Nang magawang lumabas ni Cornell sa kwarto ay agad kong hinarap ang doktor. Hindi ko magawang maintindihan ang sarili ko kanina pa pero pagkagising ay parang mas naging desperada akong makapaghanap agad ng babaeng kakayanin ang pagbubuntis. "Who is it? Sino ang kilala mong pwedeng maging surrogate mother? Baka pwede na natin siyang makausap–"
"Me," deretsahang sabi ng doktor na kaharap ko. Segundo rin ang binilang bago natanggap ng utak ko ang sinabi niya.
"I can be the surrogate mother. I am professional. I can promise you that I know the measures and such. I know the rules. After nine months, after I give birth, sainyo ang bata at aalis ako sa eksena." Masarap sa taingang marinig ang mga iyon. Kating-kati akong sabihing sang-ayon na ako pero biglang may punyal na bumalik sa dibdib ko. This is it. Ito na ang sinasabi nilang sacrifice. Eto na iyong parte na parang onti-unti kong papatayin ang sarili ko.
"Can. . . Can I call my husband?" Bumalik muli ang pananakip ng ulo ko at pagkahilo. Pilit kong inaalala ang babae. Nagawa ko na siyang makita alam ko at hindi iyon noong pagkatapos ng aksidente. Dumako ang paningin ko sa suot nitong relo; even that watch seems so familiar pero hindi ko magawang halukayin sa isip ko kung saan ko marahil nakita ang bagay na iyon.
I am so down today. Hindi naman ako iyong taong sakitin pero napakarami kong nararamdaman ngayong araw.
Nagtungo ito sa pinto, marahang binukas at tinawag ang asawa ko para pumasok at sabay na lumapit sa akin. Nang subukan kong tumayo mula sa kinauupuan ay tuluyan akong nabuwal at bumagsak sa sahig. Hindi talaga biro ang nararamdaman kong hilo. . . parang may mali. Parang may hindi tama.
"So, what's your decision?" tanong muli ng doktora bago binalingan ang asawa ko.
Ganoon rin ang ginawa ko. Madiin ko ring tiningnan ang asawa. Hindi ko na kailangang magtanong para malaman ang sagot niya.
"Doc. Zeina, ikaw?"
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng damit ko. Sa napakaraming pagkakataong nagpumilit ako at humindi ang asawa ko sa akin ay pilit kong hinihiling ngayon na sana hindi siya pumayag. Masakit sa dibdib.
Hindi ba ako naman ang may gusto nito? Hindi ba ako ang nagpumilit?
Bakit gustong-gusto ko na umatras ngayon?
Tuwing pagmamasdan ko ang dalawa, hindi ko mapigilang isipin na talagang makabubuo sila ng masayang pamilya. Sa tindig ng mga ito ay siguradong bagay na bagay sila. Maaari silang makagawa ng malaki at napakasayang pamilya.
Paano kapag nangyari iyon? Saan ako pupulutin?
Tiningnan kong muli ang asawa ko — sa huling pagkakataon bago siya magdesisyon.
Please. . . Cornell, 'wag ka ulit pumayag. Tanggihan mo ulit ang alok ko sa pagkakataong ito.
Wala akong narinig na sagot mula sa doktora pero kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng blusa ng babae sa sahig. Sa isang iglap lang ay tumambad na sa asawa ko ang malulusog nitong dibdib.
Binalingan ako ni Cornell. His eyes were full of desire but. . . it is not me who he wants.
"Cornell. . ." mahihina kong tawag. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong magwala at pigilan siya nang makita kong onti-onting dumadaan ang dila niya sa dibdib na iyon, sumisirko ito. Umiikot-ikot. Hindi na kailangang mag-antay pa ng babae dahil sa ilang segundo lang ay nasa sahig na ang suot nitong bra at madiin na ang pagsipsip ng asawa ko sa dalawang bundok na parang uhaw na bata.
Hindi agad umikot sa isip ko ang nangyayari. Gusto kong paniwalaang panaginip ang lahat lalo na noong sabay-sabay na nagsisibalikan sa isip ko ang mga alaalang kanina ko pa gustong matandaan.
