"Sinasabi ko naman kasi sa'yo, Fely. 'Wag ka kasing nagpapakapagod sa trabaho," marahan ang pagsasalita ni Cornell habang pilit nutong pinupunasan ng bimpo ang noo ko pati na ang mga braso.
Sumabay pa kasi sa sakit ng puso ako ang init ng katawan — literal — dahil nilalagnat ako ngayon.
"Pwede ka naman na ngang hindi magtrabaho. I can provide anything you need," dagdag niya pa. Gustuhin ko man maniwala, para na lang iyong hangin na pumapasok sa kaliwang tainga ko na mabilis ding lumalabas sa kanan.
Pagmulat ko nang mga mata, ilang beses kong hiniling na sana panaginip lang ang lahat pero bumungad naman sakin ang namumulabg kung ano sa maliit na parte ng leeg ng asawa.
Talagang nag-iwan pa talaga ang babaeng iyon ng ebidensya sa asawa ko. Hindi na nahiya.
"Hindi pa rin bumababa ang lagnat mo. Saan ba kasi kayo nagpunta ni Tina kahapon? Did you drink?" Dahan-dahan akong umiling. Alam na kasi nitong tuwing iinom ako ay lagnat ang aabutin ko kinaumagahan.
"Hindi ka papasok sa opisina ngayon. Tatawag ako ng doktor to check you." Madaling nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng asawa dahilan para tuluyan akong mapatayo mula sa kinahihigaan. Mabilis niya akong inalalayan pero tinabig ko lang rin ang mga kamay niya.
Bumalik ang tune-toneladang pandidiring nararamdaman ko sakanila ng kabit niya!
"Ako na ang magpupunta sa doktor. Kaya ko ang sarili ko," malaming kong sabi saka dumeretso sa banyo na siyang madali ko ring isinarado.
"Fely, ano bang problema? May masakit ba sa'yo? Get out of there, please?"
Gusto kong tumawa nang tumawa hindi dahil sa masaya ako kundi dahil iyon lang ang kaya kong gawin ngayon — ang tawanan ang sarili ko.
"Anong oras ka uuwi, honey?" Sa ganoon lang, madaling nagbago ang timbre ng boses ko. Mula sa lagiging malamig naging malambing at natural kong boses iyon. Rinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Cornell sa labas bago magsalita, "I'll be home at 8pm."
Halos magwala ako sa loob ng banyong iyon dahil sa nagsinungaling na naman siya.
Nagawa kong gumising noong madaling-araw at wala na sa tabi ko si Cornell. Hindi ko na siya hinanap. Sa halip ay ginawa kong tawagan ang sekretarya nito. Mariin kong tinanong kung ano ang schedule ng boss niya ngayon at malinaw na sinabi nitong kinancel umano ni Cornell ang lahat ng gawa niya dahil hindi ito papasok.
Pero pagkagising ko ay bihis na bihis na siya para magtrabaho.
Then, I remembered how he promise to that girl. Pupuntahan nga pala siya ni Cornell ngayon sa bahay nito.
"Hon, pwede bang 'wag ka na muna pumasok? I think I need you," sabi ko sa nangungumbinsing boses pero hindi iyon ang pinaplano ko. Alam kong maiipit siya sa sitwasyon at magagawa niyang pumili kung ang babaeng iyon o ang asawa niyang may dinaramdam na sakit.
Sandaling natahimik sa labas ng banyo kaya pilit kong pinakiramdaman iyon. Walang may alam kung ano na marahil ang ginagawa ng asawa ko.
Hindi nagtagal nang magsalita na siya, "Hon, I'm really sorry. Maimpluwensyang businessman ang ka-meeting namin ngayon, eh. Hindi pwedeng wala ako. But I promise to be here as early as possible." Bahagya siyang nagulat nang magbukas ang pinto ng banyo at lumabas ako.
Malalaki ang ngiti ko noong hinarap ko siya. I am so done with these shits. Alam niyang ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong pinagsisinungalingan. "Okay, hon. Be safe."
Pagkaalis na pagkaalis ni Cornell ay pinilit kong mag-isip ng tama pero maniwala kayo, n isang tuwid na paraan ay walang pumasok sa utak ko.
