can't help but notice the flight attendants checking him out while we are on our way out of the plane. Kahit sa mismong airport ay may ilang babae na napapalingon sa kaniya. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. Sobrang fresh pa rin kasi ni Elijah kahit kakagising niya lang at kulang sa tulog pero ako ay parang pinakulam ang mukha. Nag-retouch naman ako kanina during out layover.
Wala sa sariling nilingon ko si Elijah na deretso lang ang tingin sa harap habang naglalakad. I can't blame those women for though. Elijah is tall for a typical Filipino. His feature also speaks about his hidden mixed blood. Sigurado ako na hindi siya purely Filipino lang. He have this aura and confidence which made me admire him. He looks so sure of himself.
Umiwas na ako ng tingin sa kaniya bago pa man niya ako mahuling nakatitig sa kaniya. Pumunta kami sa kung saan ang kinukuha ang mga luggage and waited for our bag to come out. Hindi naman tumagal at nakita ko na ang bag ko. Nilapitan ko iyon at binuhat pero sa kasamaang palad ay mas mabigat pa yata ang bag ko kesa sa mismong timbang ko kaya imbis ang bag ko ang buhatin ko at ako ang kinaladkad ng bag ko.
"Hala! Paking yawa!" tarantang sabi ko nang ako mismo ang hinihila ng sarili kong bag.
Bago pa man ako maging isa sa mga luggage ay bigla na lang umangat ang bag ko. "Here, I got you." Elijah said and placed my own bag sa push cart. Hiyang-hiya ako nang mapansin ko na nakatingin pala ang mga tao sa akin.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Elijah sa akin. Nanigas ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa isa kong balikat.
"I'm okay! T-Thank you!" hindi makatingin na sabi ko at napayuko na lang.
'Pangatlo na 'to! Ilan pa ang mararanasan ko?' Bakit ang malas-malas ko talaga tuwing si Elijah ang kasama ko? Sana pala sinama ko si Lucky. Makunan nga siya ng pet passport.
'Speaking of Lucky. I'll call Perisha later before I sleep to check on my cat. Baka ano nang pinanggagawa niyong babaeng iyon sa pusa ko.'
I waited for Elijah to get his luggage bago sabay kaming lumabas na ng airport. Malayo pa lang ay nakita ko na ang isang lalaki na bitbit ang malaking placard with Elijah's name on it. 'Kung pinagtitripan ka nga naman ng pagkakataon.' I thought when I saw the logo of the hotel where I booked to stay on the placard. That same hotel is where the convention is to take place kaya iyan ang kinuha ko kahit na mahal ang room.
Bigla na lang tumigil si Elijah kaya tumigil rin ako at hinarap siya. "Where will you be staying? maybe I can drop you off or something?" he offered.
I looked at the man who is holding the placard. Nahihiya naman ako na sumabay sa kanila dahil panigurado binook iyan ni Elijah himself. "Umm.."
"Wait! Don't tell me we're staying in the same hotel?" hindi kaagad ako nakasagot nang makita ko ang saya sa mukha ni Elijah.
"H-Ha?" lutang na bulalas ko.
"Come with us!"
Bago pa man ako maka-react ay mabilis na niyang inagaw ang sarili kong push cart at tinulak iyon papunta sa lalaki. "Uy! Elija!" I immediately ran after him para sana pigilan siya pero huli na dahil sinabihan na niya ang lalaki.
"Sure! Sure!" mabait na sagot ng lalaki at ngumiti sa akin. "You can come with us!"
I forced a smile kahit nahihiya ako. "Thank you!" I can see from my peripheral view that Elijah is smiling while looking at me. Sayang-saya yata ang loko na marami pang kahihiyan ko ang makikita niya.
As planned ay sumabay nga ako sa kanila sa van papunta sa hotel kung saan kami tutuloy. I was looking outside the window and admiring the scene when Elijah talked to me. "Are you hungry? do you want to stop by somewhere and eat?" he offered.
Sasagot sana ako na hindi pero syempre, traidor ang sarili kong katawan ngayon. Bigla na lang kumulo ang tiyan ko. Agad na nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan nang tumawa si Elijah at si kuya driver. "I'll take that as a yes."
Dahil gabi na at hindi naman namin alam kung saan kami kakain ay naisipan namin na sa mismong restaurant na lang kami ng hotel kakain mismo. I took out my wallet para sana kumuha ng pera na ibibigay na tip sa driver nang maalala ko na hindi pala mahilig sa tip ang mga Chinese.
We arrived to our hotel and the driver helped us to take out our luggage. Agad naman na lumapit sa amin ang bell boy para tulungan kami sa dala namin. We thanked the driver at pumasok na sa hotel. We went to the restaurant and ordered something to eat. Dala ng gutom ay hindi na kami nagpansinang dalawa at kumain na lang. Because it's already late at night ay nag-settle na lang ako sa sandwich kagaya ni Elijah.
"Excuse me," paalam ni Elijah at agad nang tumayo. Pinagkibit balikat ko na lang kung saan siya pupunta. Baka sa cr lang naman. He was gone for almost 10 minutes before he went back.
"Let's go?" yaya niya sa akin.
Tumayo na ako at sumunod sa kaniya palabas. Hindi na namin kailangang bayaran sa ngayon ang kinain namin dahil idadagdag lang iyon sa total bill namin kung mag-check out na kami.
Tahimik lang kami ni Elijah na naglakad papunta elevator. "What floor are you?" he asked nang makapasok kami.
"5th," nagtaka ako nang nakangiting nilingon ako ni Elijah. His eyes were full of amazement.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Nothing," tipid na sagot niya at umiling.
