Hindi magkamayaw ang ulo ko sa pagsakit. Ramdam na ramdam ko rin ang labis na init ng katawan ko. Nang magawa kong imulat ang mga mata ay bumungad sa akin ang napakalinis na kwarto. Ang puting pintura nito ang mas nagpapaliwanag pa roon. May iilan ding paintings na dingding pati na halaman. Puti at itim ang theme ng lugar.
Nanlalaki ang mga mata ko nang naisipan kong umupo. Para ngang binibiyak ang ulo ko sa sakit. It was as if someone had blew my head off.
Nasa ibang lugar ako. Hindi ko magawang maalala ang nangyari pero malinaw na hindi ito ang kwarto naming mag-asawa.
Gusto kong mag-isip at alalahanin ang nauna pang mga nangyari pero hindi ko alam. Parang hindi ko alam kung saan ako magsisimulang mag-isip.
"Honey!" Mabilis na pumasok si Cornell sa kwartong iyon, hindi pa halos ito nakakapagbihis dahil suot suot na ito ang formal attire sa trabaho. "Okay ka lang ba?"
Naguguluhan man, pinilit kong tumango. Sumunod namang pumasok ang isang babae. . . siya iyong doktor ko sa ospital pagkatapos ng aksidente. "Nasaan tayo? Bakit may doktor?"
Imbes na sagutin ni Cornell ay mismong iyong babae na muna ang nagtungo sa akin. Inilebel nito ang mukha sa akin at saka ngumiti. "Misis, dinala ka rito ng asawa mo dahil nahimatay ka raw. It was about three hours ago. Naaalala mo ba? Nasa apartment ko kayo. Nang tawagan kasi ako ni Cornell, malaman kong malapit lang ang lugar nito rito kaya dito ko na kayo pinaderetso," malambing niyang sabi.
Hinalukay ko ang isip. Pilit kong iniiisip ang mga naunang nangyari ngayong araw pero tinapatan lang iyon ng pananakit ng ulo ko. Wala. . . hindi ko magawang maalala.
"Wala po, eh." magalang kong sagot. Pagkatapos ay bumaling akong muli sa asawa, ang nag-aalalang mukha nito ang humarao sa akin. "May masakit ka ba, hon? Ano bang nararamdaman mo?"
"Are you being that stress lately? Posibleng kasing fatigue ang dahilan nyan. Wala namang ibang problema sa'yo."
Parang bumbilyang biglang umilaw ang alaalang iyon sa akin. The woman. . . iyong pinuntahan namin ni Tina noong isang araw. Nahimatay ito dahil sa fatigue at kalaunang nalamang buntis.
"Buntis po ba ako?" Wala sa sarili kong tanong. Ibang-iba kasi ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako makaisip ng deretsahan at hindi ko rin magawang maikilos ang katawan ko nang maayos.
Hindi ako sinagot ng doktor at alam ko na rin ang ibig sabihin no'n. Of course, hindi ako buntis. Ilang beses pa ba dapat ipangalandakan ang bagay na iyon sa harapan ko.
"Ibinigay ko na kay Mr. Carston ang mga kakailanganin mong vitamins pati na mga gamot para hindi na 'to maulit. Malinaw ba 'yun, Felicity?"
Pakiramdam ko ay napakahaba ng sinabi niya dahil ni isa ay wala akong naintindihan. Pakiramdam ko, iniisa-isa ng utak ko ang bawat salita. Hindi ko masundan. . . hindi ko magawang maintindihan.
"Stress talaga ang dahilan nito, Doc. These past few days, hindi ko na siya mapigilang tigilan ang pag-iisip tungkol sa surrogate mother–"
"Surrogate mother. . ." Pumasok na naman sa akin ang dapat ko sanang ginagawa. Dapat kasama ko ngayon si Tina at naghahanap kami ng babaeng papayag sa ganoong sistema. "Ka. . . Kailangan naming makahanap ng surrogate mother, Doc. We. . . We will make it. . . possible."