Wala akong ibang naiisip kundi ang panlolokong ginawa sa akin ni Cornell. The man I adore the most. Iyong lalaking perpektong-perpekto sa paningin ko.
Naubos ko ang buong umaga sa paghagulgol at pagwawala. Sa mga unang minuto, inisip ko na sinasayang ko lang ang oras ko sa pag-iyak sa isang taong nanggagago sakin pero sa huli, naalala kong makakabuti rin iyon — ubusin ang luha hanggang sa wala ng ibang matira sa akin kundi ang galit.
Tanghaling tapat nang mapili kong lumabas sa bahay dala ang samu't sari kong mga plano. Hindi ko na ginawang istorbohin ang kaibigan kong si Tina. Base sa mga mensahe niya kaninang umaga, mukhang nagawa na ni Cornell i-inform ang opisina tungkol sa pagliban ko sa trabaho.
Nang makahanap ng taxi ay mabilis ko itong pinara at sumakay. Hindi ko na kinuha iyong sasakyan para hindi halata ang pag-alis.
Bibisita lang naman ako ngayon sa doktor. Tama, wala nang iba.
Alas dos y media nang marating ko ang lugar. Pinipilit kong kalimutan ang pananakip ng dibdib pero hindi ko magawa.
Cornell, paano mo magawang paniwalain akong napakaswerte kong napangasawa kita?
Limang taon pa lang ang pinagdaanan namin pero sinurpresa niya na ako sa pangmalakasang sakit.
Wala na akong nararamdamang takot ngayon. Gusto kong lumaban pero bukod sa panghihina ng tuhod ay tuloy-tuloy ang maliliit na punyal sa pagbaon sa puso ko. It was horrifying. Ilang beses ko nang napanood ang ganitong eksena sa pelikula pero hindi ko alam kung paano nakakaya ng mga babaeng lokohin sila ng mga asawa nila. The same person who promises the world to them. Iyong taong binusog sila ng mga pangako.
I can still vividly remember how he told me that he can't live without me. Hindi raw nito kayang makita akong umiiyak at nasasaktan. Hindi niya raw kayang lokohin at pagsinungalingan ako.
Imbes na halakhak ang lumabas sa bibig ko ay naunang rumagasa ang mga luha sa aking pisngi.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawamg tuluyang ipasok sa isip ang nangyayari.
Nang matanaw ang pintong may numerong 257 ay mabilisan kong pinunas ang mga luhang tumabing sa mukha ko. Sinugurado kong magmumukha akong malakas at palaban sa harap nila — kahit ilang minuto lang.
Kahit ilang minuto lang, Felicity.
Tuwid ang tingin ko namg nagpakawala ako ng tatlong malalakas na katok sa pintuan. I'm losing my s**t now. Hindi ko magawang mapigilan ang panginginig ng mga kamay.
"Sino–"
Hindi na nito natapos pa ang sinasabi. Tinutop niya ang bibig at sinubukan ako nitong nginitian.
Ilang minuto pa, Felicity. I know you can do this, bulong ng mahihinang boses sa ulo ko.
"Hello, Doktora. Long time no see–" Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Ni hindi man lang ito nakapag-ayos ng suot. Sa pagmamadali ay baliktad pa ang pagkakaayos niya ng suot na sleeveless. "Or maybe I should've saw you last night kaya lang hindi ako tumuloy. Parang hindi ko kasi kayang makitang tumitirik ang mga mata mo dahil sa asawa ko."
Bumalatay ang gulat sa mukha ng doktora. Yes, she's the same doctor who told me that I can't be pregnant. Labis na nagbunyi siguro ang matres niya sa balitang iyon.
"Anyways, you left this luxurious watch in my house. Manang-mana sa may-ari, nangangapit-bahay." Ginamit ko ang natitira kong lakas para idukdok ang relong iyon sa dibdib ng babaeng kaharap bago kami makarinig ng ingay mula sa loob na dahilan ng pagkahulog ng bagay.
Sabay kaming napalingon. Malinaw na malinaw at kitang-kita ko mula sa dalawang mata ko ang magkahalong takot at gulat sa mga mata ng asawa.
Asawang itinuring kong perpektong-perpekto. Asawang nagawang ipangako sa akin ang mundo.