I was stunned nang number lang ang pinindot niya na button sa elevator. 'Wait! Don't tell me we are going to stay in the same floor?!' My suspicion was right nang bumukas ang pinto sa fifth floor at pinauna ako ni Elijah lumabas bago sumunod sa akin.
'Please! Please! Please! Huwag naman sana magkatabi ang kwarto namin!' lihim na panalangin ko sa isip pero mukhang nagpapahinga yata ang kalangitan ngayon kaya hindi natupad ang panalangin ko.
Bumagsak ang balikat ko nang tumigil si Elijah sa pinto na kaharap lang mismo ng sarili kong pinto. "My room is here. How about yours?" curious na tanong niya sa akin.
I bit my lip and pointed at the door in front which is mine. "Dito."
"It seems like the stars aligned for us to be together all throughout." I heard Elijah said something pero hindi ko klaro na narinig iyon dahil mahina lang ang pagkakasabi niya.
"Ha?"
Elijah smiled and shook his head. "Nothing. Go in now," turo niya sa sarili kong pinto.
"Okay," tipid na sagot ko at binuksan na ang pinto ko at pumasok. I looked back at him before I close my door. Agad siyang ngumiti nang makita akong nakatingin sa kaniya.
"Sleep well, Krystina," malumanay ang boses na sabi niya.
"You too, Elijah." nahihiyang sabi ko at agad nang sinarado ang pinto.
Sumandala ko sa likod ng pinto at pinakalma ang sarili ko. "Hoy teka! Bakit ganito?!" kausap ko sa sarili at pinakiramdaman ang malakas na t***k ng puso ko. Hindi naman ako nakainom ng kape.
I let out a heavy sigh and decided to shrug it off instead. I excitedly went to my bed and hopped on it. Ang plano ko na tawagan sana si Perisha ay hindi nangyari dahil agad akong nakatulog. Mabuti na lang at nagising ako 2 hours earlier before our scheduled seminar. I ordered a breakfast to be delivered in my room at naghanda habang wala pa iyon. Saktong kakatapos kong maligo nang dumating ang breakfast ko.
I took my time to eat and prepare dahil marami pa namang oras. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na akong pumunta sa event hall para makakuha ng magandang pwesto. I am 1 hour earlier kaya madami pang bakanteng upuan. Pinili ko na umupo sa may bandang harap para maganda ang view ko sa speaker. I unconsciously looked at the vacant chair beside me and immediatelty thought of Elijah.
'Should I reserve this seat for him?' I thought. I was internally debating with myself for a few minutes bago ako napa-oo ng sarili ko rin.
"Fine!" napipilitang sabi ko at nilagay ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko. Dahil matagal pa naman magsimula ay naisipan ko munang mag-f*******:.
"Krystina!" nagtaas ako ng tingin and some of my classmates during my study approaching me.
"Uy!" masayang sabi ko at tumayo para salubungin sila.
"May kasama ka?" one of my friend asked me. Napatingin ako sa upuan kung saan ko iniwan ang bag ko.
'Well, technically ay hindi ko naman talaga kasama si Elijah. Right?'
"Yes," nakangiting sabi ko. We were catching up when I saw from the corner of my eyes that Elijah finally entered the room a few minutes before the convention starts. Nanghaba ang leeg niya kakahanap ng bakanteng upuan dahil punuan na.
'Kita mo itong loko na ito. Late na! Pasalamat talaga siya at nandito ako!'
"Elijah!" I called to him. Agad naman napunta sa akin ang atensyon niya. He smiled when I pointed the vacant seat beside me.
I can't help but notice the reaction of my friends. They all look shocked habang nakatulala lang kay Elijah. 'Makamandag talaga si Elijah.'
"Hayy nako! Anong oras na ngayon ka lang? pasalamat ka talaga at nauna ako at ni-reserve kita," naiiling na sabi ko sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit.
Elijah smiled widely at me. "Thank you! You're a life saver!" Naiiling na inirapan ko lamang siya which made him chuckle.
Sakto naman na nagsimula na ang event. I settled on my seat when the program started and the MC opened the event. Naagaw ng atensyon ko ang cellphone ko na nag-vibrate sa loob ng bulsa ko. Kunot-noong nilabas ko iyon at nakita na si Perisha ang tumatawag sa akin via messenger.
I decided not to answer the call at i-chat na lang siya. I was typing my chat to her nang mauna siyang mag-chat sa akin.
"Hoy bakla! Si Lucky naglayas!"
"Welcome to the seminar on ‘World Healthcare Congress’. I take this opportunity to welcome today’s Chief Guest Dr. Elijah Bustamente, to discuss health care delivery and pricing issues, sharing details of new innovations and strategies to improve the health care ecosystem. for this seminar today. "
Napapalakpak ako nang wala sa oras nang narinig kong pumalakpak ang mga tao sa paligid kahit wala akong ideya kung ano na ang nangyayari. Natigilan ako nang biglang tumayo si Elijah sa tabi ko.
"Saan ka pupunta?" lutang na tanong ko sa kaniya. Imbis sagutin ako ay ngumiti lamang siya sa akin at pumunta sa harap. Nalaglag ang panga ko when I saw his picture on the big screen and his name along with the capital "CHIEF GUEST SPEAKER".
"Good morning, everyone," Elijah spoke on the microphone and smiled. I swear I even heard someone screamed in excitement.
Napahalungkat ako ng brochure nang wala sa oras. "The hell?!" bulalas ko nang makita ang pangalan ni Elijah doon. Nabasa ko na ito kahapon pero hindi ko manlang napansin na nakalagay pala ang pangalan niya?
Ilang minuto akong natulala na lang habang inaabsorb ang nangyari.