Tahimik akong pumasok sa bahay. Hindi pa halos sumisinag ang araw, pasalamat na lang ako at nakahanap ako agad ng taxi paglabas sa napakalaking lugar na iyon.
Grabe. Sa sobrang laki ng building mula sa condo ng lalaki ay halos maiyak na ako kakaisip na baka naliligaw ako.
Dahan-dahan kong binagtas ang daan papunta sa kusina. Patay na lahat ng ilaw na nasa bahay kaya sigurado akong tulog na ang dalawa. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Napakasaya ko na kapag hindi ko nakikita ang dalawang iyon sa bahay.
Gustuhin ko man nga ang lumipat ay umaasa pa rin ako ng kaonti na pagkatapos ng siyam na buwan ay babalik kami sa dati ni Cornell. He stil has the chance kaya sana naman pagkatapos ng lahat ng ito ay sa akin siya bumalik.
Nakailang baso ako ng tubig. Sobra-sobra talaga ang nararamdaman kong pagod at uhaw. Para na rin kasi akog naglakad sa luneta park sa sobrang laki ng lobby ng condo na 'yun.
"Sinong kasama mo?"
Halos maibuga ko ang iniinom sa biglaang pagsulpot nang malalim na boses na iyon. Nagpalinga-linga pa ako bago makita si Cornell na nakaupo sa pinakaibabang palapag ng hagdan. "Hindi sinasagot ni Tina ang telepono niya. Saan kayo nagpunta? Felicity, alas-singko na ng umaga!"
Natameme ako sa huling sigaw na iyon. Is he mad? At teka, bakit siya magagalit? Siya pa ba ang may karapatang magalit?
Ibinaba ko ang hawak na baso saka binuhat muli ang mga gamit. Hindi ko siya gustong kausapin, hindi ko na kayang tingnan siya mata sa mata.
Paano nagawa ng lalaking ito na gaguhin ako? Paano niya nagawang paniwalain ako sa lahat ng kasinungalingan niya?
"Felicity!" Tinawag niya akong muli pero hindi ko na siya pinansin. Akala ko matatapos na roon ang pag-uusap kaya lang ay bigla niya akong hinigit dahilan para mahulog ang lahat ng bitbit ko.
"Ano ba?" tahasan kong sabi. Wala na akong pakealam kung sino pa ang makarinig o kung magising man ang kabit niya. Hindi ko man masabi kung dala pa ba ito ng alak pero ito ang unang pagkakataong nasigawan ko siya.
We had a simple marriage. Alam kong mahal namin ang isa't isa kaya hindi ko alam kung bakit kami umabot sa ganito.
"Saan kayo nagpunta?" Matigas na ang pakakasabi noon ni Cornell. Halos matabunan ako ng pigura niya at mula rito ay kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang niya. "Sino ang kasama mo, Felicity?"
Gusto ko siyang tawanan. Gusto kong magwawala at ilabas ang galit pero itinikom ko lang ang bibig ko. Kung mayroon mang nakakakilala kay Cornell dito, ako 'yun. Alam na alam ko kung anong ayaw niya, isa na roon ang pagiging tahimik ko lalo na kapag tinatanong o kinakausap.
Hindi nga ako magkamali. Ilang segundo lang ay tuluyan nang nandilim ang mukha niya. Halos nmapasigaw naman ako ng bigla niyang higitin ang mga braso ko at mahigpit na hinawakan iyon. "Cornell. . . ano ba? Bitawan mo ako!"
Pero parang wala itong narinig. Patagal nang patagal ay mas lalong dumidiin ang pagkakahawak nito. "Ano ba? Nasasaktan ako!"
"Felicity, sabihin mo sa akin ang totoo! Sino ang kasama mo? Hindi si Tina, ano? Tell me!" Halos pumutok ang litid niya sa pagsigaw. Sa limang taon, I'm telling you all, ito na ang pinakamalalang away namin. Noon, ni hindi nga namin magawang sigawan ang isa't-isa.