Ang relo, ang mga ungol at halinghing kong narinig na mula sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon.
Ang pagsugod ko sa condo na ito, ang mga sinabi ko sa doctor. . . ang mukha ni Cornell nang makita niya ako, pati na ang tuluyan kong pagkawala sa sariling malay.
Hindi totoong magkasama kami ni Cornell nang nahimatay ako dahil kasama niya ang babaeng 'yan. Hindi totoong nag-aalala sa sakin dahil habang inuubos ko ang sarili ko sa pag-iyak ay nagkukumahog naman ang asawa kong magapang ang babaeng pinapantasya niya.
"Cornell, tigilan mo 'yan."
Nang magawa kong maalala ang lahat ng nakaligtaan kani-kanina lang ay mas lalong tumodo ang sakit. Nahuli ko na sila pero niloko lang nila akong muli.
Napakalakas na daing ang lumabas sa doktora habang nababaliw ang asawa ko sa pagsamba sa p********e nito.
Ganoon pala iyon, ano? Kahit gaano ka pa katapang, kahit gaano ka pa kalakas kung nasa harap mo ang milyon-milyong punyal na segu-segundo ay tumutusok sa'yo ay parang mas gugustuhin mo na lang pumikit — namnamin ang sakit.
Hindi mo na magagawang gumalaw, sumigaw, magwala katulad ng paulit-ulit kong pinaplano.
Pero ang mas malala sa lahat ng iyon? Iyong nagawa mo nang makita ang lahat pero pinipili mo pa ring kumapit. Pinipili mo pa ring kapitan ang mga salita kahit hindi ko naman alam kung may katotoohanan o kung kaya ba iyong mapanindigan.
Sa sumunod na mga minuto, hindi ko na nasundan ang sarili ko. Para bang matagal nang huminto ang isip ko at tuluyang gumalaw ang katawan ko. Pilit akong nagwawala, pilit akong magmamakaawang tumigil na sila. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ng asawa ko, umaasang babalik siya rito ay patatahanin ako, pupunasin ang mga luha ko katulad ng paulit-ulit niyang ginagawa — pero hindi.
Wala akong ibang natanggap.
Wala akong ibang nakuha.
Na habang ipinapanalangin kong mahimatay ulit para tuluyang makatakas sa nakikita, na habang iniaalis ko sa isipan ko ang kababuyang ginagawa ng asawa — habang pinipilit ko ang sarili kong maniwalang panaginip lang ang lahat at kahit kailan hindi magagawa sa akin ni Cornell ito, katulad ng pinangako niya ay siya namang pagpikit ni Cornell sa mga pagmamakaawa ko. . . ang siyang pagpilit niya at pagtingala dahil sa sarap.
Nang ikinasal kami — nangako nang pagmamahalang walang hanggan sa harap ng mga kaibigan, pamilya at lalong-lalo na sa Diyos, wala kaming mas kasing saya. Taon na ang dumaan pero hindi pa rin kami makapaniwala noon na nagawa naming matupad ang mga pangarap ng magkasama.
Kaya hindi ko alam kung paanong. . . paanong umabot sa ganito? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali at saan ako pwedeng magsimulang muli?
"Cornell, tama na!"
"Ilayo niyo ako rito. Tama na!"
Akala ko iyong hindi ka mahalin ng taong mahal mo na ang pinakamasakit. Akala ko 'yung kapag sineen ka ng taong gustong-gusto mong makausap ang magpapakirot ng puso mo. . . hindi pala.
Mayroon pa palang mas sasakit pa sa nalaman kong mayroon na siyang iba.
Wala nang mas sasakit pa sa nakikita ng dalawa kong mata.
Ilang minuto lang ay nilapitan akong muli ng doktor. Kitang-kita ko ang pawis na namamalisibis sa kurba ng katawan nito. Gusto ko siyang sabunutan. Gusto ko siyang saktan katulad ng pananakit nito sa akin ngayon pero hindi ko na nagawa lalo na noong madiin ako nitong sinaksak ng hawak niyang syringe.