Labing-pito

1142 Words
"No!" Napasinghap ako sa sigaw na iyon. Nang makarinig ako ng mga yapak pababa ng hagdan ay kaagad kong nakita si Zeina na nakatingin sa amin. Aalis na sana ako ng mabilis akong yakapin ni Cornell. Ramdam na ramdam ko iyon, ramdam na ramdam ko ang totoong yakap ng asawang mahal ko. "Hindi pwede. You cannot leave me, Fely." Kung ayaw niya akong umalis, bakit siya ganyan? Bakit niya ako hinahayaang masaktan? In fact, siya pa nga ang nanakit sa akin. "I can't. . . I can't do all these without you. Kung wala ka. . ." Hinuhuli niya ang mga tingin ko pero nanatiling nakapako ang tingin ko sa babaeng rinig ang lahat ng pinag-uusapan namin ng asawa. There is something in her that I can't even figure out. Gusto kong magalit sakanya pero hindi ko magawa. Malaki ang hinala kong hindi niya rin ito ginusto. Na nasasaktan din siya sa nangyayari. Siguro dahil babae rin ako. Natural na iyon sa mga kababaihan diba? Iyong may sense of empathy tayo sa kapwa natin babae. "Kung wala ka, hindi ko alam kung paano ako magiging masaya. You thought me how to be happy kaya paano kung wala ka?" Pinutol ko na ang mga tinging iyon. Gusto kong pagsisigawan ang sarili na "utang na loob, ngayon lang isipin mo naman ang sarili mo". Hinarap ko na ngayon si Cornell na may blankong mata. Blanko iyon dahil sa napakarami kong nararamdaman, wala ng ma-project na maayos ang mga mata ko. Parang kulay. . . Kapag nagkahalo-halo ang mga ito, itim ang kalalabasan. "If I am making you happy, why are you giving me pain? Cornell, kung ako pala ang dahilan, kung ako pala ang may gawa, ang may kakayahang pasayahin ka? Bakit mo ako sinasaktan?" I said that louder than I can. Gusto kong ipamukha sakanyang ako ang biktima at hindi siya. Why does he always have to play victim? Kung titingnan mo siya ngayon ay para siya iyong bidang inaapi sa isang teleserye. "Why?!" "Fely. . . Fely, please. Kapag nanganak na si Zeina, babalik na tayo sa dati. Kapag nandyan na ang baby, we'll be happy again. Hindi ba iyon naman talaga ang plano?" Napaatras ako sa sinabi niya. Rumagasa na naman tuloy sa utak ko ang kung ano-anomg espekulasyon. Sa isang iglap lang, parang nagrewind ang utak ko at pilit na naman siyang pinapasok. "Fely, can't you wait? Can't you wait for our child? Hindi mo na ba maaantay na mabuong muli ang pamilya natin?" I was caught off guard by his question. Hindi man nagpa-function ang bibig ko pero matindi naman ang galaw ng utak ko sa mga naiisip. Should I wait? Talaga bang pagkatapos ng lahat ng ito, pagkatapos ng siyam na buwan magiging okay na ang lahat? "Please, 'wag mo naman akong iwan. Stay with me–" "Cornell, nauna ka ng bumitaw. Matagal mo na akong iniwan." Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagpiyok ng boses. Anytime now, magigig taksil na naman ang luha ko at bubuhos na naman ito ng bubuhos sa harapan mismo ng lalaki. "But this is different. Fely, I am really asking you to stay. Ano pa bang gusto mong gawin ko? Lumuhod? Fely, luluhod ako. Just please, hear me out. Don't leave me," kalmado ang pagkakasabi niya. Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi ko na naman magawang makontrol ang sakit. Ang gusto ko lang naman ay ang hindi na masaktan. Ang sakit-sakit na. Sobra-sobra na iyong uuwi ako ng bahay na pagod lagi sa trabaho pagkatapos imbes na malambing kong asawa ang hahalik sa akin ay maaabutan ko ang dalawang naglalampungan. Akin 'yun, eh. Akin ang lalaki. Nangako kami ng pagmamahalan sa harap ng karamihan pero bakit sa isang iglap. . . bakit parang ako na ang naging kabit sa sitwasyon? Bakit biglang ako na ang nagsusumiksik? Bakit biglang ako na ang walang lugar at karapatan? Dahil hindi ko nagawang makasagot sa tanong ni Cornell, umakma na siyang luluhod. I guess, he's really serious with that. Akala ba niya mawawala ang sakit na naramdamn at nararamdaman ko sa pagluhod niya? Kahit magdamag at maghapon pa siyang lumuhod, hinding-hindi na mawawala ang sakit na idinulot nila sa akin. "Cornell!" I was snapped out of my reverie then I heard Zeina's voice. Ngayon niya pa lang nagawang magsalita. Nakaluhod na ngayon si Cornell sa harap ko at hindi niya pinansin ang babae. Deretso lang ang tingin nito sa akin na parang sobra akong kinukumbinsi. "Cornell, tumayo ka dyan! Ano ba?" Nang balingan ko ng tingin si Zeina, pumasok lang lahat sa isipan ko kung bakit mas nagagawang manatili ni Cornell sakanya. Bukod sa pisikal na kaanyuan na talagang gustong-gusto ng kahit sino sigurong lalaki ay napaka-firm pa nito kumilos. Kung hindi lang siguro kami nagkakilala sa ganitong sitwasyon ay baka hinangaan ko pa siya. I am a feminist. Kahit pa sa mga media cover ko doon ay palagi kong inuuna ang buhay, ang sitwasyon ng mga babaeng katulad ko. Well, female always break the expectations. Kayang gawin ng babae ang lahat, naniniwala ako riyan. Pero sa buhay ko, parang hirap na hirap din akong paniwalaan. Ang hirap makulong sa sitwasyong parang kwartong walang mga pinto o kahit pa bintana. "Felicity, please. . ." pagsusumamo pa ni Cornell na hindi ko na pinansin. "Sige na. Bumalik na kayo sa kwarto niyo Zeina." Nauna na akong umalis sa lugar. Napakainit pa rin ng katawan ko dahil sa pag-inom kaya mabilis kong ibinagsak ang sarili ko sa higaan. Kinaumagahan, labing-isang missed calls muna ang nagawa ni Tina bago ako gumising. Sa ika-labing dalawa ay doon ko lang iyon nasagot. "Nasaan ka na? Emergency meeting daw ito! Darating ang big boss para sa napakalaking announcement. It is a partnership sa isang sole proprietor! Way to Australia na 'to, Fely!" Ilang segundo pa ang binilang bago pumasok sa isip ko ang lahat. "Are you kidding me?" "f**k, no! Get your ass in here. Kapag mapili tayo, ibang bansa agad in two days!" Awtomatiko akong napatayo mula sa pagkakahiga. Everybody knows kung gaano ko kagusto ang magcover sa ibang bansa. Any country, any place. Gustong-gusto ko talaga malaman ang kultura at maipagmalaki iyon dito sa Pilipinas. "f**k! Ni hindi pa ako naliligo!" Humalakhak ang kaibigan ko sa kabilang linya. Samantalang hindi na ako magkandaugaga sa pag-aayos ng gamit pati na sarili. Alas-siete y media na. Sigurado akong alas otso, nakatapak na ang big boss sa opisina kaya kung hindi ako magkukumahog ay paniguradong wala na ang tsansa ko. "Then, goodbye, my dear friend!" Ibinaba nito ang tawag. Wala naman akong segundong sinayang. Nang matapos ako sa pagligo at pagbibihis ay nakita ko pa si Cornell at Zeina na naghahanda pa lang rin ng almusal. Dere-deretso akong lumabas ng pinto pero limang minuto na lang bago mag-alas otso. "Oh, no. Australia, you wait for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD