"Misis, dederetsahin ko na po kayo ha. . ." Mariing tiningnan ng doktora ang asawa ko bago tuluyang bumaling sa akin. Inabot nito ang mga kamay kong prenteng nakapatong lang sa tyan ko. Gustuhin ko man umupo at tapatan ang mga titig nila ay tila ba walang nagawa ang katawan ko. Nanatili akong nakahiga at labis na dinaramdam ang pananakit ng tyan.
Swerte pa kami at hindi pa kami binawian ng buhay sa sobrang lakas ng pag-araro namin sa isang ten-wheeler ng truck sa daan. Sa lakas ay halos dumausdos ang kabuuan ng kotseng sinsakyan namin dahilan para maipit kami ng asawa ko sa ilalim nito.
Nagtamo ng mga sugat sa buong katawan ang asawa ko. Swerte niya na lang at puro lang iyon galos at gasgas. Walang butong nabali sa aming dalawa. Wala ring internal bleeding o kung ano except na lang sa labis na pagdurugo ng p********e ko pati na ang pananakit ng tyan.
Tiningnan ko ang asawa kong seryosong-seryosong nakikinig sa doktor habang mahigpit na hawak ang mga kamay ko.
Hindi namin inasahan ang aksidenteng iyon pero nagkataong nagkaroon kami ng argumento sa loob ng sasakyan kaya hindi napansin ng asawa ko ang kasalubong na trak.
"Limang araw rin naming ginawa ang lahat para sa sitwasyon mo, Mrs. Carston pero hindi na talaga kinaya," deretsahang sabi ng doktor sakanya.
"Teka, ano ibig niyong sabihin?" Aligaga kong tiningnan ang asawa. He hung his head low. Hindi ko magawang mahuli ang mga tingin niya. This is one indication that he already know the truth.
"Fely, Doc, 'wag na po muna natin sigurong sabihin sa asawa ko." Madaling nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Kumaripas ng t***k ang puso ko. What does he mean by that? Ano bang sinasabi ng mga ito?
"Doc, you better tell me the truth. Sabihin mo kung anong problema!" Hindi ko pa man alam ang gustong sabihin ng doktorang kaharap, nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko. Tungkol ito sa aksidente, sigurado ako roon. How does that affect me? Okay naman ang pakiramdam ko bukod sa pagsakit ng nasa ibabang parte ng katawan ko.
"Nang magawa kayong isugod ng asawa mo rito sa ospital, napakarami nang dugo ang nawala sa'yo. Ang ibabang parte ng katawan mo ang napuruhan dito, Mrs. Carston. Ginawa ho namin ang lahat pero hindi na namin nagawang marecover ang dalawang obaryo ninyo dahil sa labis na pagdurugo. Nakitaan namin na posiblen itong maimpeksyon at pagmugaran pa ng cyst kaya agad kaming nagsagawa ng surgery na tinatawag na oophorectomy or the removal of both ovaries. With this, your menstrual periods will stop, you can no longer become pregnant, and estrogen and progesterone are no longer produced by your reproductive system." Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. I froze in my place. Ni hindi ko nagawang matingnan ang asawa kong mahigpit lang ang pagkakakapit sa akin.
Maglilimang taon na kaming kasal ni Cornell. Limang taon pa lang iyon pero parang napakarami na naming napagdaanan. Sa pangalawang taon namin noon, nalaman kong nagdadalang-tao ako. Alam ng Diyos kung paano namin ginawa ang lahat para maalagaan ang bata pero hindi pa man namin siya nahahawakaan ay tuluyan na siyang nawala.
Ang anak na inaasahan namin pagkatapos ang siyam na buwan ay parang bulang nawala nang dumating ito sa limang buwan sa tyan ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Para akong mababaliw kakaiyak sa buhay na hindi ko naman nakasama at nayakap.
Ilang taon ang nakalipas, takot pa rin akong masundan namin ang anak na pumanaw. Natatakot akong baka ganoon muli ang mangyari rito dahil hinding-hindi ko na iyon kakayanin.
Pero sa ika-limang taon, sa taong balak na naming magplano ulit tungkol sa pagbubuntis ko ay ganito ang bubungad sa amin.
This is not happening. Hindi ako naniniwala. Wala akong problema. Nagawa kong maka-survive sa aksidenteng iyon kaya sigurado rin akong normal ako at walang iindahing sakit.
Hindi ko na halos nasundan ang sarili ko. Naramdaman ko na lang ang mga braso ng asawa kong pinipigilan ako sa pagwawala sa sariling lugar.
Hindi ko kakayaning matanggap.
Marami pa kaming pangarap. Iilan pa ang binibilang naming magiging anak. Hindi iyon matutuldukan ng aksidenteng hindi namin inasahaan.
"Felicity, listen to me. We will get through this. Kasama mo ako. . . kasama mo lang ako."
Iyon ang pinanghawakan ko sa mga sumunod pang araw maging noong tuluyan na kaming nakauwi mula sa ospital. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong ayos lang ang lahat pero hindi ko mapigilan ang milyon-milyong punyal na tumuturok sa akin tuwing nakikita kong labis ding naaapektuhan ang asawa ko.
I know that he's looking forward sa maliliit na Felicity at Cornell na naglalaro at nagtatakbuhan sa paligid ng malaking bahay. Alam kong inaasahan niya rin ang mga yakap at halik ng isang anak. . . ng anak na hindi ko na magagawang maibigay sakanya.
We were the happiest couple that everyone knows. Para raw kaming asukal sa sobrang tamis kahit tumatagal na. . . pero talaga pa lang nagbabago ang lahat tuwing may kulang, kapag may hindi ka kayang maibigay.
Isang gabi, nilakasan ko ang loob ko. Nanginginig man ang mga kamay ay inakyat ko ang opisina ng asawa sa bahay. Alam kong marami pa siyang ginagawa pero hindi ko na sinayang ang pagkakataon.
He deserves to be happy as well. Deserve niya ring makuha kung ano man ang gustuhin niya at isa na ang mga anak sa bagay na iyon. Kaonting sakripisyo lang siguro ang gagawin ko para sa lahat ng naging sakripisyo ng lalaki sa akin, hindi ba?
"Fely? What is it, sweetie? May masakit ka ba?" Umiling lang ako saka pinilit na lapitan ang lalaki sa mesa nito. Patagal nang patagal ay dumidiin ang tingin nito sa akin at nag-aalala. "Fely?"
"Nakapagdesisyon na ako, Nell." Seryoso kong tiningnan ang mga mata niya, iniisio kong doon pa lang ay makukumbinsi ko na ang asawa.
"Desisyon? Saan? Fely, wala naman tayong pinag-usapan–"
"A surrogate mother. . ." Mabilis na naitikom ni Cornell ang bibig niya ma sinundan ng marahas na pag-iling. "We'll get a surrogate mother. . . sa ganon ay magkakaroon din tayo ng anak."