Mariin akong nilapitan ni Cornell. Hinarap niya ako at seryosong tiningnan. Hindi ko na makontrol ang sobrang pananakit ng ulo at pagkahilo. Hindi ko mapirmi ang paningin. "Fely, okay ka lang ba? Bakit ganyan ka magsalita? Is your breathing okay?" Agad-agad nitong hinarap ang doktor. "Doc, okay lang ba ang asawa ko?"
Dumagsa sa utak ko ang mga iniisip noong mga nakaraang araw. Ang sakripisyong gagawin, ang paghahanap ng isang surrogate mother, kung gaano ko kailangang suklian ang asawa sa lahat ng ginagawa nito para sakin.
"Surrogate mother. . . kailangan nating maghanap ng surrogate mother. Gusto kong bumawi sa'yo, Cornell. Magkakaroon tayo ng anak and I want to make you happy. Maghahanap tayo, okay? I. . . I'm really sorry that I can't bare you a child." Doon na ako nagsimulang humagulgol. And I must tell you, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko magawang ma-sort out ang emosyon ko ngayon.
May mga emosyon akong nararamdam na hindi ko alam kung dapat kong maramdaman. Hindi ko magawang makontrol ang isip ko sa kung ano ang dapat nitong maisip. Parang kusa at malaya lang itong pumapasok.
Napahawak ako sa ulo dahil sa labis na pananakit. Hindi ko maalala ang nangyari kaninang umaga. Hindi ko maalalang sabay kaming umalis ni Cornell sa bahay para pumasok. Hindi ko maalalang nahimatay ako!
What's wrong with me?
Ramdam na ramdam ko ang mainit na bisig ng asawa. Pilit nitong hinahaplos-haplos ang likod ko at pinapakalma ako.
Ang doktor naman ay prente lang na nakatingin sa aming dalawa. Nag-aantay.
Hindi ko na kailangang tutulan pa ang isip dahil alam kong may mali. Alam kong may hindi tama at hindi dapat ito ang nangyayari.
Hindi ko lang mahanap sa isipan ko kung ano.
"Fely naman. . ." Halos pabulong na lang iyong nasabi ni Cornell. "Sabi ko naman sa'yo, hindi ko 'yan gagawin? Hindi ko kakayaning may ibang babae akong kasama sa kama. Alam mo kung anong gusto ko, hon."
Mas lalo akong humagulgol. Gusto kong makaramdam ng hiya para sa doktorang nakatitig lang sa amin pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Hindi . . . I knew it. Alam kong gusto mong magkaroon ng anak. I should've provided you a child kung hindi lang ako nagkaproblema! Dapat hindi ako nagkaproblema!" Sumobra naman ngayon ang pagwawala at panginginig ng kamay ko dahilan para matigilan ang asawa ko at tuluyang magpanic.
Madali siyang pinalabas ng doktor sa kwarto at pinakuha ang isa raw umano sa mga gamot ko. I need to calm down.
Gustong-gusto ko ring kumalma pero parang hindi na ako ang naghahari sa katawan ko ngayon. Para bang hindi na ito sumusunod sa akin at tuwing pipilitin ko naman ay pananakitan lang ako ng ulo.
"Here, you drink this. Mapapadalas ang breakdowns kaya dapat palagi mo itong bitbit, Felicity."
Ilang minuto lang matapos kong makainom ay ramdam ko ang pagkalma ng sarili ko. Maging sila ay napansin din iyon. Kitang-kita ko ang pagngiti ng asawa sa akin bago ako harapin muli ng babae. "Gusto mo ba talagang bigyan ng anak ang asawa mo? Well, may kilala akong kayang-kaya gawin 'yun."
Agad na nagliwanag ng mukha ko, "May kilala kang pwedeng maging surrogate mother?"
Marahan itong tumango at humalakhak," You can say that."
Binalingan nito si Cornell sandali bago ibinalik ang tingin sa akin, "We should talk."