Para bang napigtas na rin ang pasensya ko sa nangyayari kaya tuluyan na akong sumigaw. "Why do you care? Kung si Tina man ang kasama ko o kung sinong lalaki dyan, how's that even concern you–"
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Sunod ko na lang naramdaman ang parang pagkamanhid ng pisngi sa sobrang lakas ng sampal ng lalaking nasa harapan ko. Sa sobrang lakas nga ay halos masubsob pa ako sa sahig. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang pagragasa ng mga luha. Gusto kong tawanan ang sarili, gusto kong magtatalon sa katangahan ko. Gaano ko man kagustong hilingin na sana sa sampal na iyon ay natauhan na talaga ako o hindi naman kaya ay sana naalog na ang ulo ko para naman hindi ko na isinisiksik ang sarili ko rito — para naman matanggap ko na ang lahat at sumuko.
Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin sa lalaki. Malambot ng muli ang ekspresyon nito sa mukha. Iyon bang parang hindi makagagawa ng katarantaduhan, iyong parang perpekto ulit. Over time, he perfected that. "Felicity, I'm sorry. I didn't mean to–"
"Hindi mo sinasadya ang ano?" Mapait akong humalakhak kaya natahimik si Cornell. "Ang saktan ako? Cornell! Ang tagal ko nang nasasaktan! Ang tagal-tagal na pero anong ginagawa ko? Sinisiksik ko ang sarili ko rito! Ginagawa ko ang lahat kahit pa ako na lang ang makisama sa kalandian niyo rito sa bahay. Hindi mo na ako nirespeto! Nakikipaglampungan ka sa kabit ko sa harapan ko mismo! Napakababastos ninyo!" Nagsimula kong pagpapaluin sa dibdib ang lalaki, paulit-ulit ko iyong pinagsususuntok. Ang sakit-sakit!
Ang sakit-sakit ng pinaggagagawa nila!
At iyon ang pinakamahirap tanggapin sa lahat eh, iyong ginawa ko naman ang lahat. Lahat ng kaya ko ibinuhos ko rin naman, sobra-sobra pa nga. Wala akong ginawang mali o masama para gantihan man ako ng ganito. Sinikap kong mabuting asawa, mabuting tao! Pero bakit. . . bakit sa isang iglap ganito na ang nangyari? Bakit parang ako pa ang kinakarma?
"Anong nagawa ko sa'yo, Cornell? Please. . . please, sabihin mo sakin kung anong maling ginawa ko sa'yo!" Palakas na nang palakas ang paghagulgol ko. Akmang mabubuwal na ako sa kinatatayuan nang tuluyan akong yakapin ng asawa. Halos binubuhat niya na nga ako lalo pa't hindi ko na magawang maramdaman ang mga paa ko. "Anong ginawa ko sainyo? Please f*****g tell me!"
Walang naging tugon si Cornell pero sa yakap nito sa akin ay ramdam ko ang pagpapakalma niya. Sa halos limang minuto, nagawa kong balikan ang lahat ng sakit na naranasan ko sa isang buwan, ang araw-gabing pag-iyak, ang ginawa nilang pagbigay ng stimulant drug sa akin para madali akong mamanipula, ang lahat ng araw-araw kong nakikita sa bahay na ito. . . lahat ng iyan ay gusto ko nang bitawan.
I've had enough. Alam kong late na ako, late ko nang magawang ma-realize pero alam ko sa sarili kong pagkatapos nito ay wala na ako ni isang pagsisisihan.
Pinunas ko ang mga luhang halos matuyo na sa pisngi ko nang mapansin kong hindi na ako umiiyak. Para bang bigla itong naubos. . . biglang nagsawa sa paglabas.
Humiwalay ako sa bisig ni Cornell. Inayos ko ang tayo ko, pagkatapos ay hinarap siya at tiningnan gamit ang blankong mga mata.
"Fely. . ."
"I had enough," nanginginig ang mga labi kong sabi. Kumunot agad noo ni Cornell doon. "You can have the baby and Zeina for as long as you want."
Nang makatunong sa susunod kong sasabihin ay marahas na itong umiling-iling. "Felicity–"
"Maghiwalay na tayo, Cornell. Pagod na pagod na ako sa sakit."